Chapter 8: Lady Grachell Mon Violetta
Weeks had passed pero wala man lang akong natanggap na kahit na anong balita mula kay Luke. Kung hindi ko pa inutusan ang isa sa mga Knights na magpadala ng ulat kapag naihatid nila ng maayos ang mga supplies ay hindi ko pa malalaman na naging maayos ang lahat.
Nagpadala rin ako ng sulat ng pangangamusta sa kasalukuyang lagay nila, pero wala rin siyang sinagot kahit isa.
'Ganun ba talaga kabigat sa loob nyang sagutin ang mga sulat ko?'
"Your Grace." Nakangiting tawag sa akin ni Zephyra.
I've been spending a lot of time with this child, at sa tingin ko ay nasasanay na siya sa presensya ko. Hindi na siya gaanong nanginginig kapag kaharap at kausap ako.
"Thank you Zephy." Saad ko sabay abot sa sulat niya.
Pinagawa ko siya ng sulat na ipapadala ko kay Luke, kasabay ng sa akin.
Kapag talaga hindi pa din niya sinagot ang mga sulat ko kahit na may kasama ng sulat galing kay Zephyra, babawiin ko ang lahat ng pinadala ko sa kanila!
"Sir Ross." Iniabot ko sa kanya ang mga sulat.
Bakas ang pag-aalala sa mukha ni Sir Ross. He always comfort me by saying that my husband is just busy at the war kaya hindi niya nasasagot ang mga sulat ko, but we both know na hindi iyon ang rason.
Luke hates me.
Ganun kalaki ang pagkasuklam nya sa akin at sa pamilya ko kaya kahit na ang pagsagot sa mga sulat ko, na isa sa mga pangunahing obligasyon nya bilang asawa, ay hindi pa nya magawa.
Halos lahat ng tao dito sa mansyon ay napaniwala ko na sa pagbabago ko, pero anong silbi ng lahat ng iyon kung si Luke ang hindi ko mapapaniwala?
Napatingin ako kay Zephyra, na agad ngumiti sa akin.
Sapat na ba talaga ang batang to para sa kaligtasan ko?
It's okay. May halos anim na taon pa naman.
.
.
.
.
Two weeks had pass and a messenger bird arrived.
But only a letter addressed to Zephyra came.
'Luke, you bastard!' 💢
Fine! Kung ayaw nya eh di wag! Mas maraming bagay pa akong kailangang isipin kaysa sa maghintay na sagutin nya ang mga sulat ko, na alam ko namang imposibleng mangyari.
"I'll be in my study."
"Your Grace..." Sir Ross looked at me as if I am the most pitiful being in the world, and it's annoying.
It's annoying, because it's true. Ang hirap at ang sakit manglimos ng atensyon ni Luke. Pagkapasok sa study ay napasandal lang ako sa nakasaradong pinto.
Muli kong inisip ang mga kaganapan sa kwentong isinulat ni Reru.
Luke met Lady Grachell Mon Violetta during the second year of the war. They are merchants on their way to Vehallard and got trapped in the conflict between two Kingdoms. They helped the Knights, that was deprived of supplies at that time, and Lady Grachell has knowledge on treating wounds, which is a great help to the Duke and his Knights.
According to the book, it was love at first sight, and the feelings that the Duke have for the Lady was the most pleasant and wonderful feeling he had ever experience in his life.
Even the Knights like Lady Grachell, to them she is their savior. Like an angel sent by the gods.
To Luke, she's his serenity.
His only love.
Napabuntong hininga nalang ako sa sakit na nararamdaman ko.
He probably already met the Lady by now. Kaya siguro hindi niya sinasagot ang mga sulat ko. Anong laban ko sa love at first sight? My husband won't even look at me, and if he does, it's the look of disgust that he gives me.
"Uummm M-madam?"
"Ugh! What Adellei?" Inis kong sagot dito.
"The servant from the Reiss County is back."
Agad kong binuksan ang pinto.
"Drystan?" Tanong ko.
"Yes, Your Grace."
Patakbo akong pumunta sa drawing room.
"Drystan!"
"My Lady." He bowed.
"Leave us." Utos ko kay Adellei.
Nang makalabas na si Adellei ay agad na nilabas ni Drystan ang kung ano mang sinadya nya sa akin ngayon.
"The potion that I promised last time My Lady." Agad niyang sabi.
"Have a seat Drystan."
"I have to leave immediately, Duchess."
Tanging ang utos ni Count Frederick lang ang sinusunod ni Drystan. Kapag naibigay na niya sa akin ang potion at nasigurong nainom ko na ito ay agad na itong aalis. Kinuha ko ang potion na iniabot niya at binuksan iyon. Laking gulat niya ng itapon ko ang laman nito.
"My Lady!"
Luckily, because of the knowledge I got from the book, alam ko kung pano ko magagamit si Drystan in my favor. Ilang linggo din akong hindi makatulog ng maayos dahil hinihintay ko talaga ang araw na bumalik siya dito sa mansyon.
