Chapter 32: New friend
"Zephy I'd like you to meet Cecie." Pagpapakilala ko sa batang babae na nakatago sa likuran ni Drystan at tanging ang ulo lang ang nakasilip.
Hindi ko alam na mahiyain din pala ang kapatid nito. Tiningnan ko si Zephy na nakatago rin sa likuran ko at tanging ang ulo lang din ang nakasilip.
Parehong mahiyain.
Pano kaya to?
"Cecie, introduce yourself to the Duchess and the young lady behind her." Utos ni Drystan sa malumanay na tono. "It was the Duchess who gave the medicine I brought you." Dagdag pa niya.
Lumipat ang tingin ni Cecie sa akin. Kaagad ko siyang nginitian.
While Luke was giving instructions to his men earlier, ay kinausap ko naman si Drystan na kung pwede bang ngayong araw niya dalhin ang kapatid para maging kaibigan ng anak ko. Aalis kasi sila Luke mamaya at hindi ko alam kung agad ba silang makakabalik mula sa panganib na haharapin. Gusto kong matuon muna sa iba ang atensyon ni Zephy, lalo pa at hindi ko tiyak kung ligtas bang makakabalik ang lahat.
Matapos umalis ni Seven at Evans, ay sya namang pagdating ni Drystan.
"G-Good afternoon D-Duchess." Nanginginig ang boses ni Cecie at halos matisod ito ng lumabas mula sa pagkakatago sa likod ng Kuya Drystan niya. "T-Thank you for the m-medicines you gave me." She gave a cute courtesy.
"You're welcome, Cecie." Sagot ko naman.
Nahihiya niyang tiningnan si Zephy na nasa likuran ko.
"G-Good afternoon Lady Zephyra." Pagbati naman ni Cecie sa anak ko.
Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak ni Zephy sa saya ng damit ko. Hindi kaya natatakot na siyang makipagkaibigan dahil sa nangyari sa tea party sa palasyo? Pero nakipaglaro naman na siya sa mga bata sa pagtitipon sa tahanan nila Baroness Solen.
"Zephy, she is my friend's sister." I told her to assure that they are good people.
"I am pleased to meet the young lady." May inilabas itong isang maliit at pahabang kahon. "I-I was told I will become the lady's aid from now on, so I brought a small gift." Bakas ang kaba sa batang kasama ni Drystan.
Dahan dahan namang lumabas si Zephy sa likuran ko, at nahihiyang inabot ang kahon. It was wrapped on a cute pink wrapper. She opened it, at dahil kuryoso din ako kung ano iyon ay nakisilip na rin ako.
"Wow." I heard her soft adoration for the gift. It's a pink quill pen with a small gem near the hollow shaft. "T-Thank you so much, Cecie."
Bahagyang lumayo si Drystan, kaya lumapit ako at tumabi sa kanya para hayaang makapag-usap yung dalawang bata.
"Well that was easy. Medyo kinabahan ako dahil mukhang parehong mahiyain ang dalawa." Kaagad kong sabi.
"Kids are easy. Only adults are hard to deal with." Seryosong sagot ni Drystan.
Tumango ako sa sinabi niya bilang pagsang-ayon.
Muli kong binalik ang tingin sa dalawang bata. Mukhang natural na ang pag-uusap nila, at hindi na nagkakahiyaan. Hindi ko mapigilan ang pag-guhit ng ngiti sa mga labi ko. Gustong gusto ko talagang magkaroon ng kaibigan ang anak ko. Isa kasi yun sa mga bagay na wala ako habang lumalaki. Laging mag-isa at walang kakampi sa Reiss mansion. Nagkaron nga ng kaibigan, agad namang nawala.
Ibinalik ko ang tingin kay Drystan. Halos limang taon ko din siyang nakasama sa Reiss mansion bago siya ginawang kampon ng ama ko. Ang masasabi ko na naging kaibigan ko nung nasa Reiss county pa ako, kahit pa ba sa nauna kong buhay ay siya ang pumatay sa akin. Tiyak namang ginawa nya lang iyon dahil sa utos ni Frederick.
Nang masigurong maayos na ang dalawang bata ay kinausap ko naman si Ferr. I gave instructions regarding Cecie's role. Nang matapos ay agad akong bumalik sa drawing room kung san ko iniwan si Luke kanina.
