Beginning
"Saan bang street?" tanong ko sa kabilang linya.
"Hay nako, hindi ko rin alam! Sinend ko lang sa 'yo 'yon, hindi ko binasa," wika ng kausap kong si Jiko.
"Ano? Paano mo na-send nang hindi mo binabasa? Damn you," I asked, pissed.
He laughed, "Kaya mo na 'yan, matanda ka na," napa-busina pa ako dahil sa tangang driver na umaatras nang tuloy-tuloy, sabay alis.
"Hindi ko talaga alam kung bakit ako pinasok ni Sir Grueso sa gimik na 'to. Anong koneksyon ng pag-graduate ko sa senior high sa pagtuturo ng mga estudyante sa paaralang iyon?" pag-kuwesyon kong muli.
Humalakhak naman ang demonyong kausap ko, "Malay ko ba! Hindi ko naman hawak ulo ni sir. Kaya mo 'yan, Andrei," pinindot ko ang tamang button ng aking suot na earphones na siyang nagputol ng linya namin.
Hindi ko kabisado o kahit alam ang lugar na kinaroroonan ko sapagkat hindi ako taga-rito. Hindi ko maintindihan sa pinagpuputok ng butchi ng guro ko kung bakit sa hindi ko pa alam na lugar niya ako in-assign.
"Manong, saan po rito 'yong..." pati ang pangalan ng eskwelahan ay nakalimutan ko.
"Yong ano, hijo?" tanong ng manong.
"Yong... pinakamalapit na public school dito sa street?"
Buti na lang at naalala ko ang pangalan ng paaralan nang binigkas niya ito. Sinabi niya sa 'kin ang tamang daan. Kailangan ko lang palang diretsuhin ang dinaanan ko kanina at lumiko para makapunta roon.
3:20 na ng tanghali, paniguradong break time na ng mga estudyante kaya pinagpasyahan kong hindi sa main gate dumaan. Inikot ko ang sasakyan sa pinakalikod na parte ng eskwelahan.
Kung nakatsamba nga naman, may gate roon na nakabukas ngunit may mga nakatambak na kahoy, semento at metal na halatang pang-construction.
Nakita ko sa hindi gaano kalayong parte ng school na may ginagawa ngang building, sa gilid at likod ng main o family gym.
Tinanggal ko ang susi ng aking sasakyan at nilagay ito sa aking bulsa. Kinuha ko ang mga requirements na pinadala at isang kulay itim na kuwaderno upang sulatan ng anumang kailangang isulat mamaya.
Dala ko rin ang cellphone ko sa pagbaba. Kinailangan ko pang itulak ang gate sapagkat ito'y naharangan ng mga kagamitang pang-gawa ng building.
Nang sa wakas ay nakapasok ako sa loob ng eskwelahan, tinahak ko ang tamang daan at sa hindi bandang kalayuan ko sa parteng kaliwa, may isang babae at lalaking nag-uusap.
Hindi ko marinig ang pinag-uusapan ng dalawa ngunit batid kong hindi kaaya-aya iyon dahil sa ngiti nila sa isa't isa. Ang galit ko kaninang napalitan ng saya ay naging galit muli.
I didn't like seeing kids making out, it makes me cringe, vomit and angry. Kaya kahit hindi ko kilala ang dalawang ito ay nakaramdam ako ng pandidiri.
Nasaksihan ko ang paghawak sa baywang ng babae ng matangkad na lalaking may saktong laki rin ng katawan. Ang babae naman ay dinikit pa ang kanyang dibdib sa lalaki. Sa pag-ring ng bell ay sila'y naghalikan. Napakuyom ko ang aking kamao sa nakita.
Napatagilid ang balikat ng babae kaya nakita ko ang numero sa uniporme nito na sumisimbulo ng kung anong grade siya ngayon, "8".
Grade 8 pa lang! I wondered how would their parents react on this?
Wala sa sarili akong nilagpasan sila. Oo, dumaan ako sa gawi nila. Hindi para magpapansin kung hindi para makapunta sa field ng eskwelahan. Tama nga akong ito ang daan patungo sa main square ng paaralan.
Mabuti na lang at may napagtanungan ako kung na saan ang office. Tinungo ko iyon at nandoon ang principal. Kinamayan niya ako at s'ya ring ginawa ko.
"Ikaw ang pinadala ni Grueso, tama ba?" tanong niya.
"Yes, po," sagot ko naman.
"Mabuti. Ikaw na lang ang hinihintay sa AVR. Buti na lang at sa 'kin ka pumunta, patungo na rin ako doon kanina," wika niya na tinanguan ko.
Wala ako sa tamang kondisyon para makipagusap. The scene a while ago keeps on repeating in my head. Damn it.
Ni-discuss ng mga gurong nandirito ang mga rules and regulations ng school, estado ng kalagayan ng paaralan, mga common students at mga parte ng buildings.
Ngayon lang ako nakaramdam ng preskong hangin kaya ngayon ko lang din napansin ang babaeng magtuturo rin ng subject ko. Her hair was black, straight and its length was until her waist.
"Any questions?" tanong ng principal. Tinaas ko ang aking kaliwang kamay.
Nilahad ng principal ang kanyang kamay na s'yang signal na magsalita ako.
Tumayo ako bago nagsalita, "Aware po ba kayo na may ibang mga estudyante rito na may ginagawang milagro?" tanong ko.
Nagtinginan ang mga guro sa isa't isa. Napalingon din ang punong-guro sa mga ito. Napasulyap naman ako sa harapan ko kung na saan ang magandang babae. Tunay ngang maganda siya.
With her Harry Potter-like eye glasses, red lips, deep attractive eyes and natural pointed nose, para siyang hindi totoo. This is definitely Jiko's type but the hell I care.
"Aware kami sa mga ganon, Mr. Herjus," sagot ng principal. Nawala na ako sa mood makipag-debate dahil sa babaeng nahuli kong nakatingin sa 'kin kanina.
Pa-upo na sana ako nang nagtanong ang principal sa 'kin pabalik, "May na-encounter ka ba kanina?"
"Yes, mayro'n. Grade 8 ang babae," sagot ko.
"Sige, sa susunod na lang natin pag-usapan ang issue'ng ito."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top