Chapter 12
Chapter 12 | Trust
Kinabukasan, hindi ko pa rin sinuot ang gustong uniporme para sa akin ni Monjardin. He went to the condo last night upang ibigay iyon.
I realized that I am not yet ready. I was never ready for any kind of change. I never liked changes.
Para sa akin, walang taong nagbabago. Tinatago lang ng iilan ang tunay nilang pagkatao, tulad kong natatakot... natatakot mabigo sa dulo dahil sa taong pinagkatiwalaan ng buo.
You know your trust had been broken when someone made you believe and hope onto something you thought would last forever.
We are all hiding in a secretive way. We hide because we don't trust.
Kahit hindi ko trip sundin ang mga rules ni Monjardin, I tried doing some of it. Tulad ng huwag barahin ang teachers. Nagr-recite na ako ng tama and so far, so good for this day. Walang hirap kong sinagutan ang mga pinagawa ng mga naunang subject. My teachers even acted surprised because of my sudden change.
Their compliments somehow made me feel better but I know... like the others, those were just temporary.
Noong break naman, hindi ko naiwasang hindi makipag-usap sa mga lalaking nais akong kausapin. God! Some seniors were just too hot to ignore.
Na-late ako sa Filipino class dahil may kinausap pa akong mga kaibigan kuno sa canteen. Halos lahat ng mga nagf-feeling maganda sa bawat section, ka-edad ko man o hindi ay tinuturing akong kaibigan.
"Good morning—"
"Sit down," utos agad ni Monjardin.
Eh? What the hell? Kung kailan ako nag-effort tumayo upang i-greet siya saka naman ganito ang kanyang ugali.
"Answer pages 136 to 138. Copy and answer. With solution and checking. With graph if needed. Identify each problems either true or false. These activities are good within 25 minutes," he declared.
Out of temper, I guess?
Hindi naman sa hindi ko iyon kayang sagutan. In fact, nalaman ko agad ang mga sagot sa isang basahan pa lang. I heard my classmates' whispers. Halos lahat sila ay nagrereklamo nang patago.
Monjardin looked mad kaya walang bumalak na magreklamo ng malakas sa mga oras na iyon.
"Hay. Pahirap naman," may isang naglakas-loob.
"Gusto mo ng madali? Pumunta ka sa office at magpa-drop," bara ni Monjardin.
I knew his mouth was harsh and straight forward but I thought it was just because of his annoyed self to me. Now that I heard him burn someone else's mind, hindi ko napigilang pasikretong ngumiti.
Wala pang fifteem minutes, nagawa ko na ang lahat ng pinagawa niya. He ordered us earlier na kung tapos na ay agad na itong ipasa sa kanyang lamesa.
I took a deep breath as I walked forward up to his desk. Dahan-dahan kong nilapag ang aking papel. I didn't look at him even if I wanted to know his reaction. Plus, I hadn't forgot what happened yesterday. Seeing him was a very hard thing to do, mas mahirap sa sa subject niya.
Nang natapos ang kanyang oras ay hindi rin siya nagpaalam sa amin. My classmates roared as soon as he left our room na tila ba hindi nakapag-ingay ng ilang taon.
Sa uwian ay ngayon lang ako hindi nagmadaling umuwi. Maybe because there was nothing to do after class or maybe my mind was still bothered about Monjardin's actions.
I thought of going to the nearest mall again to try getting the toy I liked yet the scene of Monjardin with Plywood corrupted my mind. Huwag na lang pala.
"Denise, pinapatawag ka ni sir Math sa faculty," a girl came near me.
"Oh? Okay. You are?" tanong ko sa kanya with a friendly tone.
"Uh... I'm Cj," napakunot ang noo ko sa pangalan niya.
"Cj? I didn't know pwede na palang magpa-transgender ang bata?" puna ko.
Kumunot ang noo niya, "Transgender?" kuwesyon niya.
"Oo, Cj, 'di ba? Panglalaki ang pangalan mo," sabi ko, innocently.
She laughed silently on my remark. It was literally silent, I didn't hear a thing. This girl had a talent.
"Clarissa Jarra. Cj in short," pagkaklaro niya.
"Oh? so you're not a transgender?" tanong ko, hindi makapaniwala.
"Yes," she answered.
"Alright. My bad," sabi ko bago nagpaalam.
Sa daan ko patungong faculty ay nagkasalubong na kami. Blanko ang kanyang mukha at hindi ko mabasa. Sa likod niya ay ang kanyang black bag. Sinalubong ko siya ng may ngiti kahit pa ito ay pilit.
"Bakit mo ako pina—" isang tulak niya lang sa akin sa braso ay napatalikod na niya ako.
I was standing against him at ang likod ko ang kanyang kaharap. Hinila niya ang aking bag dulot ng aking pag-atras.
"Una nating practice ay sa Lunes, pagkatapos ng klase," aniya.
"Oh, okay. Kailan ba ang quiz bee?" tanong ko.
Saka lang naramdaman na may nilagay siya sa loob ng bag ko.
"Hulaan mo," sabi niya at nilagpasan ako.
Ano raw? Huhulaan ko kung kailan? I thought he was the rational kind of person, iyong tipong hindi kayang magbiro but then his answer a while ago was the opposite of my impression. Siguro nga ay wala lang talaga siya sa mood, tulad ko.
Pag-uwi ay binuksan ko agad ang aking bag para makita ang nilagay niya kanina. Hindi ako nahirapang halungkatin iyon dahil iyon na agad ang bumungad sa akin.
