Chapter 4: You killed me.

It's been two weeks since I started learning the second gift. It's more complicated than I thought, and I wasn't sure if I'm doing the right thing most of the time kasi nga ang labo ng instructions na binigay ni Reru. I have to figure everything on my own, but for starters, I started making pills five days ago. Since I realized that pills is the perfect way to contain the successfully incorporated Mana and medicinal herbs.

The blue pills means I succeed, and it works. I tried making healing pills 8 days ago. Sinugatan ko ang sarili ko using a small knife, and took one of the blue pills, and the wound was completely healed in a matter of seconds.

Yung mga palpak, it explodes. Not the deadly kind of explosion, but everything gets messy. If it doesn't explode, it turns black and crumble to dust.

Ang problema, hindi ko alam kung pano ibahin ang kulay ng mga pills.

I've already made two successful pills, the healing pills and the vitality pills, na nakalagay sa magkaibang kulay na bote para hindi ako malito.

Why the healing and vitality pills?

Because of money!

I'm planning to sell them!

Because I realized na sobrang laki ng mga nagastos ko, at mga ari-ariang ibinigay ko sa ama ko.

Apat na gold mine ang kinuha ni Frederick. Dalawang coal mine, at ekta-ektaryang mga lupa, mga alahas, gold and silver coins, at iba pa. Lahat ng yun ay may pirma na ibinigay ko sa kanya. Gusto pa niyang ibigay ko din ang isa sa mga diamond mines, pero hindi pwede dahil ang mga diamond mines ang pangunahing pinagkukunan ng yaman ng Duchy.

Halos hindi ako makatulog ng malaman ko ang lahat ng ito. Idagdag mo pang sinusumbat sa akin ni Countess Eva ang ilan sa mga ito. Meron siyang alahas na hinahanap na hindi ko alam kung binenta ko ba o nakay Frederick na.

Naputol ang pag-iisip ko ng biglang may kumatok sa pinto.

"What Adellei!?" Inis kong tanong. Kabilin bilinan kong wag akong istorbohin ngayong araw sa study dahil may mga dokyumento akong inaayos at nag-iisip ako ng plano kung pano ko mapapakinabangan at maibebenta ang mga pills na ginawa ko.

"I-I'm sorry your Grace, pero may bisita po kayo galing sa palasyo." Sagot nito.

From the palace? Why?

Napaisip ako.

In my previous life, none from the Palace came to visit the Duchy at this time.

Binuksan ko ang pinto at lumabas.

"Is it an invitation for a ball?" Nagtataka kong tanong. If it's an invitation, the Butler should be the one informing me.

"No Madam. It's the Royal Wizard."

"The w-what?" Gulat kong tanong.

"T-the Royal Wizard is here Madam." Ulit ni Adellei.

The Royal Wizard?

Napaisip ako.

Lord Sygmund Drake from the House of Wesleinster.

The youngest son of Duke Wesleinster from the West. The most renowned Wizard in Vehallard, and also the youngest to become the Royal Wizard. He ousted the House of Fergus whose family served as the Royal Magician for hundred of years.

Why is such powerful man in the Duchy right now?

Luke and most of the High Ranking Knights is in the war. What should I do? No one is strong enough to-

'No wait, let's calm down.'

"To what do we owe the pleasure Lord Sygmund?" Agad kong bati ng makarating sa loob ng drawing room, inilahad ko ang kamay ko sa kanya.

"Madam." Agad naman niya itong tinanggap at hinalikan.

Countess Eva and Sir Ross is also in the room.

What is happening right now? Sa nakaraan kong buhay, isang beses lang kaming nakadaupang palad, at yun ay nung kasal namin ni Luke, when the Wesleinster Duchy congratulate us on our wedding. Luke hates the Wesleinster, and they share the same sentiment to the Ravenstein.

"I'll be straight to the point Madam. These past few days, a huge amount of Mana was detected in the Southern Duchy. As the Royal Magician, it's my duty to secure the safety of the Kingdom, and make sure that all the Ducal Household stays loyal to the Crown. I'll need the Madam's statement."

"Lord Sygmund, are you accusing the Duchy?" Galit na tanong ni Countess Eva.

"Countess Bishop, ginagawa ko lang ang trabaho ko. A huge Mana was detected in the Duke's territory. We all know that the Ravenstein's magician is at the war with the Duke."

Ugh! Bakit hindi ko naisip ang tungkol dito?

Of course a high ranking magicians can sense mana. I've been practicing making the pills for two weeks without rest, since that pathetic god said he gave me unlimited Mana.

Masisira ang lahat ng plano ko kapag may nakaalam ng kakayahan ko. The King will definitely be interested, and the Wesleinster will surely target me as an enemy.

