Chapter 5
Chapter 5 | Laruan
Tatlong araw lang ang nakasulat sa umano'y excuse letter ko sa mga sumunod na araw pero halos dalawang linggo na akong hindi pumapasok.
Monday ng ikatlong linggo ng Oktubre, pumasok ako sa paaralan. Sa likod ako dumaan at nakita ko si Borro sa hindi kalayuan.
"Denise! Bakit ngayon ka lang?" tanong nito sa akin.
"Ang dami na naming gimik, e," ang tinutukoy niyang gimik ay ang mga nabiktima.
Borro Ignacio, kilala bilang nerd at lumpo sa paaralang ito ngunit kapag tinanggal niya ang kanyang salamin at tinaas ang noo, hindi mo na siya makikilala. Leader siya ng fraternity though hindi alam ng school na may ganitong grupo rito... at kasama ako roon.
"Sensya na. Babawi ako," nginitian ko siya na tinanguan niya.
"Nga pala-"
"Ignacio!" sigaw ng isang teacher.
Napalingon agad si Borro.
Hindi ninyo aakalaing niloloko lang kayo nitong taong 'to. Sa hitsura niya ngayong mukhang kabado at ninenerbyos, paniguradong mapapaniwala niya ang guro na inosente siya at walang kasalanan.
"Wag na 'wag mong kauusapin iyang babaeng 'yan. Bumalik ka na sa campus!"
Tumango naman si Borro at dumiretso na. Nilapitan ako ng teacher na iyon pero nahagilap ko ang ngisi ni Borro sa likod nito.
Hanggang sa nahimatay na lang sa lupa ang guro. Nakita ko ang binato ni Borro na sanhi ng kanyang pagbagsak. Tinakbo ko ang distansya namin at nag-apir kami sa isa't isa.
Maghihiwalay na sana kami nang hinila niya ang aking braso at nagtagpo ang aming mga labi. Hindi ako nagreklamo, pinatulan ko ang kanyang sinimulan.
"Mamaya," bulong niya at tinanguan ako.
Tinanguan ko rin siya pabalik, alam na ang ibig-sabihin.
"Kapapasok mo lang at iyan na ang gagawin mo!" napapikit ako sa sigaw ng principal.
Well, as usual, dito na naman ako dinala dahil naabutan ako ni Danah the Walking Plywood na nakipaghalikan kay Borro. Hindi naman nasama si Borro dahil sa galing niyang umakting.
Biglang bumukas ang pinto at si Monjardin ang iniluwa nito. Dinaluyan niya si Plywood at dinulas ang kanang kamay sa baywang nito.
"Pati ba naman ang pambato ng school, na nerd, na inosente, pinapatulan mo?"
Ayan na naman.
Hindi ko siya sinagot kahit gusto kong manubat.
Nanatili akong tahimik, "Ang alam ko, asthma ay sakit sa lungs, hindi sa pag-uutak!"
Hindi pa rin ako nag-react sa kahit anong sabihin niya.
Paniguradong iniisip na niyang sumu-surrender na ako dahil sa hindi ko pag-imik.
"At bakit hindi ka na sumasagot ngayon?" mahinahon na siya.
"Katamad," sagot kong nagpabalik sa kanyang galit.
"Hindi ka talaga magbabago, ano? Sa Thursday at Friday na ang second periodical exam niyo. Ano na lang isasagot mo roon? Reklamo pa ng mga guro ninyo ay wala silang maibigay na grade sa 'yo bukod sa attendance," he hissed.
Umirap na ako, hindi na napigilan. Kapag tahimik ako, gusto nilang sumagot ako. They always push my bitch button.
"Oh, I'm sure they like it that way, hindi sila nahihirapang mag-compute ng grades ko," sabi ko.
"Mabuti sana kung nahihirapan sila sa pag-compute dahil puro perfect ang scores mo, eh! Pero hindi! Kailan ka ba titino? Kapag nalaman ng lahat ng student-teacher na ganyan ka? Kapag nakilala ka na pati sa kabilang mga paaralan?
"Math..." tawag niya.
"Po?" agap nito.
"Ikaw lang ang makagagawa ng ganoon sa batang ito. I'm giving you the authority to watch over her, kung hindi nakasasagabal sa iyo."
Ano raw?
"I'm sorry ngunit ayaw kong maging sagabal sa maganda niyang buhay," Math disagreed.
"Kahit isang buwan lang?" tanong ng principal.
Umiling agad si Monjardin. Bumuntong-hininga ang principal.
