Chapter 22

Chapter 22 | Denise

Tanghali at maraming estudyanteng nagsiyahan sa gitna ng mainit na hangin. They were all smiling as shiny as the sun. They were pure like the sky.

Kami lang yata ang tila hindi naki-ayon sa magandang panahon.

"Rika, tigilan mo muna 'yang rubiks cube mo," ako ang naglakas loob na sitahin ang kaibigan naming na sa harapan lamang.

Ako, si Krina, si Rika at si Thellia ang bumubuo ng Likrial, grupo naming apat na galing sa mga letra ng aming mga pangalan.

Binaba ni Rika ang kanyang cube pero hindi ito tinigilan. I guessed we had to proceed this meeting kahit ayaw niya.

"Kayo muna magsabi," ani Rika, naglalaro pa rin.

I really find it disrespectful whenever I talk to someone whose attention isn't mine. I let this one go, tutal kaibigan ko naman si Rika.

I sighed. Walang mauunang magsalita, alam ko 'yon, kaya ako na lang muli ang nauna.

"What happened? Bakit ka lumayo sa amin?" I asked straight foward.

"Hindi ako lumayo. Kayo," sagot niya.

"Really? Prove it," I challenged.

"Close kayo kay Denise, 'di ba? Siya na ang pumalit sa akin sa grupo kaya bakit pa ako lalapit sa inyo?" ani Rika which I found funny.

"Denise is just our friend. Hindi siya kasali sa grupo. Hindi ka niya pinapalitan. She's just friendly kaya ganoon. Bakit mo ba iniisip na pinalitan ka? You're unbelievable," sabi ko.

"Oo nga. Nakikisama lang naman kami kay Denise. Ikaw pa rin ang Rika sa amin," sabi ni Krina.

Thellia remained silent. I figured out that wala na namang magsasalita kaya ako muli ang nagtanong.

"Ako naman ang magtatanong. Bakit mo kami pinagpalit?" I asked.

Hindi siya nakasagot pero nakita kong may sasabihin pa siya.

"If this is all about jealousy then better end it with Denise. She's innocent here, Rika. We don't want to lose you. We're best friends," sabi ni Krina.

She had always been too kind in speaking. Iyon ang maganda kay Krina, she could balance our mood just fine. She had a rational mind kaya't madalang lamang magsalita.

The bell rang and our nonsense talk ended. The following days were still like the previous days. Rika was there, on her other group. Ako, si Krina, Thellia at si Denise ang magkasama sa first row para sa ginawang tahi sa TLE.

Until one day, Denise opened up in our group chat, nabasa naming lahat iyon.

Para kay Denise, wala siyang tunay na kaibigan kahit araw-araw siyang nakakasalamuha ng iba't ibang tao. Sa bawat ngiti niya ay ang lungkot na tinatago. Pumupunta siya sa amin dahil naiinggit siya sa relasyon ng aming pagkakaibigan. She never wanted to be in our group, though. Sa amin niya naramdaman ang salitang tunay at iyon ang mga panahong nalayo sa amin si Rika.

Kahit na malapit sa amin si Denise, we couldn't help but be awkward around her. Oo, nagkakasiyahan kami pero madalas talaga, ang awkward. Alam kong hindi manhid si Denise para hindi maramdaman iyon.

Para sa kanya, kapag si Rika ang nawawala ay napaka-big deal sa amin pero kapag siya ang wala ay parang maayos pa rin ang lahat.

Rika thought the other way. Para sa kanya naman, pinagpalit namin siya. Para sa kanya, mas importante sa amin si Denise. Sa bago niyang grupo naramdaman na tanggap siya.

Well, okay.

One day, we had the guts to end Likrial but we didn't. Ang ginawa namin, na para sa amin ay ang solusyon sa putragis na problemang iyon, sinali namin si Denise sa Likrial. Naging Likriale ito. Lahat kami ay sumang-ayon kaya akala ko ay tapos na.

Para sa amin, tapos na. Wala ng tampuhan. Wala ng selosan... pero isang linggo lang nagtagal ang salitang ayos na sa amin. Kung sasabihin mo in a statement, problem solved na. Kung sasabihin mo in a matter of fact, hindi pa. Hindi.

Si Krina, ang pinakamalapit kay Rika ay siyang nagseselos ngayon. Pinaglalaban niya na, oo maayos na sa atin pero hindi pa rin bumabalik si Rika.

Walang katapusang selosan.

Dinaig pa namin ang mga mag-jowa sa portion ng away-bati. In the end, we ended Likriale.

Ang sakit no'n lalo na para sa katulad ko. Hindi ako ang tipong friendly o loyal sa friendship. Ngayon lang ako nagkaganito.

