Chapter 6
Chapter 6 | Drive
"Lierre! How's your day—" binigwasan ko agad ang kapatid kong sumalubong, si kuya Trojan.
He acted like he was hurt.
"Grabe, kakamustahin ka lang—" pinutol ko siya.
"Bakit kailangan mong gamitin pangalan ko?" iritado kong tanong.
"Oh! Pangalan mo 'yon, e! Anong gusto mong itawag ko sa 'yo? Leleng?"
Binigwasan ko siya muli ngunit hindi siya natinag katatawa.
"Don't you dare call me that!" inirapan ko siya at dire-dretsong umakyat sa aking kwarto.
Leleng my ass, nickname ko iyon sa probinsya.
Nagkamali kasi ng rinig 'yong tangang cashier sa isang coffee shop sa probinsya, hindi ko rin alam kung paano niya na-imbento ang pangalang Leleng.
Hindi ako sanay dito sa aming tahanan. Sa condo kasi ako ni kuya Marcus, panganay sa amin, madalas nakikitira. Tutal, dito siya sa mansion dahil tinutulungan niya si papa sa trabaho, mas maganda raw kung magkalapit lang sila. Kaya rito ako pumunta ngayon dahil ngayong gabi lilinisin ang condo unit ni kuya.
"Young, young, young. Young, dumb and broke!" umaliwalas ang pumipikot na boses ni kuya Trojan sa ibaba.
Hindi ko malaman sa aking sarili kung bakitt naging curious ako sa kanyang kabaliwan. Bumaba ako at narinig ang mas lumakas na tawa ni kuya Marcus dahil sa kabaliwan ni kuya Trojan.
There he was, dancing in our sala. Ginagaya niya habang nakatalikod sa flat screen TV ang isang dance group na ni-dance cover ang Young, dumb and broke.
"Ano ba yan, kuya! Ang laswa!" sigaw ko sa kanya kahit malapit lang kami sa isa't isa.
Maya-maya pa ay naaliw na ako sa kabaliwan niya. Sinabayan ko siya. Pareho na kaming nakaharap kay kuya Marcus na naka-upo lang sa sofa at naghihingalo na katatawa dahil sa amin.
"Young, dumb and broke highschool kids!" sabay naming kanta ni kuya Trojan.
"Trojan! Ano ba yan?"
Gusto kong matawa pero pinigilan ko. Pati si kuya Marcus ay biglang tumino. Si kuya Trojan naman ay parang nabuhusan ng holly water.
Nahuli lang naman siyang nagt-try mag-twerk nina mama't papa. Hindi ko maalis sa aking utak ang reaksyon ni kuya noong sumigaw si papa.
Sa hapag ay tahimik pero halata kong gusto ng manermon nina mama't papa.
Ito ang masaya kapag na sa bahay. Kasama ko sina kuya Trojan at kuya Marcus. Masaya, makulit at nakakalimutan ko ang aking mga problema ngunit alam kong may hangganan at iyon ay kapag nandiyan na sina mama't papa.
Si kuya Marcus ang aming panganay. He looked serious most of the time but could be childish too when he was comfortable with someone.
Kuya Trojan was the duplicate version of dad dahil halos magkamukha sila. He was often teased and complimented because of it yet he didn't like being compared to dad.
Both of my brothers were mestizo. Matatangkad at maayos ang gupit ng buhok. They had nice shape of bodies and right amount of bulkiness. Their eyes were expressive and fascinating, had the right thick eyebrows, pointed nose and reddish lips.
Kahit si kuya Trojan, hindi niya sinusunod ang mga magulang namin. Well, minsan sumusunod siya kapag kailangan at seryoso sila.
Si kuya Marcus naman, tumino lamang dahil sinumpa siya ni papa na 'pag 'di siya umayos ay ipakakasal siya sa piling babae.
Wala raw kaming pinagka-ibang tatlo. Sa magpipinsan, kami na yata ang pinakamalala... pero sa aming tatlo, ako ang pinaka. Kung silang dalawa ay kaya pang sumunod, hindi ako.
May sarili akong pananaw. Sabi ng doktor sa akin noon ay baka dulot rin ito ng aking taglay na talino. That since I had the ability to learn and store many things inside my head, hindi na ito marunong sumunod sa iba.
"Isama na natin si Lierre," rinig kong naiiritang bulong ni kuya Trojan sa kwarto niya.
"Gago ka ba? Pagagalitan tayo ni—" he cut kuya Marcus.
"Eh 'di sabihin nating magg-grocery siya para sa condo, 'di ba?" sabi ni kuya Trojan.
Hindi ko napigilan ang aking sarili. Pumasok ako at napatalon sila sa aking pagpasok.
"God! Kumatok ka naman next time!" kuya Trojan hissed.
"Anong pinag-uusapan niyo?" I asked.
"Bukas ng gabi, sa N.O," unti-unting napangisi ako.
"Isasama ninyo ako?" excited kong tanong.
"Yeah. Music Fest bukas and we want you out of this hell kasi kahit kami ay taling tali na," bulong ni kuya Marcus kaya bumulong rin ako.
"OMG! I love you na talaga, kuyas!" masaya kong sabi at in-expand ang mga braso para sa group hug ngunit hindi sila nakisabay.
Kaya ni-flap ko ang mga naka-extend kong braso na parang ibon bilang palusot, 'di ba? Tumawa sila at niyakap ako. Ayon naman pala! Yayakap naman pala, e.
Kina-umagahan, sobrang good mood ko. Bukod sa wala kaming Math ngayon ay mamayang gabi na kami pupunta sa Music Fest.