"Are you two dating?" the principal asked when he noticed the two.
"Yes," sagot ni Monjardin.
Marami pa silang pinag-usapan at nawala sa akin pansamantala ang topic. Danah opened up something related to me kaya sa akin na muli ang topic nilang lahat.
"Maybe, depressed ka lang, Denise? May paraan naman para magbago," aniya sa malambing na boses, 'yong tipong pang-horror film.
"Do I look depressed?" masungit kong tanong.
"H-Hindi naman sa pisikal pero baka sa emosyonal na aspe-"
"Then, I am not depressed," pagputol ko sa kanya.
I looked at the principal, "Ano? Papasok pa ba ako sa klase ko?" tanong ko.
"Para saan pa? Para mag-ingay?" tanong ng principal.
May mga tao ring nagsabi na i-drop na lang daw ako dahil wala naman akong matinong ambag sa eskwelahan.
Hanggang sa napagdesisyunan nilang palayasin na ako roon. Sa likod ko nakasunod sina Monjardin at Plywood. Pumasok ako sa aming silid kahit may nagtuturo sa harapan. Dire-diretso ako kahit sinita ng guro. Sinermunan niya ako na dapat, eh kesyo, batiin ko raw siya at respituhin nang pumasok.
Nakita ko si Reynard na kasama ng mga plastik niyang kaibigang lalaki, busy makipagtawanan. Gago talaga 'to, lakas mang-iwan kasi may reserba.
Ganito naman lagi ang cycle ng mga relasyon ko sa mga naging kaibigan ko. Masaya sa una, kapag nagkalayo ng upuan ay nagkalimutan na, hanggang sa nawala na lang ang pinagsamahan na parang hindi naging masaya noon.
Dati, big deal pa sa akin ang mga kaibigan ko. Hanggang sa napagtanto kog habol lang nila ang benefits mula sa akin. Wala silang paki kahit nagseselos at nagtatampo ka na, ikaw pa ang sasabihang maarte at hindi sila iniintindi.
E 'di ayon... noong recess ay nag-usap-usap kaming fraternity. Hindi kami nahuhuli dahil mayro'n kaming mga paraan at hide outs. Na-late ako sa sumunod na subject dulot nito.
Ten minutes pagkalipas ng subject na iyon ay Math na. Magc-cutting ako.
Niligpit ko ang aking mga gamit at tumayo kasabay ng pagtayo nilang lahat para batiin si Monjardin. Tuloy-tuloy lang akong nag-walk out kahit nakita niya. Siniguro kong walang nakasunod sa akin at nakakita. Sa hide out naming frat ako dumiretso dahil may labasan kami roon palabas ng school.
Pumunta ako sa pinakamalapit na gaming center. Nilibang ko ang sarili sa mga arcades at kung ano-ano pa. Nakita kong 12 na ng tanghali at mag-aala una na.
Binalak kong pumunta sa paborito kong claw machine rito na ang nilalaman ay mga stuffed toys.
Kailangan mong hulugan ng piso para makakuha, ikokontrol mo ang mistulang kamay ng machine upang mahulog ang gusto mo.
Gustong-gusto kong makuha iyong baby shark na laruan. Dati, halos araw-araw kong nilalaro iyon para lang makuha pero ni-isang beses ay hindi ako nakakuha. Malakas ang kutob ko ngayong makukuha ko na iyon.
Papalapit na sana ako sa kagustuhan nang nakitang may naglalaro ring iba. Paaalisin ko sana nang nakitang nakakuha ng baby shark... si Monjardin.
Binigay niya iyon sa tuwang-tuwa ngayong si Plywood.
"Oh! Denise!" masayang tawag sa akin ni Plywood.
Paalis na sana ako nang tawagin niya. FC rin ang isang 'to, e: flat chested at feeling close.
Nilapitan ko sila nang walang bakas ng kasiyahan sa mukha. Nakita kong maraming baby shark sa machine ngunit hindi ko pinahalatang gusto ko rin nito.
"Gusto mo ba? pwede kang kunan ni Andrei," tinuro pa niya si Monjardin na na sa kanyang gilid, malalim ang tingin sa akin.
Pinasada ko ang aking tingin sa kanilang katawan, in the way they would feel degraded. Ang kaninang nakangiting mukha ni Plywood ay napalitan ng ngiwi at katahimikan.
"Nah. That toy is cheap," sabi ko at nilagpasan sila... kahit gustong gusto ko ang laruang iyon.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top