Chapter 9: The Seventh Guild


Kinagabihan, palihim kaming pumunta sa Seventh Guild. Hindi pwedeng malaman ni Sir Ross na pumunta ako dito. Aside from it's not a proper place for a noble lady, delikado din ang lugar, at simula ng kinuha ko ang loob ng Vice Commander ay masyado na itong naging strikto pagdating sa seguridad ko. Pero dahil kasama ko naman si Drystan na sanay  sa pakikipaglaban tulad ng mga Knights, I think I'll be okay. He'll definitely keep me safe.

"Welcome dear guest." Bati ng isang bagong pasok na lalaki sa loob ng kwartong pinagdalhan sa amin kanina. Halos kalahating oras din kaming naghintay.

I gave him a small courtesy.

And he smirked.

"Look who we  have here. The Duchess of Ravenstein."

"You know me?" Nagtataka kong tanong. Siguro nga dapat sinuot ko nalang ang balabal katulad ng sinabi ni Drystan kanina. Pero wala rin namang saysay ang pagtago ng anyo dahil kailangan ko ding ibigay ang pangalan ko kalaunan.

"Is there anyone in the Kingdom who doesn't know Her Grace?" Lumapit siya at inabot ang kamay ko, saka hinalikan.

Among the social circle, wala nga sigurong hindi nakakakilala sa akin. But why is someone from an underground group knows me?

"I am Seven, Your Grace. The head of the Seventh Guild." Pagpapakilala niya.

He looks like a man in his late twenties, with long red hair, luminous black eyes, wearing a loose black tunic, black pants, and a dagger around his waist. 

Sa pagkakaalam ko, ang Seventh Guild ay binubuo ng pitong pangkat na nagkalat sa buong Rohheim. Iba't ibang pinuno kada pangkat. Kung ganon siya ang pinuno ng pangkat sa Vehallard? There seems to be nothing special about him.

"I want to make a transactions with the guild." Saad ko.

"Do you need informations?"

"No. I want to sell these..." Sumenyas ako kay Drystan, at agad niyang nilagay ang mga kahong dala namin sa lamesang nasa harapan naming tatlo at binuksan.

"I'm listening."

"May tatlong uri ng pills ang nasa harap mo ngayon. Una, ang mga pills nakalagay sa mga pulang bote ay mga healing pills. Kaya nitong gumamot ng mga sugat, malala man o hindi. Ang mga pills namang nakalagay sa asul na bote ay vitality pill, kaya nitong ibalik ang nawalang lakas at mana. Ito namang pills na nasa dilaw na bote ay gamot para sa mga pangkaraniwang sakit tulad ng ubo, lagnat, at sipon na magiging laganap ngayong taglamig." Pagpapaliwanag ko.

"Healing pills you say?" Tiningnan niya ako, at halatang hindi naniniwala sa sinasabi ko. 

Yeah I know, Healers lang ang may kayang gumawa nun. And yes, hindi ako nababaliw so stop staring at me with disbelief.

Nagulat ako ng bigla siyang tumayo at kinuha ang dagger na nasa bewang niya, agad na naalarma si Drystan at hinawakan ang espadang nasa bewang naman niya, at ang mga sumunod na pangyayari ay ang pinakanakakatakot na nakita ko sa tanang buhay ko.

"Aaaaahhhhhhhh!" Agad akong napatayo at napakapit sa suot na balabal ni Drystan at isinubsob ang mukha sa kanyang braso.

Sinaksak ni Seven ang sarili gamit ang dagger at nagkalat ang napakaraming dugo mula sa sugat niya. Napuno ang silid ng amoy ng dugo.

"Hahaha! Interesting." Nakakatakot ang tunog ng pagtawa niya.

"Everything is okay, my lady." Kalmadong sabi ni Drystan. Umiling ako at tumangging tingnan ang taong nasa harap namin. Nanginginig pa ang katawan ko sa nakita kong iyon.

"Should we make the deal now, Your Grace?"

Salubong ang kilay ko siyang tiningnan. Wala na ang sugat niya, ngunit nagkalat pa din ang dugo, at ang masangsang nitong amoy. Hawak ni Seven ang isang nakabukas na pulang bote.

"Don't do that!" Inis kong sabi sa kanya.

