Chapter 16

Chapter 16 | Protect

M A T H

Detective Sillo, the one responsible for every informations I knew, called me in a very strange hour of the night.

I was busy reviewing my lessons nang sagutin ko ang kanyang tawag. He said he needed to meet me tonight. He had an important announcement at hindi na raw kayang ipagpabukas.

I collected my stuffs and changed clothes before leaving. I wanted to see Lierre bago umalis ngunit tila ayaw pa rin niya akong kausapin kaya't hindi na ako sumubok.

I used one of our expensive cars sapagkat bulletproof ito at madaling i-maneho. I got stuck in the traffic kaya't may katagalan bago nakarating sa office ni detective.

I knocked the code at automatic na nagbukas ang kanyang gate. Sa pinto, mayroon muling security na kinailangan ng aking mukha. I looked at the camera, nang nakilala ako nito ay bumukas muli ang pintuan.

The maids greeted me and even offered a drink that I declined. I walked towards his main office. Hindi ko na kinailangang kumatok sapagkat bukas na iyon.

"Upo ka," nilahad niya sa akin ang upuan.

Uminom siya sa kanyang baso ng umano'y kape bago muling nagsalita.

"I figured something out," anunsyo niya.

May nilahad siyang mga litrato bilang patunay. I attentively scanned the photos. Sobrang linaw ng mga mukha sa bawat litrato.

"I know some of these students," I said out of the blue.

"Alam mo ba ang ibig-sabihin ng ginagawa nila?" tanong niya.

Hindi muna ako sumagot at tinignan ko muna ang iba pang litrato. May litratong tila nagsuot sila ng kanilang group uniform. Napansin ni detective ang aking tinitigan at may nilapag pa siyang isang litrato.

I analyzed the photo. Ito ang litrato na kinuha niya noong unang investigation sa fraternity nina Lierre... at ang litratong ito ay ang mismong uniporme rin ng na sa ngayong mga larawan.

"Anong ibig-sabihin nito?" tanong ko kahit may nabubuo ng konklusyon.

He exhaled, "Noong unang imbestigasyon, nagkamali ako sa pagkuha ng litratong ito," tinuro niya ang unang kuha.

"I followed Zorron's fraternity but I concluded today that I was wrong. Sinundan ko sila pero iba ang nakita ko sa huli," tinuro niya ang mga litratong binigay sa akin ngayon.

"Ang sabi mo sa akin, nag-iisa ang fraternity ng kinabibilangan ni Zorron sa eskwelahang iyon. No, mali ka, mali tayo," he explained.

"May isa pang grupo, both men and women iyon. Gang. Secret gang," he told me.

Tinuro ni detective muli ang ngayong litrato, "Sila ang nakuhanan ko noong nakaraan nang naligaw ako sa pagsunod kina Zorron."

Hindi lang sina Lierre ang may ganitong grupo sa paaralan. May isa pa.

"May nakita ka pa bang ibang pruweba bukod rito?" I asked detective.

"As of now, ayan pa lang. They almost caught me earlier. This other gang is on the other level," ani Sillo.

"Should I hire another person to helo you?" I asked him.

"I suggest yes, para hindi ma-isip ng gang na sinusundan ko talaga sila. I need to lie low for a few days since they got alerted of my presence," he answered.

I needed answers so I hired another person to investigate. Hindi pa ako nasangkot sa ganitong issue, ngayon lamang at para pa sa isang batang babae.

Sa totoo lang, pwede ko na lang 'tong ibasura diyan sa gilid at iwan but the investigation went far than I expected kaya bakit ko pa isasawalang bahala?

Gabi pa rin nang naka-uwi ako. I purposely went home para maabutang gising si Lierre. Agad kong kinatok ang pinto ni Lierre upang maka-usap siya ng maayos.

Wala akong balak sabihin ang mga nalaman ko dahil baka sabihin niya sa ibang mga ka-miyembro. Kahit pa'y hindi sila nagkikita, maaaring nakaka-usap pa rin ni Lierre ang mga ito sa ibang paraan.

I didn't trust the people around her and Lierre was the kind of person na mahirap basahin kahit alam mong nagsisinungaling.

"Ano ba 'yon?" iritado siya nang pagbuksan ako.

