Chapter 27: Between love and the throne

Nanginig ang buo kong katawan ng makita si Luke. Ilang ulit kong pinagdasal sa isipan na sana ay panaginip lang ang nangyayari ngayon. But the heat from the flames felt so real.

"Your Grace, this- I can explain this." Kahit nahihirapan gawa ng panginginig ng mga tuhod ay sinikap kong lumapit kay Luke. "Please don't hurt them." Ang kaagad kong pakiusap ng makalapit sa kanya. Hindi pa rin nagbago ang ekspresyon ng mukha nito nang makalapit ako. "Your Grace, please." Nanginginig rin ang mga kamay kong nakahaplos sa mukha ni Luke.

"Are you afraid of me, wife?" Hinawakan niya ang kamay ko at tiningnan iyon.

"W-What? N-No!" Kaagad kong sagot.

"Kaya ba mas pinipili mong humingi ng tulong sa iba, kaysa sa sarili mong asawa? Can't you trust me? Iniisip mo bang magagalit ako para lang sa walang kwentang bagay na hindi tayo pwedeng magkaanak?!"

"No! It's not like that!" Nang marinig niya ang sagot ko ay kaagad na humigpit ang hawak niya sa kamay ko. Saglit akong natigilan, realizing his words. "W-Wait- Pano mo nalamang-" Kaagad akong napalingon kanila Sir Ross. Lahat sila sa likuran ay bakas ang pagkagulat sa sinabi ni Luke, lalong lalo na sila Sir Marcus at ang dalawa pang Commanders na kasama niya.

Sabay sabay na umiling sila Sir Ross, Evans, Drystan, at Seven bilang tugon sa ginawa kong paglingon sa kanila. Kung hindi sila ang nagsabi, ay sino?

Muling humigpit ang pagkakahawak ni Luke sa kamay ko, kaya ibinalik ko sa kanya ang tingin. "Y-Your Grace, that- how did you know about that?" I asked.

"Your sister told me." He answered bitterly. "Sa ibang tao ko pa malalaman." He added, squinting his eyes on me.

Wala talagang ginawang matino itong si Celestine sa buhay ko! Kaya pala ganun nalang siya kung ngumiti at magsalita kahapon.

"I can explain, hindi ko alam kung ano pang sinabi sayo ni Celestine, but please sakin ka makinig!" Pakiusap ko.

"That day, I clearly told you na kahit anong sasabihin mo, pakikinggan-"

"Chance-" I cut him off. "Give me another chance to explain! Wag ka lang magalit sa akin." Hindi ko napigilan ang pagtulo ng mga luha ko. Ayokong bumalik kami sa dati na hindi nag-uusap, ayokong magalit siya sa akin.

"I'm not mad! I'm-" Bumuntong hininga siya at napahilot ng sentido. "I'm upset because it seems I'm the last person to know." Dugtong nya. "Stop crying, wife!" Nasa boses pa rin niya ang inis, pero marahan ang mga kamay niyang dumampi sa pisngi ko para punasan ang mga tumutulong luha.

"I-I'm sorry kung hindi ko agad sinabi sayo. A-Ayoko lang kasing masayang ang lahat ng pinaghirapan mo ng dahil lang sa akin. Y-You're a war hero, and the future King. Kapag may nakaalam na iba tiyak na gagamitin nila yun laban sayo. Ayoko lang na maging hadlang sa tagumpay mo." Halos pumiyok ang boses ko sa pagpapaliwanag.

"At iniisip mong mas mahalaga ang trono at reputasyon ko kaysa sayo?"

What? Sa gulat ay hindi kaagad ako nakasagot sa sinabing iyon ni Luke.

Muli siyang bumuntong hininga.

"Aaahh!" Napasigaw nalang ako ng bigla niya akong buhatin, at katulad ng madalas niyang gawin ay isinampa sa balikat niya.

He snapped his fingers, and in an instant, the flames surrounding Sir Ross and the others disappeared. "You're still not out of the woods." He warned them bago naglakad paakyat.

