Chapter 4

Chapter 4 | Hospital

Halos thirty minutes ako sa banyo ng mga babae. Sa dinami-rami na pwede niyang ibato ay iyong bawal pa ako. Hayop na yon! Lumabas ako pagkatapos kong ayusin ang sarili nang parang walang nangyari.

Tinanong pa ako ng nakasabay kong SSG kung bakit ako naroon. Syempre banyo, e. Alangan namang sumayaw ako ro'n, 'di ba? Minsan, hindi ko alam kung pangtanga ba o pangbobo ang mga tanong nila dahil hindi ko maintindihan.

Nakita kong masaya ang klase habang nagtuturo si Monjardin. Napa-irap na lang ako nang nakita si Reynard na may kausap na babae.

Nahagilap ako ni Monjardin kaya umirap ako muli at umalis roon. Pupunta na muna akong clinic upang kumuha ng "inhaler", which was a piece of paper bag.

Walang bantay roon ngunit pumasok pa rin ako at kumuha ng kailangan. Medyo nakahinga naman ako ng maayos paglipas ng ilang sandali ngunit alam kong hindi iyon sapat. Kung sabihin ko mang kailangan ko ng umuwi ay hindi nila ako paniniwalaan at papayagan.

Tumambay ako sa senior high building at may nakausap pa akong taga-grade 11. He wanted to flirt with me but I wasn't in the mood for anything.

Nang nag-bell, na ang ibig-sabihin ay next subject na, bumaba na ako roon at tumungo sa classroom. Pagpasok ko, napansin kong lahat ng aking kaklase ay nakayuko, sumasagot sa isang 1/2 crosswise ng kung anomang kinalaman sa Math. Huli kong napagtantong hindi pa pala umaalis si Monjardin dahil hinihintay niya ang mga papel.

"Aalis na ako. Time na," pagtalikod niya ay nakita niya ako.

Dire-diretso niya akong nilagpasan at sa kabilang pinto tumagos. Umirap ako.

"Wag muna, sir! Wala naman ung susunod na teacher!" sigaw nila.

"Malalandi lang kayo," normal na boses ang gamit ko mgunit narinig nilang lahat.

Sumang-ayon naman ang mga kaklase kong boys na ayaw din sa Math.

Hindi naman ako Math hater. Ang totoo pa nga ay may talent ako rito. Kaya kong mag-compute ng kahit anong problem gamit ang utak. Minsan na akong nagpatingin sa isang doktor, sabi nito ay advance raw talaga ang utak ko sa kahit anong subject. Kaya ang ginawa ko, binasa ko lahat ng libro hanggang sa pang-college. It didn't trigger anything inside my mind.

Nakita ko si Monjardin na may kausap na teacher at tumango ito roon.

"Sige na, itigil niyo na iyan at ipasa na sa akin," sabi niya na sinunod naman nila.

Umirap na lang ako. Busy si Reynard sa babaeng kausap kaya wala akong kadaldalan.

"Ako muna ang magbabantay sa inyo sa last subject. Kumuha kayo ulit ng crosswise at sagutan ang mga isusulat ng secretary niyo," sabi niyang sinunod naman nila.

They looked like freaking robots.

Bumalik na si Reynard sa tabi ko at kinamusta ako. Dinedma ko siya dahil hindi ako makapagsalita ng maayos. Ito na naman ang sakit ko.

Tumabi sa amin ang kaklase kong layer ng Mars ang mukha sa kapal, nakikipagtawanan sa amin. Nakangisi lang ako para ipakitang nakikisabay ngunit  naramdaman ko na ang tunay niyang intensyon.

"Denise, anong English ng ano..."

"What," pamimilosopo ko.

"Baliw! Hindi kasi! Anong English ng nahimatay?" he asked me.

"Dead on arrival," wala sa sarili kong sagot.

Tinawanan ng ibang mga katabi namin iyon.

Tumabi sila dahil kay Reynard, iyon ang totoo. Hindi sila nakakakuha ng source sa akin kapag ganito ang mood ko kaya si Reynard ang tina-target nila.

Nanghingi ako ng papel at ginawa ang nakasulat. Don't be surprised, kakilala kasi ng pamilya ko ang teacher dito kaya kailangan kong gawin 'to. Seryoso akong nagsusulat ng mga sagot nang sumagabal na naman si Layer of Mars.

"Alam mo 'yong mga sagot? Hindi ka kumokopya ng notes, ha?" napansin ko ang presensya ni Monjardin sa harapan ko, sa gilid ni Layer of Mars.

"Ikaw ngang kumopya hindi alam ang isasagot," I hissed.

Nag-"ooh" naman ang mga lalaking katabi ni Reynard.

Seriously, naka-didistorbo na ang foundation niya. Nasisinghot ko iyon!

Nanatili si Monjardin doon, sinagot ako ni Layer of Mars, "E at least ako, masipag, eh ikaw?"

Aba gago to, ha?

Nilingon ko siya usimg my usual bitch face, "So, anong pinaglalaban mo bukod sa peke mong foundation?"

Nanlamig ang kanyang mukha sa aking rebat.

