Chapter 8
Chapter 8 | Defeated
Tinotoo ko ang aking sinabi sa mga estudyanteng iyon. Iilan sa mga magulang nila ay nagmaka-awa pa sa una ngunit nang nakita nilang hindi iyon epektibo sa akin, they started swearing me.
Tapos na ang exams at nagsimula ang third grading period. Kumalat sa school ang ginawa ko sa mga estudyanteng iyon kaya heto sila't nango-okray sa akin.
"Kina Denise na lang tayo mag-groupings!" suggest ng isa para sa isang practice sa Araling Panlipunan na aming report.
"Bawal," sabi ko.
"Hala, sige na," pilit pa nila.
"Sige pero hindi na kayo lalabas ng buhay. Ano?" hamon ko naman.
Nanahimik sila't sumuko.
Sa sumunod namang araw, ginurupo kami para sa Math recitation at ang walang-hiyang Monjardin, ako pa ang ginawang leader.
Sumaktong ka-grupo ko ang mga "nerds" ng section na ito. Don't get me wrong, hindi sila naka-salamin o nakasuot ng anomang bagay na magpapa-isip sa iyong nerd sila.
I call them nerds dahil they over react when it came sa grades. I sometimes thought na competition kung tratuhin nila ang pag-aaral... but I couldn't blame them for being like that.
"Okay, here's the rules," sabi ni Monjardin at ni-explain ang mga rules na hindi ko pinakinggan.
"Okay, question number one," may pinakita siyang card na may problem.
Hindi pa ito bagong lesson. Recitation lamang ito para pandagdag sa grades namin sa card dahil maraming bagsak sa exams.
"Denise!" nerd #1 yelled at me.
Tumaas ang kanang kilay ko bilang pagtatanong.
"Leader lang daw ang sasagot! Sumagot ka na!" tinuro pa niya ang whiteboard na na sa table ko pala.
"Sige. Anong sagot?" tanong ko.
Napa-sapo sila sa noo, sabay-sabay pa. Nerds.
"Ikaw nga sasagot buong recitation," nerd #2.
Napakunot ang aking noo.
"Bakit pa nag-groupings kung leader lang pala sasagot? Bobo lang?" tanong ko kay Monjardin na may masamang tingin sa akin, as usual.
"Ang leader ang dapat magdala ng team, hindi ba?" he pointed out.
"Whatever. Hindi ako sasagot," sabi ko at umupo muli sa dati kong pwesto bago na-distorbo.
"Okay. Walang grades ang mga ka-grupo mo," he trailed off.
"Sir! Ibang leader na lang," suggest ni nerd #1.
"And let Zorron pass? No," sabi ni Monjardin.
"E 'di siya lang walang grades," suggest ni nerd #3.
"Groupings ito, 'di ba?" dipensa ni Monjardin.
"Kapag ako lang ang sasagot, hindi ba't ako lang din ang gumawa? Wala rin silang naitulong," sabi ko naman.
"Leader ka," pananagutan naman niya.
Hindi ko na dinagdagan pa ang walang kwentang argumentong iyon. Maya-maya lang ay naiyak na ang isa kong ka-grupo. Ni-comfort siya ng mga kaibigan niya ngunit wala pa ring naging epekto sa akin ang kanyang drama.
"Wala na. Bagsak na ako sa Math," aniya habang umiiyak.
Umirap ako.
Nakaka-tatlong puntos pa lang ang group 2. 1 point sa group 1 at leading ang group 3 with 4 points. Twelve questions pa lang ang naitanong out of 50. Hindi man lang maka-puntos 'tong mga nag-aaral kuno.
I sighed when I saw all of my nerd classmates crying hard. Umirap ako sa inis. Ang pabebe nila but as I said, I couldn't blame them kung ganito na sila umasta sa pag-aaral. Sa inis ko ay sumagot ako sa whiteboard nang hindi nila napapansin dahil sa pwesto nilang naka-yuko.
Itinaas ko ang board at tumama agad. One point na ang grupo namin. Napataas ng tingin ang mga ka-grupo ko sa akin nang narinig nilang naka-puntos kami. Sinagutan ko muli ng walang kahirap-hirap ang sumunod.
Pinagtitinginan na ako ng mga kaklase ko habang sumasagot. Naka-twenty nang tanong at walo na ang aking nasagot, walang mali mula nang nagsimula akong sumagot. Nagpatuloy pa ito hanggang sa nag-thirty questions na. Leading kami at nabuhayan ang mga ka-grupo ko.
I got bored pero patuloy pa rin ako sa pagsasagot, ayaw kong umiyak muli ang mga ito dahil baka masuntok ko na sila.
