Chapter 11
Chapter 11
Announcement
***
Nagtipon-tipon kami rito sa conference room at naghanap ng bakanteng table para doon kami pumwesto ni Selin. Kasama rin namin si Jens.
Marami-rami ang nandirito. Hindi ko pa nga alam kung ilan ang kabuuang bilang ng mga trainees pero tansya ko, nasa isang daan lahat ng mga taong nandirito.
Nasa maliit din na stage si Miss Idda. Nakasuot pa rin siya ng itim na gown na may mga maliliit na silver beads na nakadikit doon. Kumikinang-kinang pa nga 'yon na tila bituin sa kanyang damit.
Nakahanap na kami ng mauupuan nina Selin kaya agad na kaming pumwesto roon. Napahinga pa ako nang malalim at ipinatong ang aking kamay sa mesang may telang kulay itim. Ipinapadulas ko lamang ang aking kamay rito kaya dama ko ang mga hibla ng tela nito.
Bigla namang nagsalita si Miss Idda na nasa harap namin kaya sa kanya ko inilipat ang atensyon ng aking pandinig.
"I-a-announce na siguro ngayon 'yong activity para bukas," bulong sa akin ni Selin na nasa kanan ko. Nasa kaliwa ko naman si Jens at bahagya kong ibinaling ang tingin ko sa kanya at nakatutok din ang kaniyang mga mata kay Miss Idda.
Tinanguan ko na lang din ang sinabi sa akin ni Selin.
"Good evening Taguig trainees," panimula ni Miss Idda. May hawak-hawak siyang isang papel sa kanyang kabilang kamay. Inayos-ayos pa niya ang kanyang salamin at binasa ang nilalaman niyon.
"Tomorrow is the start of your training. But before we go on to that, I will explain first what is MMSR and Camatayan Race."
Naglakad siya sa gilid at dumilim ang buong paligid. Bahagyang nagulat ang aking balahibo dahil sa nangyari. May umusbong namang liwanag sa harap na tila isang screen. Isang malaking screen at may nag-flash na image mula roon.
Lumabas doon ang mapa ng Pilipinas at ang sandamukal na taong naghihirap.
"Overpopulation is the main problem that our government is solving right now. This is also the reason why the government chose to create a game called Camatayan Race." Paiba-iba ang nagpa-flash sa screen at patuloy lang si Miss Idda sa pagpapaliwanag.
"But before I explain the Camatayan Race, let's learn what MMSR or Metro Manila Survival Race is. Kaya kayo nandirito dahil isa sa inyo ang magiging representative ng Taguig sa MMSR. Lalabanan ninyo ang ilan pang mga representative ng ibang cities. Kaya, dapat handa at malakas ang magiging representative ng Taguig. May lima kayong level na pagdadaanan.
"Una, ang interview. Dito, aalamin ng mga panelist kung kaya ba ninyong makipagkomunika at makikita sa bigat at tono ng inyong boses kung nararapat ba kayo rito. Dito rin sa unang level, malalaman ng mga panelists ang inyong mga personalidad. Madali lang siya kung tutuusin pero minsan may mga taong hindi kayang ihayag ang kanilang sarili. Dapat ninyo itong paghandaan dahil ito'y bukas na. Pagkatapos nito, may mga mae-eliminate. Ang mga trainees lang na nakapasa ang makakapasok sa level two: ang examination.
"Pangalawa, ang examination. Madali lang naman ito. Kailangan n'yo lang naman makapasa sa written exam. Of course, the councils want a representative who is smart. Kung hindi rin makapasa rito, eliminated.
"Level three, weapons. In this level, you will choose your weapon. May tests din na magaganap dito dahil kailangan ay master na kayo sa weapon na mapipili ninyo. Ang weapon na gagamitin ninyo ay ang iyong opisyal na sandata para sa MMSR. Kung wala kayong mapili at kung bumagsak sa test na ito, good bye na sa training camp.
"Ang level four naman ay ang mini-race. Lahat ng mga natitirang trainees ay sasabak sa isang takbuhan na magmi-mimic sa MMSR. You will be placed in the competition area and will find the finish line and must fulfill your mission. At this level, we will contact your guardians because death is possible. In order to survive and win the race, you might need to kill someone. Kung hindi pumayag ang inyong mga guardian, eliminate agad. Kung mamatay habang nasa level na ito, obviously you're out of the game. And ... kung hindi makapasok, eliminated.