Gustuhin ko mang makiusap na ibaba niya ako at kaya kong maglakad ay alam ko namang hindi niya ako pakikinggan, lalo pa at mainit ang ulo niya, kaya hinayaan ko nalang siya sa gustong gawin. Dumiretso siya sa kanyang silid, at nang maisara ang pinto ay agad siyang lumapit sa kama at marahan akong iniupo.

"Now, come clean. What else should I know?" He asked, while on his knees.

"Before that, kailangan ko munang malaman kung maliban dun ay may sinabi pa bang iba si Celestine?" Baka mamaya ay kung ano anong kasinungalingan ang sinabi niya kay Luke, at mas lalo lang kaming hindi magkaintindihan.

"Nothing else. She just told me that your infertile. And it sounded like you're keeping it from me."

"I'm not keeping it!" Kaagad kong sagot. "Well, I did. Pero hindi ko naman itatago habang buhay eh. Ayoko lang talaga na may makaalam na iba, lalo na sa mga kaaway mo."

"Still, you should have told me!" Halos pasigaw ang pagkakasabi niya nun.

"I'm sorry." Mahina kung tugon. "A-Ang totoo ay natatakot din akong sabihin sayo dahil baka magalit ka at hindi mo papakinggan ang mga paliwanag ko." Pag-amin ko sa kanya.

"I admit that my temper gets ahead of me all the time, but that doesn't mean I will not listen to my wife!" Bakas ang pagkadismaya sa boses niya.

"I'm sorry." Ulit ko. "But please let me explain everything this time." Hinawakan ko ang mga kamay niya. "At sana, kung ano man ang maririnig mo ngayon, mangako kang magiging kalmado at hindi magpapadalos dalos sa mga gagawing desisyon."

"Does this involved your safety?" His face hardened.

Ilang segundo din bago ako tumango.

"Then no." Kaagad na nagsalubong ang mga kilay ko sa sinagot niya.

Pano ko ipapaliwanag to kung hindi siya mangangakong kakalma? Pano kung bigla niyang sugurin ang mga Wesleinster o ang Reiss? Napakaimposibleng umamin sila sa ginawa nila.

"I will kill anyone who hurts my wife. Kahit isang hibla ng buhok mo ang galawin nila, ay sisiguraduhin kong pagbabayarin ko silang lahat!" Nagulat ako sa pagbabantang binitiwan niya.

"Kakasabi ko nga lang na-"

"I can always ask those four to tell me what the five of you are up to." Pagputol ni Luke sa sinasabi ko. Naglaro siya ng ilang hibla ng buhok ko sa daliri niya, tulad ng parati niyang ginagawa. "I still have to punish them for trespassing my wife's room at the middle of the night." Kaagad na namilog ang mga mata ko sa sinabing iyon ni Luke.

"T-That- I can also explain that!" Pano nya nalaman ang tungkol dun?

"You sure have lots of things to explain, wife." Tumayo siya at itinulak ako pahiga ng kama. Saka siya sumampa at pumaibabaw sa akin.

"Teka muna, pano ako magpapaliwanag kung-" Natigilan ako ng hilahin niya ang laso ng suot kong damit, exposing a little of my skin. "W-What are you doing, Your Grace?"

"You want me to stay calm, right? Tiyak namang ikagagalit ko ang mga maririnig, so I need to distract myself. Go on wife, pray tell." Utos ni Luke.

How could you say that straight face? Hinawakan ko ang kamay niya para pigilan iyon sa paglilikot, at ako ang nadidistract sa ginagawa nya. Inayos ko ang sarili at muling umupo. Kahit naiinis ay umupo din siya sa tabi ko.

I squinted my eyes on him.

"Fine. I'm listening." Inis niyang sabi.

"That's not what I want to hear." I crossed my arms, at sinamaan ko siya ng tingin.

"Hindi ba't ako dapat ang galit dito?" Naiinis pa din nyang sabi.