Ngayon lang ako nakaramdam ng selos tuwing may kasama ang kaibigan kong iba at kahit na nagselos ay hindi ako nagreklamo tulad nila.

Ngayon lang ako naging concerned sa ibang tao to the highest level. Ngayon lang ako nagseryoso ng ibang tao.

I didn't spit a word kahit nagselos o nagtampo ako. I hoped that one day they would notice but sadly... they didn't.

Sabi nila, kung ano ang iyong itinanim ay siya rin iyong aanihin. Sabi nila, kung ano ang iyong ibinato ay iyon rin ang babalik sa 'yo.

Masasabi ko naman? Tangina niyo.

Hindi lahat makukuha mo pabalik. Hindi lahat makakabalik sa 'yo o minsan wala talagang babalik sa 'yo.

I gave my loyalty and love with a pure heart but what happened? I ended up wrecked. They were my so-called-best friends but they didn't notice anything in me.

Yes, naramdaman ko sa kanilang tanggap ako for the first time, mula nang sinabi ko sa kanila ang aking problema sa pamilya ay lubos nila akong tinanggap.

I knew this was only friendship but they were my first. Firsts were always the hardest to accept.

I was so happy that time that I couldn't believe it. Tanggap ako ng tatlong tao. Para akong nanaginip.

Grade six was horrible because of that. I graduated in a public school and I entered highschool in a public school too.

Me and Krina were the one left in Manila. Yes, I was exaggerating things last school year dahil nabuwag ang grupo kaya kung ano-ano ang mga naisip ko. Friends pa rin kami nina Denise, Krina't Thellia pero wala ng grupo.

At kung anak nga naman ako ni kamalasan, classmate ko si Rika. Ang iilang miyembro ng grupo nila ay hindi na namin kaklase. Ang iilan ay na sa section three habang ang iilan ay na sa unang section.

We were in section two.

Si Krina naman ay na sa unang section. Just what the hell? Kamalasan, ikaw na talaga ang ina ko.

Rika and I became seatmates again because of our last names. The first month was okay. Sinabi ko sa kanya ang mga hinanakit ko last year and she understood them. By that, tumaas ang hope ko na magtutuloy-tuloy na ang naputol na pagkakaibigan.

Hanggang sa dumating ang birthday ng kaklase naming lalaki. Walong tao silang lahat na pumunta sa kaarawan niya, which was pool party na libre ng may birthday. My feed was flooded with their smiles. Kasama rin doon si Denise. I couldn't believe it.

Doon nagsimula ang grupo nilang Squad Goals. I became lonely dahil wala na si Rika, na sa ibang grupo na naman siya. Then the next month, nalaman ko na buwag na rin ang grupo nila noong grade six.

Masaya silang walo sa Squad Goals, pati si Denise. Sabi ni Denise sa akin noon, hindi na niya raw binabalikan ang mga taong nang-iwan, which was Rika. Pero an'yare ngayon, 'te? Na sa iisang squad kayo.

Nakatatawa.

Months passed like hell. I became a freaking socialist. Simula kasi nang nabwisit ako kay Rika, nakipag-usap na ako sa iba.

I figured out that my loneliness wouldn't do me any good. Why would I mourn when everyone of them were moving on?

Nakipagkaibigan na ako, with safety. We laughed like there was no tomorrow. We enjoyed each passing days. Iyon lang ang gusto ko ngayon, ang magsaya.

I realized that nothing really lasts in this world. Maybe in heaven but I was sure I won't be there. The important thing was be happy. Be free. Naisip ko na pwede pala akong maging masaya without betting my loyalty.

That's what I did. I became a freaking bad girl, a careless young girl who seeked happiness. Hindi ko naman itutuloy ang mga ginagawa ko kung hindi ako masaya.

Mga ilan ring buwan akong kumapit sa nawala naming friendship ni Krina. She became friends with someone else sa section one. Sa una, nagselos pa ako pero the hell. Hindi ko na problema iyon. In the end, ako na ang naglagay ng tuldok sa pagkakaibigan namin ni Krina.

I promised to myself that she would be the last person to hear my sweet good bye.

Kung iiwanan ko man ang ibang tao, hindi na ako magpapaalam dahil mas masakit ang umalis nang ika'y nagpaalam kaysa umalis ng walang sinabi.

Suddenly, I realized something. I became just like Denise.

Tumatawa ako pero nasasaktan. Sa bawat ngiti ko ay nakakubli ang sakit na nararamdaman. Kahit marami akong nakasalamuhang tao, gusto ko pa rin ng grupo o kahit isang tao lang na mananatili sa akin hanggang sa dulo.

From that time, I named myself as Denise Zorron. Ayaw ko na ng Lierre dahil iyon ang tawag nila sa akin noon. Hearing my name hurt me and Denise wasn't bad after all.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top