I didn't react. Pumasok ako sa loob at sinarado ang pinto.

"We need to talk about something," seryoso kong sabi.

Umupo ako sa gilid ng kanyang kama while she remained standing, still confused on my sudden seriousness.

"About?" she asked impatiently.

"Your frat. I want to know each of the details," sabi ko, ginawa kong normal ang aking tono para hindi siya manghinala but knowing her, paniguradong nag-iisip na siya ngayon kung bakit ko siya hiningian ng mga impormasyon.

"For what?" she asked, may paghihinala na sa boses.

"Akala ko ba alam mo na ang tungkol doon? 'Di ba't pang-blackmail mo iyon sa akin?" puna niya.

Sinapo ko ang aking noo sapagkat ako na nga itong nag-aalala, hindi pa niya ako sagutin ng maayos.

"Alam ko lang na kabilang ka sa fraternity. Hindi ko alam ang detalya ng frat ninyo," I said.

"Bakit gusto mong malaman?" tanong niya.

"Kasi nga gusto ko—"

"Anong pinaplano mo? Hindi pa ba sapat na binabago mo ako para sa sariling kapakanan mo? You really want the praises, aren't you? Gusto mo pa bang puriin na parang diyos sa buong paaralan kaya mo hinihingi sa akin ang mga 'to? Hindi pa ba sapat na gamitin ako?" she exclaimed.

I got shocked and speechless for a while. Ito ang iniisip niya, ganito ang tumakbo sa kanyang utak.

Inisip niyang kaya ko siya gustong baguhin dahil gusto kong mapuri. Inisip niyang ginagamit ko lang siya upang sumikat.

"Ano? Dahil binasted ka ni Danah, ako ang pagdidiskitahan mo? Ako ang gagawin mong panakip butas sa kahihiyan mo? Babaguhin mo ako tapos malalaman nila, kapag nalaman nilang nabago mo ang tulad ko, pupuriin ka na!" sabi pa niya.

Kinagat ko ang pang-ibabang labi sapagkat nawawalan na ako ng pasensya. The situation itself was too frustrating and here was Lierre, disturbing my mind more.

"Bakit mo naman naisip na gagamitin kita—"

"Because you're already doing it!" she pointed out.

"I am not using you in any way," I calmly said.

Hell, I never planned on using you, Lierre.

"I want you to change para sa ikabubuti mo. The school is searching for your fraternity at pinanghihinalaan ka nilang kasali doon dahil sa ugali mo," I unconsciously said.

"Fraternity is for boys for goodness sakes. How could they conclude na kasama ako kung babae ako, 'di ba? Unless they have proofs!" she yelled.

"They have some proofs," at dahil iyon kay Danah, damn it.

"At sino ang nagbigay?" she asked desperately.

"I don't know," I lied.

"Bakit mo alam 'to? Saan mo 'to nalaman?" tanong pa niya sa akin.

I swear, my soul was now burning in hell for lying.

"The principal personally told me. Kaya kita kinuhang representative para kunwari, iyon lang ang intensyon ko. Hindi nila alam na tinutulungan kitang hindi mapahamak." I told her.

"Bwisit, Monjardin. Alam mong na sa fraternity ako. Hindi ko kayang iwan sila sa likod habang ligtas ako!" she exclaimed.

"Kung babagsak sila, ako rin dapat!" aniya.

"No! Hindi pwede. Zorron ka—"

"Tito ko ang nagpapalaganap sa fraternity namin!" natahimik ako.

Tito niya? Sino roon? Tangina, bakit?

"Kaya ikaw lang ang nag-iisang babae?" I asked.

"Yes! Masama man ang fraternity namin, nakakatulong naman kami sa pagpupuksa ng iba pang masasama," she explained which I didn't believe.

"Hindi ko sila pwedeng iwan," she whispered.

"They're not worth the fall, Lierre," I said.

"Ano pa ang nalalaman mo?" she asked, may pagbabanta.

"Wala," Lies.

"Ang alam ko lang ay iyong sinabi ng principal," pagsisinungaling ko muli.

"Well ngayon, alam mo na ang top secret namin. Ano ng gagawin mo?" she asked.

"Protect you," I answered without any hesitations.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top