Chapter 5: The Duchess's dilemma
Biglang bumukas ang pinto ng kwartong pinasok ko kanina.
"Y-your Grace!" Dali daling lumapit sa akin si Adellei ng makita akong naka upo sa sahig at nanginginig ang buong katawan sa takot. "What did you do to the Duchess!?" Agad niyang baling kay Drystan na puno din ng pagtataka ang mukha.
"I think the Duchess is not feeling well. Escort her back to her room." Sagot niya kay Adellei. "I'll be back some other day My Lady, and I'll bring you a new bottle of the potion." Sabay baling ni Drystan sa akin. Nabitawan ko kasi ang boteng naglalaman ng fertility potion at nabasag ito.
"Your Grace please get a hold of yourself." Halos mangiyak ngiyak na pakiusap ni Adellei. Sinubukan kong tumayo, pero walang lakas ang mga paa ko upang gawin iyon. At the end, Sir Ross was called to carry me back to my room.
Matapos makalabas ng lahat sa kwarto ko ay nanatili si Adellei sa loob at sinusubukan akong pakalmahin dahil sa walang habas na pagtulo ng mga luha ko.
"D-duchess please, sabihin nyo po sa akin kung may masama ba kayong nararamdaman." Nag-aalalang tanong nito sa akin.
"Leave me alone." Utos ko.
"B-but Your Grace..."
"I said leave me alone!"
Hindi na sumagot si Adellei at tahimik na lumabas ng silid ko.
Si Drystan, sya ang pumatay sa akin. Sigurado akong siya ang inutusan ni Frederick para patayin ako. Muli nanamang sumikip ang dibdib ko dahil sa takot. Hindi ako makapaniwalang si Drystan ang ang gumawa niyon sa akin. Halos sabay kaming lumaki sa Reiss Mansion. Dahil hindi ako pinapaburan ng sarili kong ama, ay hindi din maganda ang trato sa akin ng mga katulong, walang may pakialam kung kumain na ba ako o hindi. Madalas akong kinukulong ng Kondesa dahil nagnanakaw ako ng pagkain gawa ng sobrang gutom. Isang araw, ikinulong nila ako sa kwardra ng mga kabayo. Doon ko nakilala si Drystan, dahil siya ang tigalinis doon.
Drystan is an orphan raised by Frederick, syempre hindi dahil sa kawang gawa, when Drystan turned 15, hindi na siya ang tiglinis ng kwadra, hindi na din kami madalas magkita, nalaman ko nalang na siya ang inuutusan ni Frederick sa mga kasamaang ginagawa niya. He do all the dirty works. Spying, killing, and everything ugly I could think of.
'Oo hindi nga siguro kami ganun kalapit sa isa't isa, but I thought he was my friend.'
Pinahiran ko ang mga luha ko. Babangon sana ako para magpalit ng damit ng mapansin ko ang mansta sa suot ko. The potion that was spilled earlier. The fertility potion I've been drinking for almost four years.
I gasped due to a sudden painful realization. Parang ilog na walang humpay nanamang tumulo ang mga luha ko.
I haven't had my menstrual cycle for over three years.
Now that I think of it, sa nakaraan kong buhay ay mahigit siyam na taon akong walang dalaw. I didn't pay attention to it, no body did, because our marriage was never consummated. The idea of being pregnant was out of the picture dahil hindi naman kami magkasama ni Luke. No body questioned my fertility. And I was 17 when I got married. Wala din akong alam. I never received any formal education when I was at the Reiss County, and they only offered a short period of education, and etiquette lessons when I was chosen as the Duchess para hindi sila mapahiya. Hindi din pumasok sa isip ko na huminto ang dalaw ko dahil masyado akong naging abala sa bago kong buhay. The attention, fame, and wealth na hindi ko naranasan dati. Sa walong taon ni Luke sa gera, nakatuon ang lahat ng attention ko sa mga tea parties, Royal ball, and other social gathering to ease my broken heart.
Napahagulgol ako ng bigla kong mapagtagpi-tagpi ang kwento sa librong pinabasa ni Reru sa akin.
