Chapter 7

Chapter 7 | Mad

"Denise, tara na," yaya sa akin ng kasamahan ko sa drum and lyre.

Isa ako sa mga tumutugtog ng lyre.

Dati na akong naging parte ng majorette, doon ako nakapukaw ng atensyon dahil sa kagandang taglay at galing kong sumayaw. Tinamad na ako ngayong sumali sa majorette dahil nandoon ang ayaw kong babae na taga-kabilang section lang, sa section one.

Na sa AVR kami para sa last practice. Drum and lyre ang unang magpe-perform sa program. Teachers' Day ngayon kaya may pa-program ang school.

Habang naghihintay ay sumagi sa aking isipan ang isa sa mga masasaya kong araw noon kasama ang mga kabigan. It was teacher's day too at lahat kami ay masayang nakisabayan sa bawat kantang tinugtog.

I guessed the good purpose of our memories was that we could look back at something... but the bad purpose of it was when you start missing that moment.

Si Kye, ang kinaiinisan kong babae sa section one, ay may sariling grupong ka-usap.

Siya ang anak ng ex ng papa ko. Ex-fiancé ng papa ko, to be exact. Bago pa man mareto si papa sa ina ni Kye ay pinanganak na siya. In simple words, she was a kid from another man before my father got involved with her mother.

Paano naman kami naging magkasing-edad? Fuck boy ang tatay ko noon. Nasilang na ang dalawa kong kuya pero ang relasyon nila ni mama'y tago pa.

Sabi ni lola, nanay ni papa, para daw'ng pokpok si mama noon. Mala-ako raw ngayon. Trash talker, basagulera't maldita. Hindi sumang-ayon si lola sa kanilang pagpapakasal ngunit itinuloy pa rin nila.

Mahal ni papa si mama, iyon ang totoo. . . Ngunit hanggang ngayon ay mas gusto pa rin ni lola kay tita Fye, ang ina ni Kye.

Si tita Fye, confident siyang kakaliwa pa si papa sa kanya, kahit may tatlo ng mga anak, kaya hanggang ngayon ay wala siyang asawa. Si Kye naman, nakiki-papa na rin kay papa na akin namang kina-iinisan.

Isa iyon sa mga dahilan kung bakit galit kami nina kuya kay papa. Masyado niyang ini-spoil si Kye, lalo na tuwing Christmas.

Open siya sa past, ganoon rin si mama... pero hindi nila naiisip na kaming mga anak nila, tatlo pa, ay hindi sang-ayon o gusto ang nakaraan nila. S'yempre, anak ka tapos ang pag-uusapan nila ay gano'n? Nakakawalang gana.

Minsan pa'y nangingi-alam si lola na kesyo dapat si tita Fye raw at papa ang nagkatuluyan. Para kaming isang pagkakamali sa mata ni lola.

Nakasanayan na namin iyon. Matured na ang dalawa kong kapatid at alam kong concerned lang sila sa akin dahil babae ako at bunso pa.

Bata pa lang ako ay pino-protektahan na ako ng aking mga kuya. Iyon ang mga panahong pakiramdam ko ay walang pangit na nakaraan sa pangalan ng nanay ko. Doon, masaya ako tuwing kinakarga ako ni papa. Noong bata ako, naniwala ako sa kanilang mga ngiti't tawa.

Masaya pero kung iisipin mo mula ngayong kasalukuyan ay masasaktan ka. Masakit dahil naging masaya ka sa kasinungalingan nila.

Kaya kahit babae't bunso ako, hindi ko pinakitang apektado ako. I started trusting myself than risking it to others dahil sa mga magulang ko pa lang ay pumalpak na ito.

Pumila na kami para sa entrance. Nagtilian ang mga manonood. Ngumiti ako sa mga taong chini-cheer ang aking ngalan.

We started marching towards the stage. Ang mga lyrist ay sa bandang harapan at sa aming likuran ang mga drummers.

I enjoyed playing the lyre. Natapos ang performance namin nang masigla. Naka-maong pants ako na may mga butas sa bandang tuhod at naka-v neck shirt na puti.