Pero sa halip na sagutin ako ay muli itong tumawa, at ang nakakainis pa ay hindi man lang niya inayos ang sarili ng pumirma kami ng kontrata.

Ayon sa kontrata, 70-30 ang magiging hatian namin sa kita.

Ang pagkakakilanlan ng bawat kliyente ng guild ay sikreto at hindi maaaring sabihin sa kahit na sino, sa ano mang dahilan o sitwasyon.

May ilan pang nakasaad pero hindi naman ganoon kaimportante. Ang kasunduang ito ay protektado ng Sancus Oath, isang uri ng salamangka na nagbibigay ng proteksyon sa ano mang uri ng kasunduan, at kung sino man ang sumuway ay mapaparusahan. Hindi ko alam kung anong uri ng parusa, sa kasaysayan ay wala pang sumubok na suwayin ang Sancus Oath, dahil isa itong parusa mula sa mga diyos.

Hindi na kami nagtagal pa pagkatapos nun. The blood made me uncomfortable. I swear, I hate that Seven! Kung hindi lang talaga ito importante ay hindi ko na siya gustong makita ulit kahit kelan!

"My Lady, hindi ba't itatanong din natin sa guild ang tungkol sa potion?" Ang agad na itinanong ni Drystan ng makabalik kami sa mansion.

"Hindi na muna." Nagbago na ang isip ko. Wala akong planong ipaalam sa ganung uri ng tao ang sitwasyon ko. Hindi ko pa alam kung mapagkakatiwalaan ko ba ang Seven na yun o hindi, at dahil sa inasal nya kanina, di bale nalang.

Mas maiging si Drystan nalang muna ang umalam patungkol sa potion.

"Are you okay My Lady? You look pale."

"I'm okay. Just u-uncomfortable."

"Do you want me to call your servant?"

Tinaasan ko siya ng kilay.

"Oh yeah, sorry." Napakamot siya ng ulo. 

Kaming dalawa lang ngayon ang nasa loob ng Charoite room, at dis-oras ng gabi. Tiyak na magkakagulo ang lahat pagnakita nila si Drystan dito, at paniguradong dagdag sa sakit ng ulo ko pagnagkataon. Kung si Luke nga ay iwas na iwas na puntahan ako sa silid ko, pano pa kaya kung may ibang lalaki silang makita dito sa kalagitnaan ng gabi.

"You may take your leave now. Mag-ingat ka at tiyaking walang ibang makakakita sayo. Mas mahigpit ang seguridad sa Duchy kapag gabi." Paalala ko.

"Yes, Your Grace." Drystan left after a small courtesy.

After changing into a chemise dress ay humiga na ako sa kama. My head hurts, at parang umiikot ang paningin ko. I can still smell the blood, which makes me feel more nauseous.

.

.

.

.

"C-call the d-doctor q-quick!" Nagising ako sa natatarantang boses ni Adellei. Nakalagay ang palad niya sa noo ko, maya maya ay nasa leeg ko naman.

"I-I'm okay." Saad ko sa mahinang boses.

Anong nangyari? Bakit wala akong lakas? Pinagpapawisan din ako, at ang init ng pakiramdam ko.

"N-Napakataas po ng l-lagnat nyo, Your Grace." Halos mangiyakngiyak si Adellei sa pag-aalala.

"I'm fine. So stop crying." Sinubukan kong tumayo. I don't need a doctor. Ang kailangan ko lang ay uminom ng pill para sa lagnat at tiyak na gagaling na ako. Ang tanging problema ay nasa isang lihim na kwarto sa Duchess study ang mga pills.

Dahil sa matinding panghihina ay muli akong napahiga,

"Duchess, wag na po kayong tumayo. Pa-parating na ang doktor kaya mahiga nalang po kayo."

Wala akong ibang nagawa kundi ang sundin si Adellei. Dumating ang doktor at binigyan ako ng gamot. Ayon sa doktor, dahil sa malamig na panahon gawa ng mag-uumpisa na ang taglamig kaya daw ako nagkaron ng lagnat.

Pero hindi iyon ang dahilan!