Natapos ang recitation na kami ang may pinaka-maraming scores. Walang mali mula noong nagsimula ako kahit late nag-start.
Tumalon sa tuwa ang mga ka-grupo ko. Walang nasabi ang ibang grupo sa aking ginawa. Hindi rin naka-komento si Monjardin bukod sa "Congratulations". Not that I needed any of their words, though.
"Thank you, Denise," sabi ni nerd #2.
Tinanguan ko lang siya at bumalik na ako sa aking upuan.
"Grabe, ang talino mo pala sa Math?" puri ng isa kong kaklase.
"Grabe, ang bobo mo pala sa Math?" pabalik kong tanong sa kanya at nilagpasan.
Last subject ay TLE. Natulog lang ako at hindi nakinig sa aming student-teacher.
Nang nag-bell ay nauna pa akong lumabas at hindi na pumila. Pupunta ako ngayon sa hide out dahil may bibiktimahin kami sa Friday.
"Lierre!"
Hindi ako tumigil sa pagtawag ni Monjardin ngunit sumagi sa isip kong kapag hindi ako tumigil ay malalaman niya kung saan ako pupunta.
"What?" iritado kong bungad.
"Ikaw ang pinili kong representative ng section niyo para sa Quiz Bee session ng Math month," walang bahid ng tuwa o saya sa kanyang mukha at tono.
"Stupid," bulong ko at tinalikuran siya.
Nakalayo na ako at napansing walang sumunod sa akin. Lumingon ako at nakitang hindi nga ako sinundan ni Monjardin tulad ng ginagawa niya noon tuwing wino-walk out-an ko siya.
Nanibago ako. Ipinagkibit-balikat ko na lang iyon at pumunta na sa hide out. Nagp-plano na sila nang dumating ako. Nakihalo na rin ako para may idea na sa gagawin.
Nakiyosi ako sa ginagamit ni Borro. Nang naubos ko iyon ay binigyan ako ni Teyja ng isa pa. May asthma ako ngunit hindi ko mapigilang hindi sumubok ng cigarettes tuwing nakakakita nito.
Halos dalawang oras din kami roon. Nagkopyahan sa mga assignments at ginawa ang usual naming ginagawa.
Una akong nagpaalam dahil medyo tinamaan na naman ako ng aking sakit dahil sa paninigarilyo. Limang hakbang nang lumabas ako, may humila sa akin galing sa kanan.
Sinandal niya ako sa katabing puno at tinakpan ang aking bibig. Hinawakan ko ang palapulsuhan ni Monjardin upang sana'y tanggalin niya ang kamay sa aking bibig dahil hindi na ako makahinga ng mabuti. Pinalo-palo ko pa iyon para tanggalin na niya.
Humugot ako ng malalalim na mga hininga nang tinanggal niya. Napa-ubo pa ako. Pinaypayan ko ang aking sarili at kumurap-kurap dahil nandidilim na ang aking paningin.
"Ayan. Yosi pa. Alam namang may asthma," sabi niya habang patuloy akong umuubo.
"Ganito na lang. Kapag hindi mo inayos ang pag-aaral mo sa lahat ng subject starting this quarter at hindi ka nanalo sa Quiz Bee competition, ibubuking ko ang fraternity ninyo," confident niyang sinabi.
"I can just kill you," sabi ko naman kahit kapos sa hangin.
"You can. Alam ko iyon... pero hindi mo alam na may mga ebidensya pa rin akong mananalo laban sa 'yo," kinabahan ako sa sinabi niya.
Evidences? Was he tracing me the whole month or what?
"The fuck? Were you stalking me—"
"I am watching you," matigas niyang sabi.
"Akala ko ba hindi ka pumayag sa utos ng principal?" naiirita kong tanong.
"Uh-huh. Sariling kilos ko ito," he answered.
Wow? Just wow. At kapag nalaman ng mga tao na tumino ako dahil sa kanya, siya ang magmumukhang magaling. Siya ang pupuriin at bibigyang pansin dahil napa-amo niya ang isang katulad ko.
But, the fraternity... hindi pwedeng mabuking iyon. Ako ang malalagot kapag nalaman ng otoridad ang isa sa mga malalaking fraternity ng bansa.
"I hate you," I ranted.
"I can report this pagkalabas ko ng—"
"Okay! Fine! Pumapayag na ako," pagsang-ayon ko.
Defeated.
I saw his lips twitched. Sige, magsaya ka.
"Halika, dadalhin kita sa clinic," yaya niya at hinawakan ang aking kaliwang kamay.
Hindi na ako makabalanse sa paglalakad kaya natagalan kami sa daan. Na sa gitnang chance na kaming makapunta sa clinic nang bumigay ako.
I heard him curse before everything went black.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top