Chapter 11

Chapter 11 | Exit

D E N I S E

"Ano ba 'yan? Walang air-con," kanina pa ako nagrereklamo tungkol sa bwisit na sasakyan niya.

Hindi ko nga alam kung matatawag pa bang sasakyan 'to, e. Halos puro gasgas na ang harapan at gilid ng sasakyan, di-ikot pa ang bintanang hindi tinted.

"Nag-aaral ka nga sa paaralang walang air-con," he reasoned.

"Still! Nakaka-suffocate kaya rito," reklamo ko at pinakita ang pekeng pag-ubo.

"Ang arte," bulong niyang nagpatigil sa akin.

"Excuse me? Ako, maarte? At least, bagay sa 'kin ang mag-inarte," I defended.

"Sinong nagsabing bagay sa 'yo? Nakakairita ka," he hissed.

"Bakit mo kasi ako sinama, 'di ba?" tanong ko naman.

"Mag-uusap nga tayo," sagot niya, naiirita na.

"Tungkol saan?" tanong ko muli na hindi niya rin dinugtungan.

The next thing I knew, we went to a public marker. The reason was to buy me new set of uniforms na magmumukhang matino ako kapag sinuot. I couldn't believe it.

"Mukha naman akong gangster dito sa suot ko," I commented nang sinukat ang uniform.

Though, hindi ganoon kaluwag ang pinili niyang pang-itaas sa akin, still, maluwag. Hindi ako sanay.

"Can't you feel relieved? Na finally, makakahinga ka na ng maayos dahil hindi na fitted ang damit mo? Na mababawasan ang pagt-tsansing sa iyo ng mga malilibog na lalaki?" iritado niyang utas.

I couldn't get the point why was he saying those kind of words. Was he concerned or just annoyed?

"Bakit ba kasi ang paki-alamero mo? Nakakairita ka rin talaga. 'Yo mga kuya ko nga, hindi ako pinipilit sa mga ganito—"

"They are busy and they couldn't tame you kahit pa gustuhin nila. You're a spoiled broke kid, you know that?" komento niya.

"Thank you very much," sarcastic kong sabi.

After buying those uniforms, we came back on his car. He silently drove away from the market at tumungo na sa mall. Tahimik lamang rin ako habang pinagmamasdan ang kapaligiran.

Mabuti na ring mahangin at hindi ako masyadong naiinitan. Binalak kong magpalit ng damit sa mall sapagkat naka-uniform pa rin ako ngayon.

Maya-maya pa ay nakaramdam ako ng kulo sa tiyan at malamig na pawis sa noo. Nagdulot ito ng aking pagkahilo. I didn't say it to Math since we were already nearing the mall.

"Wait up!" sigaw niya sa akin nang tumakbo ako agad sa pinaka-malapit na trash bin.

Doon ko sinuka ang aking pagkahilo dulot siguro ng init at ang pa-ikot na daan sa parking. Parang ayaw ko pang bitawan ang trash bin sa hilo. It felt like marami pa akong isusuka ngunit wala ng lumalabas. I calmed myself at dahan-dahang tumayo ng maayos.

Nang natapos ako ay nilahad niya ang kanyang itim na panyo. I didn't want to use it dahil mayroon naman akong sariling gamit, iyon nga lang ay na sa sasakyan pa at aking naiwan sa biglaang paglabas. I ignored his offer and went to get my bag. I used my own tissue and sanitized myself before leaving.

He closed his car nang natapos ako. Sabay kaming naglakad patungo sa entrance ng mall ngunit siya'y na sa likuran ko.

"Saan mo gustong kumain?" tanong niya nang nalagpasan namin ang mga guwardiya.

"Kahit saang mura. Kawawa naman ang wallet mo kapag sa paborito ko tayo kumain," sagot ko, trying to make him feel worthless.

"Huh? Paano mo nasabing kawawa ang wallet ko?" nilingon ko siya dahil sa kanyang sinabi.

"Ayaw mo yon, makakatipid ka?" tanong ko.

