Chapter 26: Their heads on the line
Sa halip na dumiretso sa kwarto ko ay pumunta ako sa silid kung nasaan si Francis. Napanganga nalang ako ng makitang wala na ang kapatid ko, agad akong lumapit para suriin ang kama. Suddenly, a familiar magic circle appeared on the floor, at may sumara sa pintong nasa likuran ko kaya agad akong napalingon.
Francis was standing at the door, crossing his arms over his chest.
"Brother! Thank god you're awake!" He probably cast a shield para hindi maramdaman ni Luke ang presesnsya niya. Lumapit ako sa kanya para tingnan kung talagang maayos na siya.
"Explain yourself." His voice was ominous, which reminds me of our father. Kaya bago pa man tuluyang makalapit, ay napahinto ako at humakbang pabalik.
"E-Explain what?" Tanong ko sa kanya. Sa pagkakaalam ko ay likas na kakayahan ng mga Reiss ang shield, kaya anong nakakapagtaka? Isa rin naman akong Reiss, kahit ayaw ninyong lahat sa akin.
Siya naman ang lumapit sa kinaroroonan ko.
"You obviously used the same spell. The shield that only we, the Reiss family, can do. But why did your mana messed up mine?"
I gave him a confused look.
"Ang ibig kong sabihin, dahil nanggaling lamang tayo sa iisang pamilya, dapat ang mana natin ay magkatulad. Ang dalawang magkatulad na mana ay kayang baguhin, o higit na palakasin ang isang casted spell. Just like when you used the shield at the temple earlier for defense, I incorporate my mana with yours to create an offense. But instead you messed up my mana flow." Paliwanag ni Francis.
Iisa lang ang naisip kong dahilan sa sinabi niya. Siguro dahil ang mana na ginagamit ko ngayon ay hindi naman likas na akin, kundi ibinigay lang ni Reru ng muli niya akong buhayin. Bakit naman kasi hindi ako binigyan ng maayos na eksplanasyon bago buhayin ulit? Bigla bigla nalang niya akong ibinalik ng hindi tinatanong kung meron ba akong mga katanungan o wala. Tapos kanina bigla bigla nalang magpapakita, at wala ring paliwanag kung ano itong nilagay niya sa palapulsuhan ko. Now I have to wear long sleeve dresses para lang matakpan ito.
"Nakikinig ka ba?" Iritadong tanong nito.
"Y-Yes!" Kaagad kong sagot.
"At kelan ka pa natutong gumamit ng salamangka? Kahit si Celestine na kasabay ko noon na pag-aralan ang shield ay hindi ito magawa." Pang-uusisa nito. "She can't even do it until now." Dismayado nitong dugtong.
"It just happened." Pagpapalusot ko. Kaagad na kumunot ang noo niya, at halatang hindi naniniwala.
"How well can you use it, and who else knows that you can do it?" Sunod sunod nanaman niyang tanong.
"Just the shield. Hindi ko nga alam na pwede palang gawin yung ginawa mo kanina. Sa ngayon ay ikaw palang din ang nakakaalam." Sagot ko naman.
"Make sure that it will remain that way. Wag mong ipapaalam sa iba, especially the Count." Seryosong bilin niya.
Tumango ako sa sinabi ni Francis. Wala naman talaga akong planong ipaalam sa kahit na sino, nabigla lang din ako kanina.
"Pwede mo ba akong turuan kung pano gawin yung ginawa mo? You said it can also be used for offense."
He was motionless for a moment, bago ibinaba ang mga kamay na kanina pa nakatiklop sa dibdib niya.
"Kaya mo bang pumatay?" Nagulat ako sa tinanong niya.
"P-Puma- W-What?" Pautal utal kong sagot.
"Kapag kaya mo na akong sagutin ng hindi mo nakakain yang dila mo, alam mo na kung san ako hahanapin." The magic circle beneath us disappeared.
Kumunot ang noo ko dahil sa pagtataka ng bigla niyang guhitan ng linya ang palad gamit ang kanyang dugo. Agad itong nagliwanag, and the magic circle appeared on his palm and a light illuminate around his body. Napanganga ako ng makita ang shield na bumalot sa katawan niya, sahalip na sa paligid naming dalawa.
"T-That's possible?" Buong hanga kong tanong.
He chuckled. "It seems you really don't understand how it works."
