Chapter 13

Chapter 13 | Down

Nang nag-Lunes ay tinamad pa akong bumangon, Monday sickness is really a thing... but, I forced myself up.

Sa aking pagpasok sa campus, marami nang bumati sa akin mula sa ibang sections at grade level. They all greeted me good morning at gayon rin ako sa kanila. Some even tried striking a conversation but I wasn't in the full mood to entertain someone.

Of course, gossiping is a real thing in public schools. I heard some students talking about me about something. I didn't pay too much attention since gossips are all words passed from one to another, nothing is really true from it.

As I walked in front of our room, I couldn't help but to hear their topic... and it was of course me.

"Oo! Hinatid pa nga siya ni sir Math sa unit niya!" sabi ng isang bakla.

"Landi talaga, pati teacher pinapatulan," komento ng isang babae.

"Baka gustong sumipsip kasi mababa ang mga grades niya? Baka gagamitin niya si sir para tumaas?" hula ng isa kong kaklaseng nerd na may pagtingin rin kay Monjardin.

Pumasok ako nang hindi na kinaya ang kanilang mga opinyon at lakas-loob na hinarap sila. I know I acted short tempered but these people triggered my nerves this early.

Bumaba ang kanilang mga boses nang napansin ako.

"Hey, piece of shit, hindi ko kailangang manggamit para tumaas ang grades. Hindi niyo ako tulad na nagpapapansin para makasipsip o nagf-feeling matalino para magpasikat."

"I have no one to credit. So, stop talking about me when I could actually hear you. Gossip somewhere else, I don't really give a damn," I said and walked towards my seat.

"Nako, galit na," bulong sa akin ni Reynard.

"Manahimik ka, ha," banta ko, huwag na sana siyang dumagdag.

"Pero seryoso, bakit kayo magkasama non?" tanong niya.

Alam niya rin, huh?

"Naabutan niya akong nagj-jogging noong weekend. So, he treated me breakfast. Tapos," simple kong sagot.

"Sino nagpasimuno ng balitang 'yan?" tanong ko nang hindi siya nagsalita.

"Grade ten," sagot niya.

"Paano ba 'yan? May practice ako mamaya kasama si Monjardin para sa quiz bee. May mga sabi-sabi na namang magaganap," napakamot ako sa ulo dahil sa frustration.

I knew this would come when I let myself obey him. He was everyone's favorite, mula sa principal hanggang sa mga estudyante. Halos wala pa siyang isang buwan sa eskwelahan ngunit gustong gusto na siya ng mga tao rito.

I am known as someone playful and of course, a bad girl with many flings. People converse with me either they want something from me or they know that my family is wealthy. I am that brat with a spiteful attitude.

Imagine someone like Monjardin with me eating breakfast. Obviously, it boomed.

Nagsimula ang klase at naka-bitch mode na talaga ako. I recited whenever I knew the answers, pangpawi lang sana ng iritasyon yet dumating na lang ang break time ay hindi pa rin nagbago ang aking timpla.

I didn't go to the canteen nang nag-recess. I just felt lazy to socialize at pakiramdam ko, ako na naman ang magiging usapan ng lahat kapag nagpakita.

I heard a group of friends passing by our room. I smiled when I noticed their jolly faces.

Noon, I used to be loyal to my friends hanggang sa nalaman ko ang "Seating Arrangement Rule": kung saan kapag nilipat at nilayo kayong magkakaibigan ng seats ay nagkalimutan na rin kayo.

Ang liit lang ng rason pero nabuwag kami. Ang babaw, I know. Kahit ako, natatawa tuwing naaalala iyon.

Wala akong kinausap buong oras. Hindi rin ako pinahirapan ngayon ni Monjardin sa subject niya, mas mabuti nga iyon.

Saka lang sumagi sa isip ko na hindi pala niya nasabi kung saan kami magp-praktis. He didn't also reminded me kanina. Uwian na at lito ako kung saan pupunta.

"Cj!" tawag ko kay Cj nang napansin siya sa daan.

"Oh?" nagulat siya sa aking pagtawag.

"To naman, kalma ka lang, masyado ba akong maganda at nagulat ka?" humalakhak ako. Umiling na lang siya habang nakangiti.

"Nakita mo ba si Math?" tanong ko.

"Oo, sa faculty naman lagi diretso ni sir," nakita ko ang pagpula ng pisngi niya.

"Oh, ba't ka namumula? Crush mo 'yon?" may gulat sa aking tono.

"G'wapo kasi ni sir saka ang bait," she reasoned.

Mabait? Bakit pagdating sa akin, nawalan ng bait?

"Ah, nga pala. Wag ka sanang magagalit, ha. Bakit ka hinatid ni sir sa unit mo-"

"Jusko, bakit ba ang big deal sa inyo niyan? Nakalimutan ko na nga, e," depensa ko dahil ayaw ng mag-explain.