"Your Grace." Masayang tawag ko kay Luke ng makapasok sa drawing room.
Gusto ko ng ikwento sa kanya na mayroon ng kaibigan na makakasama sa mansyon ang anak namin, pero agad ding napalitan ng pagtataka ang kasiyahan ko ng pagkapasok sa loob ay gulat na reaksyon ni Luke ang bumungad sa akin, at may nagliliyab na papel sa kamay niya.
"W-Wife." He looks pale, as if he'd seen a ghost.
"What's that?" Kuryoso kong tanong.
Mas lalo akong kinutuban ng hindi maganda ng makita kong binigyan niya ng makahulugang tingin si Sir Marcus at Sir Ross na nasa loob din ng drawing room.
"Nothing." Sagot niya at lumapit sa akin.
Sinamaan ko siya ng tingin. If he's going to lie, sana man lang ginalingan niya. Guilt is written all over his face. Kakapangako lang din niya kagabi na hindi na siya maglilihim sa akin, pero eto nanaman siya.
"I-It's nothing. Really." He tried to assure me.
"I'm going back to my room." I didn't gave him a courtesy at agad na tumalikod sa kanya at naglakad.
"Wife!"
Hindi ko siya pinansin.
"Wife!" He called me for the second time, and panic is in his voice.
Mas binilisan ko pa ang paglakad ko at hindi siya pinansin.
"Wife, fine. I'm sorry." Agad siyang humarang sa dinaraanan ko ng makahabol at hinawakan sa magkabilang balikat upang pigilan.
Kahit naiinis ay lihim akong natutuwa dahil sa paghabol na ginawa niya.
Hindi ko inalis ang naiinis na ekspresyon sa mukha ko.
"Lady Idril sent a letter." Pag-amin niya.
Salubong ang kilay kong ibinalik ang tingin kay Luke ng marinig ang sinabing iyon. "Why would she give you a letter? And why did you burn it?" Usisa ko.
"T-That..." Halatang ayaw niyang sabihin.
"May tinatago ka ba sa akin? Hindi ba't ang sabi mo hindi ka maglilihim sa akin? Ang sabi mo ay ayaw mong sayangin ang oras natin sa mga hindi pagkakaunawaan! If you don't tell me what's inside the letter, I'll misunderstood things again."
"Wife-"
"May relasyon ba kayo?" Pagputol ko sa kanya.
"What? Relasyon agad?" Hindi makapaniwala niyang tanong. Napahilot siya ng sentido, at mukhang nagpipigil ng inis dahil sa itinanong ko.
"Eh ano? Luke sinasabi ko sayo, nakapagpalayas na ako ng dalawang babae sa buhay natin dahil lang sa gusto ka nilang agawin sa akin. I don't mind adding another one on the list!" Sumbat ko sa kanya. "Unless gusto mong ikaw ang palayasin ko sa buhay ko!" Inis kong dagdag.
I saw how his lips curve into a smile.
"At sinasabi ko sayo, kapag tinawanan mo ulit ako, sasapakin na kita!" Banta ko. "Wag mo kong 'macute cute when you're mad' kundi makakatikim ka na talaga sa akin!" Bumibigat na ang paghinga ko gawa ng pagpigil kong umiyak, dahil kung ano ano na iniisip ko.
"Halik ba yang matitikman ko?" Pagpipigil naman niya ng tawa.
"Luke, ano ba!" Halos mapasigaw ako sa sobrang inis.
"Fine. Just calm down." Pag-aalo niya sa akin. Bumuntong hininga siya bago muling nagsalita na para bang pinipigilan ang pagtawa. "I can't tell you what's exactly inside the letter, wife. I'm sorry." Kalmado niyang sabi. He held my hands and draw circles at the back of my palm with his thumb.
My heart sunk hearing it.
"But I swear upon my name as the Duke of Ravenstein, it's something you should not be worried about. Wala akong tinatago na makakasakit sayo."
"Kung ganon, bakit ayaw mong sabihin?" Pagbabakasakali kong baka sasabihin niya.
"It's something that doesn't only concern me, but also of someone else. I swear, once everything is over, I will tell you about it. Hm?" Pangungumbinsi niya.
Hindi ako sumagot.
