Chapter 3
Chapter 3 | Eraser
D E N I S E
May nagr-report sa harapan na dalawang bobo at kami lang ng katabi ko ang maingay sa likuran, hindi nakikinig. Nagsawa na rin ang teacher namin sa kasasaway, mabuti na rin iyon dahil wala kaming paki.
"Car-teyj..." pagk-korekta ng teacher namin sa tangang nagre-report na hindi masabi-sabi ng maayos ang salitang 'carthage'.
Tumango ito at nagpatuloy. Nagpatuloy din ako sa pagsasalita sa katabi. Nag-uusap kami tungkol sa kuya niyang grade 9 na gwapo sa aking paningin.
"God! Pati ba si kuya papatulan mo?" natatawang utas ni Reynard.
Hindi siya 'yong tulad ng mga lalaking pinapatulan ko. He wore glasses and stuffs. Siya lang ang boy best friend kong hindi nagkagusto sa akin which was relieving.
"Bakit ba? Singkit, e!" sabi ko at humalakhak.
May iilang pinagtinginan kami ng masama at may iba namang naki-chismis. Ang nagre-report naman, mali muli ang bigkas sa carthage.
"Nilamon ka na ng mga singkit," sabi niya.
"Sana nga," biro kong agad niyang na-gets.
He may looked innocent but hell, isa sa mga dahilan kung bakit kami nag-usap ay dahil sa boobs ng isang babae noong grade seven kami.
Nagpatuloy kami sa pag-uusap tungkol sa kuya niya. Natapos na rin sa reporting ang dalawang bobo at ngayo'y nagtatanong na sa klase.
"May mga tanong ba kayo para sa kanila?" tanong ng guro nang natapos ang questions ng reporters.
"Bakit hindi mo kayang bigkasin ng tama ang carthage?" malakas kong utas.
Tumawa si Reynard sa sinabi ko at ang iba naman ay nakisabay. Mukha namang na-offend ang tinutukoy kong reporter.
Pagkatapos no'n ay break time ng lahat. "Bibili ka?" tanong ni Reynard.
"Bilhan mo na lang ako. Katamad tumayo," sabi ko.
Ngumisi ang gago, "Papuntahin ko si kuya, gusto mo?" he mocked.
Tumawa ako at hinampas siya ng notebook na hawak.
"Wag na! Masabihan pa akong attention seeker."
"Bahala ka," niya at lumabas na.
Ni-entertain ko ang sarili sa pamamagitan ng aking phone. Wala naman akong permanenteng kaibigan dito maliban kay Reynard.
The rest were just temporary friends, iyong tipong mag-uusap lang kayo kapag nagkasalubong o may kailangan.
Kaya kong makipag-sabayan sa mga kaklase kong gusto akong kausapin ngunit batid kong pawang plastikan lamang iyon, kaya minsan ay tinatamad na rin akong makipag-usap sa tulad nila.
Kahit naman mag-isa ako sa sulok na nagc-cellphone ay hindi pa rin ako mukhang loner. Kung iniisip man ng iba na nag-iisa ako, hindi ko na obligasyong pakinggan iyon.
"Oh, ayan," binato ni Reynard ang paborito kong biscuit, lima ang binili niya.
Nginitian ko siya habang siya'y nakatayo, inayos ang upuan niyang nakatabingi.
"Naks! Ang galante talaga, o."
"Nagsalita ang milyonarya," aniya.
Ngumisi ako... and yes, alam niyang mayaman ako, ang apelyido ko.
We were quiet while eating nang nadistorbo.
"Ayieee!" may mga malalanding buteteng sabay-sabay na nag-harmonize.
Tiningnan ko kung sino ang inaasar nila, iyon pala ay si Math at ang mukhang pandesal na babaeng student-teacher. What's so special?
"Ayan ang ST ng sumunod na section sa atin, sa 107," sabi ni Reynard.
"Ah talaga? Ano pangalan?" tanong ko, nakatingin pa rin sa labas.
Nakita kong nakangiti si Math, ngiting fuck boy. Namumula naman si pandesal dahil sa mga tukso na aking kinakunot ng noo.
"Ma'am Danah. Minsan, Rayna tawag sa kanya," sagot ni Reynard.
"Ba't mo alam?" tanong ko.
"Chinismis ni kuya sa akin kanina. Nagagandahan siya," aniya at ngumiti.
The hell? Bakit gustong-gusto ng mga tao ngayon ang mga ganyang mukha at pormahan? If I stand beside her, walang wala siya sa kagandahan ko.
"Badtrip na yan!" tukso ni Reynard.
"Ayaw ko na sa kuya mo," bulong ko habang tumatawa siya.