Hindi ako sumagot, at sa halip ay tinaasan ko lang siya ng kilay.

"F*cking fine. I'll stay calm, at hindi magpapadalos dalos ng desisyon." Pasinghal nyang sabi.

Nang marinig ang pangako niya ay saka lang ako nag-umpisang magpaliwanag. "About what Celestine told you. It's true." He remained calm hearing that. "But that's because someone is giving me an infertility potion." Duon lang nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Luke. His blue eyes turned cold. Kapansin pansin ang pagbilis ng paghinga niya.

"Who?" He gritted his teeth.

"My father, and the Royal wizard are the people behind the potion." Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at sinabi na sa kanya ang totoo.

His face became colder and grim. "The f*cking wizard is understandable." Ikinuyom niya ang mga kamaong nanginginig sa galit. "But why would your father do that?" Nagtataka niyang tanong.

Frederick has always acted like I'm his beloved daughter around Luke, and his late father. Kaya nauunawaan ko kung bakit siya nagulat at nagtataka.

"M-My relationship with the Count, everything that you knew, everything that you saw, and everything that you heard of- all of it are lies." Pakiramdam ko ay may bumara sa lalamunan ko habang sinasabi iyon. "Hindi totoong lumaki ako sa pamilya ng aking ina. Hindi totoo ang sinabi ni Frederick dati sa namayapa mong ama na kinuha niya ang kustodiya ko dahil mahal nya ako." Sa naaalala ko ay isa iyon sa mga rason kung bakit nakuha ni Frederick ang loob ng ama ni Luke. He thought that the Count is a great father, that would do anything for his child. Natigilan ako sa pagsasalita ng tumulo ang mga luha ko dahil naalala ko ang naging buhay ko sa Reiss mansion. "I-I grew up with them, a-and they neglected me. S-Sinasaktan din nya ako kapag hindi ko sinusunod ang mga inuutos niya sa akin. A-At kaya nya to ginagawa dahil hindi naman talaga ako ang gusto nyang mapangasawa mo, kundi si Celestine." Sinikap ko pa ding matapos ang pagpapaliwanag kahit nauutal na ako gawa ng pag-iyak.

Muling hinaplos ni Luke ang mukha ko para punasan ang mga luha. "I'll make sure he'll pay for every single drop of this tears" His face gradually became more and more distorted from anger, and his voice was extremely bitter.

Namilog ang mga mata ko ng bumaba siya sa kama, kaagad ko siyang sinundan ng lumabas siya ng silid.

"T-Teka, san ka pupunta?" I panicked.

"I heard enough." Sagot niya without even looking back.

"Your Grace!" Muli kong tawag habang inaayos ang suot na damit.

Hindi niya ako pinansin kaya tumakbo ako at kaagad na humarang sa harapan niya.

"Your Grace, you promised you'll-" Hindi pa din niya ako pinansin. Nagmamadali siyang bumaba kung saan naghihintay pa rin sila Sir Marcus at ang iba pa.

"Let's go." Kaagad na sabi niya sa mga Commanders.

Tatakbo sana ako upang harangan ang pinto ng great hall, pero nagulat ako ng biglang iharang ni Sir Ross ang espada niya. Kasunod niya ay humarang din si Evans sa daraanan ko, and the rest of the Commanders followed.

"Sir Ross? Evans?" Parehong seryoso ang mukha nila. I couldn't even imagine that the loud, and often scared magician could pull a serious, and deadly look. "Please move away!" Pakiusap ko sa kanila.

Hindi nila sinunod ang iniutos ko.

"Dys-" Hindi ko pa man natatapos ang sasabihin ay kaagad na pumwesto si Dystan sa likuran ni Sir Ross.

Pati ba naman si Drystan, hindi makikinig sa akin?

"Seve-" Ang kahuli hulihan kong pag-asa para pigilan si Luke ay pumwesto naman sa likuran ni Evans.