Umpisa palang ng pagsasama namin ni Luke ay ibinigay na sa akin ang fertility potion. Simula umpisa palang ay binalak na ni Frederick na hindi kami magkaanak ni Luke. Celestine was always at the Duchy back then, at parating si Luke lang ang binibisita niya.
Para akitin ang asawa ko.
At si Zephyra, hindi siya dapat mailagay sa family registry hindi para hindi mahati ang mana ng magiging anak namin ni Luke, kundi para hindi mahati ang mana pagnagkaron ng anak si Luke at Celestine.
Pero hindi umayon ang balak nila dahil sa pagbabalik ni Luke ay diniborsyo niya ako para mapakasalan si Lady Grachelle, na syang tunay niyang mahal.
Bakit ganun? Bakit ang sama nila sa akin? Wala naman akong ginawa sa kanila. Gusto ko lang naman maging parte ng pamilya nila. Gusto ko lang naman yung maranasan yung nararanasan na pagmamahal nila Francis at Celestine. Kahit wala na yung yaman, karamyaan, mga magagandang damit, at alahas, basta mahalin lang niya ako bilang anak. Yun lang naman ang gusto ko.
Si Luke din, napakasama nya! Ginawa ko din naman ang lahat para mahalin niya ako. Para lang tingnan nya ako. Para lang tratuhin nya ako bilang asawa nya. Pero sa bandang huli, ganun ganun nya lang din akong itinapon.
Gusto ko lang namang mahalin...
Isinubsub ko ang mukha ko sa unan para pigilan ang palakas ng palakas kong pag-iyak. Sobrang sakit ng dibdib ko. Pakiramdam ko ay sasabog na ito sa sobrang sakit.
I hate Frederick, I hate Luke, and I hate that stupid god who made my life miserable.
Gawa siguro ng matinding pag-iyak ay nakatulog ako buong magdamag. Umaga na ng magising ako. Puno ng pag-aalala ang mukha ni Adellei dahil sa mugto kong mga mata at hindi ko kinain ang pagkaing dinala niya para sa akin. Wala akong ganang kumain dahil sa mga nalaman ko kahapon.
Kapag naiisip kong hindi na ako magkakaanak ay tumutulo ang mga luha ko. Pano ako makakapag-umpisa ng panibagong buhay if I'm infertile? In Rohheim, if a woman is born infertile it means the gods had cursed her. A man who is married to an infertile woman means god has cursed to end their bloodline, even if you divorce her. At sa mundong ito, walang mas mahalaga pa sa pagpapatuloy ng lahi. Pano ko patutunayan na hindi naman ako pinanganak na infertile? Siguradong mas paniniwalaan si Frederick kesa sa akin kapag sinabi kong pinapainom nila ako ng potion para hindi magkaanak. Wala akong ibedensya.
Hindi din ako makakagawa ng gamot, kung hindi ko naman alam kung anong uri ng sangkap ang nasa potion.
My head hurts.
"D-duchess san po kayo pupunta?" Nag-aalalang tanong ni Adellei.
"To the study. Wag mo na akong sundan. I want to be alone." Sagot ko.
Binuksan ko ang pinto para lumabas, pero...
"Ack! Ano ba!?" Inis kong sigaw ng biglang may bumunggo sa akin.
Pareho kaming nagulat.
Si Zephyra, nasa labas siya ng kwarto ko at napaupo siya sa sahig ng bumangga sa akin.
"Ano bang ginagawa mo? Bakit ka nakaharang dito sa labas!" Agad na tumulo ang mga luha niya at nanginig sa takot dahil sa pagsigaw ko.
"I... I'm s-sorry Y-your G-grace..."
"Bakit ka kasi nakaharang jan! Alam mo namang kwarto ko to! Alam mo namang ayokong hinaharangan ang dinaraanan ko! Bakit ang tigas ng ulo mo!"
"I-I'm..." Hindi niya natapos ang gustong sabihin at nanginginig lang sa takot, hindi na siya nakapagsalita at napatakbo nalang palayo.
"Adellei sa susunod-" Hindi ko natapos ang gustong sabihin ng mapansin ang puting envelop na nasa sahig.