"Saan ba ang paborito mo? Doon tayo," aniya at naunang naglakad.

"Hoy, teka! Baka mamaya ay ako pa ang pagbayarin mo, ha!"

Nilingon niya ako nang may mapang-asar na ngisi.

"Piwede rin," he mouthed.

Sinubukan kong binigwasan siya dahil sa kanyang sinabi ngunit mabilis siyang naka-ilag at dahil matangkad ay talo ako.

"Not a damn chance," sabi ko at na-unang pumunta sa gusto kong kainan.

A waitress came near us nang nakita kami. I was standing beside Monjardin when she asked.

"Table for two, sir?"

"Yes..." sagot ni Monjardin.

The waitress guided us to a perfect spot. She called someone to take our orders nang naka-upo na kami. The menus were at the table and I saw Monjardin scanning through the pages.

"Ikaw na ang um-order para sa akin, lahat naman ng pagkain nila ay kinakain ko. Magbibihis ako," utos ko sa kanya saka tumungo sa comfort room.

Kung ano-ano pang ritwal ang ginawa ko. Nagpunas ako gamit ang wipes, naghilamos, nagpulbo, nagpabango, nag-apply ng konting make-up, nag-lip tint at nilugay ang buhok.

I changed my clothes too dahil lagi akong may dalang extra clothes dulot ng minsang biglaang gala.

"Kaya pala isang oras sa comfort room," puna ni Monjardin nang umupo ako sa kanyang harap.

"So? It's natural. Ang init kaya kanina," depensa ko.

My eyes dropped sa table namin.

"Parang ang dami mong in-order?" puna ko naman. Puno kasi ang tatlong lamesa.

"I ordered all," sagot niya.

Nanlaki ang mga mata ko.

"What? Bakit?" tanong ko.

"Sabi mo kinakain mo lahat, 'di ba?" pamimilosopo niya at ngumisi.

"Nag-iipon ako tapos gagamitin ko lang ang mga iyon sa pang-bayad sa kakainin natin?" naiirita kong utas.

Humalakhak siya, sanhi ng pagtingin sa amin ng ilang mga tao.

"Ako ang magbabayad," aniya pagkatapos kumanta ng tawa.

"Wow! Siguraduhin mo lang," sabi ko.

Sabay-sabay pang dumating ang iilang huling pagkain. I started to eat silently. I minded my own business and enjoyed the blessings in front of me. He was quiet too and busy eating.

Na sa kalagitnaan kami ng pagkain nang may lumapit sa amin. Ang manager ng restaurant!

Nagulat ako nang batiin niya si Monjardin na tila ba matagal noong huli silang nagkita. Monjardin greeted him back with the same energy.

"Mabuti naman at napadalaw ka muli rito sa main branch. Nakikita ka ng ibang staffs sa ibang branches, eh. Madalas ay may kasama ka raw'ng babae. Nako, binata na ang apo ko," sabi ng matanda.

I almost choked myself. Apo? Monjardin's grandfather is this kind of rich yet he doesn't act like it.

"And who's this beautiful kid?" nilahad niya ang kanyang tingin sa akin.

I appreciated the beautiful but not the kid. I may be considered young for my age but not that young to be called a kid. I somehow developed fine edges of my body and uses products to make my skin glow. I was considered to be a part of this generation where teenagers are wild and curious of things.

"Tutor ko po, lo. Nabibisita ninyo pa ba si lola?" si Monjardin.

Their talk continued and it went fine since they weren't bothering me. His grandfather even joked me na baka tumaba dahil sa kinain. I smiled everytime he would compliment or notice something in me. Monjardin was good in entertaining his grandfather while I was silent.

His grandfather announced that the foods we ordered were considered free since Monjardin showed up after a long time. Monjardin tried to convince his grandfather that it wasn't necessary and we had the money to pay yet in the end, the oldy won. He missed his grandchild so he decided to pay for it.