Yung totoo, wala bang kakampi sa akin dito?

"I'll take care of the Duchess while you're all away." Lumapit si Seven sa akin. "But first, there's a few things I'd like the Duke to know." Mayroon siyang hinagis kay Luke, at nang tiningnan niya iyon, it's the infertility potion. "It seems the Duchess already told you about that."

Pagkarinig ay mas lalong gumuhit ang galit sa mukha ni Luke.

"The magic fragments inside that potion is a black magic." Kaagad na namilog ang mga mata namin sa narinig.

"What?" Halos sabay sabay kaming lahat na napatanong.

It's forbidden to use black magic, aside from it's destructive nature, it also has a negative effects on the user. Kahit ang ordinaryong tao na hindi nagtataglay ng mana ay alam iyon.

"The purpose of the black magic inside that potion is to null any cure from taking effect." Dugtong ni Seven.

Nanlumo ako sa narinig kong yun. Ibig bang sabihin, kahit makagawa ako ng lunas ay hindi pa din ako gagaling dahil sa black magic na nakapaluob dito?

"The Royal wizard is one amazing sh*t." Parang gusto kong sapakin si Seven dahil mukhang pinupuri pa nito si Sygmund, nakangiti pa siya habang sinasabi yun.

"Then what should I do?" Napalingon ako kay Luke ng itanong nya yun.

"Kill him." Nagulat ako ng si Evans ang sumagot.

"W-What?" Nagpalipat lipat ang tingin ko kay Evans at Seven.

"You have to kill the caster, and the black magic will die with him. That's what I read from the books." Paliwanag ni Evans.

"Exactly." Pagsang-ayon ni Seven. "As easy as that. The problem is, how strong is the Royal wizard?"

Si Sygmund ang kinikilalang pinakamahusay na magician sa buong Vehallard. At kung gumagamit din siya ng black magic, hindi na nakapagtataka kung gano siya kalakas.

"Is that all?" Tanong ni Luke.

Kaagad na nagkatinginan si Seven at Evans. "Yes." Sabay nilang sagot.

"Then let's go." Kaagad na sabi ni Luke sabay bukas sa pinto ng great hall.

"Your Grace-" Hindi ko magawang lumapit dahil kaagad na humarang si Seven. Sinamaan ko siya ng tingin bago ibinalik kay Luke ang atensyon na nanatiling nakatayo sa may pinto. "You promised not to act rashly! Come back here!" Utos ko sabay turo kung san ako nakatayo. Hindi pa nga ako tapos magpaliwanag.

"I'll let you yell, and hit me all you want when I came back." Iyon lang ang sinabi niya at lumabas na ng great hall, kaagad na sumunod sa kanya ang mga Ravenstein commanders, kasama si Drystan at Evans.

Kaagad akong naghanap ng kahit na anong pwedeng ipangsugat sa sarili upang makagawa ng shield para mapigilan sila, pero walang kahit na anong matulis ang nasa paligid.

"Seven, pigilan mo sila!"

"What? Para tustahin ako ng asawa mo, when I just barely escaped? No thanks, My Lady." Kaagad niyang sagot at may pahabol pang pagtawa.

'Kalma ka lang Morrigan.' I reminded myself. Kahit ganyan si Seven ay siya pa rin ang nakatuklas kung anong uri ng magic fragment ang nasa potion.

"And besides, this would be interesting. Who would have thought, that a mere woman would be the reason the long-standing war between the Ravenstein and the Wesleinster would seems to end, who knows, tonight." Sinamaan ko nanaman siya ng tingin matapos niyang sabihin iyon.

"That's not funny, Seven!" Komento ko.

"Nagsasabi lang naman ako ng totoo." Tumawa siya. "But the Duke sure is something else. To recklessly attack like that without even thinking."

"Then why did you not stop them?!" Ulit ko nanaman habang itinuturo ang pinto. "Kapag napahamak si Luke at ang iba pa, humanda ka sa akin!"

