Chapter 9

Chapter 9 | Hulog

Nagising na lang ako sa aking k'warto, sa condo ni kuya na aking tinitirhan nang hindi maalala kung paano nakarating dito. Ang huli kong ala-ala ay noong nahimatay ako ngunit nandoon si Monjardin na sumalo sa akin. Hindi ko na alam ang sumunod na nangyari.

Tumayo ako nang nahimasmasan. Pumunta akong kitchen para makapagluto ng pagkain ngunit laking gulat ko nang nakitang may luto ng pagkain. May note pa roon na galing kay Monjardin.

"Get well soon."

Napangiti ako roon at napa-iling. Parang tanga lang? Get well soon, seriously? Bakit parang sarcasm pa ang dating nito sa akin. Umiling na ako at tinignan ang niluto niya. Adobong baboy iyon. Tinignan ko rin kung may sinaing at hindi na ako nagulat na mayroon nga.

Kumain ako at unang naisip na masarap ang pagkaluto niya sa Adobo. Malambot ang meat at saktong sakto sa panlasa ko ang sabaw. 'Yong tipong nakakabitin pa rin kahit busog ka na.

Sumigla ako nang natapos kumain. Kinuha ko ang aking phone at sa sofa umupo. I opened the wifi. Puro notifications from different people ang bumungad sa akin but they weren't my business.

Tinignan ko ang mga friend requests ko sa Facebook dahil may 80+ new na naman. Napangiti ako nang nakita ang account ni Monjardin na natabunan. Bakit niya ako ni-add? Lakas ng topak nito. Ni-accept ko iyon saka nag-browse na lamang.

Kung ano-ano ang mga binabasa ko nang nag-pop out ang message head ni Monjardin.

Math:
Ayos ka na?

Agad akong nagtipa ng isasagot.

Denise:
Oo. Pero hindi pa rin ako maka-move on na sumang-ayon ako sa trip mo. I hate you.

Kahit na nakangiti nang sinend ito.

Math:
Whatever. You have rules to follow.

Nalusaw ang ngiti ko dulot sa kanyang sinabi. I hate obeying the rules... as if hindi pa iyon halata. Kumunot ang noo ko. Anong rules? Paniguradong ayaw ko ang mga iyon.

Denise:
Ano? The fuck.

Math:
Don't curse.

Denise:
iyan lang?

Math:
No. Of course, marami.

Denise:
Spill it.

Math:
Okay. Do not curse, kahit saan o kahit kanino. No cutting of classes. Bawal mamilosopo ng teachers. Bawal maki-pagusap sa seniors o kahit kaninong lalaki, especially kung ang habol mo sa kanila ay physical contact. Bawal kang sumulpot sa frat. No make ups. No smoking. Change your skirts, they're too short.

Denise:
Ang dami naman!

Math:
What, really? hindi ko na nga sinali yung "bawal mang-trash talk".

Denise:
I hate you.

Math:
May consequence kapag lumabag ka.

Wow. Pinaghandaan talaga. Alam niyang hindi ako susunod.

Denise:
Ano naman?

Math:
Hmm... bibigyan ko sila ng clue about sa inyong frat.

Denise:
Damn it.

Math:
Do. Not. Curse.

Denise:
Fine! Pasakit ka tulad ng subject na tinuturo mo.

Math:
You're good at Math. Why bother?

Denise:
Paniguradong hindi lang pagiging pasakit ang tulad mo sa Mathematics.

Math:
Uh-huh?

Denise:
Yeah! Siguro marami ka ring "x". Hitsura pa lang, mukha ka ng One-to-Many Correspondence. Baka katulad ka rin ng Substitution Method na kailangang i-substitute ang isang variable sa isa para lang makuha ang gusto niyang sagot.

Math:
Uh-huh? System of consistent and independent equations ako.

Denise:
Si Plywood lang maloloko mo.

"Gago," Gusto ko sanang idagdag.

Hindi na niya ako ni-reply-an pagkatapos non kaya tumayo na rin ako at nag-shower.

Habang na sa shower ako, napa-isip ako ng maaaring mangayri. Paano ako hindi susulpot sa fraternity gayong kailangan iyon? Especially this week. Mamamatay ako kapag hindi sumulpot.

Though, mas makapangyarihan pa rin ako sa kanilang lahat dahil si tito Dominiko, kapatid ni papa, ang nagm-manage ng fraternity. Siya ang pinaka-mataas, kumabaga.

I knew the main purpose of the gang and basically they let me in because I was one of the Zorrons. Alam kong marami pang miyembro ang fraternity, not just from our school... but still, kahit na ka-pamilya ko ang may-ari nito, I needed to be responsible sa fraternity as its member.

Me to Monjardin:
Huy! Baka mamatay ako kung hindi ako sumulpot sa frat. What to do?

Natagalan pa siyang sa pag-reply kahit active naman.

Math:
Sino-sinong seniors ang ka-miyembro mo?

Now, he was asking informations.

Denise:
Akala ko ba may evidences ka? Bakit hindi mo alam ang buong detalye sa frat?

Math:
Evidences laban sa iyo, hindi sa frat.

God! hater ka ba? Grabe naman 'to.

Denise:
Bakit mo ba kasi 'to ginagawa?

Math:
You'll know.

Sabay "active one minute ago".