"I am not perfect, but one mistake is enough. I will not screw this chance, wife. I will not hurt you. I will not betray you." Mukhang nag-iisip siya ng idudugtong. "I don't have another woman. No woman in Vehallard will ever take your place. I will not make the same mistake in our first life. That I swear. Just please trust me on this one." Pakiusap ni Luke.
Umiwas ako ng tingin at huminga ng malalim.
Fine.
Wag tayong praning.
Ang taong nasa harap ko ay mahal ako, at hindi ako sasaktan.
Tumango ako at humarap ulit sa kanya. "I'm sorry, just now I acted like a child." Nahihiya kong sabi.
Pero nanggigigil pa din ako kay Lady Idril.
What does she wants? If it's the throne as the Queen, kanya na. Pero akin lang si Luke!
"It seems there's something you like to tell me earlier. What is it?" Pag-iiba ni Luke sa usapan.
"Oh, that-" Muntik ko ng malimutan dahil biglang uminit ang ulo ko. "Pinakiusapan ko si Drystan na dalhin dito ang nakababata niyang kapatid na babae. Gusto ko kasing may makasama si Zephy na kasing eded niya dito sa mansyon para maging kaibigan. And it seems they are getting along. I wanted to tell you." Paliwanag ko.
"I haven't thought about that. I'm glad you did." Ngumiti siya.
It's a little awkward.
Iniisip ko talaga kung ano ba ang laman ng sulat. Mukhang hindi kasi mapakali si Luke.
"Wife." He called.
"Yes?" Medyo kinakabahan ako.
"There is something I'd like to ask." He run his hand at the back of his neck.
"What?"
"On our first life-" Parang ayaw niyang ituloy ang gustong sabihin.
"On our first life?" Nagtatakang ulit ko.
"What happened to the throne on our first life?"
"To the throne?" Sandali akong napaisip trying to remember the book Reru wrote. Umiling ako pagkatapos. "I'm sorry. Pero patungkol sa inyong dalawa ni Lady Grachell kasi ang librong iyon. Halos walang nabanggit tungkol sa politika. The King officiated your marriage, and the story ends there." Sagot ko.
Agad na nagsalubong ang kilay ni Luke sa narinig. "Luke, that disgusting piece of sh*t!" He cursed.
Kaaway nanaman niya sarili nya.
I heard him click his tongue, at halatang ikinakalma niya ang sarili. I know how it feels. Iritang irita din ako habang binabasa ko ang librong iyon. Dapat siguro ay iwasan ko ng banggitin sa kanya ang tungkol sa nauna naming buhay dahil mukhang hindi maganda ang epekto sa kanya.
Tumingin si Luke sa orasang nasa malapit.
"I have to go, wife." Paalam niya.
"Where?" Nagtataka kong tanong. Napakapit din ako sa manggas ng damit niya. Maaga pa, at mamayang gabi pa ang napagkasunduan nilang oras ng pag-alis.
"I have to go to the palace, and ask the Queen for a letter of approval to inspect the temple. Dahil mainit ang ulo ko kanina ay gusto ko lang sumugod kaagad sa templo. But everyone was right that we can't just go there and create a mess. I should not use my authority like that. Kaya hihingi ako ng pahintulot sa Reyna." Paliwanag niya.
Nakahinga ako ng maluwag. Nakakapag-isip naman pala siya ng maayos kapag kalmado.
Bigla kong naalala si Lady Idril.
"Sasama ako."
"No. You're staying here." May diin bawat salitang sinabi ni Luke.
I was about to refute him, pero inunahan niya ako.
"I know what you're thinking, wife. Still no. Babalik din ako kaagad."
Ginawa ko na lahat ng pagpapakiusap, pero hindi talaga siya pumayag na sumama ako. Si Sir Marcus at Sir Ross lang ang sinama niya sa pagpunta sa palasyo.
Pero tinupad naman ni Luke ang sinabi niya. Makalipas ang halos tatlong oras ay nakabalik na nga ang mga ito, at dala ang dokyumentong nag-uutos na pahintulutan ang Ravenstein upang halughugin ang buong templo. The Queen's seal is marked at the bottom of the letter.
Nakabalik na rin si Evans at Seven dala ang mga pills. Nakaayos na ang mga ito at nakalagay sa isang maliit na pouch, at lahat sila na aalis ay mayroong tig-iisa na naglalaman ng vitality at healing pills.