Hindi sinadyang nakita ko ang hitsura ni Kye na pawisan ang mukha dahil sa sayaw nila kaninang mga majorettes. Even if dad is spoiling her, hindi pa rin siya marunong gumamit ng tamang produkto upang hindi maging oily ang mukha.

Stupid useless piece of shit.

May mga nagpa-picture pa sa akin at nakipag-biruan. Bumalik ako sa AVR para ibalik ang lyre. Nakipag-biruan muna ako sa mga taong gusto akong kausapin.

Before, I didn't like the concept of temporary friendship. Iyong tipong gagamitin ka lang pansamantala dahil gusto nila at gusto ka nila sa oras lamang na iyon. It sucked being with those kind of people but as time passed by, I realized that it was a normal thing.

I somehow learned how others would interact with you. I learned how to dig and join in whatever they want nang walang kahirap-hirap. Nakapag-adjust na rin ako at ngayon ay hindi na masyadong dinaramdam ang mga pangyayaring ganito.

Huli kong napagtanto na wala pala rito ang bag ko. Stupid, Denise! Nakakain na ako't lahat-lahat, hindi ko naalala ng mas maaga.

Nang bumaba ako galing sa kung anong building, nakita kong tapos na ang program at nagsisi-uwian na ang mga estudyante, pati ang section namin.

"Reynard! Na sa iyo bag ko?" malakas kong tanong sa nakatalikod na kaibigan.

Hindi niya ako nilingon kahit paulit-ulit na ang tawag ko. Napakamot ako sa aking ulo sa inis at pagkalito. Tinakbo ko ang corridors hanggang sa dulo para tignan sa classroom namin.

I kept on muttering curses on my mind. Nang sa wakas ay narating ko na ang aming room, may mga pang-hapon na at nakita kong wala na sa upuan ko ang aking bag.

Nakita ko na lang iyon sa third row na pinag-kakaguluhan ng mga estudyante, lalo na ang mga make up ko!

I took my phone out and took a video of them for proof. Nang naka-one minute na ang video, saka ko lang tinigil.

"Masaya bang pagka-isahan ang bag ko?" natahimik sila sa galit ng aking boses.

Nanlaki ang mga mata nila at isa-isang binaba ang mga gamit ko at nagturuan.

"Lagot kayo sa 'kin," banta ko.

"Lierre, tama na yan," isa pa ito.

Bakit ba ang hilig niyang makisawsaw?

"Okay lang? Bulag ka ba, ha? Ninakaw nila ang mga gamit ko!" tinuro ko pa ang mga hayop para lang makita ni Monjardin.

"I know. Dadalhin sila ng SSG sa Guidance mamaya. Umuwi ka—"

"Hindi. Walang pupuntang Discipline Office o sa Guidance," sabi ko habang tinitignan ang reaksyon ng mga estudyanteng sangkot.

"Presinto kayo agad. And I swear, hindi kayo makalalabas ng DSWD kahit may lawyer o pera man kayong pang-bayad," mariin kong sinabi.

Lumabas ako, hindi na kinuha ang bag. Ang isa sa mga pinaka-ayaw ko ay iyong may ibang humahawak ng aking mga gamit. They weren't even just touching it, they were using it already!

"Lierre, bata lang sila!" hindi ko napansing sinundan pa pala ako ni Monjardin.

"Alam ko! Mga batang mangnanakaw," galit na galit ako.

Tinalikuran ko siya dahil namumuo na ang aking mga luha. The thing I hated when I was mad ay nakikisabay pa ang luha kong lumabas.

Nagpatuloy ako sa aking paglakad ngunit hinawakan ako agad ni Monjardin sa braso. Dulot ng intensidad ng kanyang paghila, hindi sadyang lumandas ang aking luha.

Natigilan siya nang nakitang umiyak ako. Kinalas ko ang aking braso na hawak niya at nakawala iyon dahil tila siya rin ay nawalan ng lakas.

Tumakbo na ako upang hindi na niya mahabol.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top