Kasalanan lahat ng Seven na yun! Sino ba naman ang nasa matinong pag-iisip ang sasaksakin ang sarili malapit sa puso para lang subukan ang healing pills. At hindi man lang nya nilinis ang nagkalat niyang dugo, and he has the audacity to put the blood stained dagger sa lamesa kung san kami nagpirmahan ng kontrata. He has no etiquette at all!

"Head Butler, ikaw na muna ang mag-asikaso sa mga supplies na ipapadala sa gera. Make sure to include the chocolates I prepared the other day." Bilin ko dito. Hindi ko alam kung kailangan pa ba ni Luke ang mga supplies, dahil tiyak namang naroon na si Lady Grachell, pero ipadala pa din natin dahil nakahanda naman na ang lahat ng ito.

Mukhang hindi rin ako makakaalis dito sa kwarto buong araw, at binilin din ng doktor na magpahinga ako ng ilang araw.

.

.

.

.

Lumipas ang isang linggo, and I never thought that I needed that rest so much. Simula kasi ng bumalik ako ay wala na akong ibang ginawa kung di ang isipin kung pano ako makakabawi sa lahat ng kasalanang nagawa ko sa nauna kong buhay, at mabawi ang halaga ng kinuha ni Frederick sa Duchy, halos wala na akong pahinga.

Kasalukuyan akong nasa conservatory at umiinom ng tea. Hindi na kasi pwedeng lumabas sa garden para magpahinga dahil sa sobrang lamig.

"Your Grace!" Napalingon ako at nakitang papalapit si Sir Ross.

"Did something good happened?" Agad kong tanong. Nakangiti kasi ito at napakaaliwalas ng mukha.

"The Duke send this." He hand over a small envelope with my name on it.

"A letter?" Saglit akong napaisip. "May problema ba sa pinadala natin?" Tanong ko.

Hindi sumagot si Sir Ross, kaya dali dali kong binuksan ang sulat at binasa ang laman.

'Please be well, and safe until I return.'

The letter ends with the Duke's seal.

"H-How did he know-" Hindi ko matapos ang gustong sabihin. Pakiramdam ko ay nag-iinit ang mga pisngi ko, na para bang biglang bumalik ang lagnat ko.

Nakita kong palihim na kinikilig si Adellei at ang katabi niyang katulong. Mukhang mas masaya pa sila kay sa sa akin.

"The truth Your Grace is, I send a letter to the Duke along with the supplies, informing that you are sick and unable to get off the bed for days. I apologized if I crossed a line."

"I-It's okay." Ang tanging nasagot ko lang.

Wait, kailangan kong huminahon!

Muli kong binasa ang sulat.

'Please be well, and safe until I return.'

Kahit ilang beses kong basahin ang walong salitang laman ng sulat ay ganun pa din ang nararamdaman ko. There's a tingly feeling in my chest, na para ba itong sasabog sa tuwa. Ito ang kauna unahang beses na binigyan ako ni Luke ng sulat. Kahit sa nakaraang buhay ko ay ni isang letra ay wala siyang ibinigay sa akin.

No, wait! What if ang ibig nyang sabihin ay...

'Please be well, and safe until I return. Dahil pagbabayarin pa kita sa lahat ng kasalanang ginawa mo."

Pano kung yun talaga ang gusto nyang sabihin?

Pano kung...

"Your Grace!" Naputol ang pag iisip ko ng biglang may tumawag sa akin.

"Ferr?" Hapo siyang lumapit sa akin at mukhang natataranta.

"Y-your Grace... it's Viscount Theo. He's here."

"Viscount who?"


__________CHAPTER 9________

Chap 9 is out! Thanks for reading guys! By the way, may inayos nga pala ako sa Chap8, kasi nalagay ko dun is magkapatid si Countess Eva at Luke. Haha hilo nung nagtype. Ilang beses ko din tong nireread kasi baka may mali ding tinype kasi may sakit ako nung tinype ko to bago mag new year!

Thank you all sa mga nagcomment. Sa mga nagtanong ng sched ng UD, hindi ko po ipopromise but I'll try to update atleast once a week, unless sobrang busy. (ꏿ﹏ꏿ;)

Tas subukan ko magpost another update this week, kasi next week gagala muna ako.  ( ^__^')

VOTE. COMMENT. RL
Are highly appreciated.
(☞ ͡° ͜ʖ ͡°)☞

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top