"Last level is proving yourself. You will face different panels and councils. You just need to explain why they need to choose you to become the Taguig representative. This is the easiest one, therefore you must pass all the levels.
"Out of 250 trainees, only one will be the representative of Taguig in MMSR. Maglalaban-laban naman ang lahat ng representative sa MMSR upang makapasok sa top three. At kung hindi makakapasok sa top three ang ating siyudad, lahat ng mga naninirahan sa Taguig ay mamamatay. Ito ang kailangan para malutas ang overpopulation dito sa ating bansa. Wala na tayong magagawa roon kaya dapat handa talaga ang magiging representative natin."
Nawala na ang mga images mula sa screen. Dumilim ulit at maya-maya ay bumalik na ang ilaw rito sa loob ng conference hall. Napakurap-kurap naman ako.
Mabusisi naman pala ang gagawin namin dito sa training camp. Pero kininalabutan ako sa level four. Nanginginig nga yata ang pisngi ng puwet ko habang ipinapaliwanag iyon ni Miss Idda. Sana kung makapasok ako sa level four, hindi ako mapatay ng ibang trainees.
Bigla akong siniko ni Selin sa aking tabi kaya bahagyang umigtad ang aking katawan.
"Handa ka? 'Di ba gusto mo talaga maging representative para mailigtas ang pamilya mo?"
Napalunok ako ng laway. "O-Oo, h-handa ako." Nawalan ng kasiguraduhan ang aking boses dahil binabagabag ako ng level four na 'yon.
Naglakad muli si Miss Idda at tumayo sa gitna ng maliit na entablado.
"Mapunta naman tayo sa Camatayan Race. Ano nga ba ito? Kung sino ang top three sa MMSR, sila ang magiging representative ng Metro Manila sa Camatayan Race. Pero, dahil malayo pa ang Camatayan Race, maaaring magbago pa ito. Sa patimpalak naman na ito, kailangan makapasok ang isang representative ng Metro Manila sa top five upang hindi mamatay ang lahat ng buhay rito sa Metro Manila. At ito lamang ang aking anunsyo ngayon gabi. Kung may tanong, maaaring itaas ang inyong kamay."
Agad-agaran, may nag-angat nga ng isang kamay mula sa kaliwa ng conference hall na ito.
"May premyo ba para sa mga mananalo?"
Tumango si Miss Idda. "Ang magiging premyo ng magiging Taguig Representative ay makakatira sila sa isang apartment dito sa ating siyudad na hindi pinamumungaran ng mga kahoy de gusali."
Kahoy de gusali. Iyon nga pala ang pormal na tawag sa mga barong-barong na nagpatong-patong at nagpi-feeling condominium.
May isa pang nagtanong. "Wala na bang pag-asa once na matalo tayo sa MMSR."
Umiling at pumikit si Miss Idda. "Wala."
May ibinulong muli sa akin si Selin.
"I'm really in favor talaga doon."
"Alam kong in favor ka Selin. Sinabi mo na 'yan sa akin. But, I won't die. My family will live."
Narinig ko na lang ang pag-atras ng silya ni Jens. Nakagawa iyon ng paggasgas sa sahig.
Napatingala pa ako sa lalaking ito habang ibinabalik sa ayos ang kanyang upuan. Sa'n 'to pupunta?
Agad din akong tumayo at nakurot ko ang dulo ng kanyang damit. Bahagya niyang inilingon ang kanyang ulo at ang kanyang matalim na titig ay tinusok ako.
"Gabi na, Nadine. We need to rest," malalim niyang sabi na nagpabitaw sa aking pagkurot sa kanyang damit. Hinayaan ko na lang siyang maglakad papalayo sa akin. Alam ko na rin kung ano ang seryosong mood at kuwelang mood nitong si Jens. Kapag tinatawag niya akong Binibining Gold, maayos ang mood nito.
"O siya, gabi na rin mga trainees. Maghanda na kayo para bukas dahil simula na ang inyong training. Good luck and good night," ani Miss Idda at naglakad na papaalis dito sa conference room.
Tama. Gabi na rin. Kailangan na rin naming magpahinga. Kailangan ko na ring maghanda para bukas. Kailangan maipresenta ko ang aking sarili nang maayos.
Pero . . . ano kaya ang magiging mga tanong para bukas? Tungkol ba sa akin? Tungkol ba sa pagsali ko rito? Sana, sana makasagot ako dahil kailangan ako ang maging representative ng siyudad kong ito.
Good luck!
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top