Tumayo siya upang umalis dulot ng pagkahiya.

"Hoy, ano na naman yan, Denise?" sigaw sa akin ng aming room president.

Nakita kong nagsumbong si bakla sa kanya.

"What?" iritado kong utas.

"Ikaw pa ang may balak magalit? Tandaan mo na sa akin tracer mo, ha," banta niya.

"Gosh, takot ako," I faked a reaction.

"Talaga! Gusto mong ma-drop?" she challenged me sa matapang na tono.

"Ikaw, gusto mo? Sana kinunan mo rin sarili mo ng tracer," I hissed.

Hindi na niya dinugtungan. Nakita kong umiling si Monjardin, siguro dahil sa inasta ko.

I seriously didn't have the energy to entertain them more. I was lacking of air while doing this stupid activity.

Natapos ako ng wala pang limang minuto. Pinasa ko ang papel ko kay Monjardin. Binasa niya ito, hinayaan ko naman siya. Inayos ko ang aking gamit bago yumuko para mag-nap.

Narinig ko na lamang ang bell na ang ibig-sabihin ay uwian na. Tanghali na kaya mainit, sumabay pa ang lintik kong asthma.

Nakapila na ang iba sa labas kaya lumabas na rin ako. As usual, inasar na naman si Monjardin do'n kay plywood. Wala ako sa mood ngayong i-bash sila dahil nga sa sakit.

Napapapikit na ako, hindi dahil sa antok, dahil iyon sa hilo.

Sinubukan kong ngumiti at taas noong lumakad hanggang sa labas ng school. Binalak kong dumiretso agad sa sakayan ng jeep kaso medyo malayo pa ang lalakarin para makarating doon. Kahit na lumabo ang paningin at kinapos sa hangin ay patuloy pa rin ako sa paglakad.

"Lierre!" may tumawag sa akin kaya napahinto ako.

Nilingon ko kung sino. Ang kuya ko palang si Marcus.

"What?" iritado kong tanong dahil tinawag niya ako sa pangalan.

"Hinintay kita roon sa gate kaso hindi kita nakita. Sakay ka na," pinagbuksan niya ako ng pintuan.

Wala akong ginawang kilos.

"May dadaanan pa ako!" I reasoned.

"At saan?" iritado niyang tanong.

"Kailan ka pa nagka-paki? Mauuna na nga ako!" sabi ko at sabay lakad.

"May dinner mamaya! Kasama mga pinsan natin! I can drive you wherever your destination is!" he shouted back when I started to walk away.

I disregarded him. Buti na lang at kinaya ko hanggang sa sakayan ng jeep. Bumaba ako sa pinakamalapit na private hospital na kinalalagyan ng aking doktor.

Mabuti na lang at naagapan ko ang aking sarili. Alam niyang ayaw ko ang tulong ng iba kaya hindi niya ito sasabihin sa aking magulang o kanino man. Nagpahinga ako roon, sa isang private room.

🎀

Nagising na lang ako nang 8PM at puro text mula sa aking mga kapatid ang bumungad. Lagot daw ako dahil hindi na naman ako sumulpot. Bumukas ang pintuan at may nurse na pumasok dala ang aking pagkain.

Hindi ko inaasahan ang sumunod na nangyari. Si Monjardin, pumasok sa aking silid at iniwan pa kami ng nurse rito.

Why was he here? Paano niya nalaman?

"May asthma ka pala," puna niya paglabas ng nurse.

Inirapan ko siya. Bakit alam niyang nandito ako? Bakit siya pinapasok rito?

"Bakit hindi mo sinabi?" tanong niya gamit ang malamig na boses.

"Wag kang mag-alala, hindi kita pagbabayarin ng burol ko kung sakaling namatay ako kanina," sabi ko, binaliwala ang kanyang tanong na wala namang saysay.

"Pinapunta ko ang parents mo. Maya-maya lang ay nandito na sila," he told me that made my blood boil.

"Bakit?" I asked with such anger.

Nagulat yata siya sa lakas ng aking boses.

"Napaka-pakialamero mo!" bintang ko.

"Oh, don't show me that kind of attitude, kid," pinantayan niya ang aking galit.

"E 'di huwag kang mangi-alam. Pahamak ka!"

"Pahamak? Ikaw na nga 'tong tinutulungan," he pointed out.

"Well, sa susunod, huwag mo na akong tulungan dahil hindi ka naman nakatulong ngayon!"

Nalaman na ng magulang ko kung sino at saang hospital ako pumupunta. Alam na nilang may asthma ako pati ang iilang sakit na natamo ko kada-taon at dahil iyon sa bwisit na Monjardin na 'to!

Sabing ayaw ko ng awa. Ayaw kong may taong may paki sa akin... dahil alam kong mahuhulog ako sa kabaitan nilang iyon tulad ng dati. Ayaw kong bumalik sa dating ako na umasa sa mga salitang hindi naman totoo.

"Pahamak ka," bulong ko.

"Until next time," aniya at bumukas ang pinto ng aking silid.

Nakita ko ang mga galit na mukha ng aking mga magulang at kapatid na diretso sa akin.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top