Chapter 15
Chapter 15 | Secrets
Nagising ako dakong alas-nuebe ng umaga. Hinatid ni kuya Marcus ang iilang gamit ko para sa pansamantalang pagtuloy ko rito sa bahay ng mga Herjus. Nag-ayos muna ako ng aking sarili bago nagpasyang bumaba.
Naabutan ko si Siñon sa dining table na nagbabasa habang kumakain ng chocolate cake.
"Hi!" binati ko siya kaya umangat ang kanyang tingin sa akin.
"Good morning, beautiful. Hindi ka nakapasok, ha?" tugon niya.
Tumango ako, kunwari nanghihinayang na hindi nakapasok, "Oo nga, e. Exhausted pa rin dahil sa nangyari but I'm recovering."
Nahawa na yata ako ng kaplastikan ng mga pinsan ko.
Nakangisi siyang nagsalita, "That's great. Andrei went to the mall to buy your needs. Pauwi na iyon. May breakfast, kumain ka na."
Nagulat ako sa bigla niyang pagtayo. Siya na ang kumuha ng plato, kutsara't tinidor pati baso para sa akin.
"Thanks although kaya ko naman," hindi niya ako sinagot ngunit nakangisi lamang siya. He even moved the chair para maupuan ko.
Confirmed, playboy nga itong kapatid ni Monjardin but in a gentleman way.
"Eat well," aniya at bumalik na sa dating inuupuan.
"Oh, gusto mo ba ng cake para sa dessert?" tanong niya bago isubo ang kinakaing cake.
Tumango ako, "Yes, please. I am craving."
"Okay, beautiful."
Sus, pang-ilan na kaya ako sa sinabihan niya niyan? Magka-iba sila ng ugali ni Monjardin. Ang sungit at ang hangin ni Monjardin, e. Pa-inosente kuno, halata namang may kamandag na tinatago. Itong kuya niya ay open sa lahat ng bagay, s'yempre siguro dahil ay isang lawyer.
Normal kong kinain ang aking almusal kahit daldal ng daldal sa akin si Siñon. He was fun to talk to, hindi tulad ng in-expect ko sa isang lawyer na judgemental makatingin at magsalita.
Maligaya kong kinakain ang cake na binigay niya. Nakita kong hindi na siya nagbabasa sa hawak na iPad at naglalaro na ng Candy Crush. Bahagya akong napahalakhak. Binigyan niya ako ng mukhang nagtatanong.
"Seriously? Candy Crush? Bakit parang kalahati ng populasyon ng mga taong naglalaro niyan ay puro matatanda?" tukso ko sa kanya at tumawa muli.
Kita ko ang pagngisi niya sa sinabi ko. This time, ibang ngisi ang pinakita niya. Basta iba. Parang may binabalak siyang masama o ano. Hindi rin nagkakalayo ang hitsura nila ni Monjardin kapag nakangiti ngunit mas mapang-asar itong si Siñon.
"Ganoon ba? Then let me show you how old am I," malisyoso niyang tugon.
Hayop! Mas natawa ako dahil na-gets ko ang ibig niyang ipahiwatig.
"Ay! Bwisit!" hindi matigil ang tawa ko dahil sa kanyang kiliti.
Sobrang dami kong kiliti sa katawan kaya hindi ako nagpapahawak sa kahit na sino.
Sinubukan kong tanggalin ang kanyang kamay sa aking leeg pero masyado siyang malakas. Tawa lang kami ng tawa sa dining area. Nang sa wakas, nakatayo ako sa pagka-upo, tumakbo ako at hinabol niya naman ako.
"Tigilan mo na ako!" sigaw ko sa kanya. Tanging ang sofa ng kanilang living room ang pagitan namin.
"You teased me and you think I'll let you slip?" biro niya rin.
"Ano ba? Ayaw ko na kasi!" pag-surrender ko kahit natatawa pa rin.
Tatakbo pa lang sana ako nang mahuli niya ako mula sa likod. Tawa ako ng tawa nang ikulong niya ako sa kanyang braso.