Habang abala ang lahat sa paghahanda ay kinakabahan naman ako. Sa kasalukuyan ay nahahati sa dalawa ang mga tao sa mansyon. Ang mga bata, sila Ferr at mga servants na walang kaideideya sa mga nangyayari. At kami na nasa tagong parte ng mansion at nagpupulong kung ano ang gagawin.
Ilang minuto nalang ay lulubog na ang araw.
"Brother, take this with you." Itinali ko ang pouch sa suot niyang belt. "That's healing and vitality pills. Take one when you need it." Paliwanag ko habang sinisigurong nakatali ito ng maayos.
Francis gave me a confused look. He probably haven't heard that this kind of pills exists. But he gave me a nod after.
Naibigay ko na ang para kay Luke, na kasalukuyang nagpapalit ng kasuotan.
"My Lady." Napalingon ako ng may tumawag sa akin. Ang totoo ay nagulat ako dahil kilala ko ang nagmamay-ari ng boses na iyon.
"Yes?" Tanong ko kay Sir Marcus.
"Can I have a moment with you, madam?" He asked.
"O-Of course." Pagpayag ko kahit nagtataka.
Himala!
Sir Marcus wants to talk with me.
I gave a courtesy to my brother before I leave him, at lumabas kami sa may pasilyo ni Sir Marcus. It's a little awkward na kami lang dalawa. His presence is really intimidating.
"Yes?" Tanong ko. Halos hindi ako makatingin ng maayos sa kanya dahil sa takot at kaba. Ako ang Duchess, pero ako ang kinakabahan.
"I'm not sure if I'll be able to come back alive tonight, so I'd like to take this chance to apologize to the madam for all my past actions." He bowed.
My jaw dropped when I heard Sir Marcus apologize.
"I am a Knight who had sworn loyalty to the madam, but I did a lot of things to offend you. Even thinking that the madam doesn't deserves the Duchess seat. I hope you could find it in your heart to forgive me, My Lady." Hindi pa din niya itinataas ang ulo at patuloy na nakayuko.
"Please raise your head, Sir Marcus." I told him.
Ilang segundo din bago niya ako sinunod, at humarap sa akin.
Bumuntong hininga ako. "I'm sorry but I cannot accept your apology." I told him.
Hindi kaagad siya nakasagot.
"I understand. I did a lot of horrible things after all." Nawala ang kumpiyansa sa boses niya, at bahagyang napalitan ng lungkot. "Then I shall take my leave now, madam." He made another bow.
I giggled.
"Teka, that's not what I meant." Pagpigil ko sa kanya.
Nagtatakang itinaas ni Sir Marcus ang ulo niya.
"Please come back safe and alive with everyone, Sir Marcus. Promise me that. And when you did, only then I will accept your apology." I told him.
"Of course, madam!" His confidence is back. It's kind of refreshing to see him smile at me.
"My Lady!" Napalingon ako ng may isa pang tumawag sa akin.
Si Sir Ross.
Nagmamadali itong lumapit at agad na pumagitan sa amin ni Sir Marcus. He immediately put his arm in front of me, shielding me from Sir Marcus, and his other hand is at the hilt of his sword.
"Is he pestering you, My Lady?" Agad nitong tanong.
"Ah, eh-" Hinawakan ko ang braso ni Sir Ross at ibinaba iyon. "He's not. Please calm down." Aalis na nga lang sila mag-aaway pa.
Mukhang hindi kumbinsido si Sir Ross dahil matalim pa din ang tingin nito sa kaharap na Commander.
"Idiot." Sir Marcus mumbled.
"What did you say?" Inis na tanong ni Sir Ross.
"Is everything okay?" Tanong ng isa pang bagong dating.
"Your Grace." Agad akong lumapit kay Luke bago pa man tuluyang maipit sa nagkakainitang commanders.
"Did something happened?" Tanong niya at nagpalipat lipat ang tingin sa akin at sa mga Knights niya.
"Sir Marcus apologize to me." Nakangiti kong bulong sa kanya.
He glanced at Sir Marcus for second.
"I'm glad." Pabulong din niyang sagot.
"Ako din. Hindi lang ang anak natin ang may bagong kaibigan, pati ako din. I'm so happy that I have friends now." Ngumiti ako kay Luke.
Pero sa halip na ngumiti rin ay sinimangutan niya ako.
"What?" I'm confused.
Hindi ba siya masaya para sa akin?
