Chapter 13
Chapter 13
Level One: The Interview
***
Lunch na kaya nandito na kami ni Selin sa cafeteria. Nakakuha na rin kami ng kanya-kanyang pagkain. Dahil kabado ako, hindi ako mapakali kaya isang tinapay na may jam lang ang kakainin ko ngayon. Ganito talaga ako kapag kinakabahan, parang hindi nagugutom.
"Nadine," pagtawag sa akin ni Selin na katabi ko rito sa round table. "Iyan lang talaga ang kakainin mo?"
"Ah, oo. Kinabahan na kasi ako." Ngumiti na lamang ako sa harap ni Selin. Tumango na lang siya at hindi na nagtanong pa. Sinimulan na rin niya ang pagkain niya ng tanghalian.
Nakatitig lang ako sa tinapay na nasa platito. Unang level pa lamang 'to pero sasabog na ang puso ko. Paano kung makapasa ako rito at maabot 'yong kinakatakutan kong level four?
Nanghihina ang aking katawan at nanginginig ang aking kalamnan. Abnormal na rin ang aking paghinga at kung ano-ano ang tumatakbo sa aking isipan.
Mariin kong ipinikit ang aking talukap at nadama ko ang bigat nito habang banayad na humihinga.
Dahan-dahan din ang pagbuka ng aking palad sa ibabaw ng mesa na ito.
Sinusubukan kong pakalmahin ang aking sarili para maging handa ako sa interview.
Bakit pa kasi out 250 trainess, pang-249 ako sa list ng i-interview-hin? Ang pangit ng pagroleta nila, ha. Hindi ko gusto. Buong araw akong kabado nito, eh.
Nagulat na lang ako kaya naimulat ko ang aking mata nang may humampas sa round table kung saan ako nakapuwesto.
Nang makita ko kung sino iyon, otomatikong nawala ang aking kaba pero inis naman ang nangibabaw. Nandyan na naman si Ermino Demonyo.
"Kumusta na kayo?" tanong niya. May dala-dala siyang isang plato sa kanyang kamay at inilapag iyon sa table namin. "Dito na ako kakain, ha."
"Wala ka bang kaibigan dito?" taas-kilay kong tanong.
"Ba't ang sungit mo sa akin?"
"Nalilimutan mo na yatang—"
Biglang nanlaki ang kanyang mga mata at umangat ang isa niyang kamay. Inilapit pa niya sa kanyang bibig ang kanyang hintuturo senyales para patahimikin ako.
Nauunawaan ko na ang kanyang ipinapahiwatig. Katabi ko nga pala si Selin ngayon at kapag malaman niyang naligo ako ng wala sa oras dahil sa kapangyarihan nitong si Jens, baka magtaka ito.
Naikwento ko nga pala kanina sa kanya, noong bumalik ako sa dorm namin, ang nangyari sa akin. Hindi naman siya nagtanong kung ano'ng nangyari sa akin dahil hindi naman palasalita itong si Selin (depende na lang sa sitwasyon). Pero ako, bilang medyo paranoid, ikinwento ko na lang na nalaglag ako sa fountain dahil tatanga-tanga akong naglakad.
Umubo-ubo na lang si Jens sa harap ko at siningkitan ako ng tingin.
"Mabulunan ka sana sa kakainin mo," paghihimutok ko. Napabuga pa ako ng isang hindi kaaya-ayang hangin mula sa aking ilong.
Dinakma ko na lang ang sandwich ko mula sa platito. Bumubungisngis pa itong demonyong 'to habang pinapanood akong nguyain ang pagkain ko.
"Kumusta pala 'yong interview mo?" singit na tanong ni Selin.
Oo nga pala. Nakalimutan kong tapos na pala sa interview si Jens.
"Madali lang naman. Gusto n'yo ba malaman kung ano 'yong mga tinanong sa 'kin?" nagtaas-baba ang kanyang kilay pagkatapos sabihin iyon. Parang may higad tuloy na gumapang sa itaas ng mata niya.
"Yes," walang alanganing tugon ni Selin. Inihinto n'ya na rin ang kanyang pagkain. "Gusto ko malaman."
"What about Binibining Gold? Dapat gusto niya rin." Nag-puppy eyes pa sa harap ko ang demonyo.
"Binibining Gold?" Bakas sa boses ni Selin ang pagkataka. "I smell some—"
"Wala!" Agad kong pinutol ang anumang sasabihin ni Selin. Ibinaling ko ang aking mata kay Jens. "Oo na. Gusto ko na rin."
"Ayun naman pala!" Tila naka-jackpot itong si Jens dahil nakakuyom ang kanyang palad at hinila ito sa ere.