"I'm a merchant. I'm a merchant." He started chanting, as he ignores me.

I rolled my eyes at lumapit sa may pinto, pero agad din akong natigilan ng biglang may nagsalita.

"Ugh! It's just you. Akala ko naman kung ano ang mga ingay na naririnig ko." Kaagad akong napalingon sa nagsabi nun.

"Celestine..."

She rolled her eyes on me, saka umalis.

"Wait!" Pagpigil ko sa kanya.

I'll deal with you now, once and for all.

"What?" Inis niyang ibinalik ang tingin sa akin.

"Let's have a tea. There is something important I'd like to discuss." Sagot ko.

"Now? At this hour?" Iritable niyang tanong.

"It cannot wait, Celestine. It's about the Duke." Nang banggitin ko si Luke ay agad na nagpakita ito ng interes.

"I'll go get my robe." Nakangiti niyang sagot saka umalis.

"And I'll go get something to kill you with." Mahina kong bulong.

✦✽.◦.✽✦

Drystan led the way to the Count's residence in the capital. He glanced at the Duke, who is just a meter away behind him. His vexed appearance has been bothering him even before they leave the Ravenstein mansion. He is a fighter himself, so he knew exactly the meaning of the horrible expression painted on the Duke's face.

'He is going to kill them all.'

Drystan has no knowledge on how Nobility works, but he doesn't need education to understand that the Duke would be at wrong here if something happens to the Count.

He glanced at the Commanders tailing behind them. They all have the same vigor, and not a single one of them, even the loud magician, has any intentions of stopping the mad Duke.

"Stop right there!" A man on a guard uniform warned them as they approach the gates of the Reiss mansion. Drystan immediately fix his cloak, and covered his face.

Evans forged ahead of them.

Kaagad na namilog ang mga mata ni Drystan ng sa isang kumpas lang ng kamay ni Evans ay bumukas ang naglalakihang gates ng Reiss mansion. At bago pa man makakuha ng sandata ang mga gwardya ay tumilapon ang mga ito sa lupa at agad na nawalan ng malay.

Dozens of unsuspecting Reiss Knights came running to inspect the commotion. Kaagad nilang inilabas ang mga espada ng makita ang maliit na hukbong pumasok, at bumaba sa sakay na mga kabayo.

Soon the loud sound of clashing metals echoed in the wide front yard. More Knights came to defend the estate from their sudden intrusion, pero walang nagawa ang mga ito. In just a minute of fighting the four Ravenstein Commanders, dozens of corpses already littered the ground. The smell of blood reek the front yard.

The lifeless body of the Reiss Knights paved the way to the entrance of the mansion, na kaagad na nagliyab ng makalapit sila Luke. The huge door soon turned to ash, at walang kahirap hirap nilang napasok ang loob ng mansyon. Dalawang Commanders, at si Drystan ang nagpaiwan sa labas upang hindi makalapit ang mga bagong dating na Knights at handang makipaglaban.

"How dare you trespass into my manor!" Luke and his men was greeted by the Count's perplexed face. Four high ranking Knights was with him, and has already pulled out their swords.

One of the Knights turned the lights on, and revealed the intruders.

"You- what are you-?" The Count was obviously shock to see his own son-in-law causing all the commotion. "What is the meaning of this, Your Grace!?" He spat out.

Bilang tugon ay agad na nagliyab ang paanan ni Count Frederick.

"My lord!" Kaagad siyang hinarangan ng mga kasamang Knights upang hindi masaktan.

"Duke, what kind of disrespect is this?" The Count hissed.

Luke stood still, without breaking his gaze. Frederick became more nervous with his silence, and the dreadful gaze directed at him. He knew full well that the Duke of Ravenstein is not someone to be mess with, and none of his Knights in service could match the renowned warrior.

'Bakit siya nandito?' Iisa lang ang naiisip na dahilan ni Frederick na kasagutan sa tanong niyang iyon. 'Did he already know?' Pagdududa niya. 'No, that's impossible!' Kaagad niyang bawi.