"Bakit naman?" tanong niya, natatawa pa rin.
"Seriously? Mukhang pandesal na inamag 'yang Danah na yan. Wala nga akong makitang bakat sa dibdib niya. Napagkamalan ko siyang plywood na nakadamit!" mas lalo siyang natawa sa aking panlalait.
"Nagseselos ka ba sa kanila? Ngayon lang kita nakitang ganyan mag-react," aniya.
"Hilo ka ba? Ako si Denise Zorron, natural sa akin ang mang-insulto," depensa ko agad dahil napaka-walang kwenta ng kanyang bintang sa akin.
"Okay, sige, kalma," he hissed.
"Nakakairita lang talaga ang kuya mo. Hindi mo sinabing trip niya pala ang mga plywood," sabi ko at humalakhak.
Hanggang sa sumunod na klase ay inaasar pa rin namin 'yong Danah na 'yon. Hindi na kami sinita ng teacher namin, which was our adviser.
"Shit, may Math tayo ngayon," narinig ko na reklamo ng na sa harapan ko.
Ang akala ko ay magre-review sila o ano sa Math, iyon pala ay magpapaganda. Nasinghot ko ang mga pulbo nila, pati ang foundation ng bakla kong kaklase na tinalo ang kapal ng layer ng Earth.
"Denise, maayos ba?" tinuro pa ng na sa harap ko ang mukha niyang halos mawala na ang mga kilay sa sobrang puti.
"Daig mo pa ang Camera 360 at Beauty Plus," panlalait ko.
Nginiwian niya ako, halatang nainis sa sinabi ko. Eh, sa akin ka pa nagtanong. Alam mo namang ang tino kong kausap.
Todo sulat naman ng notes itong si Reynard. Kahit gago 'to, napaka-grade conscious naman.
Ako? Wala lang. Chill. May notebook ako pero konti lang ang sulat. At least may laman, 'di ba? Ang linya ng bawat pages.
"Denise! Wala ka pang naipapasa ni-isang activity! Mag-O-Oktubre na, next month na ay exam niyo na," sabi nito sa akin.
"Ma'am, gawan niyo ko para may maipasa na!" sigaw ko pabalik.
Sinuportahan naman ako ng mga kaklase kong may pagka-gago rin.
"Ay, ewan ko sa 'yo. Gawin mo na imbis na naka-upo ka lang diyan," aniya.
As if gagawin ko? Natapos ang oras na iyon na wala akong ginawa. Nagprisinta naman si Reynard na siya na magsusulat ng notes ko, pumayag na lang ako.
"Nandyan na si sir," malalanding utas ng mga kaklase ko.
Ano bang mayroon do'n sa Math na 'yon at kilig na kilig sila? Tumayo sila nang pumasok si Math sa aming silid. Binati nila ito at nag-half bow, habang ako ay naka-upo lang at inayos ang mga kuko.
"Denise. Stand the fuck up," malamig ang kanyang boses.
Napataas ang kaliwa kong kilay at napangisi. So, he curses to get my attention.
"Nevermind the 'stand', 'yung fuck na lang," tumawa naman ang mga kaklase ko.
"Oh, I'm sure may reserba ka na mamaya," he hissed.
Medyo nairita ako roon dahil para bang pinagbibintangan niya akong malandi at madaling makuha ngunit hindi ko pinahalata.
"Pumunta ka ba rito para ganyanin ako? Inggit ka ba? Gusto mong tayo na lang mamaya?" hamon ko habang may sarcastic smile sa mukha.
Hindi ko mawari ang naramdamang takot sa unang pagkakataon dulot ng titig ng isang lalaki.
"Get out," kanyang utos, seryoso.
"Bakit? gusto mo na agad?" pagpilosopo ko pa.
Nagulat na lang ako nang batuhin niya ako ng board eraser na maraming chalk dust.
The hell? May asthma pa naman ako. Gusto kong umubo pero hindi ko magawa. Tumayo ako kahit na alam kong mukha akong white lady dahil sa kanyang ginawa.
"Problema mo, Monjardin!" sigaw ko, hindi ko alam kung tanong pa ba iyon.
Bwisit siya! Mas lalong dumilim ang kanyang expression.
"Ikaw ang problema ko rito, Lierre!" mali ang pagbigkas niya pero alam kong first name ko ang kanyang sinabi.
Tumawa ako kahit na nairita, "Li-yer! Hindi, Layr! Para kang Carthage!" ni-pronounce ko iyon tulad ng sa tanga kong kaklase.
Tumawa ang mga kaklase ko dahil roon habang umiiling akong lumabas ng room.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top