"Tell your damn friends that I'll burn them the next time they enter your chamber." Nagsitayuan ang mga balahibo ko sa likuran sa pagbabanta niya.
Nakalimutan ko ang tungkol dun.
"I-I'll remind them not to do that again." Hindi naman na talaga mauulit yun.
Sadyang pasaway lang si Seven.
"Your Grace!" Nagulat kami ng natatarantang dumating si Evans.
"What?" Tanong ni Luke.
"Sir Mortan is back. He is injured!" Lahat kami ay nagulat sa sinabing iyon ni Evans. "I already gave him a healing pill." Dagdag pa niya.
Lahat kami ay nagmamadaling pumunta sa silid kung saan naroon si Sir Mortan.
"Your Grace." Agad niyang bati.
"What happened?"
"I apologize. But the Royal Wizard was able to detect me, and he attacked." Maiksing paliwanag ng Knight, sabay yuko ng humingi ng tawad.
"It's okay. He is a high ranking wizard after all. I expected it. You did great." Luke told Sir Mortan.
Sinuri ko si Sir Mortan.
Buti nalang talaga at may mga healing pills.
"Stay here and guard my wife." He instructed the Knight.
"Yes, Your Grace."
"Wife." Ako naman ang hinarap ni Luke matapos kausapin si Sir Mortan.
"Y-Yes?"
"No matter what happens, stay here." Bilin niya.
"I promise."
"Good." Niyakap niya ako ng mahigpit matapos sabihin iyon.
"Please come back safe." Niyakap ko rin siya.
"Of course I will. Gagawa pa tayo ng anak pagbalik ko." Bulong niya.
"Your Grace!" Buong gigil kong kinurot ang tagiliran ni Luke.
"Ack-" He gasped, pero sa halip na mukhang nasaktan ay parang natutuwa pa.
Kahit pabulong ang sinabi nyang iyon ay tiyak kong narinig ng lahat ng nasa loob ng silid. Lahat ng mga nasa loob ay biglang yumuko at umiwas ng tingin. Sila Evans at Drystan ay agad na nagpanggap na may ginagawa. Nasa loob din ng silid ang kuya ko!
He chuckled like he usually does, unbothered about the people around us. Luke sana tubuan ka ng hiya kahit minsan lang!
At nang lumubog nga ang araw ay kaagad silang umalis at nagtungo sa templo.
Naiwan ako kasama si Sir Mortan at ang iba pang Knights na kasama namin ng pumunta dito sa mansyon. I cast a shield around the mansion to keep us safe, and ordered the Knights to patrol the area.
✦✽.◦.✽✦
Nang makalayo ng konti sa mansyon, ay agad na gumamit ng teleportation spell ang isa naming kasama.
Kung tama ang memorya ko, his name is Seven. A magician that owns a guild on our territory, at ang salarin kung bakit nasa silid silang lahat ng asawa ko.
The person I should murder, but he is friends with my wife.
Lucky bastard.
He immediately took one of the vitality pill inside the pouch after using the spell.
"But Duke Ravenstein, this is the temple. How can a criminal come here in this holy place without our notice?" The head priest was surprised reading the documents I hand him.
"Are you going to disobey the Queen's order?" Agad na napalitan ng takot ang mukha ng head priest sa sinabi ko.
"Of course not, Your Grace." Yumuko ito at natataranta, pagkatapos ay inutusan niya ang mga kasama na pansamantalang lisanin ng lahat ang templo.
Nang makalabas na ang lahat ng priests, priestess, at mga workers ng templo ay agad na pinangunahan ni Francis ang daan patungo sa kinaroroonan ni Sygmund.
But before we could even step at the center of the wide field, a magic circle that looks like a portal appear.
"Wait, I know this spell." Ani ni Evans.
Now that he mentioned it, it looks familiar. Magkaiba lang ng kulay.
But before I could figure it out, monsters started to crawl out of the huge portal.
Now I remember, it's the same spell used by that magician from Saar.
"What a warm welcome." I heard Evans mumbled at the back.
"Maging alerto ang lahat!" Pumunta sa harapan namin sila Sir Marcus at lahat ng mga commanders.
They all drew their swords and attacked the monsters approaching.
"Your Grace, let's go!" Lord Francis called my attention.
"Kayo na ang bahala dito." I told them bago sumunod sa kapatid ng asawa ko.