Pinulot ko ito at binasa ang sulat na nasa loob.
'I hope the Duchess gets better soon.
P. S
Thank you for the soup. It was delicious.'
The writing was messy, but the colorful flowers and bowl of soup drawn with it are so cute.
Ano nanamang ginawa ko? Pinagalitan ko nanaman yung bata dahil lang sa maliit na bagay.
Pero kasalanan naman nya! Mainit ang ulo ko ngayon. I have no time to deal with her. Ang laki ng problema ko sa buhay.
Ugh!
Sa bandang huli, hindi ko din alam kung bakit dinala ako ng mga paa ko sa kwarto ni Zephyra.
Hindi na ako kumatok at dumiretso na sa loob.
She's at her study table, luckily Countess Eva is not with her. Ferr is not with her too, but some random maid na agad namang sumunod ng pinalabas ko.
"I-I'm s-sorry D-duchess... P-please don't h-hit m-me..." Umiiyak nitong pakiusap.
Bumuntong hininga ako bago lumapit. Hindi naman ako galit sa kanya, mainit lang ang ulo ko dahil sa sitwasyon ko ngayon.
"I'm not mad." She flinch when I carried her up, and sat her on my lap.
Now what? Kahit gaano pa kainit ang ulo ko ay hindi ko dapat sisigawan o pagbubuhatan ng kamay si Zephyra. Gagamitin ko pa sya para maayos na makipagdiborsyo sa akin si Luke.
"Thank you for the letter Zephy. It made me feel better." Nakangiti kong sabi.
"R-really?" Hindi makapaniwala ang mukha nito.
"Yes, I'm sorry if I yelled at you. I was just surprised that-" Natigilan ako ng bigla kong napansin ang ilang mga bagong pasa sa kamay ng bata. Itinaas ko ang manggas ng suot niya damit.
Nagulat siya sa ginawa ko at sinubukan itong takpan ulit, but instead I rolled up the sleeve of her dress higher and exposed more wounds.
"What are these?" Gulat kong tanong. I clearly didn't do this.
"I-It's n-nothing..."
"I hate liars Zephyra."
"I-I fell and..."
Bago pa man matapos ni Zephy ang gustong sabihin ay biglang may kumatok sa pinto ng silid niya.
"Your Grace." Boses ni Sir Ross ang nasa labas.
What now? Pumunta ba siya dito dahil iniisip nyang sinasaktan ko nanaman ang bata? Wala bang tiwala sa akin tong taong to?
"Come in." Sagot ko.
Agad naman siyang pumasok sa loob, and as expected, he was so shocked to see Zephyra sitting on my lap.
"What?" Agad kong tanong bago pa lumuwa ang mata niya sa gulat.
"U-ummm..." Sa gulat ay parang nakalimutan nya kung ano ang sadya niya sa akin.
"Sir Ross, can't you see I'm busy? I don't have the whole day." Kailangan ko pang malaman kung sino ang nanakit kay Zephyra.
"T-the Duke, Your Grace. He sent a letter." He said, and hand it over to me.
"Luke?" Gulat kong tanong.
Inabot ko ang sulat mula sa kanya.
"Zephy, we'll talk later. Aasikasuhin ko lang to." Baling ko sa bata at iniupo siya sa sofa.
Lumabas ako ng silid at dumiretso sa study.
I know this letter.
It's the letter that doomed me in my previous life, because of my stupidity.
_________CHAPTER 5_________
Chapter 5 is out! Kahapon dapat to, but more than 24hrs walang net connection si PLDT and other networks.
Keep safe sa lahat, lalo na yung binagsakan talaga ni Odette.
Chapter 6 later. ( ◜‿◝ )
Thanks for reading, voting, and sa pag comment everyone!
Thank you Elie_zhie for reading my story (灬º‿º灬)♡
P.S
The story has nothing against women who has problems to conceived. Plot lang talaga sya ng story (fantasy story). I know some of us gusto talaga na magkaanak, pero hindi pinalad. This story has nothing against you, I love you. Thank you. 🤍
RL. VOTE. COMMENTS.
ARE HIGHLY APPRECIATED.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top