Natigil kami dahil sa pagbukas ng pinto ng living room... and there we saw Monjardin's dark eyes.
Hindi kami nakagalaw sa kinatatayuan namin. Siñon was behind me while I was stuck between his arms. Mukha kaming nagyayakapan. Shit! Agad akong tumayo ng maayos at mukha rin namang umayos na si Siñon.
"Mag-usap tayo," deklara ni Monjardin at umakyat sa itaas.
Nakita ko ang pag-ayos ng mga kasambahay sa kanyang mga pinamili. Alam ko namang ako ang gusto niyang maka-usap kaya sinundan ko siya nang tahimik.
Sa harap ng pinto ng kwartong tinutuluyan ko siya naghintay. Hinarap niya ako nang napansin ang aking yapak.
"Explain," utos niya.
"Well, nagkulitan lang naman kami ni Siñon—"
"Gumamit ka nga ng salitang kuya. He's fucking in his twenties and you talk to him like one of your boys," galit niyang utas.
Natigilan ako ngunit agad nakabawi, "I just want to be close to him. Ayaw ko ng awkward atmosphere kaya nakikipagkaibigan ako—"
"So, kailangang magyakapan para maging close kayo?" pamimilosopo niya.
"Hindi sa ganoon. Kiniliti niya kasi ako kaya noong nakawala ako sa kanya, tumakbo ako papuntang living room para umiwas!" napataas na ang aking tono.
"Umiwas? Naka-iwas ka ba?" mukha talaga siyang galit na galit sa nangyari.
"Oh? Bakit ka ba galit?" I asked because honestly, he was making me confused.
Umiling siya at mariing pumikit, halata mong napipikon na siya.
"Kaya ka nandito para magpagaling at maka-iwas sa mga may masasamang intensyon sa 'yo. Tapos ito lang ang ibabalik mo sa akin? Pwede ba, huwag ng matigas ang ulo?" paki-usap niya.
"At hindi ba't masakit ang katawan mo?" puna niya.
So, what was he trying to say? Na nagsisinungaling ako?
"Hindi naman pwedeng nakahiga lang ako magdamag!" I excused.
"Hindi ko naman sinasabing humiga ka buong magdamag. My point is you should at least behave."
"Paano bang behave ang gusto mo?" pamimilosopo ko.
He was about to say something but someone from my back whistled. He eyed on the man who whistled at napatingin na rin ako roon.
"Nako, away mag-syota ba, Andrei?" humalakhak pa ang lalaki sa kanyang biro.
"Manahimik ka, Jiko, hindi ko 'to syota. Bakit ka nandito?" tugon ni Monjardin at hinarap si Jiko.
Nanatili ang mga mata ni Jiko sa akin kahit na sa likod na ako ni Monjardin.
"Eh? So, ano mo siya?" pang-aasar pa nito, hindi pinansin ang tanong ni Monjardin.
"Okay, kalma, bro," aniya nang napansing hindi natuwa si Monjardin.
"Nandito ang barkada, advance celebration ng birthday mo. Sabi kasi ng mga magulang mo ay pormal ngayong taon ang kaarawan mo. You know we're not into formal parties. So..."
"Tara na sa baba... and..." sinulyapan ako ni Jiko nang may ngisi sa kanyang mukha.
"You can join us, miss?" tinaasan niya ako ng kilay bilang pagtatanong ng aking pangalan.
"Den—" tinakpan ni Monjardin ang aking bibig kaya hindi ko natuloy ang pagsagot. Pinilit kong tanggalin ang palad niya sa aking bibig ngunit nabigo lamang ako.
Humalakhak naman si Jiko sa ginawa ni Monjardin.
"Susunod ako sa baba," iyon lang ang sinabi ni Monjardin at umalis na si Jiko nang may malisyosong ngisi.
"Ano ba?" agad kong sita kay Monjardin dahil sa ginawa.
"At gusto mo pang sabihin ang iyong pangalan sa gagong 'yon, ha?"
"Ano naman?" tanong ko.