"Pwede ko ba yang gawin sa ibang tao? Kunwari, sa asawa ko para meron siyang proteksyon?" Tanong ko.
"Yeah. Kailangan lang ng konsentrasyon, which you clearly don't have, since you panic easily." He rolled his eyes.
Nag-init ang pisngi ko sa hiya ng maalala ang nangyari sa templo kanina. I wasn't able to revoke the spell, because I panicked.
"I'll be leaving now." He held my hand and kissed it. "It was nice seeing you today, rascal." He added.
"W-What? Now? Alam mo ba kung anong oras na? Please stay and rest, ipagpaumaga mo nalang ang pag-uwi." Pakiusap ko.
"No. I've stayed long enough. Kanina ko pa gustong umalis." He sounded so pissed. "Lead the way!"
Tungkol pa rin kaya sa mga sulat kaya siya naiinis?
I've already seen Francis on his fit of rage, para lang din siyang si Count Frederick, kaya wag na nating galitin lalo. Binuksan ko ang pinto at sumilip sa pasilyo. Nang masigurong walang ibang tao ay kaagad kaming lumabas na dalawa. I asked one of the Knights on their patrol for a horse. Matapos na muling magpaalam ay tuluyan ng umalis si Francis Reiss.
Wag sana siyang gumawa ng gulo sa Reiss mansion, at baka ako nanaman ang sisihin ni Frederick!
Nang muling pumasok sa loob ay tumingin muna ako sa orasan. Halos isang oras na pala ang nakalilipas mula ng makauwi si Luke. Hindi ko alam kung makailang ulit akong napabuntong hininga habang pabalik sa kwarto ko.
Pero lahat ng mga pag-aalinlangan sa isipan ko ay nawala ng makita kung sino ang nakahiga sa kama ko.
'Luke!'
Dahan dahan akong lumapit upang hindi makagawa ng kahit na ano mang ingay. Mukhang bagong ligo ito, at nakapagsuot na ng damit pangtulog. Is he really asleep? Sinungitan mo ako buong araw tapos ngayon makikitulog ka sa kwarto ko! Marahan akong humiga sa kama upang hindi siya magising. Isang buong araw siyang nawala at hindi ko alam kung san galing. Marahil ay pagod na pagod ito kaya hahayaan ko nalang.
✦✽.◦.✽✦
"My lord, where have you been? The Count has been looking for you all day." Ang kaagad na sinalubong sa akin ng Butler ng makarating sa Reiss mansion.
"Where the f*ck is it?" I grabbed him by his collar and pushed him against the wall.
"W-What do you mean, M-My lord?" Nanginginig nitong tanong.
"The letters!" Sigaw ko. "Hindi ba't inutusan kitang personal na ibigay ang mga sulat sa Duchess?" Kaagad na namilog ang mga mata nito ng banggitin ko ang mga sulat.
"T-That My lord, t-the Count- he-" I let go of his collar, at bumagsak siya sa sahig.
Of course it's the Count. It's always him.
"What's with this commotion?!" Inis akong lumingon sa taong nagsalita. "Leave us!" Utos nito sa Butler na hanggang ngayon ay nanginginig pa din sa takot.
"What is the meaning of this, Father?"
"Of what?" He hit his cane firmly at the floor.
"Bakit mo hinarang ang mga sulat ko para kay Morrigan?" Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa.
"And what's the big deal? Wala namang kwenta ang laman ng mga sulat." Sagot niya, na mas lalong nagpainis sa akin.
He read the letters intended for my sister.
"Exactly! Walang kwenta ang laman ng mga sulat, dahil pangangamusta lang ang mga ito. Kaya bakit hindi mo ibinigay sa kanya?!" Singhal ko.
"Don't you dare raise your voice at me, young man!" Babala niya. "And why did you met with that useless b*tch?" He cursed.
"Don't call her that!" Napahilot ako sa sentido sa mga pinagsasasabi niya. "On one of my letters, tinanong kita kung bakit hindi niya sinasagot ang mga sulat ko. At ang sabi mo ay dahil lumaki ang ulo niya ng siya na ang Duchess at hindi nakikinig sa mga sinasabi mo. Why did you lie?"
"Bakit ba napakalambot mo sa walang kwentang babaeng yun?"
