Chapter 23

Chapter 23 | Lierre

"Mamaya ha, Denise? Bawal ang late. Dapat suot mo na ang costume mo," pagpapaalala sa akin ng isang senior high na committee ng Math club.

"Yes, of course! I'll be there," sagot ko nang nakangisi.

Dumiretso ako sa aming silid-aralan. Umikot pa ako sa senior high building upang makarating sa room. Ayaw ko kasing dumaan do'n sa corridor ng building namin, maririnig ko na naman ang mga bulungan tungkol sa akin at may posibilidad na makita ko ang pinakapangit na fungi sa buong universe.

"Nakakagulat ka naman!" ani Reynard nang nilapag ko ang aking gamit.

"Masyado bang nakakagulat ang kagandahan ko?" biro ko.

Tumawa kami kahit wala namang naka-tatawa. Gago lang.

"Mamayang uwian may gagawin ka?" tanong sa akin ni Reynard habang may sinasagutan kami sa Filipino.

"Oo. Awardings mamaya ng mga nanalo sa mga paligsahan ng Math club," sagot ko.

"Nice! Sabi na nga ba't may tinatago kang katalinuhan," aniya.

"Duuh. Zorron ako," I reasoned.

"Yeah. May iba ka pa bang kayang gawin? I mean, bukod sa tinatago mong boses, ano pa ang talent mo?" tanong niya.

"Hmm... siguro ang pag-iwan sa mga tao," I answered playfully.

"Nako! Pati pagb-basted sa mga lalaki. Tsk tsk," dagdag niya nang naiiling-iling.

Tumawa kami.

"Seryoso, ano nga?" tanong niya pagkatapos ng tawanan.

"Uy, curious na siya sa akin. In love ka na sa akin?" tukso ko sa kaibigan.

"Hindi ko trip ang mga tulad mo," he reasoned.

"Tulad kong dyosa? Ako rin, hindi ko bet mga tulad mong anino," halakhak ko.

"Hoy, grabe ka! Porke't maputi ka? Hindi naman ako maitim. Dark brown, kasi. Dark brown!" pagtama niya sa aking sinabi.

Mas lalo akong napahalakhak.

"E, dark pa rin! Itim ka pa rin," bawi ko.

Umiling siya, "Ang sama mo. Dark brown pa kasi, wag kang magmadaling umitim ako. At least proud akong puno, 'di ba?" aniya.

Tawa lang kami ng tawa sa mga walang kwenta naming pinag-usapan hanggang dumating ang Math time.

Tahimik ang lahat sa oras niya sapagkat may pinagawa lamang siyang activity at hindi nagturo.

The fraternity suddenly came into my mind out of nowhere. Matagal na rin mula nang kulitin ako ng mga ito at lagi ko iyon hindi napansin dahil kay Monjardin. Hindi na ako nakarinig muli ng balita sa kanila at ang school ay tila nakalimot na rin sa issue'ng iyon.

Mabilis dumating ang huling subject. My system was now excited for the event.

"Ma'am, mauuna na po ako roon sa gym. Kasali kasi ako sa mga—" hindi na ako pinatapos ng TLE teacher namin sa aking pagpapaalam.

Agad niyang naintindihan ang aking ninais kaya pinayagan na niya akong mauna.

Pumunta ako sa ibang comfort room at mabilis na nag-ayos. Nang natapos ako sa damit, sinuot ko ang aking whole face mask na punong-puno ng design for Christmas. They knew I had a voice kaya ako ang pakakantahin mamaya.

Noong una, I disagreed. Ayaw ko nga kasing kumanta dahil naaalala ko ang Likriale. E dahil mas lalo nila akong pinilit, umo-o na lang rin ako ngunit may kondisyon at iyon ay ang pagsuotin ako ng maskara sa mismong program.

"Nandito na si Denise," sabi nila pagpasok ko sa AVR kung saan kami dapat maghintay.

Namataan ko ang grupo ni Kye sa bandang dulo na naghanda rin. Sila ang sasayaw sa kakantahin ko.

May iilang parents din ang naririto para sa kanilang mga anak. Bakit kamo imbitado ang mga parents? Ang program na ito ay parang pag-welcome na rin sa Pasko kaya nga sa huling araw ng Nobyembre sinakto.

Alam ng school na may iilang magulang na maaaring hindi pumunta kaya may ibibigay silang one thousand pesos mamaya sa mga dumalong magulang.

Nakangiti ako habang nakisalo sa mga taong gusto ng aking atensyon. Binigay ko naman ang gusto nilang atensyon at mas lalo lamang ako nasiyahan dulot nito.