🎀

M A T H


Tapos na ang aking mga klase. Pauwi na sana ako nang utusan ako ng isang Math teacher na ipasa ang mga binigay na papel sa akin patungong principal.

Na sa harap ako ng office nang narinig ko ang pinag-uusapan nila.

"May fraternity dito sa paaralan? Akala ko ba ipinagbawal ninyo na iyon?" boses ng isang babaeng guro.

"Hindi sigurado kung fraternity talaga sila pero parang ganoon na nga. Sa pagkaka-alam ko mula sa naririnig sa mga estudyante, may humahawak sa frat nila kaya malakas," sabi ng principal.

"Pero hindi pwedeng maniwala na lang tayo sa mga sabi-sabi," boses iyon ng guidance counselor.

"Pero may ebidensya," the principal stated.

Fraternity. May naririnig din akong usap-usapan tungkol doon mula sa mga senior high students pero hindi ko inisip ang isyung iyon. I mean, being on a frat could give you benefits big time... pero kung masama ang fraternity ninyo, iba ang makukuha mo.

"Magpapalagay ba tayo ng mga pulis?" tanong ng isang guro.

"Saka na. Obserbahan muna natin ang paligid. Kapag nagpalagay tayo agad ng mga pulis at pinasabing may frat sa loob ng eskwelahan, aalerto ang mga iyon at hindi magpapakita ng kilos publicl," sagot ng principal.

Saka ako kumatok bago ako pumasok. Kunwari ay wala akong narinig, "Sir, pinapabigay po ni Ma'am Reyes," sabi ko at sabay nilapag ang mga papel sa kanyang lamesa.

"Sige. Pwede ka ng umalis," utos nito sa akin na sinunod ko agad.

Nang na sa labas na ako ay nakinig pa rin ako sa kanilang usapan.

"May estudyante bang lead?" tanong ng principal.

"Iniisip kong si Zorron," sabk ng guidance counselor.

Paano nasali si Lierre? Babae siya.

Sa pagka-aalam ko, karamihan sa mga sumasali sa ganoon ay ang mga nab-bully at ang nagh-handle ay mga senior, mostly boys.

"Open si Zorron sa lahat bukod sa mga sikreto niya. Malay niyo, hindi ba?" tanong pa nito.

"Wala siyang sinusunod. Ayaw niyang sumusunod. Kaya paniguradong wala siya sa fraternity dahil masasakal siya roon," sabi ng isang guro.

"Malay ninyo, kaya hindi siya sumusunod dahil alam niyang may kasama siya't malakas sila," the counselor said.

"Ipaiimbistiga natin mga kilos niya," the principal stated.

"Kauusapin ko ang mga pulis para pagtuonan siya ng pansin," he added.

Umalis na ako roon. Bakit biglang pinag-initan nila si Lierre? Hindi sa affected ako o anoman ngunit mukha namang inosente si Lierre at labas dito. They couldn't just put the blame into someone.

Inunahan ko na ang school. Kinausap ko ang kilala kong detective na kaibigan ni papa.

Guess what? Laking gulat ko nang isang araw pa lang ang lumipas ay kompleto na ang mga hinihingi kong detalye.

Sa unang litrato ay si Lierre na pumasok sa isang maliit na daan sa gilid lang ng Discipline office. Paanong hindi siya nahuhuli? Hapon na rin iyon, paano siya nakapasok sa loob nang hindi nakita?

Ang sumunod na litrato ay siya muli pero naglalakad na sa labas ng school. May kasama siyang tatlong lalaki.

Ang sumunod na litrato ay lahat na silang fraternity sa isang liblib na daan. Mga naka-facemask at nakaitim na damit, balot na balot.

"Sigurado ka bang sila 'to?"

Dahil hanggang ngayon ay hindi ako makapaniwalang sangkot nga si Lierre.

"Oo. Sinundan ko sila pati noong gabi. Ito ang video," pinanood ko iyon at tuluyang na-disappoint.

Anong gagawin ng school kay Lierre kapag nalaman nila?

Drop? Given na iyon. Hater ang school sa mga gang kaya paniguradong mawawala sila roon sa oras na mahuli... pero may kapangyarihan si Lierre. Hindi ko talaga maintindihan kung bakit kailangan niyang sumali sa ganitong klaseng gang.

Isang araw, sinundan ko si Lierre pagkatapos niyang tanggihan ang offer ko bilang representative ng section nila sa Math Quiz Bee.

Halos isang oras din akong nagtago't naghintay para lang mahuli siya. Nalaman kong masama ang fraternity nila. Hindi tulad ng ibang mga frat na medyo maayos-ayos pa.

Nahuli ko siyang hinihingal dahil sa sigarilyo. Nainis ako. Bakit niya pinahihirapan ang sarili niya?

Tangina, hindi ko talaga maintindihan ang babaeng 'to ngunit mas hindi ko maintindihan kung bakit willing akong tulungan siya.

I swear, I hated her kaya nga gusto ko siyang magbago sa magandang paraan. Gusto ko siyang tumino. Kasi akala niya, masaya siya sa ginagawang kilos. Hindi niya batid na kung ano pa ang nagpapasaya sa atin ay iyon pa ang maaaring ikabagsak natin.

I wanted her to change not because I wanted to get the credit but because I saw so much potential inside of her. Masasayang ang kanyang talino at pangalan kung ipagpapatuloy ito.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top