Chapter 18

Chapter 18 | Boundary

D E N I S E

Parang walang nangyari sa mga sumunod na araw. Nagsimula na rin ang pagturo ni Monjardin sa akin para sa quiz bee at doon lang kami nagkakaroon ng oras na mag-usap.

Parang iniiwasan niya ako, iyon ang aking napansin sa nagdaang araw. Ayos lang naman sa akin iyon... at least ginawa na niyang madali ang pagtataboy ko sa kanya.

Even if he already said that he wanted to protect me from the bad people, hindi ko pa rin kayang lubos na magtiwala. What could a normal citizen like him do anyway? Unless if he had a secret life to make impossible things possible.

Napatanong na lang ako ng, "Aong nilamon mo para tulungan ako?"

Sa panahon ngayon, hindi kikilos ang isang tao kung walang kapalit ang kanyang serbisyo. May iilan sigurong mabuti ang intensyon ngunit siguradong kakarampot na lamang ang mga taong gano'n.

I tried to remain calm and composed. I didn't want to let him see that I've been affected by his words and actions.

One week ko na ring suot ang mga binili niyang ribbon clips. I felt light weighted everytime it is on me. I slowly lost interest on entertaining boys. I started ignoring my fake friends which made them stunned because I wasn't like that before.

My mind was now free from toxicity yet Monjardin kept on disturbing each of the cells. Whatever he planned, I hope it wouldn't break me... because I wouldn't deny that he already got some of my hopes up.

Katatapos lang ng pangalawa sa last subject namin at TLE na dapat. Nagulat kami nang pumasok ang MAPEH teacher namin kasama ang mga estudyante sa kabilang section, kung saan kabilang si Kye, ang spoiled brat ng aking ama.

She was wearing countless layers of make ups. What a shame. Trying too hard, palibhasa walang dugong Zorron at nakikisipsip lang.

Sa bagay, kahit spoiled siya ni papa sa mga materyal na bagay, hindi pa rin siya pinalipat sa pribadong paaralan para doon mag-arte-artihan.

We were still fair yet I was on the different level. I chuckled on the thought.

We moved the chairs at the corners para may malaking space na ma-upuan. Hindi ako umalis sa aking upuan at nakataas noo lamang na nakatingin sa harap.

Inasar si Kye sa iilan kong lalaking kaklase na crush siya raw. Todo pa-humble naman ang gaga. Minsan, napapa-isip ako kung ampon lang ba si Caca. Mukha kasi silang magkapatid ni Kye kung umasta.

"Ang ganda naman ng lipstick mo, Kye!" someone said.

"Binili ito sa akin ni papa kagabi. Mayroon pa akong sampung iba't ibang kulay. Pati iyong mamahaling blush on ay binili niya rin. Hindi pa 'yan pasko, ha, pero ang dami ko ng natatanggap!" malanding tugon ni Kye at sinuklay ang kanyang buhok gamit ang kanyang kanang palad.

Nagtawanan ang kanyang grupo, "Ganoon? Mahal na mahal ka talaga ni tito, no?" hirit ng isa niyang alipores.

"Yeah, hindi ko kasi siya nadi-disappoint kaya ganoon," she proudly said.

"Sinong tito?" tanong ng isa kong kaklase.

Nilingon siya ni Kye nang may ngiti.

"Ah! Si tito Kyer Zorron, ama ni Denise," she answered.

At dahil minention niya ako, may iilang napatingin sa aking gawi. Pinagtaasan ko sila ng kilay ngunit hindi nagsalita.

"Ganoon? Siguro mas marami ang nakukuha ni Denise sa papa niya. Kaya pala ang ganda mo!" I smiled sarcastically.

"Wala siyang nakukuha kay papa, e," kunwari bigo ang kanyang naging tono.

"Ganoon? So, mas mahal ka ng tatay ni Denise?" pakikisama ng bakla.

"Well..." nagkibit-balikat na lang si Kye.

"Hindi nasusukat ang pagmamahal sa mga materyal na bagay," I whispered yet surprisingly, they heard it.

"Oh? So, saan pala iyon pinagbabasehan?" hamon ni Kye.

Now, we got all of their attention.

"Sa feelings, duh. Na sa section one ka at hindi mo alam iyon? Such an idiot," bara ko.

Sinuportahan naman ako ng iba kong kaklase.