He rolled his eyes as if he was so sick of this conversation.
He reminded me, "I told you, behave."
🎀
I stayed for a few hours inside my room, alright. Hindi dahil sinunod ko lang ang gusto ni Monjardin but I personally didn't like his group of friends. I tried to entertain myself on my phone and other things inside the room.
Boredom was just really something that anyone couldn't resist so, I decided to go downstairs to get a glimpse of Monjardin's friends doings.
Hindi na sila gano'n kaingay ngayon. Apat na lalaki kasama si Monjardin at tatlong babae ang magkakasama. I noticed what they were drinking and it wasn't that hard to handle. Mukhang maayos pa nga ang mga ito at tila walang planong maglasing.
They talked about many things, of course including girls. I only saw how Monjardin responded to their conversations. He would only nod at kung may birong sasabihin ay saka lang magsasalita.
Nalaman kong napag-trip-an lang ng adviser nila si Monjardin kaya nag-student teacher sa school namin. Hindi naman talaga involve si Monjardin sa pagtuturo dahil iba ang gustong kurso nito. I didn't know how that happened but it happened.
I noticed the way they talk, move and carry themselves. Of course, they all looked mature. They may act childish in some moments but those were just for joke purposes.
I felt the gap, from me to them. I talked to older people before, same age as them, but their group was just really something that made them different from the others.
Nilibang ko na lang muli ang sarili sa kwarto matapos tignan ang magkakaibigan.
Medyo maayos na ang pakiramdam ng katawan ko dulot ng pagpapahinga. Bukas, papasok na siguro ako. Gusto ko ring maghanap ng clues tungkol doon sa tatlong babaeng naglakas ng loob na bugbugin ako.
I opened something in my phone upang makita roon ang group chat ng fraternity, it wasn't an ordinary group chat, though. Gusto nila akong maka-usap, alam na raw nila ang nangyari sa akin.
Malakas ang kutob nila na hindi lang normal na mga babae iyon, feeling rin nila ay kabilang sa isang sorority o gang. They tried looking for them but the enemy seemed smart dahil hindi sila mahuli-huli.
May kumatok sa pinto isang oras ang lumipas. Napatalon ako sa gulat dahil ang utak ko ay punong puno ng katanungan. Wala sa sarili ko iyong binuksan.
"May hapunan akong hinanda," bungad ni Monjardin.
"Sige. Bababa na lang ako," agad kong sabi para hindi na niya madagdagan.
I immediately closed the door and arranged my stuffs. Bumaba talaga ako kalaunan at nakita siya roon.
"Wala na ang mga kaibigan mo?" I asked as I entered.
"Umuwi na," sagot niya.
I started eating on my own. Hindi ko siya nililingon dahil wala namang kailangang pag-usapan o tignan. Isa pa, hindi ko alam kung paano ko sasabihin na gusto ko ng pumasok sana bukas sa ganitong kalagayan.
"Anong problema?" he asked me.
I wanted to answer the truth but I didn't allow myself to... or maybe I should just say it, right? After an annoying debate inside my head, I already had the courage to say it.
"Papasok na ako bukas," I declared.
"Kaya mo na?" he verified.
I nodded at that then, drank a half of my water.
"Anong oras umuuwi sina tito at tita?" I asked nang natapos uminom.
"Mamayang seven," sagot niya.
I looked at him because he was looking directly at my eyes too. If only I could read him through it... malalaman ko na sana ang tunay niyang intensyon.
Sometimes, I wished for the ability to read someone's mind. Ang hirap kasing laging manghula ng kung anong tingin nila sa 'yo.
"May problema. Ano yon?" he seriously asked me after a few seconds.
"Bakit ba ang kulit mo? Sabi ngang wala, 'di ba?" inirapan ko siya upang hindi ipakitang mayroon nga.
"I salute your tongue for keeping secrets but your eyes cannot lie, Lierre," he stated.
I salute yours too for keeping something from me but your actions couldn't make your secrets right.
"Then keep it. Bahala ka," mataray kong utas at tumayo na.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top