"Drystan, alam kong hindi fertility potion ang laman ng bote. Tell me what's inside it." Kailangan kong malaman kung anong sakap ang nilalaman ng potion na iyon to create a medicine or antidote or whatelse para magamot ko ang sarili ko.
"It's a fertility potion that your Father-"
"Then why do I have to take it in the absence of my husband?" Pagputol ko sa kanya. "Tell me exactly what's inside the bottle."
"My Lady-"
"I can cure Cecie." Agad na namilog ang mga mata ni Drystan sa narinig, pero nanatili siyang tahimik.
Maliban kay Frederick ay walang ibang nakakaalam kung sino si Cecie. She's a seven year old orphan girl na tinuturing na kapatid ni Drystan. Pero nagkaroon ito ng malubhang sakit, at may kailangang inuming gamot kada linggo upang hindi sumpungin ng sakit nito. Fredrick provides him the medicines, kaya ganun nalang kung sumunod si Drystan dito.
"Pano mo nalaman ang tungkol sa kanya?" He asked giving me a deadly stare.
"That's not important." Naglabas ako ng maliit na bote containing blue pills, at inihagis sa kanya na agad naman niyang sinalo.
Ilang araw din akong nagpuyat para lang matagumpay na makagawa ng lunas sa kalagayan ng kapatid nya.
"That's not the cure, pero kapag ibinigay mo yan sa kanya, hindi siya aatakihin ng sakit sa loob ng isang buwan. Kung susundin mo ang lahat ng gusto ko, at kung sasabihin mo sa akin kung ano ang laman ng iniinom kong potion, ibibigay ko sayo ang lunas para sa sakit ni Cecie."
"I thought the Lady is different. Pero mag-ama nga kayo ni Count Frederick." Puno ng pagkamuhi ang mga binitiwan nyang salita.
"Wag mo kong itulad sa Frederick na yon. Pasalamat ka nga at ginagawan kita ng pabor matapos ng ginawa mo sa akin."
You killed me you bastard!
"Pero wag kang mag-alala. Hindi naman ako kasing sama ng ama ko. Wala akong ipapapatay sayo." Nagulat siya sa sinabi ko.
"I-It's an... infertility potion." Napakuyom ako ng mga kamay ng marinig ko ang sinabi ni Drystan. I already know it, pero ang sakit pa din na marinig.
Agad kong pinunasan ang mga luhang hindi ko napigilang tumulo.
"I'm sorry My Lady."
"Anong uri ng infertility potion? Ano ang mga sangkap? San galing? For the love of god Drystan if you're sorry sabihin mo sa akin!"
Umiling siya.
"Hindi ko alam. Ibinibigay lang sa akin ng ama mo ang potion. Hindi ko alam kung san galing, o kung kanino. I just overheard that it's an infertility potion. Please believe me My Lady!"
Nanlupaypay ako sa narinig. Si Drystan lang ang pag-asa ko para malaman ang sangkap ng potion. Pero kung hindi nya rin alam, paano na?
"Kapag ba nalaman ko ang sangkap ng infertility potion, o mahanap ang lunas nito, ibibigay mo rin ba sa akin ang lunas sa sakit ni Cecie, My Lady?"
Napatingin ako kay Drystan, na puno ng determinasyon ang mukha.
"Kapag nalaman mo kung san gawa ang potion, o kung mahanap mo ang lunas, ibibigay ko rin ang gusto mo. I'll also buy you a noble title, para makawala ka na ng tuluyan kay Frederick."
"M-My Lady-" Lumuhod si Drystan sa harapan ko. "Sinusumpa kong gagawin ang lahat para sayo. Babawi ako. Pagsisilbihan kita habang buhay."
"Maliban sa impormasyon tungkol sa potion, may isa pa akong gustong gawin mo."
"Kahit ano gagawin ko, Duchess Morrigan!"
"Gusto kong samahan mo ako Seventh Guild."
"Why the Seventh Guild?" Naalarmang tanong ni Drystan.
Seventh Guild is an underground auction house. You can find almost everything in this guild, from selling and gathering informations, rare items, illegal magic potions, human smuggling, and more. The identity of the clients will be anonymous, so it's a safe place to deal the pills I make.
Kapag nabawi ko na ang halaga ng yaman na nawala sa Duchy dahil kay Frederick, matatapos na ang mga problema ko, at ang kailangan ko nalang gawin ay hintaying lumipas ang anim na taon.
__________CHAPTER 8__________
HAPPY NEW YEAR EVERYONE!! ◉‿◉)
Thank you krismarcia! Happy New Year din sayo!
Will try to post the next chap later today. Hindi ko pa nareread eh. May sakit ako when I typed these updates. Wala sa sarili. Baka kung ano ano sinulat ko. ಡ ͜ ʖ ಡ
VOTE. COMMENTS. RL.
are highly appreciated.
(◍•ᴗ•◍)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top