"Yes, Your Grace." Sabay sabay na sagot ng mga Knights.
✦✽.◦.✽✦
"Psssst!" Sabay na napalingon si Seven at Drystan sa taong tumawag sa kanila.
"What?" Sagot ni Seven kay Evans.
Evans is standing behind the knee-tall hedges near them. He signaled the two to come over, and they did.
They all sat behind the hedges and watched the Knights slay the monsters.
"What are we doing?" Nagtatakang tanong ni Drystan.
"Magpahinga muna tayo at manood." Sagot ni Evans sa kanya.
The portal continues to pour out monsters, and the four Ravenstein Knights fought them off.
"Tingnan nyo, tingnan nyo!" Evans pointed at Sir Ross' sword.
Agad namang tumingin ang dalawa sa espada ng Knight na binanggit ng kasama.
The sword hit the monster's neck. Instantly blood spatter all over the ground. Nagtataka si Drystan kung bakit kailangan iyong tingnan. Normal na atake lang naman iyon. He can even do that himself. Pero ng titigan nila ng maigi ang espada ay parehong nagulat si Seven at Drystan sa nakita. They were sure that Sir Ross was using a normal looking sword, but the sword struck at the monster's neck has teeth and it looks like it's sucking the blood from the monster. And when he removed the sword from the lifeless monster, the blade slowly turned normal again.
Drystan didn't expect that, dahil noong nakaraang gabi ng sugurin nila ang Reiss mansion ay hindi naman niya napansing nagbago ang anyo ng mga espada ng mga Knights.
"Holy-" Napalingon si Seven kay Evans. "That sword is a magic artifact! It's from a monster called Hydra isn't it? That legendary monster with four heads!" Halos kuminang ang mga mata ni Seven habang sinasabi iyon.
"Exactly!" Pagsang-ayon ni Evans.
"Meron lang apat na ganyang uri ng espada sa buong Rohheim! Sing dami lang ng ulo ng Hydra-" Natigilan si Seven ng maalala niyang apat lang ang ganung uri ng espada sa buong Rohheim. Napatingin siya sa apat na nakikipaglaban na Knights. His jaw dropped when he noticed that all their swords has the same characteristics when it hit the monsters. "Evans!" He grabbed Evans' collar. "All four artifacts belongs to the Ravenstein?" Hindi makapaniwalang tanong ni Seven.
"Yeah. That's why the order of Knights serving the Duchy is one of the best in the whole kingdom." Pagyayabang nitong sagot.
"That's not the point!" Hindi pa rin binibitiwan ni Seven ang kwelyo ni Evans. "Alam mo bang napakamahal ng mga espadang yan? Kapag binenta natin yan, tiyak na magkakaron tayo ng gabundok na gold coins!" Kumikinang na talaga ang mga mata ni Seven sa tuwa.
"Walang 'natin', Seven." He corrected him. "I want to keep my head, and continue to breath. Pero kung gusto mong sa leeg mo kumagat ang mga espadang yan, then go ahead and do it yourself." Dagdag pa ni Evans.
"Tsk!" Seven clicked his tongue. Si Drystan naman ang tiningnan niya pagkatapos.
"No." Agad nitong sagot sa mukhang perang magician. He also wants to keep his head.
Blag!
"Aaahhh!" Sabay na napasigaw ang dalawang magicians ng bila nalang may bumagsak na putol na ulo ng halimaw sa harap nila at muntik pa silang tamaan.
Kaagad silang napatingin sa mga Knights, and Sir Marcus is looking at their direction.
"Tutulong kayo, o habang buhay ko kayong pagpapahingahing tatlo?!" Sir Marcus yelled at them.
"T-Tutulong na po!" The two magicians panicked.
"Lintik nadamay pa ko." Sinamaan ni Drystan ng tingin ang dalawang kasama.
✦✽.◦.✽✦
"My Lady, hindi pa po ba kayo magpapahinga?" Adellei asked.
Siya lang ang nakakaalam na umalis si Luke at ang iba pa.
Kasalukuyan akong nasa may pinto at nagbabakasakaling makakabalik kaagad sila Luke, tutal ilang oras na rin naman ang nakakalipas. Hindi pa din ako mapakali kahit pa ba pinabaunan ko silang lahat ng mga ginawa kong pills.
"My Lady, please have some rest." Si Sir Mortan naman ang nakiusap sa akin sa pagkakataong iyon.
