Chapter 1
Chapter 1 | Nickname
I was in the middle of my thing when Jiko called.
"Dude, kailan ka magsisimulang magturo?" bungad niya.
I sighed, "Tomorrow," sagot ko.
"Dude, grabe! Nakita ko yung naka-tag kang photo sa Facebook kasama ng mga student-teachers. May chics—" I cut him.
"Ako ang nauna sa babaeng may mahabang buhok, Jiko," pagbabanta ko.
"Dude, alam ko namang gusto mo 'yon! Ramdam ko na, eh. Ang lapit mo kaya sa kanya sa photo! Tsansing ka masyado," aniya sabay halakhak.
I chuckled, "At least ako, hindi halatang tsuma-tsansing," the pointless conversation went on nang napagdesisyunan kong babaan na siya ng tawag.
Nakahiga ako ngayon sa aking kama. Nagb-browse sa sinave kong file sa phone tungkol sa summarizations ng lessons sa buong unang quarter. Algebraic expressions, special products—mga basic lang ito.
Pero sa pagtuturo, wala iyan sa kung gaano kadali para sa 'yo ang lesson, na sa kung paano maiintindihan ng mga estudyante mo ang tinuturo. Ganito ba epekto ng babae'ng iyon sa akin at para akong gagong na-inspire?
Sinubukan kong buksan ang wifi ng aking cellphone at dahan-dahan kong hinayaang magpakita bawat notifications. Isang notification galing sa Facebook ang nakakuha ng atensyon ko.
Danah Ray Mabanta sent you a friend request
Pinindot ko iyon at nakita ang mukha ng babaeng ginugusto ko ngayon. So her name is Danah? Hindi ko talaga alam, ang buong akala ko ay "Rayna" ang pangalan niya dahil iyon ang tawag sa kanya ng halos iba niyang kasama. Maybe her nickname? Yeah, nickname. I prefer calling her by her real name, though.
I quickly pressed the accept button. I went to my Messenger to view any of my messages. Marami iyon. Some were "message requests" pero isa lang ang nakakuha ng aking paningin.
Pangalan iyon ni Danah na may "You are now connected on Messenger". Pinindot ko ang nagmistulang convo naming dalawa at laking gulat ko na "typing" siya.
Hanggang sa nasend sa akin ang kanyang mensahe na agad kong binasa.
Danah:
Hello. Uh, may link ka ba nung module natin? Nabura kasi sa 'kin.
I can hear the heaven calling me. Agad kong binigay sa kanya ang file at nagtipa pabalik.
Math:
Done :)
She sent me the damn like emoji. Bakit parang nasaktan ako sa unang pagkakataon sa like emoji na 'yan?
Math:
What are you doin?
Akala ko hindi na siya sasagot pagkatapos non ngunit nagkamali ako.
Danah:
Arranging my stuffs. Ikaw?
Math:
Already done ;)
Medyo natagalan pa siyang i-seen iyon.
Danah:
Aww, buti ka pa :'<
Napangiti ako sa gawa-gawa niyang emoji. I can imagine her face like that.
Math:
You can do it ;)
Parang ang santo ko sa mensahe kong iyon, I hated it. Ang pinaka-ayaw ko sa tao ay 'yong pinipeke nila ang kanilang mga ugali, lalo na kapag manliligaw. Alam ko 'yan, halos lahat ng kaibigan kong lalaki ay ganyan.
Minsan, oo, masaya kasi napagkakatuwaan namin. Madalas sinasabihan ko sila na magpakatotoo, magpakatotoong gago sila.
Hindi na nasundan pa ang aming usapan. Natutukso akong mag-send ng mensahe ngunit pinigilan ko. She's busy, hindi na ako dadagdag.
🎀
"Dude, good luck," konti na lang mapagkakamalan ko ng crush ako nito ni Jiko.
"Dude, hindi ko kailangan niyan," sabi ko sabay sarado ng pintuan ng kotse niya.
I was on my way when I saw his car. Syempre, imbis na mamasahe pa ako dahil na-flat ang gulong ng sasakyan ng tatay ko, nakisakay na ako kay Jiko.
Pang-umaga ang tuturuan ko, grade 8. Ang unang klase ko ay ang star section, room 109.
Pumunta muna ako sa faculty, may 20 minutes pa bago mag-bell.
Agad kong hinagilap si Danah sa paligid. Nadatnan ko ang isa pang student-teacher na lalaki ngunit hindi ko batid ang kanyang ngalan.
"Bro! Nakita mo ba si Danah?" hindi ko maalala pangalan nito, bahala na.
"Pang-hapon tuturuan niya," sagot ng lalaki. Napatango na lang ako. I'll wait her later, then.
Alam kong pagtuturo ang dapat kong gawin sa eskwelahang ito but I think there was nothing wrong in pursuing someone you like, right? Wala rin namang rules na gano'n and seriously, this was a normal thing. It wasn't like I'd take advantage of her anyway. I mean no harm.
Dinala ko ang aking black pencil case na literal na iba't ibang klase ng pencil ang laman at may mga ballpen. Kinuha ko ang notebook na sinulatan ko ng notes saka umalis sa faculty.
Nakasalubong ko pa ang gurong pinalitan ko, "Good morning, sir. Dito na 'ko."
Tumango siya, "Room 109 una mo, di ba? Susunod ako," aniya at pumasok na sa faculty.
Naging active at masigla ang una kong pagtuturo. Pina-introduce yourself ko pa sila isa-isa para may idea ako kung magtatawag man.
Sumunod ko ang 5th section. Nakuha ko ang parehong impression ng lahat sa nauna.
"Shit! Ang gwapo."
"Gaganahan na ako nito."
"Hala! Ilang taon na kaya siya?"