"Hmm, papa is giving me those because, I think, he loves me. Love, feeling iyon, 'di ba?" hindi siya nagpatalo.

"But most of the time, the feeling you assume isn't true," I mocked.

Siya ang naunang nanahimik na aking ipinasalamat. I wasn't up for any fight yet Kye was triggering.

Bumalik ang aming MAPEH teacher kasama ang iilang student teachers. Naghiyawan sila nang nakita si Monjardin. Napansin ko kay Kye ang pagtimpi ng kilig para magmukhang matured. Trying hard as a rock.

"Itutuloy natin ang unang project ninyo sa Music. As we all know, konti lang rin ang pasok this November dahil sa mga cancellation of classes. Then next month, December, Christmas break naman," nagpaliwanag pa ang guro hanggang sa napunta na kami sa main topic.

"Nag-imbita ako ng iilang student teachers para mag-judge sa inyo. I hope lahat kayo ay prepared," aniya.

Ang first kaartehan este project niya kasi ay kakanta, acapella. Hindi ako naghanda, wala rin akong balak kumanta... pero ngayong nandito si Monjardin para mag-judge, nagdadalawang isip na ako kung kakanta ba o hindi.

We made a deal na dapat magpakabait ako sa klase. Bahala na. Hindi naman siguro 'to matatapos ngayong araw sa loob ng isang oras, 'di ba?

May mga nag-volunteer, more like mga pasikat. Minsan flat ang pagkanta, minsan pasigaw, minsan hindi naaabot ang notes, mali ang lyrics at minsan wala sa tono.

They all cheered for Kye nang nag-volunteer ito. Inasar pa si Kye dahil nandito si Monjardin. Monjardin remained cold.

Kinanta niya ang isa sa mga bagong kanta ngayon. I liked this song. Nakaka-relate, 'yong kumakanta lang talaga ang problema. Her voice had potential. Nanginginig nga lang ang boses tuwing mababa ang tono at dahil magaling siyang artista, napagkakamalan itong vibration.

What a talent, girl!

Sa chorus, ang piyok niya ay nagmistulang style sa kanta. Obvious namang hindi niya kayang kantahin ang chorus dahil mataas.

Again, what a talent!

Pinalakpakan ang kanyang kabadong performance. Mukha pa rin siyang kalmado kahit kabado, what a talent.

"Next?" tanong ng aming guro.

"Ma'am! Si Denise po!" muntik na akong magmura dahil sa sigaw ng bakla kong kaklase.

They all cheered for me nang napansing nagulat ako. Kye had the irritating face that triggered me to accept the challenge.

Hindi ako dinaluyan ng kaba. In fact, wala akong naramdaman. Sa totoo lang, ayaw kong kumanta dahil ito ang trip namin noon ng mga ex-best friends ko. They always praised my voice kaya nang nabuwag kami ay nawala na rin ang interes ko rito.

I saw Monjardin's reaction. He was waiting at mukhang ginanahan pa.

Tumayo ako at mas lalong nagsi-palakpakan ang aking mga kaklase. Even some of the students na napadaan sa aming room ay ni-cheer ako.

"You may proceed once you're ready," sabi ng guro.

I nodded. I exhaled.

Tumingin ako sa upuan kong bakante sa likod. Tahimik na ang buong klase at ang lahat ay todo ang mga tingin sa akin.

"You must think that I'm stupid," panimula ko.

May ibang nagbulungan dahil ito rin ang kinanta ni Kye kanina.

"You must think that I'm a fool," I was sure that my low notes were perfect.

"You must think that I'm new to this."

"But I have seen this all before," I calmly continued the song.

Some of my classmates got carried away because of my sudden emotion or maybe this was their first time hearing me sing. Hindi ko sinadyang lagyan ng emosyon ang pagkanta, it just happened. The song was too heavy to proceed yet I did my hardest to finish.

My stare got distracted because of Monjardin. He was so attentive, it stressed me. Mabuti na lamang ay mabilis akong nakabangon mula roon at bumalik sa pag-focus.

"Cause everytime you hurt me the less that I cry,"

"Everytime you walk out the less I love you," mas lalo pang naging klaro ang boses ko at narinig ang tunay na vibrato.

"Baby we don't stand a chance, it's sad but it's true."

"I'm way too good at goodbyes," I ended the song like I was not distracted.

