Chapter 19
Chapter 19 | Congratulate
He treated me lunch at hindi na ako pinilit na mag-review para sa quiz bee next week. Pa-uwi na kami sa kanilang mansion. Halos isang linggo na rin akong nanirahan doon at naging close ko na ang parents nila, lalo na si tita.
"Uh, Monjardin..." panimula ko at nilingon siya.
Hindi siya nakasulyal dahil nagmamaneho.
"Pwede na ba akong umuwi sa unit ko? I mean... nakahihiya na kasi... sa inyo," I said quite unsure.
His lips moved upward, released a toxic smile, "Nakakahiya? Iyan ba ang epekto ng kinain mong wasabi?" tukso niya.
Tinampal ko ang kanyang kanang braso kaya siya'y napahalakhak. Sinubuan niya kasi ako ng wasabi kaninang lutang ako. Hindi ko naman alam na wasabi pala iyon kaya nagulat ako at nag-panic sa restaurant.
"Tuwang tuwa ka naman?" natawa na rin ako dahil sa kanya.
"Oh, basta! Gusto ko ng umuwi ro'n," pag-iba ko ng topic.
I saw his mood changed from jovial to uncomic.
"Hindi pwede," aniya.
"At bakit?" I asked.
"Your kuya's condo was wreck. Nasunog. Sinunog, kako," he answered.
What?
"May suspect na ba?" tanong ko.
Umiling lamang si Monjardin. Magsasalita pa sana ako nang tumunog ang aking phone. Tumawag si kuya Trojan. I immediately picked it up.
"Minah, susunduin kita mamaya kina Andrei. Dito ka muna sa bahay matulog," aniya sa kabilang linya.
"Bakit?" I asked.
"Nakita na nina mama't papa ang matagal na nating nawawalang kapatid. Bukas ang dating kaya kailangang i-welcome," my jaw dropped.
"S-sige ba. Anong oras?" tanong ko, namangha.
"After dinner," he answered.
"Sino 'yon?" tanong ni Monjardin nang ibaba ko na ang phone.
"Ah! Si kuya lang. Susunduin niya ako mamaya," sabi ko na tinanguan niya lamang.
🎀
Nang nag-Lunes, nakabalik na ako kina Monjardin. Ngayong Lunes rin ang quiz bee, mamayang tanghali.
"Kinakabahan ka ba?" tanong sa akin ni Monjardin habang nagmamaneho siya patungong eskwelahan.
"Ako pa? Ako pa ang kakabahan? Zorron yata ako, Monjardin," at kinindatan siya.
"Oh, ano ngayon kung Zorron ka?" panuya niya.
"Ang ganda ko," sabi ko at humalakhak.
He only swayed his head as a disapproval.
"Alam mo ba kung saang competition si Kye?" I asked out of nowhere.
"Yeah. Sa group quiz bee sila, bukas gaganapin," sagot niya.
Tumawa ako. Group quiz bee? Bakit hindi nag-solo? Kinabahan ba?
"Yabang ka na niyan," tukso ni Monjardin.
"Eh, kasi naman! Ang lakas no'n mang-asar, akala mo kung sino," depensa ko.
"Crush ka nga no'n, e," sabi ko.
His lips twitched pero hindi nagkomento.
"Nagka-girlfriend ka na ba?" tanong ko naman.
"Bakit ka interesado?" may laro sa kanyang tono.
"Aba! Halos alam mo na nga lahat sa akin, eh. Gusto ko lang malaman," sagot ko.
"Wala..." sagot niya at tumawa.
Weird dahil bigla na lamang siyang humalakhak. Maaaring nagkulang ito sa tulog kaya nabaliw ngayong umaga.
"You're creepy," komento ko.
"Eh, crush? Na mas matanda sayo?" tanong ko muli.
Tumango siya nang nakangisi.
"E, mas bata?" I asked again.
Kinagat niya ang ibabang labi bago sumagot ng, "Mayro'n."
Nagulat ako sa kanyang naging sagot.
"Meron? Sino? Sa school ba? Ilang taon ang gap niyo? Oh my gosh, pedophile ka ba?" tuloy-tuloy kong utas.
He looked at me, mukhang na-offend, "I am not a pedophile, for heaven's sake."
"Pero sino? Sobrang bata ba?" I asked again, ignoring his offended face.
"Secret," sagot niya.
"Hoy, sino nga kasi?" tanong ko hanggang sa nakarating kami sa school.
"Wala," he drawled.
"Anong wala? Sabi mo, mayro'n!"
Tuloy-tuloy siya sa pagpasok sa eskwelahan at sunod naman ako nang sunod.
"Pumunta ka na sa classroom niyo," nilingon niya ako nang na sa tapat na kami ng flag pole.
"E, sino muna?" halos magmaka-awa na ako.
"Bakit ka ba interesado?" iritado na siya ngayon.
"Sabi mo kasi mayroon," nanliit ang aking boses.
"Hindi ko naman sinabing kailangan mong malaman," he pointed out.