Kinausap na ako muli ni Reynard. Nakipagkulitan sa 'kin ang mga plastik kong kaklase. May binigay pa sa aking regalo ang manliligaw ko. Well, the only thing was that hindi ko alam kung sino sa mga manliligaw ko ang nagbigay.
Kahit nang nag-uwian, hindi ko pinansin ang korning ginawa ni Monjardin para kay Plywood. Dire-diretso ako pag-uwi sa aking tinutuluyang condo unit. Naabutan ko si kuya Trojan na naka-upo roon sa sofa.
"Anong oras tayo aalis, kuya?" tanong ko habang tinatanggal ang mga sapatos sa paa.
"Pagpunta ni Marcus dito," sagot niya nang 'di ako binalingan.
🎀
Six PM, pumunta si kuya Marcus sa unit. Sabi niya, nakapagpaalam na raw siyang magg-grocery kami. Wala rin sina mama't papa sa bahay dahil may pupuntahan daw sila kaya ayos lang na magpagabi kami sa Music Fest.
Naroroon ang isa sa mga paborito naming banda ng mga kapatid ko kaya naman daig pa namin ang mga naka-shabu sa sobrang hyper.
Open field kaya malayang makaka-party. Kahit na matagal na ang iilang mga banda, marami pa rin ang humahanga, mapa-adult o ka-edad ko.
Nagsimula na ang festival at may banda ng tumutugtog. Hindi pa iyon ang gusto namin kaya nag-picture at bumili muna kami ng mga shirts na connected sa fest.
"Teka, iinom lang ako," sabi ni kuya Marcus at pumunta sa nagtitinda ng buko juice.
"Maghahanda lang ako sa pagbirit ko," aniya sabay lagok ng biniling juice.
Nagtawanan kami habang sinasabayan ang mga tugtog na alam namin.
Medyo na sa bandang likod kami kaya pansin ko ang mga babaeng sinusulyapan ang mga kuya ko. Sila kuya naman, patuloy pa rin sa ginagawang kabaliwan kaya naka-attract sila ng mga babae.
Sabay-sabay nilang sinabayan ang kanta. Na-out of place ako at nairita sa mga malalanding uod na pumaligid sa amin kaya napagpasyahan kong tumiwalag kina kuya.
Pumunta ako sa gitna kung saan maraming taong sumasabay sa kanta. This is way better than bars and clubs. Natapos ang huling kanta ng banda at sumunod na ang gusto namin. Ngiting-ngiti ako habang nakikinig sa paunang salita nila.
The next thing that happened, tumugtog ang drums, bass guitar at electric guitars. Napa-head bang na lang ako habang nakataas ang kaliwang kamay tulad ng ginagawa ng aking mga kasabay.
Sinabayan namin sila sa unang verse. Napatalon ako, kasabay ng tugtog pagdating sa chorus. Nilakasan ko ang aking boses sa pagkanta na humalo sa mga sumasabay din sa banda.
Kaluskos ng dahon
Huni ng mga ibon malayo sa dilim ng kahapon
Hampas ng mga alon
Kasiyahan sa nayon
Mga batang naglalaro lang maghapon
Simoy ng hangin, sari saring tanawin
Paligid na iyong tatahakin
Pagkat walang sawa kitang aarugain
Sa paraisong pinaglalagyan natin
Ginaya ko pa ang paggamit ng guitarist sa gitara. Sa isang mabilis na kilos, may humawak sa aking braso at nilayo ako sa crowd.
Dinala ako ng hindi ko kilalang nilalang na ito sa medyo madilim na parte ng field. Medyo hilo pa ako dahil sa pagsayaw kaya hindi ako nakapiglas sa hawak.
"Ano ba!"
Finally, nakapag-protesta ako nang tumigil kami sa likod ng girl's comfort room.
Mas lalong namuo ang aking galit nang nakitang si Monjardin ang kasama ko. Bakit siya nandito? Bakit niya ako dinala rito? Iniisip niya bang gumigimik ako ng mag-isa?
"For your information, kasama ko ang mga kuya ko! Kaya pwede ba?" umambang aalis na ako pero pinigilan niya ako.
Ang sunod na nalaman ko ay sumulpot si kuya Trojan sa aking likuran.
"Kuya, anong mayro'n?" naiirita kong tanong.
"Sorry, Lierre, you need to go home. Hindi namin alam na dito rin ang punta nina mama't papa. Nagkita kami ni Math sa likuran kaya magkasama kaming tatlo nang nakita kami ni papa habang sumasayaw at sinita niya kami," paliwanag ni kuya na naintindihan ko agad.
Ayaw ko rin namang makarinig ng sermon galing sa magulang ko at ayaw kong mapahawak ang mga kuya ko dahil gusto lang naman nila akong mag-enjoy.
"Okay, so?" tanong ko ng mahinahon.
"Math will take you home," he answered.
"The heck, kuya? Pinagkatitiwalaan mo 'tong ugok na 'to?" tinuro ko pa si Monjardin sa aking gilid.
"Watch your mouth, kid," banta nito sa akin.
Binalingan siya ni kuya ng may malalim na titig na nagpapahiwatig na tumigil.
"Kababata ko 'yang si Math," aniya na gumulat sa akin.
"Sige na. Umalis na kayo," utos ni kuya na sinunod namin.
Ayaw ko mang sumama kay Monjardin pauwi ay wala akong ibang choice. Pumasok ako sa front seat ng kanyang sasakyan at ganoon din siya sa kabila. His car wasn't fancy to even appreciate.
Now, I got stuck with someone I hated... and this was a freaking long drive.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top