"Hindi ako malambot sa kanya!" Paglilinaw ko. "But she's my sister regardless! Gusto ko lang maging pantay ang pagtrato ko sa kanilang dalawa ni Celestine! And please, stop calling her like that. Anak mo ang babaeng tinatawag mong walang kwenta! Anong klaseng magulang ka? Kung tatratuhin mo lang din naman siya na parang basura, eh di sana hindi ka gumawa ng kagaguhan sa pamilyang to para-" Hindi ko nagawang tapusin ang pangungusap ko dahil lumatay ang kamay niya sa mukha ko.
"You ungrateful bastard!" He cursed again. "Kung alam ko lang na magiging ganyan ang ugali mo, ay hindi na sana kita pinadala sa Kanluran para mag-aral, at ako na ang personal na nagturo sayo!" Sermon niya.
"I apologize for my behavior, Father." Mahina kong sabi. "But I will not change my mind. I intend to treat her fairly from now on. I'll take my leave first. Please rest well." Hindi ko na hinintay ang sasabihin niya at umalis na.
Hindi ko alam kung bakit, pero pakiramdam ko ay may itinatago sila sa akin.
I better talk to Celestine at baka may alam siya, dahil siya ang kasama nila sa loob ng limang taon.
✦✽.◦.✽✦
Sinikap kong magising ng maaga para makausap si Luke, pero ng magising ay wala na ito sa tabi ko. Yayayain ko pa naman sana siyang magbreakfast kasama ang anak namin.
Zephy and I ate breakfast together. Sa kasamaang palad ay kasabay din naming kumain si Celestine ngayon.
Kaagad nanaman daw kasing umalis si Luke kanina.
Ugh, san nanaman siya nagpunta? Iniiwasan nya ba ako?
"Mother, are you not well? You're not touching your food." Nag-aalalang tanong ni Zephy.
"No, I'm fine." Sagot ko at kaagad na sumubo ng pagkain para hindi ito mag-alala.
Makailang beses nagtama ang mga mata namin ni Celestine simula pa kanina, but this time I saw her smile slyly.
"Thank you for the meal, Your Grace." Kaagad na sabi ni Celestine ng matapos kumain.
Nang makalabas siya ng dining room ay kaagad akong sumunod.
"Zephy, finish your meal. And eat those vegetables." Bilin ko, sabay turo sa mga gulay na hiniwalay niya sa gilid ng plato, bago nagmamadaling sumunod sa kapatid ko.
Paakyat na ito ng hagdan ng makita ko.
"Celestine!" Pagtawag ko sa kanya.
"What?" She rolled her eyes ng humarap sa akin.
"Celestine, by any chance did you talk with my husband?" Tanong ko.
"What? Pano kami makakapag-usap eh parati kang nakabuntot sa kanya?" She crossed her arms. "Ohhh, bakit? May problema ba kayo ngayon?" She smiled smugly.
"Wala kaming problema." Sagot ko.
"Really? Sana nga." Isang makahulugang ngiti nanaman ang gumuhit sa mga labi niya. Pagkatapos ay umalis siya without giving her courtesy, at sinundan ko lang siya ng tingin.
'Just tell Celestine to stop, and come back.' Naalala ko ang mga sinabi ni Francis kahapon.
I'll deal with her later. Kakausapin ko muna si Luke. Isa pa bukas na ang pagtitipon sa tahanan ni Baroness Solen pero hindi ko pa naipapaalam kay Luke.
And speaking of the devil, bigla nalang itong dumating at kasalukuyang nasa harap ko, kasama niya si Sir Marcus at Sir Ross. Sabay pa kaming nagulat ng makita ang isa't isa.
"Let's talk about it later." Narinig kong bilin niya sa dalawang commander before dismissing them. "Good morning, wife." Pagbati niya sa akin.
"Good morning, Your Grace."
"I heard from my commanders that your brother was here yesterday."
"Something happened." Sagot ko.
"Is that what you want to tell me?" Tanong niya.
"That, and something else."
"What is it?"
"Remember the invitation from Viscountess Olivia? It's an invitation addressed to us. And I accepted it. Bukas na yun." Paliwanag ko.
Hindi kaagad siya sumagot.
"I'm sorry, but I'm afraid I can't come." Sagot niya.
"Why? I mean-" Bumuntong hininga ako. "I understand. Dapat ay tinanong muna kita bago ko tinanggap yung paanyaya."