Nagsimula na siyang magkuwento tungkol sa karanasan niya sa loob ng interview room. Malaki ang tsansang iba-iba ang bilang ng interviewers dahil iba-iba ang bawat room na naka-assign sa amin.
May tatlong interviewers ang nasa assigned room ni Jens. Tinanong siya tungkol sa kanyang background at naging totoo siya roon. Hindi naman niya ikinuwento ang detalye niyon dahil hindi alam ni Selin na isang Half itong demonyong nagkukuwento ngayon sa amin.
Matapos ang tanong tungkol sa background, tinanong siya ng mga bagay-bagay kung bakit gusto niya maging representative ng Taguig para sa MMSR. At pagkatapos naman niyon, tinanong naman siya kung bibigyan siya ng pagkakataong bigyan ng kapangyarihan upang mabawasan ang bilang ng tao sa mundo, ano iyon? Hindi na niya sinabi kung ano ang kanyang isinagot dahil baka makuha pa namin ang ideya niya.
Pangkalahatan, naging maayos lang naman daw ang daloy ng pag-i-interview sa kanya. Wala siyang naramdamang kaba sa harap ng mga interviewers. Sana ako rin.
Matapos niyang magbigay impormasyon, nagsimula na rin kaming ubusin at lantakin ang aming mga pagkain ngayong tanghalian.
***
Mabilis ang pag-andar ng orasan at natapos na rin si Selin. Tinanong ko kung ano ang mga binatong tanong sa kanya ng mga interviewers at ganoon din daw iyon sa mga binigay na impormasyon ni Jens sa cafeteria.
Nakasubsob ako ngayon dito sa aking unan dahil ang pagkabog ng aking puso ay lalong bumibilis at hindi na mapigilan.
"Huwag ka lang kabahan, Nadine," sabi pa ni Selin kaya napatingtin ako sa kanya. Inihiga na niya ang kanyang sarili sa kanyang kama at nagsimulang magdutdot sa kanyang cellphone.
Mababait naman daw ang mga interviewers at lagi silang nakangiti. Accommodating and understanding. Sana nga lang 'yong mga naka-assign sa akin ay ganoon nga ang ugali.
Dahil hindi ako mapakali buong araw, hindi ko na rin talaga namalayan ang takbo ng oras. Tubig lang ang aking naging hapunan. Gustuhin ko mang lumabas at pumuntang cafeteria, hindi rin ako makakapili ng mga masasarap na pagkain.
Gusto pang tawagin ni Jens at hanapin sa cafeteria kung nando'n ba para papuntahin dito.
Aanhin ko ang lalaking 'yon? Hindi naman niya mapapawala ang kaba ko. Wala ring utak 'yong Selin na 'yon eh.
Dumating na ang oras ng aking interview at nasa tapat na ako ng pintuan ng aking roomNagbukas ito mag-isa at may mga upuan at mesa para sa level two ng training camp, ang examination. Gaya ng sabi sa akin ni Yemra noon, ang mga interviewers ay nasa loob ng mga cubicle na matatagpuan sa dulo ng room na ito.
Inihakbang ko na ang aking mga paa at may pawis na ring namumuo sa aking noo. Nanunubig na rin ang aking palad kaya mabilis ko itong pinahid sa aking pantalon.
Parang wala nga rin akong marinig.
Hinga lamang ako nang hinga hanggang sa nasulyapan ko na ang loob ng cubicle.
May tatlo ngang interviewers doon at may mga papel sa kanilang harapan. Nang makita ako ng isang interviewer, agad niyang inihayag ang kanyang kamay para patuluyin ako sa loob.
"Good evening, Ms. Guinto," bati pa nito. Maputi at matangos ang kanyang ilong. May lahi yata ang lalaking ito dahil mukha siyang Western.
Sa tabi naman niya ay isang matandang babae na kulay puti na ang buhok. Sa tabi naman ng babae ay isa namang dalagita na nakapusod ang buhok.
"Good evening din po," magalang kong tugon.
"You are really nervous, huh?" tanong naman ng matandang babae. Medyo nangiginig ang kanyang boses. Mukhang siya yata ang kabado at hindi ako. Well, halata namang matanda na siya kaya ngatal talaga ang boses niya.
"Uhm, m-medyo po."
"Don't be nervous. We are actually here to help you," sabi pa nito.
"So let's start na po para makapag-dinner na po tayong lahat," sabi naman ng dalagitang nakapusod.
Nagsitanguan naman sila at binabasa na ang aking application form.
Unang nagsalita ay 'yong lalaki.
"Describe yourself."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top