Chapter 10

Chapter 10 | Mall

Pumasok ako sa klase kung saan nakabilang si Lierre.

Habang nagd-discuss, dahan-dahan kong ini-scan ang bawat corner ng room kaso wala akong Zorron na nahagip.

Na saan na naman ba iyong batang 'yon? Absent? O baka nag-cutting? Gusto ko sanang itanong kung na saan si Lierre ngunit natigil nang dumating sa classroom namin ang principal na may kasamang mga pulis.

"Mr. Herjus, excuse kay Ms. Zorron," sabi ng principal kaya lumapit ako sa pintuan.

"Sir, wala siya rito," bumaba ang mga mata ko sa hawak ng isang pulis na brown envelope.

Ano pong mayroon?" tanong ko.

"Ah, these are some evidences about the unknown fraternity of the school. I'm sure you're aware of that news, well, everyone does," sagot ng principal.

Kumunot ang aking noo at nagtanong ako, "May I see the pictures?"

Nilahad ko ang aking kamay at binigay naman ang mga ito sa akin.

Habang binubuksan ko ang envelope ay nagtanong ako, "So, anong connect ni Zorron dito, sir?" kunwari ay wala akong alam dito.

"Hmm. Hawig niya ang isa riyan," nagulat ako sa mga ipinakitang pruweba nila.

These were the photos from my detective. Imposibleng ibigay niya ito sa kahit kanino dahil hindi siya ganoon kadaling ma-reach o ma-uto.

"Where did you get these?" tanong ko muli at sinauli ang mga litrato.

"From Danah, Math. Noong tinanong namin kung saan niya nakuha, sinabi niyang pina-imbestiga niya na raw."

Okay? What the fuck? Paano makukuha ni Danah ang mga iyon sa—oh shit.  Nakalimutan kong iwanan sa bahay. Na sa ilalim lang na drawer ng desk namin iyon noong isang araw.

Damn!

"Hmm. Good for her. Sir, pwede po bang mag-leave na ako?" tanong ko.

"Bakit?" tanong nito pabalik.

"Tutor niya po ako. Maaaring alam ko kung na saan siya," sagot ko naman.

"Oh? Akala ko ba ay ayaw mo?" gulat na tanong niya.

"Sa una... but I saw some potential in her. Magaling siya sa Math and I am currently training her para sa upcoming quiz bee," sagot ko, nawawalan na ng pasensya.

"Well, that's good. Sige, you may go," he told me.

Kinuha ko ang aking mga gamit sa loob ng room at hindi na nagpaalam sa pag-alis.

Dumiretso ako sa faculty. Alam kong walang klase si Danah ng ganito oras kaya paniguradong naroon siya. Saktong walang tao sa loob ng faculty. Padabog kong nilapag ang mga gamit ko na nagpatalon sa kanya.

"Hindi pa ba sapat na binasted mo ako? Ngayon, pati buhay ng iba ay pinakiki-alamanan mo?" I bursted out.

"Easy! Bakit, si Zorron ba talaga ang babaeng iyon? At saan mo nakuha ang mga iyon, ha?" sabi naman niya at pinantayan ako ng tingin.

"Wala kang paki kung sino iyon... at hindi iyon si Lierre!" I hissed.

"Oh, anong problema mo ngayon?" she asked me.

"You stole it from me. Baka nga binenta mo pa para sa sariling pangangailangan... at ano? Pinalabas mo pang ikaw ang nagpa-imbestiga? I can't believe you," sigaw ko na kanyang kinatahimik.

Maya-maya lang ay naluha si Danah ngunit wala man lang akong naramdamang awa, "Ito ang dahilan kung bakit hindi kita sinagot."

"I don't care sa pagka-basted ko, Danah. Kasalanan mo 'to. Remember, hindi si Lierre ang na sa pictures," I hissed.

"What? No..." sabi niya, nanghihina at mas bumilis ang bawat luha.

"Yes. Don't you ever mess up with my things again," Sabi ko, nambabanta.

Hindi na siya nakasagot pa at patuloy na lamang ang pag-iyak. I took that opportunity to finally go out and find thst girl.

Sumakay ako sa aking sasakyan at agad nagtungo sa highway. Na saan ba ang babaeng iyon? Naisip kong baka na sa mall siya. Sa stop light, nakita ko ang bag niya sa isang tea shop. Lumapit ako sa establishment at nakumpirmang siya nga iyong nandoon.

Naabutan ko siyang may kausap na matabang babae at irap siya nang irap habang umiiyak ang kausap.

Bumaba ako at walang prenong pumasok doon. Nakita niya ako ngunit mukha namang hindi siya nagulat.

Naka-uniform pa rin siya. Nakapatong pa ang right leg sa kaliwang hita, ang iksi na nga ng skirt. Sa iritasyon ko ay tinignan ko ang babaeng kasama niya. Iba ang suot na uniform, sa isang private school nag-aaral.

"Hmm. Kilala mo siya?" tanong nito kay Lierre.

Tumango naman si Lierre.

Kumuha muli ng tissue iyong kasama niya.

"Anong ginagawa mo rito?" tanong sa akin ni Lierre.

"We need to talk," sabi ko naman, pilit na kinakalma ang sarili.

"Sorry. Emergency 'to," sabi niya at umupo muli.

Kinagat ko ang aking labi para pigilan ang galit na mamaya-maya ay sasabog na. Kumuha ako ng upuan at tumabi sa kanya na kinatigil niyang magsalita.

Hinarap niya ako.

"Hindi ka aalis? Usapang magpinsan 'to," she told me.

I gave her a cold reaction. Nakalagay sa aking magkabilang bulsa ang dalawang palad habang naka-dekwatrong upo.

Pinsan? That explained na kahit may katabaan ang kausap na babae ay may pareho silang anyo: deep set of eyes, pointed nose and white skin.

"Basta, alam mo 'yon. Ang sakit lang," sabi sa kanya ng pinsan.

"Oh, whatever! Mula talaga noon, ayaw ko na kay Caca! Bakit mo ba kasi ginagawa 'to sa sarili mo?" iritadong tanong ni Lierre.

"Kasi nga ate ko siya..." sagot ng pinsan niya.

Umirap siya at pinadulas ang kaliwang palad sa buhok. Mukhang problemado rin siya dulot ng pag-iyak ng pinsan.

"Ate, ate! Hindi ka nga niya tinuturing na kapatid. Buti na lang at wala akong kapatid na babae," sabi naman ni Lierre.

"Eh, basta," sabay punas sa kanyang mga luha.

"Kapag napuno ako riyan kay Caca, hindi na talaga ako magpipigil. Kahit pinsan ko pa 'yan," matapang na sabi ni Lierre.

Tumawa naman ang umiiyak niyang pinsan.

"Nandiyan na ang driver namin, Minah. Chat na lang tayo," tumayo ito at tumayo na rin si Lierre.

"Sige. Ingat sa pag-upo. Baka lumubog," Lierre joked.

Pinalo siya sa braso ng pinsan, "Baliw! Sige na. Love you," at nagbeso sila.

Kumaway pa si Lierre sa bintana bago pumasok sa loob ng sasakyan ang kanyang pinsan.

Nilingon niya ako ng iba ang ekspresyon.

"Oh ikaw? May kadramahan ka rin ba?" tanong niya.

"Sumama ka," utos ko at tumayo.

"Saan?" she asked me with a confused tone.

"Sa kotse ko," sagot ko naman.

"I mean, saang lugar?" tanong niya.

"Mall," I answered.

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top