Lahat ng mga ala-ala noon kasama ang mga ex-best friends ko ay biglang sumagi sa aking isipan dahil lamang sa kinanta. I hated that it crossed my mind.

Pinalakpakan nila ako habang dire-diretso ang aking lakad patungong likod. May mga narinig pa akong hindi maka-move on sa ganda ng boses ko. Kesyo tumindig daw mga balahibo nila at nalaglag ang panga.

My teacher suddenly asked the judges dahil namangha rin siya sa aking boses.

"Maganda ang boses niya though mas gusto ko pa rin ang version ni Kye dahil mas malinaw ang boses," komento ng isa.

Mukha namang na-satisfy si Kye. Sinundan pa na puro si Kye ang gusto at proud na proud naman ang gaga.

"Ikaw, Math?" tanong ng guro.

Math shifted on his seat.

"I didn't need to compare who's who to identify the best version. Obviously, it was Zorron," he stated.

"Her notes were on point, low notes man or high. Kay Kye kasi, may part doon na nag-tremble ang kanyang boses pero hindi ninyo napansin dahil nagmistulang vibrato," he criticized.

"Sa chorus din sa version ni Kye, pumiyok siya sa unang mataas na nota while Zorron sang it clearly... And with emotions," he commented that left everyone speechless.

"Sir, hindi po ba't dahil ito sa pagtuturo ninyo kay Denise? Kina-aawaan niyo po ba siya?" subat ng isang alipores ni Kye.

Monjardin's dark face turned darker, "I'm not a freaking music teacher. Bakit ko siya kaaawaan? And what made you think that? I'm here as a judge and I am talking as one," he answered the dumb question.

Hindi ko na alam ang aking dapat maramdaman. Bukod sa emosyonal ako ngayon dahil sa mga ala-alang nagbalik, may mas lalo pang kumurot sa aking puso.

Bakit ba ganito si Monjardin?

Nag-bell. Dali-dali akong lumabas kahit nagpapa-alam pa lang sa guro. Dire-diretso ako patungong comfort room.

Bigla akong kinilabutan sapagkat biglang bumalik ang huling ala-ala ko roon noon. Sa takot, hindi ko namalayan nabubog ko ang sarili sa daan.

Creep traveled in my body. Agad akong nanginig ngunit agad kong tinungo ang pinakamalapit na lababo upang hugasan ang sugat. Masakit ngunit sinubukan kong hindi pansinin iyon upang mapabilis ang paghugas.

Nang wala na ang pagdudugo, I exited the place. May iilang mga estudyanteng pinagtinginan ako kaya imbis na dumiretso sa comfort room, umakyat ako sa pinaka-malapit na hagdan. Inakyat ko ang pinaka-mataas na floor at walang tao ito nang aking abutan.

Napasandal ako at napayuko, pagod sa dami ng naramdaman ngayong araw. Everything replayed at once: my memories with my ex best friends, the time I got beaten up and Kye's words.

Siguro, tama nga si Monjardin... na bata pa lamang ako, na mahina pa ako. Maybe, I only forced myself to survive instead of living my life.

Biglang may humila sa akin mula sa aking harapan. Kinabahan ako sapagkat mabilis ang mga pangyayari... yet I felt a familiar person and he made my thoughts stop.

I buried my face on his chest. I hated to admit but it felt comfortable. He didn't speak, we remained still even when the minutes uncountably passed.

It felt wrong yet right at the same time. I distanced myself nang naramdaman iyon.

"I-I guess you're right," bulong ko sa hindi ko malaman na tono.

"I'm still a kid. Immature. Feeler. Malandi," I murmured with a fake joyful tone.

"It's alright," he said.

"Natatakot kang magtiwala dahil nasasaktan ka," bulong niya.

"You pretend in a good way, Lierre. I'm sorry, ngayon ko lang na-realize. I'm sorry for all the hateful words I said," aniya na sa akin ay nagpatigil.

"You don't need to be sorry, iyan ang tingin mo, e," I chuckled to at least make the situation lighter.

"Life is full of obstacles to test you. Marami ka pang makakasalamuha at matututunan... ngunit sa dami nito, may hangganan pa rin," he said.

"I'll be the freaking damn boundary. Para kapag wala ka ng mapuntahan, sa akin ka babagsak... sa akin ka magtatapos," he whispered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top