Puro ganyan hanggang sa huling section na pinasukan ko, meron pang dalawa mamaya, break time ko lang. Busy akong nag-memorize ng mga pangalan ng huling section na pinasukan ko habang sumubo ng sandwich.
"Andrei..." nilingon ko ang babaeng na sa harapan ko. Para akong tangang napa-ayos bigla ng upo.
"Danah, bakit?" anong oras pa lang, nandito na siya.
"Uh, kasi may meeting ako kasama si Ma'am Drusukan, dito rin ang lamesa ko. Pwedeng palagay muna ng mga gamit ko?" agad akong tumango.
Kaya pala ang laki ng lamesa, dalawa kami rito.
"Salamat," aniya nang matapos ilagay ang mga gamit niya sa gilid ko.
Even her bag smelled nice. Nag-half run siya palabas na siyang nagpangisi sa 'kin ng tuluyan.
Nang nag-bell, tumayo na ako sa 'king kina-uupuan at pumunta na sa pangalawa sa huli kong tuturuan. Medyo na-badtrip pa ako dahil sa mga lalaking estudyante.
Ngayon ko lang napansing ako iyong tipong seryoso sa klase pero hindi mahilig manermon. Bahala sila, madali lang ibagsak ang mga ito.
Napa-buntong hininga ako nang natapos ang klaseng iyon. Hindi dahil sa pagod kung hindi dahil sa yamot. Ang huli kong tuturuan ay ang section 2, room 108, na katabi lang ng star section.
Mabilis akong nakatungo sa classroom, sakto lang sa pag-alis ng guro nila.
Nang pumasok ako, lahat ng kanilang atensyon ay na sa 'kin.
"Hala, shit, tumayo ka na. Ang gwapo."
"Omg?"
"Hala!"
"Oh shit, ang gwapo ni sir."
Nilapag ko ng padabog ang mga gamit ko. Badtrip talaga. Nakita kong napataas ang kanilang mga balikat sa aking ginawa.
"Good morning," bati ko.
As if may good pa sa morning ko.
"Good morning, sir..." hindi nila natuloy dahil hindi naman nila alam ang aking pangalan.
Nagsulat ako sa board ng aking buong pangalan.
Monjardin Andrei T. Herjus
"Ang galing ng pangalan ni sir, acronym ng subject natin."
"Pangalan pa lang ang gwapo ng pakinggan."
May mga narinig pa akong binibigkas ang apelyido ko ng mali.
"So, ang pangalan ko ay Monjardin Andrei T. Herjus. Silent "j" sa apelyido ko," I introduced.
Inulit nila ang greetings na may apelyido ko na, tsaka ko sila pina-upo.
"Alam ko namang urat na urat na kayo sa patakaran na ito pero wala kayong magagawa dahil ipapagawa ko," panimula ko.
"Gusto kong magpakilala kayong lahat sa harapan, kahit full name niyo lang ang sabihin niyo at nickname," dagdag ko.
Nakita ko ang disappointment sa kanilang mga mukha. Ang iba, palihim na nagrereklamo pa. Sinuri ko ang buong klase, may naririnig kasi akong ingay na hindi gusto.
Na sa last row iyon ng girls. Doon ko tinuon ang aking atensyon, isang babaeng nag-iingay na't naka-ngisi pa.
Wait, I remember her. Siya 'yong babaeng may kahalikan noon. What the total fuck? Section two pa siya sa lagay na 'yon? How pathetic.
"Let's start at the back," anunsyo ko.
Ilang minuto pa bago tumayo ang na sa pinakadulong babae na kadaldalan at katawanan pa ng babaeng nakita ko noong nakaraan.
"I am Javya Sisracon. You can call me Jav, Jaya, Vya or by my last name. Thank you."
The boys cheered after her introduction. Akala ko, siya ang dahilan ng pagpalakpak at pag-ingay ng mga lalaki.
Ang sumunod pa lang babae ang kanilang chini-cheer. Mula third row ng girls hanggang sa likuran ay naghihiyawan para sa kanya. Mula naman sa unang row ng boys hanggang dulo ay humihiyaw.
So, she was known.
"Ex ko 'yan!" may sumigaw na estudyante galing labas.
"Binasted nga ako niyan, eh!" sigaw ng na sa pinakadulong row ng mga lalaki.
"Hindi busted ang tawag do'n, hindi ka naman nanligaw, e," komento ng babaeng ngayon ay na sa gitna na ng classroom.
The room became wild because of her remark. Pinanood ko lang sila at pinagmasdan ang babaeng tila ba gusto ng lahat.
Her look wasn't the typical public high school student or the bad girl type. She had this clean aura, a medium length hair, white skin, not totally petite and a pointed nose. Her eyes were deep, making her look mataray kapag seryoso ang ekspresiyon.
In short, her looks didn't match her attitude.
Hinawi niya ang kanyang buhok na nakalagay sa kanyang balikat saka dinulas ang kanyang mga daliri sa itaas na parte ng buhok.
"Ako nga pala—" malakas ang kanyang boses.
May isa pang lalaki na sumubok muling magsimula ng ingay. Sumimangot siya sa lalaking inasar siya.
"So, 'yon nga. Ako si Denise—"
"We? Pangalan mo ba talaga 'yan?!" sigaw ng mga lalaki sa likod.
"You shut up!" utos niya sa mga ito.
"Ako si Denise Zorron. Wala akong nickname pero kung sinisipag kang hatiin o pag-experiment-an ang pangalan ko para magkaroon ng nickname, oh eh 'di sige. Inform mo 'ko kapag mayro'n kang naisip. 'Yon lang," halong sarcasm at biro ang kanyang tono.
Zorron, huh?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top