Chapter 31

Chapter 31 | Follow

We used two black vans as our transportation. Tila pa isang malaking tahanan ang loob nito dahil customized at malinis.

Sa sinasakyan kong van ay katabi ko si Lierre na piniling pumwesto sa gilid ng bintana. Sa kabilang dako naman ay ang dalawa niyang kuya na sina Trojan at Marcus. Sa aming likuran ay ang aking ama at ina. Ang tatay niya ay katabi ni lolo sa pinaka-likod.

Ang isang van naman ay napalolooban ng aming mga gamit at extra vehicle lamang kung kakailanganin.

Everyone of us was silent, tanging ang matatanda lamang ang maingay upang aliwin si lolo. Lierre took a sleep kaya nahawa ako at natulog din.

Nagising na lamang ako dahil sa pag-alog sa akin ni papa, sinabing nag-stop muna kami para maka-banyo o anoman.

Sa isang malaking gotohan kami tumigil. May iilan ring mga sari-sari store na bukas ng ganitong oras. Nalaman ko na malayo na kami sa syudad dahil halos mga kubo't puno na lamang ang aking nakita sa kapaligiran.

I was about to stand up to get out when I noticed Lierre's sleeping position. She was crouching at ako mismo ay hindi komportable sa kanyang posisyon. Her space was wide enough yet she decided to sink herself in the corner.

I noticed she was also wearing two jackets. The air condition wasn't even cold enough pero lamig na lamig siya.

I was torn between waking her up or not.

Bahala na.

Malay ko bang gusto pala niyang mag-banyo, 'di ba? Ginising ko siya ngunit dahan-dahan. I didn't want to interrupt but my thoughts were killing me. Nang hindi siya nagising sa mahihina kong pag-alog sa kanyang balikat, wala sa sarili kong hinawakan ang kanyang mukha.

Nanlaki ang aking mga mata nang naramdaman ang init galing doon. Hinaplos ko ang kanyang leeg at noo upang makumpirma.

She had a fever!

Imbis na siya ang magising, tila ako pa ang nagulat. Sobrang init niya! Seconds later, she tried opening her eyes. Namumungay ang mga ito, halatang may sakit na iniinda.

"Nilalagnat ka. Anong masakit?" I asked.

I tried to stay calm.

Umiling siya at pinikit muli ang mga mata.

"Come on, anong masakit?" I asked again, impatient.

"Wala," namamaos niyang sagot.

"I'll buy you medicine and food. I'll be back in a minute," I said and ran towards the door.

Agad akong bumili ng goto at mga maaaring gamot para sa lagnat. Oo maraming iba't ibang gamot. Malay ko ba kung alin sa mga ito ang iniinom niya?

I looked calm but on the inside, I was panicking. Buong biyahe ay tulog siya ay hindi umimik gayong may iniinda na palang sakit. I wouldn't be acting like this if I knew earlier.

I went back after the goto got cooked. Dala ang mga pinamili, pumasok ako sa aming van at nilapag sa lamesa ang mga ito.

I gently shook Lierre again to wake her up. Gladly, she opened her eyes and slowly tried to sit.

"Kumain ka muna bago ka uminom ng gamot," I said with authority.

Sumunod siya, ilang segundong lumipas. I stayed silent at pinagmasdan na lamang siya sa pagkilos. Hindi ko na muling binalak umalis sapagkat baka may kailanganin pa siya.

Ilang subo ang lumipas ay nagsalita siya.

"I'm fine," she said.

Namamaos ka nga!

"Tss. Anong masakit sa 'yo?" I asked.

"Wala nga," paos pa rin siya.

"Ano bang nangyari at nagkalagnat ka?" I asked.

"Wala," she answered.

Nang nakalahati niya ang binili kong goto ay saka siya sumukong kumain. Her eyes darted at the medicines I bought.

"Ang dami naman?" may gulat sa kanyang tono.

"Anong tingin mo sa 'kin, mag-o-overdose?" she even cracked a joke.

"Malay ko ba kung ano ang iniinom mo," I reasoned.

"Biogesic will do. Hindi ka na sana nag-abala," aniya at ininom ang sinabi niyang gamot.

"Panatagin mo ako kung ayaw mong akong mag-abala pa," I whispered yet enough to hear.

She sharply looked at me, more like observing me. Walang nagsalita sa amin ngunit tila ang aming mga mata ang nag-uusap.

"Minah!"

Sabay kaming napatalon sa malakas na tawag ni Trojan. My senses got back at wala sa sarili kong sinalubong si Trojan.

"I'm not in the mood, kuya," Lierre said warningly.

"Kumain ka na?" Trojan asked.

"Oo," tipid na sagot ni Lierre.