Medyo matagal pa kaming magp-perform dahil huli nga. Alam na rin ni kuya Trojan na late akong makalalabas ng school dulot dito kaya hindi na niya ako susunduin.

Bumaba ako nang hindi nakamaskara dahil awardings na pala. Huli ang quiz bee winners dahil pa-special effects raw iyon.

"Second runner up for the group quiz bee goes to Kyeshal Nilayi, Delta Sunaka and Sana Mijena," anang MC.

Wow, group na nga second placer pa? Well, at least nag-effort.

"Now, let's move on to the solo guiz bee! The winner for this competition is an unexpected young girl. Walang iba, ang natatanging gusto ng lahat. The winner goes to..." parang ang bilis talaga ng oras dahil ako na agad.

Kinabahan naman ako at hindi ko alam kung bakit! Yes, I get a lot of attentions but this one was far different.

Aakyat ako sa stage dahil may award ako, may pinalalunan ako. Nakaka-init sa damdamin, 'yong init na matagal ko ng hindi naramdaman.

Sobrang lakas ng hiyawan lalo na ng section namin. Tawa ako nang tawa. Somehow, I appreciated their cheers kahit pinaplastik nila ako. It felt good pero hindi na ako aasang maka-susundo ko ang mga ito.

May iilan pa sa ibang section na ginawan talaga ako ng banners. Tahimik naman sila kanina pero ngayong nandito ako ay napuno ng hiyawan ang buong gym.

I scanned each faces on the parents' side. Wala si papa o si mama. Well, ayos lang... I sighed.

Bumaba na kaming winners sa stage matapos ang mainit na awardings at umakyat na ako muli sa AVR. Iniwasan kong mapalapit kay Kye dahil masisira ang aking mood.

I wore the mask again and prepared myself. Maya-maya lang ay kami na ang magp-perform. Ngayon na lamang ako muling na-excite kumanta. Pwede pala iyon, 'no—ang makaramdam ng maraming emosyon sa isang bagay.

Umakyat kami sa stage nang ipinakilala kami. Naka-full mask na ako at ang mga kasama ko. Ang dancers lang ang hindi naka-full mask dahil sila ang mga naka-costume.

Nagsimula ang background music at hawak ko na ang mikropono. The students were hyped up dahil sa mga naka-display na legs ng dancers.

Then, I started singing.

What if ribbons and bows didn't mean a thing

Would the song still survive without five golden rings?

Would you still wanna kiss without mistletoe

Ang isang kanta ni Taylor Swift ang pinili kong kantahin dahil masaya ang tono nito't maganda ang message. Tuloy-tuloy lang ako sa aking pagkanta habang walang malay na sinuri ang madla.

You see that today holds something special

Something holy not superficial

I continued singing the chorus nang may nakakuha ng aking atensyon.

Dad was here!

Christmas must be something more!

Hindi ko alam kung bakit tila naging mas maligaya ako. Halos sabayan ko na ang mga sumasayaw sa sobrang saya.

He was really here.

Ano kayang sasabihin ko sa kanya mamayang pagtapos? How would I greet him? Ang huli naming pagkikita ay isang malabong pangyayari. Paano ko siya pakikisamahan?

Nakakatawa. Pati ang paglapit sa aking ama ay pinag-iisipan ko pa.

Natapos ang performance at dali-dali akong bumaba kahit hindi pa natatanggal ang maskara. Medyo crowded sa harap kaya hindi agad ako nakapunta kay papa.

"Excuse me," paki-usap ko sa mga masisiyang tao.

Pagdaan ko sa gitna ng dalawang magka-ibang tao ay bumungad sa akin si papa... kasama si Kye.

Ginulo niya ang buhok nito nang pabiro at nakangiti. I could almost here him say: "Congratulations! You did very well! What do you want for lunch?"

Uminit ang aking damdamin ngunit hindi na tulad ng init sa kaninang na sa tanghalan ako. Uminit ito't bumigat.

Napatingin ako sa ibang mga estudyanteng masaya sa kanilang mga magulang. Hindi sila nag-hesitate magsalita kahit pabalang o pabiro at sinasabayan pa sila ng kanilang mga magulang.

How I wish kaya ko rin 'yan. Sana kaya ko ring mapansin nila.

"We would like to announce something very important," anang principal.

I didn't notice na ako na lang pala ang nakatayo sa bandang ito. Gumilid ako kung saan malapit sa dulo ng gym. Sinubukan kong makinig sa sasabihin ng principal kahit pa masakit na ang damdamin.

"These past days, may kumalat na rumor tungkol sa mayroon daw'ng fraternity ang school," panimula niya.

Dinaluyan ako ng kaba. Anong mayroon?