Hindi niya rin naman kailangan ng explanation ko. Sino ba siya para malaman ito?

"No offense, ha, pero mas lalo kang nagmumukhang malandi, Denise. I know your family's name is power pero sana huwag mo namang gamitin iyon para makapaglandi ng kung sino-sino," she calmly said.

"I appreciate your honesty, Cj. Hindi ko ginagamit ang pangalan ko para makapaglandi. Hindi ko nilalandi ang crush mo, if that would stop you from thinking things. He'll guide me for the upcoming quiz bee sa Math kaya nagkikita kami. That's all..." kalmado ko ring sinabi.

"Hindi ko ugaling i-explain ang sarili dahil alam ko namang may nakatatak na sa inyong impression sa akin. I can't totally change things going inside your heads so..." I shrugged.

"I-I know, I can truly relate, Denise," nginitian niya ako.

"Sige na. Pupunta na ako sa faculty," pagpapa-alam ko.

Bago ako dumiretso sa faculty, dumaan muna ako sa comfort room. I fixed myself up. I seriously looked like someone drugged. I didn't put an effort to make myself beautiful earlier dulot ng iritasyon. Ngayon lang ako nag-ayos ng konti upang gumaan na rin ang loob.

Tapos na ako sa sarili nang biglang may humila sa aking buhok. I combed my hair for like five minutes then this happened? I couldn't believe it! Not now!

She forced me to face her. Binitawan niya ang pagsabunot nang nakaharap na ako sa kanya. She didn't look familiar but she looked awful with her face mask. Did I mention that they were three? Great!

"What's your problem, freaks?" I shouted.

Walang sumagot ni-isa. Nagulat ako sa malakas na sampal ng babaeng na sa gitna. Para pa ngang namanhid ang mukha ko dulot nito.

Sinipa ako ng kung sino sa tuhod kaya wala sa sariling napaluhod ako. Tinulak nila ako hanggang masubsob sa maduming sahig.

Just when I tried to defend myself, may kumalmot sa akin sa kanang braso at ramdam ko pang dumugo iyon.

Nawala ako sa tamang paghinga. Diring-diri ako sa sarili ko. Hindi ko nasundan ng tingin ang mga babae dahil ang bilis nilang kumilos.

They were not ordinary, I could feel it. Maybe, some kind of sorority or something. Hingal na hingal ako at hindi makatayo sa sariling mga paa. Nakita ko ang iilang mga pasa sa aking tuhod dahil sa pagsipa.

Anong problema ng mga iyon? Kapag nalaman ko na admirer sila ni Monjardin, swear, I'd curse them to death.

Kinuha ko ang aking bag kahit nahihirapan at kumuha ng wet wipes. Pinunasan ko ang aking mukha. Naiiyak ako dahil kahit anong gawin ko, pakiramdam ko ay marumi pa rin ako. Hindi pa ako makatayo sa maduming tiles na ito sa sobrang sakit ng katawan.

I gave up. Padabog kong binitawan ang wipes at nagsimulang humikbi. Hindi ko matandaan kung kailan ako huling humikbi ng ganito kalakas. I always ended up crying silently. Ngayon, para akong batang humihikbi at hindi matigil ang luha.

Of course, no one was really there for me.

All those people are temporary. Ang sakit kapag pumapasok sa isip ko ang ganitong realizations kasi alam kong totoo. Alam kong wala akong kaibigan kahit araw-araw pa akong nakikisabay sa trip nila. Wala akong kaibigan kahit marami akong nakaka-usap.

Ang sakit isipin na mag-isa ka lang. I know others consider this feeling as a little thing kaya nga ang hirap makahanap ng taong maiintindihan ka.

"Shit. What happened?" nag-aalalang boses ang pumasok sa aking tainga.

Hindi ko inangat ang tingin dahil magulo ang aking mukha. Mukha akong mahina.

"Hey, can you stand? Dadalhin kita sa hospital. You have bruises and... shit," ilan pang malulutong na mura ang pinakawalan ni Monjardin.

"You're fucking bleeding. What the hell?" may iritasyon na sa boses niya.

Sinubukan kong tumigil mula sa pag-iyak. At least, I had him for now, right?

Habang pinupunasan ang aking magkabilang pisngi, naramdaman ko na lang na wala na ako sa tiles ng banyo-na sa bisig na niya ako. Hindi ako nakapagreklamo dulot ng sakit ng katawan.

Nakapikit ako habang naglalakad siya na karga ako. Ang sakit ng katawan ko, ito lang talaga ang nararamdaman ko.

I didn't see know we reached his car nang walang nakakapansin sa amin. Inupo niya ako sa kanyang sasakyan at agad itong pinaharurot sa kalsada.

"A-Ayaw ko sa... hospital," I pleased before my eyes shut down.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top