Dahil ito ang unang beses na si Sir Mortan ang naatasang magbantay sa akin, medyo nahihiya akong tumanggi sa sinabi niya dahil alam kong nag-aalala rin ito para sa akin.
"I'll stay for another thirty minutes." Pagpapaalam ko.
"I understand." Pagsang-ayon nito sa sinabi ko.
"Sir." A Knight called Sir Mortan's attention.
Kaagad naman itong lumapit dito at bahagya silang nag-usap. Pagkatapos ay muling lumapit sa akin si Sir Mortan.
"My Lady, the knight said there are some priests from the temple at the gates. I'll go and check it."
"Priests? I'll go with you."
"But-"
"Please?"
Halos isang minuto pa bago napilitang pumayag si Sir Mortan.
Lumapit kami sa mga pari na nasa labas. Hindi ko inalis ang shield na nakapalibot sa buong mansion kahit pa ba mula sila sa templo.
"Madam." Agad na yumuko ang mga ito at nagbigay pugay ng makita ako.
I also gave them a courtesy.
"To what do we owe this visit?" Agad na tanong ni Sir Mortan sa kanila.
"Madam, the Duke and his men are currently at the temple and badly injured. He wanted to see you, and asked us to bring you there." Sagot ng isa sa mga pari.
Kaagad kaming nagkatinginan ni Sir Mortan.
"Is that so?" Tanong ko.
"Yes, Madam." Ang isa naman ang syang sumagot. "So please come with us." Magalang nitong dugtong.
"Of course, I will." Sagot ko sa kanila.
Sir Mortan gave me a signal by nodding his head a little, I undo the spell casted around the mansion, and I immediately closed my eyes.
In split seconds, I heard the swish of blades, and a low thud sound followed.
I swallowed hard, and prepared myself to whatever I'll see when I open my eyes. Pero kahit kinundisyon ko na ang sarili ay kinilabutan pa din ako ng makita ko ang walang buhay na mga katawan na nakahandusay sa lupa at naliligo sa sariling dugo. The smell of blood is too strong kaya bahagya akong napaatras.
Sir Mortan and the other Knights around us inspected the dead bodies. Under the oversized priest coat, they are wearing a black fitted clothing that looks so familiar.
It's the same type of uniform that Drystan wears.
Mga alagad ni Count Frederick ang mga ito!
Sabi na nga ba. Dahil napakaimposible ng mga sinabi nila. Mayroong healing at vitality pills ang lahat kaya hindi problema kung masusugatan o mapapagod sila. At kung sakali mang totoo ang sinabi nila, tiyak kong hindi ipag-uutos ni Luke na sunduin ako dito sa mansion para pumunta sa isang mapanganib na lugar. He also told me to stay here no matter what.
I was about to cast the shield again, pero bigla nalang may lumabas na teleportation circle sa paanan ko.
"Duchess!" Kaagad na naalerto si Sir Mortan, pati na din ang ibang mga Knights.
Pero bago pa man kami makakilos, nabalot na ako ng liwanag.
"Aacckk!" Napasigaw ako sa sakit ng biglang may humawak ng mahigpit sa braso ko, at nang idilat ko ang mga mata ng mawala ang liwanag, nasa ibang lugar na ako.
Kaagad kong nilibot ng tingin ang buong paligid.
This is the temple.
Napatingin ako sa taong nakahawak sa braso ko, nakasuot siya ng cloak kaya hindi ko makita ang mukha niya. Pero kung siya ang nagcast ng teleportation spell, ibig sabihin isa siyang magician.
"Finally, the useless b*tch is here." Napatingin ako sa taong nagsabi noon.
Kaagad na bumilis ang tibok ng puso ko sa nakita.
"F-Frederick-"
Why is my father here?
_______CHAPTER 32_______
Akala ko 2 weeks palang ako walang UD. Lumampas na pala. (^~^;)ゞ
THANKS SA MGA VOTES NEW READERS. (づ ̄ ³ ̄)づ
AND THANKS EVERYONE FOR SUPPORTING THIS STORY. LAST SUNDAY KO LANG NAPANSIN NA NASA 100K+ NA YUNG READS. THANK YOU. 🤍
VOTE. COMMENTS. RL
are highly appreciated.
(人 •͈ᴗ•͈)
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top