Chapter 14

Chapter 14 | Kid

"Ikaw, ha!" nagising ako sa mapang-asar na sigaw galing sa labas.

"Oh, I'm not like you, kuya," sinarado ni Monjardin ang pintuan at lumapit sa akin.

Napalitan ng seryoso ang kanyang nakangiting mukha nang napansin ako.

"You're awake," puna niya.

"Where am I?" napapaos kong tanong.

Hindi ako gumalaw dahil ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko. Ang pinagkaibahan lang ngayon ay malinis na ako at kmportable na muli sa sarili.

"Our home," nagkibit-balikat siya at umupo sa gilid ko.

Hindi nawala ang kanyang mga mata sa akin. He was wearing a typical v-neck white shirt at short na hanggang tuhod ang haba.

"Bakit... ako nandito?" tanong ko.

"Ayaw mo sa hospital kaya dito kita dinala. Our family doctor checked you already. Babalik siya rito mamaya after dinner. Dito ka matutulog mamayang gabi. We invited your family sa dinner mamaya para makapag-usap," tuloy-tuloy niyang sabi.

"W-wait. Bakit dito ako mamaya?" tanong ko muli, hindi nasundan ang sinabi.

"I... just wanted to make sure that you're recovering. Alam ko namang hindi ka papayag sa bahay ninyo tumuloy. Kapag sa unit mo naman, baka balikan ka ng mga 'yon. Kung sa hospital, hindi ka papayag. And..." kinagat niya ang kanyang labi na parang nag-aalinlangan sa sasabihin.

"And?" I asked him to continue.

"I'm here by your side," nagkibit-balikat siya muli.

Para akong tangang na-carried away dahil sa kanyang sinabi.

"So, masakit pa ba ang katawan mo?" nagulat ako sa tanong niyang iyon kaya hindi agad ako nakasagot.

"Nabawasan ba ang sakit? Ang dami mo kasing natamong pasa at medyo nabawasan ang dugo mo dahil sa mga sugat," I didn't want to admit it but he sounded so concerned, it was killing me.

"Hey," he snapped his fingers.

"Oh! S-sorry. I was just... uh," hindi ko alam ang sasabihin. Tinaasan niya ako ng kilay.

"Ayos ka na ba? At least, just a little bit?" he asked me.

Sige, ulitin mo pa. Sige lang.

"Yes," sagot ko.

"Took you too long to answer, huh. What's bothering you? You're safe here in our territory, don't worry," aniya.

I actually felt grateful. I may eat my pride in other things but I wouldn't deny that his thoughtfulness saved me back there.

May namuong luha sa gilid ng aking mga mata. Napansin niya yata iyon kaya lumapit pa siya sa akin. Wrong timing ang pagiging emotional ko.

"Ayos ka lang?" tanong niya.

Natigil pa ako dulot ng kanyang paghawak sa aking mga daliri na tila ba pinapakalma ako. Why is he good at this?

Ngumiti ako kahit nanlalabo na ang paningin dahil sa mga luha. "Na-touch lang ako kasi..."

And then, my tears fell. "I couldn't remember someone asking me that question."

He nodded.

"I can sense you're also emotionally hurt. It's okay. I'm not forcing you not to cry. Everyone has their own issues," he said.

Tumango ako at agad pinatigil ang sarili sa pag-iyak.

"Kaya mo ng tumayo?" tanong niya.

"I'll try," sabi ko at sinubukan.

Na sa gilid lamang siya at pinanood ang aking galaw. Nang nakabalanse ako ay nginitian ko siya.

"Kaya ko," at tinuro pa ang mga paa.

"Good. May iilang damit si mama na kasya sa iyo. Nagpaalam na rin ako kung pwede mo bang suotin para ngayong gabi lang, okay raw. Na sa banyo na lahat," he told me.

"Sige," salamat.

"Hindi ka ba lalabas?" tanong ko nang umupo siya muli.

"Baka mamaya ma-out of balance ka," sagot niya.

"A-ah, okay."

Hindi ko dapat ipakita ang aking mga emusyon lalo na sa mga taong hindi ko naman pinagkatitiwalaan... at isa na roon si Monjardin. But he just saw. He saw how weak I was, hindi lang ngayon, kahit ang simple kong pagkahimatay noon dahil sa asthma ay nakita niya na.

