Chapter 2
Chapter 2 | Date
Nang nag-Martes, wala akong klase sa section two na 'yon. Mabuti na rin dahil ayokong makita ang estudyanteng nagngangalang Denise Zorron.
"Andrei, may pencil ka pa?" madalas na kaming nag-uusap ni Danah.
May mga impormasyon na rin akong nalaman tungkol sa kanya na mismong siya pa ang nagsabi.
"Yes, ito o," ang binigay ko pa ay ang paborito kong pencil.
I continued reading the book in front of me. I just like to read something whenever I have a spare time.
"May balak ka bang mag-shift ng Science?" pabirong tanong ni Danah.
I smirked, "Depends," sagot ko.
Sinarado ko ang libro at tinuon ang buong pansin sa kanya.
Nagsusulat siya habang nakangiti. Without looking at me, "Depends on what?" tanong niya muli.
Pansin kong may binura siya ro'n sa papel.
"Depende kung lilipat ka rin," hirit ko.
Natigil siya sa pagbubura pero tinuloy ulit pagkatapos ng ilang segundo. Hindi na iyon nasundan. Pinanood ko siyang magsulat hanggang sa nagtama ang aming paningin.
"Am I making you feel awkward?" tanong ko.
"Uh, yes," sagot niya.
"Sorry," at pagkatapos ko iyong bigkasin, lumapit sa 'kin ang gurong under sa 'kin.
"Math, tawag ka sa principal's office," anunsyo niya sa 'kin. Tumango ako kay sir at tumayo.
"Room 107 ang last subject mo, right?" tanong ko kay Danah bago tuluyang umalis.
Napag-alamanan ko kasi na nakipag-shift siya ng schedule sa isang kasamahan namin kaya umaga na siya magtuturo.
"Yes," sagot niya, nakatingin sa 'kin.
"Alright," nginitian ko siya at umalis.
Dire-diretso ako papuntang office kahit walang ideya ang nag-aabang sa akin roon.
🎀
D E N I S E
"What? Me again? Ano na naman ginawa ko?" pikon kong utas sa principal.
Letse naman kasi 'yong mga SSG officers, may kausap lang ako kaninang lalaki ay dinala na agad ako sa office.
Seriously? Traumatized na ba sila sa mga kilos ko at diretso office agad? Hindi naman sa hindi pa ako nadala rito noon, nakakatawa lang na wala naman akong ginawang masama kanina, dito agad ang dala. Hindi muna dinaan sa Guidance o sa Committee on Discipline.
Bumukas ang pinto ng wala akong nakuhang sagot mula sa principal. I put my right leg above my left leg.
"Good morning, sir," bati niya.
Nilingon ko ang pumasok at bumati. I knew him. Siya ang pinagkakaguluhan ng mga kaklase ko ngayong student-teacher.
Ano nga ulit ang pangalan niya? I seriously couldn't remember ugly creatures.
"Math, have a seat," natandaan ko lang na acronym ng ngalan niya ay Math dahil sa sinabi ng principal.
Umupo siya at buong atensyon ay na kay sir.
"Siya ba ang babaeng nahuli mo noon sa likod ng school?" may matching turo pa si sir sa 'kin.
Math's eyes landed on me like I was some criminal, I noticed how he scanned me through. Nahuli noon sa likod ng school? I couldn't remember if I really did something, though.
"Yes," sagot ni Math.
Tumango ang principal.
"So? Now what?" singit ko naman.
Sabay nila akong tinignan. Judging me, probably.
Sanay na sanay na ako.
"I don't know what to do with you, Ms. Zorron. Bakit ba ang tigas ng ulo mo-"
"At least may ulo, 'di ba? Kung wala akong ulo tapos nandito pa ako, mas hindi mo alam ang gagawin mo," sabi ko naman, binaliwala ang sermon na inumpisahan.
Sanay na ako riyan. Ilang beses ko na 'yang narinig. It didn't make sense as time passed by. I couldn't afford to listen to any of their words.
"Ilang beses ba naming sasabihin sa 'yo na magtino ka-"
"Ewan ko sa inyo? Kayo naman 'tong sabi ng sabi riyan, eh. Pinilit ko ba kayo? Sinabi ko bang sermunan niyo 'ko?" pagtataray ko.