Tumango na lang ako at naunang naglakad palayo. Sana ay hindi na lang siya umaming mayroon kung hindi niya naman sasabihin. Mas nakakabitin pa ang kanyang sinabi kaysa sa ibang palabas.
"Nandito na pala ang malandi," rinig ko nang na sa tapat ako ng room nina Kye.
"Pati ba naman teacher," parinig pa nila.
Bahala kayo riyan. Bad trip ako buong magdamag. Kahit kinulit ako ni Reynard para sumaya, wala pa ring naging epekto.
Kumain na lamang ako nang break time para maibsan ang naramdaman.
"Mamaya ang quiz bee para sa mga solo contestants. I-good luck ni yo ang pambato ninyong si Zorron," anunsyo ni Monjardin noong oras na niya, kaya ayon, good luck daw sa akin.
"Uy, Denise! Galingan mo, ha!" sabi nila nang natapos na ang klase.
Ngumiti na lang ako at tumango. Pumunta ako sa faculty upang hindi na makarinig ng iba pang kaplastikan. Sabay daw kami ni Monjardin papunta sa library, kung saan gaganapin ang quiz bee.
"Oh, nandito na ang bata mo, Math," sabi ng isang student teacher na mukhang ka-close ni Monjardin.
I innocently looked inside para sana makita ang reaksyon ni Monjardin. I saw that he shared the same table as Danah.
Parang kailan lang ay sikat itong dalawa dahil maraming kinikilig. Ngayon, tila hindi na sila magkakilala. Danah rejected him yet he didn't look affected at all. Gano'n din naman si Danah, she still looked like a walking plywood.
"Tara na," seryosong utas ni Monjardin at dali-dali akong nilayo roon.
"Problema mo?" tanong ko sa nagmamadaling si Monjardin.
"Wala," sagot niya, pagalit.
Sabay kaming pumasok sa library. Nandito na rin ang mga makakalaban ko. Nakita ko si Kye with her alipores sa parteng gilid na mukhang manonood sa laban mamaya.
Monjardin grabbed my left hand para i-guide ako sa dapat daanan.
"Dito ka," bulong niya.
I was sure Kye and her alipores were watching us. Paniguradong nag-iisip na sila ng magandang kwento para i-blackmail ako pagkatapos ng competition.
Maya-maya lang ay nagsimula na ang kompetisyon. Three rounds; easy, average and difficult. Natagalan sa easy round dahil matagal ang binigay na segundo. I correctly answered all the questions for the easy round.
Basic.
Sumunod ay ang average round kung saan may logic na at solvings. Hindi ko nagalaw ang aking mga scratch papers dahil kaya ko namang i-solve mentally. The judges were impressed lalo na nang nasagot ko muli lahat ng tama.
Nakabusangot na ang mukha ng iilan kong kasama dahil sa frustration. Mukhang patatas na sina Kye at ang mga alipores niya, hindi matanggap na ako ang lamang sa laban.
Then, the difficult round came.
Wala man lang ka-thrill-thrill, ako ang nanalo sa huli. Pinalakpakan ako ng mga gurong nanood pati ng iilang student teachers na nakanood ng aming competition.
"Math, ang galing ng bata mo," puri ng isang guro kay Monjardin na hindi ko inakalang na sa likuran ko na pala.
"She was born with it, ma'am," sagot ni Monjardin.
Napangiti ako.
"Ganoon ba, hija?" hindi makapaniwalang komento ng guro.
"Oo, ma'am! Naku! Last year sumali iyan si Zorron sa science quiz bee, siya rin ang nanalo," puri ni Sir Fablon.
"Hi, sir!" siya ang dating nag-guide sa akin para sa Science quiz bee.
"Ganoon ba? Ipagpatuloy mo na 'to, Zorron. Hindi naman pala puro kabulastugan ang kaya mo, e," sabi ng babaeng guro.
Tumawa kami ng ilang saglit saka nagpaalam.
Si Monjardin ang nanguna sa aming daan. He didn't congratulate me at wala namang problema iyon sa akin. He didn't talk to me after too, wala rin namang issue iyon sa akin... but he was acting weird at iyon ang hindi okay sa akin.
Sa likod niya lamang ako at nakasunod. Nang narating namin ang kanyang sasakyan, agad akong pumasok at hinintay siya.
"Uh... okay ka lang?" tanong ko nang pumasok siya.
Tinanguan niya lamang ako nang walang ekspresyon sa mukha.
"Dadalhin kita sa bahay niyo. Ka-uusapin ka raw ng mama mo," aniya.
"Ha? Oh, sige," wala sa sarili kong tugon.
Tahimik lang kami buong biyahe patungo sa aming bahay. I didn't know why I immediately agreed to it. My relationship with my mother wasn't good kaya ayaw kong kasama siya't kausap.
"Uh, hihintayin mo ba ako?" tanong ko.
"May gagawin pa ako. Magpahatid ka na lang," sagot niya nang hindi ako nilingon.
"Sige," sagot ko na lamang at hindi pinilit.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top