Chapter 20

Chapter 20 | Free

"Na saan si mama?" tanong ko kay kuya Arist.

Siya ang long lost brother namin at dito na siya naninirahan kasama ang kanyang girlfriend.

"Ay, Minah, hindi ko rin alam. Ka-uuwi ko lang rin galing trabaho," aniya.

Tumango ako at pumasok na lamang sa loob.

"Kuya Marcus! Si mom?" tanong ko sa aking kuyang nakatambay sa sala.

"Office," tipid niyang sagkt.

"I'm surprised. Bakit ka nandito sa bahay, ha? 'Di ba working hours mo pa?" puna ko.

Inirapan lamang ako ng magaling kong kuya at tila wala sa mood upang makipagbiruan. I shrugged it off. Minsan talaga ay hindi ko maka-uusap sila ng matino.

Umakyat na lamang ako sa office. I hated every places where I could see my mother. Blanko ang aking isipan sa paglakad. I opened the office's door and yes, I saw her there.

"Bakit ninyo ako pinatawag?" I asked nang nakapasok.

Napatalon siya sa aking presensya.

"Seriously, you should knock Minah," pinakalma muna ni mom ang kanyang sarili.

What is it?" mataray kong tanong.

I was never close to my mother, siguro noong bata pa ako, oo.

"Umupo ka muna," she ordered me.

Hindi ako sumunod, "Ano nga?"

Her fake lovely face turned into a bitch one. People can easily recognize my mother kapag naka-poker face rin ako. Para kaming ni-photo copy sapagkat hawig ko raw talaga ang aking ina. I somehow understood how kuya Trojan feel whenever he was being compared to my father.

I loved her, yes.

I appreciated she carried me for nine months and took a great care of me. . . But, there's just something wrong with me—Hindi ko mapakitang mahal ko siya dahil may problema akong kinikimkim.

I was emotionally confused and she couldn't even notice it. I knew I needed to open up too but how could I say my feelings if she wasn't always available to talk to?

"Nasabi ko na ito sa 'yo noon—"

"Then why say it again?"

"I just want to remind you, young lady. Magpapakasal ka sa kahit kaninong irereto ko sa 'yo," and then, she said it.

"Oo na nga. Oh, anong problema ngayon?" tanong ko.

"Mabuti naman at hindi ka tumututol. Ayaw kong dumating ang araw na tututol ka," sermon niya.

"Pwede na ba akong umalis?" tanong ko.

"Ganyan ka na ba kabastos?" she screamed.

"Utang na loob naman, Minah—"

"Utang na loob? Mayro'n ba akong dapat ka-utangan ng loob sa inyo bukod sa pagdala sa akin ng siyam na buwan sa sinapupunan?" I couldn't help to answer.

"Bastos ka na talaga! I am your mother. Wala ka pang alam sa mundo—"

"Bakit? Do you know anything?" I screamed back.

Lumapit siya sa akin kaya nadepina ang kanyang tangkad na mas mataas sakin.

She slapped me real hard. Pakiramdam ko, namanhid ang buo kong mukha dulot ng kanyang sampal.

Binalik ko ang aking mukha nang nakataas ang noo, "Sorry, ha? Sorry! Sorry dahil bastos ako. I'm not forcing you to care for me. I'm no longer begging for your attention because I am done trusting you—"

"May pake ako sa 'yo dahil nanay mo ako—"

"No! You don't care at all. You care for money. Tignan mo nga, kaya mo akong ireto para lang sa pera? Just to remind you, anak mo rin ako. Sinusumbat mo sa akin ang pagiging nanay mo pero alam mo ba na ang pakiramdam ko ay hindi mo ako anak?" I pointed out.

"Ikaw ang nabubulag ng sarili mong opinyon, Minah! Ginagawa ko ito para sa 'yo. Alam mo namang hindi ka sinusuportahan ng papa mo dahil ayaw niya sa ugali mo—"

"Suporta ba ang tawag sa ginagawa mo?" I asked her.

"I care for you!"

"You care for the benefits," I said.

Natigilan siya. Ayaw ko na. Tinalikuran ko siya upang sana'y maka-alis na.

Sumalubong sa akin si Kye sa harap ng office ni mom at mukhang narinig ang aming pag-aaway dahil nakangiting tagumpay ang puta.

"What a shame," sabi niya.

She looked at me, like some kind of insect. Since hindi ako nakabawi kay mama, siya na lang paglalabasan ko ng galit.

I slapped her. Natumba siya sa sahig sa sobrang lakas no'n. I wasn't a violent person before but sometimes, I couldn't help to bully or physically hurt somebody, especially when the pain I felt was too much to handle. Kinailangan ko ng bagay o tao na paglalabasan ng nararamdaman.

And then superman came.

"Minah! Anong ginawa mo?" father's voice thundered the whole mansion.

"Sa tingin mo?" tanong ko.

He looked more worried with what happened to Kye. He didn't even took another glance at me. This betrayal was far hurtful. I felt tormented and stabbed inside.

"Huwag na huwag mong sasaktan si Kye," ani papa.

Hinarap ko siya, "Oh? I don't mind slapping that piece of shut again. Don't worry," paninigurado ko.

I felt sinking as I walked away from them. This drama wouldn't even gain a top rating dahil sa sobrang pangit.

Sa sala, nakita ko roon sina kuya Marcus, Trojan, Arist, nobya ni kuya Arist at si. . . Monjardin. I bowed my head upang malaman nilang wala ako sa mood makipag-usap.

Diretso kong tinahak ang daan palabas.

"Lierre!" narinig ko ang boses ni Monjardin mula sa aking likuran.

Imbes na tumakbo ako palayo, humarap ako sa kanyang gawi at siya ang tinakbuhan. I hugged him at nagsimula nang tumulo ang aking mga luha. He hugged me back. Pakiramdam ko, siya lang naka-intindi sa aking nararamdaman kahit wala pa akong sinasabi.

"Sige, umiyak ka lang," bulong niya habang pakonti-konti kaming naglakad palabas ng mansion.

Nang na sa labas na kami, saka ako bumitaw sa yakap. My tears were now gone dahil pinilit ko iyong pigilan. I shouldn't be affected of this family drama because it had been rolling since the day I was born.

I opened the front seat at tumingin na lamang sa kawalan. Akala ko ay aalis na siya upang pumunta sa driver's seat.

I was stunned when he leveled himself at my face.

"It's okay," aniya.

Umiling ako. What was the point of saying this if reality showed me the truth?

"No, it's okay," he said again with assurance.

"It is not," I humorlessly chuckled.

Buong buhay ko, inisip at pinilit kong maayos lamang ako. Pinilit kong hindi umiyak sa harap ng kahit sino at ilabas lamang ang mga luha tuwing mag-isa. Iniwasan ko ang drama upang sana ay walang problema.

Iniwasan ko ang problema dahil gusto kong sumaya.

Ngayon... ngayon ko lang nakita na masaya rin palang hindi ipilit ang lahat. Masaya palang ilabas ang nararamdaman sa ibang tao. Masaya rin palang aminin na hindi ka okay, na hindi maayos ang lahat. Masaya rin palang maging mahina.

"Thank you, Monjardin," I bravely said.

"I never heard my name this fine, not until you said it," he said.

I chuckled, "Minsan lang akong mag-thank you kaya inaamin ko 'yan."

He showed a smile, "You can now be free, you know? The competition is over and I will not control you any longer."

I blinked a couple of times, "Seryoso?"

"Of course," he answered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top