"Bakit ang daming mong gamot dito?" Nag-aalalang tanong ni Trojan.

He gently held both of Lierre's shoulders.

"Nilagnat pero tulog lang ang katapat nito," Lierre answered.

"Dapat sinabi mo agad para hindi muna tayo tumuloy ng biyahe," ani Trojan.

"OA mo, kuya, hindi ka naman ganyan," hinawi ni Lierre ang mga kamay ni Trojan.

"Gusto mong magbanyo? Samahan kita," alok ni Trojan sa kapatid.

"Tara," Lierre responded.

She stood up and his brother immediately grabbed her waist as a support. Umiwas ako ng tingin sapagkat parang hindi tamang tumingin sa gano'n. They slowly went off the van at tila pa ngayon lang ako nakahinga ng maluwag.

Ilocos Norte ang probinsya ng Zorron. Tito Kyer told us some stories about their family background along the trip. Nakarating kami dakong alas-syete ng umaga. Napagplanuhan naming kumain ng almusal sa isang fast food chain at pagkatapos ay mamamasyal saglit sa lugar.

"Okay ka na ba, Minah?" Marcus asked.

Napalingon ako sa dumating na si Lierre. She changed her clothes. She wore a comfortable crop top shirt and short maong short. I looked away to avoid seeing more details.

"Yes. Na sa hacienda ba si Contessa?" tanong ni Lierre at tumabi na sa kanyang kuya, sa aking harapan.

"Nang tumawag ako, na sa resort siya sa Pagudpud," her brother answered.

"So, are we going there or sa hacienda?" she asked.

"Maybe stay for tonight sa resort then, bukas na tumungo sa hacienda," Marcus answered.

"Cool, balita ko five star na ang resort," Trojan joined.

"Contessa is beyond perfect managing businesses," Marcus said.

"Wala ba rito sa Ilocos ang hacienda?" lolo asked.

"Mayroon po rito pero hindi po iyon pinapabisita sa ibang tao. Strictly for family members lang," si tito Kyer.

"Saan pa pala ang pupuntahang hacienda?" 0apa asked.

"Sa De Cortesia, it's a small island owned by our family," tito Kyer answered.

What? They own an island?

"Kayo na lang ng kuya Trojan mo ang hindi kasal sa mga magpipinsan, ano?" mama asked.

Umiling si Lierre, "No. May iilan pa po kaming pinsan na in a relationship pero hindi pa kinakasal," she answered.

"Oh! Pero kayong dalawa na lang ni Trojan ang single? Hmm?" tukso ni mama.

Humalakhak si Lierre.

"Apparently, yes. Nakaka-stress magmahal," she joked.

Our ordered foods came so we started eating. Nang natapos si Lierre sa pagkain, hindi pa tapos ang karamihan. She excused herself na kukuha lamang ng mga larawan sa labas.

She went out of the fast food chain and I couldn't help but to secretly stalk her using my eyes.

"I'm going to follow her," I declared nang hindi na napakali.

Inasar pa ako nina mama at papa dahil sa biglaang sabi. I literally followed her but I distanced myself, enough to hide from her sight.

I was so alert and conscious of our surrounding. The sun's morning rays were comforting and the warm breeze of the northern wind was relaxing yet they weren't enough reasons to be carefree.

My expectations didn't disappoint. I saw the woman who secretly followed Lierre.

Lierre was enjoying her photography thing kaya hindi niya naramdaman ang mga matang nagbabantay.

I composed myself and gently went near the woman. She was once my student before and I was dying to know why was she doing this.

"Cj?" kunwari ay hindi ko alam.

Nilingon niya akong may gulat sa kanyang mukha.

"Cj! Ikaw nga. Kumusta? Dito rin ba ang probinsya ninyo?" I pretended to be happy seeing her.

"S-Sir Math! K-Kayo po pala," she stuttered as she noticed me.

"Taga-rito ka rin ba?" I asked again.

"O-Opo," liar.

"Good! Tourist ako dito," I said.

"Would you mind touring me around?" I tried my luck.

"Sorry po pero may trabaho pa po kasi ako, e," she said.

I acted like I was disappointed, "Sayang. Ngayong umaga na ba ang trabaho mo?"

"Opo," she answered.

"Hatid na kita," I tried again my luck.

"Hindi na po, sir! May sundo po... ako," she said.

Got you. Sundo, huh? You mean the motorcycle that always fetch you after following LIerre? I wanted to see her ride so, I conversed a little longer.

"A-Ayan na po ang sundo ko," turo niya sa isang itim na motor.

The rider was wearing a whole helmet at tinted ang salamin nito. So fucking play safe.

"Bye, it was nice talking with you again," I lied.

"Kayo rin po. Salamat," then, she immediately went to her ride.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top