"Lord Sygmund, the Ravenstein has always lived as His Majesty's sword."

"Duchess-"

"Don't make us change our mind because of your petty accusations." Agad kong dugtong, upang pigilan siya sa gusto niyang sabihin.

Agad nagbago ang expresyon ng mukha ni Sygmund.

"Duchess!" Halos sabay na naalarma si Countess Eva at Sir Ross sa sinabi ko.

The Royal Magician is definitely not here because of the Kingdom's safety, but rather the Wesleinster's safety.

Because Duke Luke Von Ravenstein, is the second in line to the throne. If the Ravenstein decided to rebel agains't His Majesty, the Wesleinster will definitely not benefit from it. Lalo pa ngayon na gusto nilang makuha ang posiyon ng Crown Princess para sa nag-iisang anak na babae ni Duke Wesleinster to further strengthen their power and influence.

But keep calm everyone! That idiot has no interest to the throne.

He'll marry Lady Grachell and will live happily ever after.

Biglang uminit ang ulo ko ng maalala ang magiging katapusan ng kwento.

Huminga ako ng malalim at pilit kinalma ang sarili. Pero hindi ganun ang nangyari. Ang sakit sa dibdib. Agad akong napatayo ng maramdaman kong tutulo ang mga luha ko.

"But of course, since I'm His Majesty's loyal servant, we'll surely look into this. Kapag nalaman kong may gumagamit ng salamangka sa loob ng Duchy that is a threat to the Kingdom, ako mismo ang makakalaban nila. I'll take my leave first." Hindi ko na hinintay ang sagot niya at umalis na.

Tinawag ako ni Countess Eva pero hindi na ako lumingon at agad na tumakbo sa pinakamalapit na kwarto at tuluyan ng umiyak. Napaupo ako at napasandal sa pinto.

Nakakainis! Ilang beses ko ng kinundisyon ang sarili ko tungkol dito.

Pero bakit nasasaktan pa din ako? Nasasaktan pa din ako kapag naiisip kong sa pagbabalik ni Luke dito ay hihiwalayan na niya ako dahil may mahal siyang iba.

"My Lady."

Nagulat ako sa pamilyar na boses na iyon.

Agad akong napaangat ng tingin sa tumawag sa akin.

"D-Drystan!?" Agad akong napatayo. "A-anong ginagawa mo dito!?"

Hindi siya sumagot, sa halip he hand me over the usual bottle containing fertility potion na buwan buwang ibinibigay sa akin ni Count Frederick simula ng ikasal ako kay Luke.

Hindi ko iyon kinuha.

Drystan is Frederick's henchmen. Ngayong alam ko na na si Count Frederick ang nagpapatay sa akin, bakit ako kukuha ng kahit anong bagay na galing sa kanya?

Fertility potion? Fertility potion ba talaga ang laman nyan?

"My Lady?" Nagtatakang tanong ni Drystan. Dati kasi kapag dumarating siya ay masayang masaya kong kinukuha ang potion sa kanya at agad itong iniinom. Ang fertility potion ang kauna unahang bagay na ibinigay ni Count Frederick sa akin sa nakaraan kong buhay. Nung una ko itong natanggap ay pakiramdam ko mahal ako ng ama ko dahil binigyan niya ako nito.

"Ah- umm..." Alangan kong inabot ang maliit na bote sa kamay niya. Pero agad akong napahinto ng makita ko ang chained bracelet sa kamay niya.

Agad na nanginig ang buo kong katawan sa nakita.

And a sudden flashback came to mind...

Pabalik na ako noon sa County ng hinarang kami sa daan. I heard the Knight escorting us arguing with someone, at nang sumilip ako ay nakabulagta na ito sa lupa at wala ng buhay, the coachman too.

Bigla nalang bumukas ang pinto ng karwahe at marahas akong hinila ng isang lalaking nakasuot ng itim na balabal. Hindi ko makita ang mukha niya. Nang suriin ko ang paligid ay tatlo silang naroon.

Nagmakaawa akong kunin niya ang lahat ng gusto, wag lang niya akong saktan.

But instead, he drew his sword and with a single blow cut my head off.

And the last thing I saw... is a chained bracelet.

_________CHAPTER 4_________

Chapter 4 is out! Charot.

Thanks for reading. Salamat din sa pagvote, at comment!

Mabagal ba pacing? Pero hindi ko alam pano icut yung ibang ideas. But anyway, I'll continue to update habang di pa busy. Hopefully every week meron.

Labas natin si Luke next chap?(人 •͈ᴗ•͈)

Thanks amare1505 for reading, voting at sa pagcomment ( ꈍᴗꈍ)

Credits to the owners of the pics. 🤍

VOTE. COMMENT. RL( ꈍᴗꈍ)

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top