Parang ako na naman ang magmumukhang mali sa nais niyang sabihin.
"Paulit-ulit na nga lang, hindi ka pa matuto," napagtaasan na ako ng boses ng principal. Umirap ako.
"Oo nga, paulit-ulit. Tingin niyo ba epektibo ang pag-ulit ninyo ng mga sermon? State the obvious that I am still not the person you, people, want me to be. Hindi niyo ba naiisip na sa paulit-ulit ninyong sermon at daldal ay nagsasawa na ako kaya mas ginaganahan akong hindi tumino?" subat ko.
"Think about your fu-"
"Heck, don't you dare talk like you care. Kung mag-isa na lang akong matitira sa mundo, ayos lang. Lahat naman kasi ng tao, tinadhana na ng Diyos sa isang bagay. I don't need to decide what I want in the future 'cause it has been decided before I even breathed the Earth's air," sabi ko.
"Ako at ako lang ang makakatupad sa bagay na tinadhana sa 'kin. Hindi ikaw, hindi sila at hindi ang pamilya ko. This is my life," dagdag ko at tumayo.
I planned to leave the office.
"She's immature," rinig kong komento ni Math bago ko isarado ang pinto.
Nilingon ko siya sa maliit na natitirang butas ng pinto. Umirap ako at padabog na sinara ito.
No one asked for your opinion, though.
🎀
M A T H
"She's always like that. She talks as if she's innocent. Pati ang mga magulang niya ay nagsasawa ng pagsabihan siya kaya pinabayaan na lang," sabi ng principal pagkatapos ng komento ko.
"By the way, ang real name niya ay Lierre Minah Zorron. Ayaw niyang tinatawag siya sa pangalan niya kaya gumawa siya ng nickname which is Denise," he informed me.
"Iyon din ang isang rason kung bakit siya pinag-aral sa public. Her family is rich, millionaire. I know some of her cousins na matitino at maayos kung gumalaw. We don't know what happened to her at tila ba naiba sa kanila," the principal explained.
Rich? Kaya pala ganyan ang ugali. She spoke na parang alam na niya ang lahat sa mundo.
"Sige na, Math. Pasensya na sa istorbo," ani sir.
"Ayos lang po, sige," lumabas ako ng office at tinungo ang faculty. Kinuha ko ang aking mga gamit at nagtungo na sa ikalawa sa huli kong klase.
Nag-focus na lang ako sa pagtuturo imbis na isipin ang nangyari kanina. Medyo nabawasan na rin ang pagka-bad trip ko kay Lierre dahil nalaman na ng principal ang katotohanan.
Sumunod na ang huli kong klase. Parang isang minuto lang ang klase dulot ng aking excitement. Hindi na ako nagpaalam sa klase at hinayaan na sila. Halos takbuhin ko na ang corridors makapunta lang sa room 107.
Hihintayin at sabay kaming uuwi ni Danah. Naunang pumila ang mga estudyante sa room 108. Nakita kong may mga lalaking alalay si Lierre na nagdadala ng mga gamit niya.
Hindi ko na iyon pinansin pa. Binati pa ako ng ibang estudyante at tinanong kung bakit ako narito.
Nagsitayuan at naglabasan ang mga estudyante sa room 107. Lumabas na si Danah na sinalubong ko naman.
"Oh, ba't ka nandito?" nakangiti niyang tanong, mamula-mula ang pisngi dahil sa init.
"Hinintay kita," sagot ko.
Tinukso kami ng mga nakarinig. May iilang napatingin sa amin dulot nito. I chuckled, mas lalo kasing pumula ang pisngi ni Danah dulot ng tukso.
"Oh, sige," aniya.
Sabay kaming umalis doon.
My mood was absolutely light and calm yet I heard Lierre's comment.
"Um-absent na lang sana sila at nag-date," aniya.
Wala sa sarili ko siyang hinarap, "Do that, mas matutuwa pa ang eskwelahan kung wala ka rito."
She looked at me, stunned. Akala niya siguro ay hindi ako sasagot at aalis na lamang. Her eyes were full of anger and judgement.
Kung ginagawa mong landian ang school, tiisin mong makakita rin ng naglalandian rito bukod sa 'yo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top