"Ikumusta mo ako sa nanay mo, ha? Alam ko namang busy siya sa senate but tell her to try visit me and your lola," pagpapa-alam ng matanda.

One more thing I knew was that anak pala siya ng senador. I didn't have the interest in terms of politics kaya hindi ako aware na kasama pala ang nanay niya roon.

"Rich kid naman pala," I muttered habang nakasunod ako sa kanya.

"Oh? bad mood pa rin? Inubos mo na nga ang mga pagkain," tawa niya.

"Your grandfather called me a kid," I whispered.

"Ano naman? totoo naman iyon, ha?" panunuya niya.

"Excuse me? Tignan mo nga 'tong katawan ko kung pang-kid. I may be young but not that young to be called a kid," I pointed out saka inirapan siya.

"Hmm... p'wede na pero hindi pa ganoon kahubog," and he really did scan me.

"Pervert," bintang ko.

"Oh, bakit? Sabi mo, 'di ba?" depensa niya.

"Ewan ko sa 'yo," sabi ko na lamang at na-una na sa paglalakad.

Hindi na ako nagpa-apekto sa kanyang opinyon.

"God, I don't understand kids," nilingon ko siya nang may talim na titig dahil sa kanyang sinabi.

Dahan-dahan siyang ngumiti.

I ignored him again and continued walking.

"Dito," hinila niya ako papasok sa isang salon.

"Oh, ano na naman?" tanong ko.

"Hi, sir!" malanding bati ng isang bakla kaha hindi nakasagot sa akin si Monjardin.

"Uh, gusto kong ayusin ninyo ang buhok nitong batang 'to. Tipong magmumukha siyang inosente," he jokingly said ngunit hindi nagpangiti sa akin.

Most of them were noisy because of Monjardin's presence. Some even took a photo with him like he was some kind of a celebrity. I didn't know that he was famous or at least known.

Maybe, most of the people know him as someone rich and belongs to an ideal family. Those facts made me question why would he be a student-teacher in a public school gayong mayaman naman sila. Why does he prefer driving an old car instead of using something new?

I pinned my eyes on him and started scanning his build. Tall, bulk and tanned. His face screamed roughness, one thing I didn't like. His eyes were always sharp and looked dangerous. Even his grandfather had those kind of features.

Ang buhok ko ay pinantay ang gupit. I had highlights at the back part of my hair na tinanggal rin ng nag-aayos sa akin.

"Ma'am, maganda po ang buhok ninyo. Huwag niyo na pong kulayan," payo ng bakla.

Nang natapos ay pumunta ako sa gawi ni Monjardin para yayain na siyang umalis. He scanned me first bago lumabas na tila ba daig pa niya ang nag-ayos.

Sunod, dinala niya ako sa isang shop na nagbebenta ng mga head and hair accessories. I was silently watching him picking things for me.

Kinuha niya ang isang set ng ribbon clips na may iba't ibang kulay.

"Ito ang gagamitin mo tuwing nagtatali ka," he suggested.

"What? Mukha akong bata!" I hissed.

He stared at me and said, "Bata ka naman talaga."

I wanted to defend myself again but. . . I felt a very familiar feeling. Pakiramdam ko ay may sumampal sa akin na nagpa-realize sa mga nangyayari.

"Ayaw ko! hindi ko susuotin 'yan," I hissed.

He wanted me to change, that was the thing I noticed. I got carried away and lost track of what was happening because of his kind treatment of me.

God, this is what I hated the most. Pakonti-konti akong sumusunod sa kanya. I was slowly surrending myself to someone I couldn't trust.

Ayaw ko.

Lumuha na ako habang naglalakad patungong exit.

"Lierre, ano ba?" tawag niya sa akin.

I didn't want to talk or go to him again. My mood dropped and my mind became clouded with so many thoughts.

I immediately called a taxi. Walang lingong likod akong sumakay at nagpahatid sa tamang lugar na aking pupuntahan.

Whatever Monjarin was planning, I hope it wouldn't break me. I hope he would clearly tell me about it.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top