"What are you waiting for!? Arrest them!" He commanded his Knights.

One of the Knights immediately heed the order, and launched an attack. Sir Marcus immediately blocked it without difficulty. Another Knight charged forward, which Sir Ross greeted with his sword.

"My lord, evacuate the place for now, and leave this to us!" The Knight assured Frederick.

Pero hindi pa man nakakahakbang si Frederick upang lumayo sa kaguluhan ay kaagad na nagliyab ang buong paligid. The curtains, tables, and everything in the vicinity has caught fire.

"You!" The Knight gritted his teeth, at kaagad na sinugod si Luke. He swang his massive sword and aimed it at the Duke. To his surprised he stopped midway, and couldn't control his body. He couldn't move a single muscle. Kaagad niyang nilibot ng tingin ang paligid, and he saw a man behind the Duke, pointing his finger at him, at sa isang kumpas lang ng kamay nito ay tumilapon siya sa mga nagliliyab na apoy.

The remaining Knight was hesitant to attack. He knew that he would not stand a chance, but still he drew his sword and attacked the man in front of him. Hindi pa man siya nakakalapit ay agad na nagliyab ang buo niyang katawan. The Knight screamed in pain, until his lifeless body collapse on the floor. The smell of the burning flesh made the Count feel nauseous. He couldn't hold the bile rising up his throat due to the disgusting smell, and throw up.

Itinaas ni Luke ang kamay, at kaagad itong nabalot ng apoy. His next attack is aimed at the Count. Iyon lang naman ang ipinunta niya. Nang marinig niya ang sinabi ni Morrigan kanina ay hindi niya magawang pigilan ang galit, kahit na nangako siya rito na hindi gagawa ng kahit na ano mang desisyon na padalos dalos. He doesn't care about anything else. The only thing he wants is to end the life of the person who made his wife's life miserable. Seryoso siya sa sinabing pagbabayarin niya ang kahit na sinong manakit sa asawa niya. And his father-in-law is not an exemption.

Luke aimed the fire at the Count's direction. Pero bago pa man ito tumama sa Konde, a magic circle appeared, and his attack was blocked. Kaagad na tiningnan ni Luke ang pinanggalingan ng Mana. A familiar man appeared behind the Count.

Matagal niya itong hindi nakita, pero hindi siya maaaring magkamali.

He is the Count's son.

'Francis Reiss.'

"Your Grace-" Nilibot ni Francis ng tingin ang paligid. The great hall is on fire, and dead bodies of Knights is what welcomed him. "To what do we owe this pleasure?" Sarkastikong dugtong nito.

"I have no business with you." Luke answered with a piercing gaze. He made the same attack to the Count, but Francis blocked it again.

"Your Grace, why are you doing this?" Tumayo siya sa harapan ng ama, and gave Luke the same treatment. Sinamaan nya rin ito ng tingin.

'His second attack was stronger.' Kaagad na naisip ni Francis. 'My Mana can't keep up if this continues.'

"Move." Luke's patience is wearing thin.

"This is the last time I'll ask nicely, Duke. Why are you doing this? Hindi mo man lang iginalang ang ama ng asawa mo!" Maging siya ay nauubos na rin ang pasensya. Walang maisip na dahilan si Francis para gawin ito ni Luke sa pamilya nila. Maliban nalang kung nalaman nito ang masamang pagtrato ng pamilya kay Morrigan.

"Why would I respect the bastard who put my wife's life, and reputation on the line?" Luke refuted.

"I don't know what you're talking about, Your Grace!" Kaagad na sagot ni Frederick.

"What do you mean?" Nagtatakang tanong ni Francis. "Is my sister okay? Did something happened to her?"

His voice was clearly worried. It didn't took long for Luke to realize that he doesn't know anything about Morrigan's situation.

"Don't listen to him!" Frederick grabbed his son's arm tightly. "Just send them away!" Utos nito.