"Nalaman namin ang totoo na mayroon nga," now, my attention was full on him.

I couldn't believe I was really hearing this.

"At dahil iyon sa tulong ng isang student teacher," nagbulungan na ang mga estudyante.

Si Monjardin.

"At iyon ay si Monjardin Andrei T. Herjus. Palakpakan natin siya," the principal announced.

"Omg! Si sir!"

"Grabe, hindi lang siya gwapo't matalino. Matapang pa!"

"Grabe, ang galing ni sir. Siya ang nakatuklas."

Para akong sinasaksak ng mga puri nila kay Monjardin. Wala na bang mas bibigat at sasakit rito?


"Silence," utos ni Monjardin sa mikropono.

Tumahimik ang lahat nang pinag-usapan siya.

"This fraternity was bad. Estudyante rin sila dito sa paaralan at halos mga na sa minor age pa lamang," aniya.

"Drop na sila sa school at na sa kamay na ng DSWD," anunsyo niya.

Bakit pa ako nandinto? I should be there! I was also a member!

"Gusto ko lamang kayong pagsabihan kahit wala naman ako sa kalagayang sabihin ito—Huwag ninyong subukang gawin ang ginawa nila..." he stated.

Hindi ko na naintindihan ang mga sumunod niyang sinabi dahil sobra akong nasaktan.

Nang bumaba siya ay umikot ako sa likod ng stage upang siya'y salubungin. Nakita kong papunta siya sa isang corridor kung na saan ang clinic.

"You!" sigaw ko sa kanya.

I removed my mask. He stopped, then turned to me.

"What the hell! Anong ginawa mo?" wala na akong paki kung may makarinig man sa amin dito.

"What? What I did was just right—"

"Fuck you!" damn, I missed cursing this hard and intense!

"Hindi kita pinagsamantalahan tulad ng inisip mo noon—"

"But you used me for informations. You reasoned that fucking quiz bee para mapalapit sa akin! You blackmailed me so I could surrender. You bumped my weak side to earn my feelings. Inalam mo ang mga kahinaan ko para dito!" I shouted.

"Fine. Yes. I used you but not the way you thought!" aniya.

"Still, you used me for your own sake!" I said.

"Ginamit mo ako dahil gusto mong ipamukha kay Danah na nagkamali siya ng binasted!" I declared.

"Pati ang fraternity namin ginalaw mo dahil gustong gusto mo ng mga puri."

He sighed. His eyes were emotionless. Pakiramdam ko'y nabastos ako. Parang wala lang sa kanya ang aking mga sinabi. Syempre, nakuha na niya ang kanyang gusto kaya wala na akong silbi sa kanya.

For a moment, I wanted to hear him explain. Gusto kong malaman kung bakit. Itong mga sinabi ko ay pawang galing lamang sa aking isipan at maaaring nagkakamali ako. For a moment, ginusto kong magkamali at ipamukha niya iyon sa akin.

I wanted him to defend himself to save our friendship. I didn't want to fully believe the reality... nagtagal ngunit wala akong narinig mula sa kanya.

"I only did what was right, Lierre," he said.

Hindi na ako nagpaliguy-ligoy pa. Mabilis akong naglakad palabas ng school. Pumatak ang aking luha nang namataan si papa at Kye na papasok sa kotse nito.

Yeah, whatever.

Naglakad ako patungo sa likod ng school. Mini playground iyon at walang tao. Umihip ang malakas na hangin kasabay ng aking pagluha. Hindi matigil ang aking mga hikbi.

He used me—iyan ang na sa isip ko. I didn't want to accept it dahil hindi iyon ang naging pagkilala ko sa kanya.

Nakakainis. Nakakairita. Nakakagago.

Kahit siya ang dahilan ng aking pagkabigo—ngayon, siya pa rin ang hinihiling ng damdamin kong pumunta rito para sa akin. Gusto ko pa ring nandito siya sa aking tabi para iyakan.

Totoo ngang pwede kang makaramdam ng higit sa isang emosyon, hindi lang sa isang bagay, kung hindi pati na rin sa iisang tao.

I didn't expect it all. I couldn't fully accept my mistake. I was guilty because I trusted.

Sabi niya, siya ang boundary ko. Siya ang dulo ko. Ngayong na sa dulo ako, bakit wala siya rito?

I removed the ribbon clip from him. I threw it to the ground and covered my tear-filled face again.

This was Lierre Zorron. The girl who quickly relied. The girl who quickly trusted inadvertently. The girl who could quickly attach herself to the person who showed her good will. The woman who mourned because she always fail.

I didn't want to be Lierre again.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top