I got stunned, speechless even. Ang baby shark na laruang gustong-gusto ko. I didn't know what to react, should I smile or not. I unconsciously opened the zipper in the upper part of the toy.
Nahulog ang isang kwintas. Kinuha ko iyon galing sa pagkahuhulog at sinuri ang disenyo. The necklace's design was the universe. It had small silver stars and an atmosphere with the color mixture of blue, purple and green. I tried shaking it then, the stars twinkled like they were real.
Napangiti ako, nawala na ang galit at na-enganyo kaya inulit ko muli. Hindi basta-bastang materyal ang ginamit para sa paggawa nito. Alam ko, I've seen most expensive jewelries before and tingin ko isa ito sa mga 'yon.
Sinuot ko iyon para mas madaling mapaglaruan kapag bored.
🎀
Suot ang aking jogging shorts at jogging shirt na itim, nagsimula akong mag-warm up sa playground ng condo.
Nagsimula akong maglakad after the warm up. It's around four in the morning. Trip ko lang mag-jog before breakfast kaya lumabas ako upang gawin. Nagsimula akong mag-jog nang na sa malayong parte na ako ng condominium.
Since I am living in a city, hindi maiiwasan ang pollution. Kaya konting oras lang din ang nawaldas ko katatakbo dahil sa mga usok ng sasakyan.
Pumunta ako sa isang convenience store para bumili ng tubig. Kung hindi ba naman ako tanga, nag-jogging pero walang dalang tubig.
Paglabas ko ng store, sumalubong sa akin ang taong walang sa mood kahapon. Nilapitan niya ako kaya agad kong pinunasan ang bibig kong nabasa ng tubig.
"Are you stalking me?" tanong ko sa kanya. He chuckled. Wow, parang kahapon lang ay bad trip pa 'to.
"Ano naman kung oo?" tanong niya pabalik. Hindi agad ako nakasagot.
"You're creepy," komento ko na lang.
"A'right, tara. May ipapakita ako sa 'yo," he said to me.
Bago pa man ako mag-protesta ay hinila na niya ang kaliwang palapulsuhan ko at sinakay sa sasakyan niyang bulok. Umaga pa naman kaya hindi pa gaanong kainit.
Mabilis niya kaming nilayo sa syudad. Hindi ko alam kung saan kami tutungo but I can feel that this is going to be awesome.
"Bakit ka nagjo-jog mag-isa ng umaga? Halos wala pa ngang araw," he asked.
"Eh bakit ka naman nangs-stalk ng ganito kaaga? Fair lang tayo!" sabi ko at humalakhak.
Akala ko ay sisimangutan niya ang aking sinabi ngunit nakita ko siyang ngumisi.
"Akala ko ba walang tayo?" he teased.
"Oh? E 'di ikaw at ako. Solve ka na?" sabi ko naman.
Sinulyapan niya ako saglit nang may ngisi sa mukha saka umiling. Halos nag-asaran lang kami na parang walang nangyari noong nakaraan. I mean, 'yong pagsusungit ko sa kanya sa mall at ang pagsusungit niya sa akin kahapon.
I guess we both didn't like too much dramas. Mabilis lang pakawalan ang mga nangyari dahil wala naman iyong halaga sa amin o sa akin. Maybe, I was exaggerating things.
Dinala niya ako sa isang ginagawa pa lang na subdivision, sa itaas ito ng syudad ginagawa kaya tanaw mo ang ibaba. Wala pang mga trabahador kaya nakapasok pa kami sa looban. Hindi pa masyadong natatanggal ang mga puno rito. Siguro ay kasisimula pa lang gawin.
"You're wearing the necklace I gave you," hindi iyon tanong.
"Uh, yes. Natuwa ako, e," I said.
"I knew you would like it," he proud stated.
Sasagutin ko pa sana siya nang nakuha ng daliri niyang may tinuro sa itaas ang aking atensyon. Nang tumingala ako ay wala naman akong napansin.
"Anong mayro'n?" tanong ko.
"Don't take your eyes off," sabi niya sa akin.
Kaya wala akong ginasa kung hindi tumingala na lang. Sisikat pa lang ang araw kaya medyo madilim pa sa parteng ito.
Lumaki ang mga mata ko nang may nakitang shooting star sa itaas. Hindi lang isa. Nasundan pa ng marami. Iba-iba ang kani-kanilang mga direksyon.
I watched them all. Hindi ko namalayang naka-half open na pala ang bibig ko sa sobrang pagkamangha.
First time kong napanood ang ganito. Pakiramdam ko, malapit lang ang mga ito sa akin. May narinig akong tunog ng ipit kaya nawala ang focus ko sa itaas.
Hinawakan ko ang aking buhok at napagtantong kinabit sa akin ni Monjardin ang isa sa mga pinaglalaban niyang ribbon clips. Natawa na lang ako imbis na magreklamo.
"Tignan mo ang necklace mo," he ordered.
Tinignan ko iyon at nakitang nagre-reflect ang mga shooting stars sa loob... and it was glowing!
Pinanood namin ni Monjardin ang mga nagsisi-bagsakang meteor showers.
Nahuhulog sila kahit hindi sigurado kung saan papunta. Nagtitiwala sila sa kaya nilang gawin... at kahit hindi sila sigurado, nagagawa pa rin nilang maganda ang mga kinikilos... because they trust the atmosphere, the surfaces, the universe. Hindi nila nililimitahan ang sarili.
They trust even when they were not sure where to fall... and trust made them beautiful.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top