Lagi siyang nand'yan tuwing mahina ako.

Was he taking that as an advantage? Para makuha ang loob ko? Para mabago niya ako tulad ng kanyang gusto, para siya ang magmukhang hero sa dulo?

Nagulat ako sa isang katok.

"Hey, you still there? Mag-iisang oras ka na riyan. I'm worrying," sabi niya galing labas. Naka-lock kasi ang pinto kaya hindi siya makakapasok.

I'm worrying, huh?

Heto na naman ang pakiramdam kong lumalambot dulot ng kanyang mga salita. Hindi dapat ako magpadala sa mga linyahang ganito dahil hindi ko naman alam ang tunay niyang pakay sa akin.

Ang excuse niya ay ang quiz bee ngunit nararamdam kong may higit pa roon. Sinali niya rin sa usapan ang fraternity namin. Ayaw niya ako roon. Bakit?

I was grateful but I wasn't dumb to not notice anything.

"Palabas na ako," sigaw ko pabalik.

Ilang minutong lumipas, lumabas na ako. I was now prepared for anything he might say.

"Na sa baba na ang parents ko. Ready na ang dinner. Tayo na lang ang hinihintay," salubong niya sa akin.

Nakita ko siyang nag-iwas ng tingin

"Nandoon ba ang parents ko?" tanong ko.

"Wala. Hindi sila pumunta. Ang mga kuya mo lang."

Bumagsak ang aking mga balikat. I expected them to be here... but yeah, whatever.

"Sige. Tara na," sabi ko.

Nauna akong maglakad palabas kahit hindi ko alam ang daan. Hindi naman matanggal ang tingin niya sa akin.

"You look drained with a touch of sadness," puna niya.

Ngumiti ako ng pilit, "I'm not!" deny ko.

"Yeah, you can say that," nauna siyang maglakad at sinundan ko na lamang siya.

Pumunta kami sa dining area ng kanilang tahanan. May kalakihan iyon at malinis ang buong paligid. Narinig ko agad ang maingay na boses ni kuya Trojan at ang boses siguro ng mga magulang ni Monjardin.

"Hello po," bati ko agad pagpasok.

"Wow! I didn't expect a 14 year old would look beautiful in that dress," giit ng ina ni Monjardin.

Napangiti ako. Mukhang magkakasundo kami ni tita, ha?

"I'm tita Molin, Monjardin's beautiful mother. This is his father, tito Andro. Ito naman ang kapatid niya, si Junario Siñon," pagpapakilala ng kanyang ina.

"Jun na lang, for short," kinindatan pa ako ng kanyang kapatid.

I expected his family would be tight and rough. Napaka-jolly pala nila... and I admire Jun's name, ang ganda.

"Hmm. Mind if I call you Siñon instead?" I asked.

"Oh! Sure. Though, no one ever used that but it's okay," he smiled at me.

Napataas ang aking kilay nang nakitang kasama nina kuya Marcus at kuya Trojan si Carthage, ate ni Mia na siyang kausap ko noon sa isang coffee shop na ginambala ni Monjardin.

Caca ang tawag ko sa kanya dahil hindi ko trip ang buo niyang pangalan. Pinsan ko siya, ang malas, 'no? She hated me so I hated her as return.

"Kuya, bakit niyo kasama si Caca?" malakas kong tanong kina kuya.

Nakita ko ang galit sa mga mata ni Caca dulot ng aking sinabi.

"Kasama namin siya kaninang uwian kaya dinala na rin namin dito," paliwanag ni kuya Trojan.

Tumango ako at hinarap ang pamilya ni Monjardin na na sa harap lang namin.

"These are my brothers, sina kuya Trojan at kuya Marcus," turo ko sa kanila.

"Yes, kababata nila si Andrei, 'di ba?" sabi ng kanyang ama.

Tumango naman si Monjardin.

Nagpatuloy ako sa pagpapakilala, "And this is my cousin—"

"Carthage Serin Zorron, po," siya na ang tumuloy, natakot sigurong sabihin ko na naman ang Caca.

"Caca, in short," dagdag ko sabay evil smile. Akala mo maiisahan mo ako, ha!

Nagsi-upo na kami at nagsi-kain. Una nilang tinanong ang buhay ng mga kuya ko, sumunod si Caca.