"What did you do to Morrigan this time?" Francis' voice became cold towards his father. Tiyak niyang hindi lang basta simpleng pananakit o masasakit na salita ang ginawa ng ama niya sa pagkakataong ito. Why would the Duke go as far as attacking the Count, killing his men, and destroying it's property if the situation is not worst?

Iwinaksi niya ang kamay, kaya agad itong nabitawan ng Konde.

"If something happened to her, I swear-" Francis gritted his teeth. Hinarap niya si Luke at lumapit dito. "Your Grace, I'd like to see my sister. Please."

Ibinalik ni Luke ang tingin kay Frederick. Hindi pa siya tapos dito.

"Let me talk to my sister. At kapag narinig ko mismo sa kanya ang ginawa ng ama ko, then I'll let you do as you please."

"You, imbecile!" Halos manginig sa galit si Frederick sa narinig na sinabi ng anak.

Gamit ang natitirang pasensya ay pumayag si Luke. "Hindi pa tayo tapos." He warned the Count.

Luke, and his men retreated. Kaagad na sumunod si Francis sa kanila.

"If you leave now, I will disown you as my son, and as my heir!" Banta ni Frederick.

Kaagad na natigilan si Francis, at nilingon ang ama.

Napalingon rin si Luke at ang mga kasama niya kay Francis.

"I will disown you as my son, and as my heir!" Muling ulit ni Frederick habang nakangisi. Tiyak niyang hindi siya susuwayin ng anak.

"Do so." Tipid na sagot ni Francis.

Kaagad na namilog ang mga mata ni Frederick sa narinig. Maging sila Luke ay nagulat din.

"Let's go, Your Grace!" Pagyaya nito, at naunang lumabas ng great hall.

✦✽.◦.✽✦

"Siguraduhin mo lang na ikatutuwa ko ang sasabihin mo." Inis na kumento ni Celestine pagkapasok na pagkapasok palang sa drawing room.

"Have some tea first." Alok ko, and took a sip on my own cup.

"What is it now? Napag-isip isip mo na ba na gawin ng maayos ang trabaho mo?" Inabot niya ang tasa at ininom ang inihanda kong tsaa para sa kanya.

"Yeah. I decided to properly do my job." Sagot ko.

"Ugh! Buti naman at ginamit mo na din ang utak mo." She said sarcastically.

"I decided to properly do my job, as the Duchess, and Luke's wife." Pagtatama ko sa unang sinabi.

"What did you say?! Nang-aasar ka ba?" Inis siyang tumayo. "Sa tingin mo ba ay nakikipaglokohan ako sa-" Natigilan si Celestine sa pagsasalita. Napahawak siya sa sentido, at mukhang nahihilo. "Y-You- w-what did you do to me?" Her body keeps swaying kahit anong pilit nitong pagbalanse.

I took another sip on my tea.

"Are you okay sister?" Malambing kong tanong.

"Y-You bastard!" She panicked.

Sinubukan niyang lumakad, pero hindi pa man siya nakakalayo ay bumagsak siya sa sahig.

"W-What d-did you do to me?!" Maluha luha niyang tanong.

"Nothing. I just put poison on your tea." I shrugged.

"Y-You b*tch!" Singhal niya.

She cough a few times, until she spit out some blood. "S-Sister, h-help me please! I-I don't want to d-die!" Umiiyak niyang makiusap habang gumagapang palapit sa akin.

Tumayo ako at lumapit sa kanya.

"Then beg."

"W-What?" Nanghihina niyang tanong.

"Beg, Celestine." Ulit ko.

___________CHAPTER 27___________

Pasensya kung natagalan. After election ko pa sana ipopost, pero mukhang sobrang tagal pa ata. Marami na gusto yumakap sa leeg ko ng mahigpit. (ꏿ﹏ꏿ;)

Thank you new readers for the votes and comments.

VOTE. COMMENTS. RL
are highly appreciated.
ಥ╭╮ಥ

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top