"Carthage na lang po ang itawag ninyo sa akin," she insisted.

Nairita naman ako sa mahinhin niyang boses. It was just too fake to handle!

"Ilang taon ka na, Carthage?" tanong ni tita.

"Mage-eighteen na po, grade 12," sagot nito.

"Oh! Magkasing-edad lang pala kayo ni Andrei," malisyosong ngumiti si tita.

Ay aba.

"And you really look like a lady," puri sa kanya ni tito.

I couldn't believe this!

"Well, I guess, sinusundan ka ni Denise, tama ba? Ano ba ang buo mong pangalan, hija?" naguguluhang tanong ni tita.

"Lierre Minah Zorron po ang real name niya. Nickname niya ang Denise," si Monjardin ang sumagot.

"Hmm. Ganon? Ang layo naman ng Denise sa real name mo," puna ni tito.

"Can I call you Lierre, instead, then?" nginisian ako ni Siñon.

"Of course!" maligaya kong tugon.

Napansin ko ang matalim na titig ni Monjardin ngunit binalewala ko lamang iyon.

Umubo naman si kuya Marcus sa tabi ko at bumulong, "Lawyer na 'yan, Minah. Masyadong matanda para sa 'yo," natawa ako sa sinabi ni kuya.

Umiling na lang ako at kumain muli.

"Anong kursong kukunin mo, Serin?" tanong ni tito.

Bakit interesado sila kay Serin?

"Architecture po," ngiti ni Serin.

"Wow, that's great! Si Andrei kasi Engineering," sabi ni tito.

"You two would be a perfect match if ever," komento ni tita.

What? Paano napunta sa ganito ang usapan?

"Hmm... I guess you should invite Andrei to your debut, couz," hirit ni kuya Trojan, isa pa 'tong plastik.

Pare-pareho naman naming ayaw si Serin.

"Oh, yes! Para ma-meet na rin ulit namin ang angkang Zorron," pagsang-ayon ni tita.

"Sure po. I'll send the invitations tomorrow," ngiti ulit ni Caca.

Tusukin kita ng tinidor, e. Ako'y nanggigigil.

"So, dito muna si Denise for how many days again?" tanong ni tito.

"Kapag nahuli na ang mga may gawa sa kanya niyan, saka siya aalis," hirit ni Monjardin.

Nabitawan ko ang kubyertos na hawak kaya napatingin sila sa akin.

"What? Akala ko..." hindi na ako nakahirit dahil sa mga titig ni Monjardin.

Bakit siya galit?

"Pakisabi na lang sa magulang ninyo, Trojan," sabi ni Monjardin na tinanguan ni kuya.

"Ano ba talagang nangyari?" tanong ni kuya Trojan.

"Papunta sana ako sa faculty pero nag-CR muna ako. Doon na nangyari ang pangbubugbog sa akin ng tatlong naka-face mask na babae. Hindi ako nakalaban kasi maliit lang yung space at tatlo sila," paliwanag ko.

"May mga naghahanap na sa tatlo. Sana makuha agad sila," sabi ni Monjardin.

"We appreciate your uh—pucha ang hirap maging pormal sa 'yo," natawa sila sa sinabi ni kuya Marcus.

"No need, bro. After all, I am still the old Andrei," ani Monjardin nang nakangisi.

"Ge. Salamat... pero dadalawin namin si Minah rito," ayon na lang ang kanyang sinabi.

Nang natapos ang gabihan, mag-isa akong umakyat sa aking kwarto. Nagulat ako nang narinig ang boses ni Monjardin sa aking likuran.

"So, you like my brother?" natawa ako sa sinabi niya.

Ito ba ang pinoproblema niya kanina?

"Hala siya. Bakit ka apektado?" pang-aasar ko.

"Alam ko kung paano maglaro si kuya. Hell, wala siyang pinipiling edad," sagot niya lamang.

I shrugged him off. I wanted to say something but I forced myself not to. Isa pa, gabi na para pa patulan ang mga sinabi niya.

"Akala ko noon vocal ka sa lahat. I guess I was wrong," may malisyosong ngisi siyang pinakawalan.

"What do you mean?" naguguluhan kong tanong.

"You're still, really a kid, Lierre Minah Arogona Zorron," bulong niya bago umalis sa aking harapan.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top