Hindi ko maintindihan, but this small talks are making me feel uncomfortable.
"I'll just bring Zephy with me then." Pagpapatuloy ko. "Have a great day, Your Grace." Hindi ko na hinintay ang isasagot ni Luke at umalis na. Iniisip kong tatawagin niya ako, pero hindi naman ganun ang nangyari.
Pabalik na sana ako ng silid ng bigla ko nalang nakasalubong si Evans at mukhang nagmamadali ito.
"Your Grace!" Agad na tawag niya sa akin. Nang makalapit si Evans ay kapansin pansin kaagad ang pangingitim ng bandang ilalim ng mata niya. Napakagulo din ng buhok nito.
"Y-Yes?"
"I got it!" Halos pabulong niyang sabi habang tinitingnan ang paligid namin, kung may tao ba o wala.
"The what?" Tanong ko.
"The potion. I already know what it's made of!"
"Really!?"
"Ssshhhh!" Saway niya sa akin dahil napalakas ang pagkakasagot ko.
Kaagad rin akong napatakip ng bibig. Nasa di kalayuan lang si Luke ng iwan ko, baka marinig niya kami.
Tiniyak kong walang ibang tao sa paligid bago ako sumunod kay Evans pabalik sa kanyang tore. Nagulat ako ng makitang naroon si Drystan. Mukhang naglilinis ito dahil magulo pa din ang loob ng wizard tower.
"Ah, I brought him here. Mahirap na at baka makasalubong niya ang Duke sa labas, at biglang sumablay ang potion na ginawa ko para hindi siya maamoy nito." Kaagad na paliwanag ni Evans.
"He said there's a good news." Baling naman ni Drystan sa akin.
"No! Wait! Let's make this clear first. I have a good news, and a bad news." Ang kaagad na pagtatama ni Evans sa sinabi ni Drystan.
"Bad news?" Kinakabahan kong tanong.
"Here." Nag-abot ng isang pirasong papel si Evans.
Nang basahin ko ito, may ilang mga bagay ang nakalista dito.
"Mga pangalan iyan ng mga halaman. Hindi ko alam kung bakit pero tatlo sa mga halamang iyan na may iisang karakter lamang, at iyon ay upang hindi magbuntis ang isang babae. At yung nasa pinakadulo-" Natigilan sa pagpapaliwanag si Evans, at bigla akong itinuro. "Wait- You- that-?!" Nagpapalit palit ang pagturo ni Evans sa akin at sa piraso ng papel na ibinigay niya, at biglang kumunot ang noo niya.
"Evans, I can explain!" Kaagad kong sabi upang pakalmahin siya.
"Ross said someone is trying to hurt you with this. Is someone giving you an infertility potion?!" He finally catch up with the situation.
"Please calm down!" Ibinaba ni Drystan ang mga hawak na libro at lumapit sa amin.
"Wag kang makikialam dito! Usapin ito ng Duchy!" Saway niya kay Drystan. "This is something the Duke should know!"
"Evans wait! Please! You promised you won't tell the Duke."
"Nangako ako dahil akala ko ay patungkol lang ito sayo, My Lady. But this is an infertility potion! This is an issue that regards the whole reputation of the Dukedom!"
"I know! Kaya nga-"
"Alam ba ni Sir Ross kung anong uri ng potion to?" Pagputol ni Evans sa akin.
Isang tango lang ang naisagot ko.
"That bastard! I'm going to tell the Duke!" Natigilan ako sa sinabi ni Evans. Nilampasan niya ako at lumapit siya sa may pinto at binuksan iyon.
"No wait! Evans, please!" Pagpigil ko. Halos sabay kaming lumapit ni Drystan para pigilan siyang lumabas.
But before he could even step outside the tower, a loud clonk echoed the room.
"Aaaahhhhh! Sh******t!" Inis na hinilot ni Evans ang noo matapos nitong tumama sa isang metal plate.
"Your voice is too loud. Rinig na rinig kita sa labas." Kaagad na sabi ng bagong dating.
"Ross you bastard! Pano mo nagawang ilihim ito sa Duke! You're a traitor!" Kaagad na kumunot ang noo ni Sir Ross sa paratang na iyon ni Evans.
"Mukhang merong magandang balita dito." Sagot naman ni Sir Ross sa kanya, and pushed Evans back inside. Isinara din ni Sir Ross ang pinto.
"He already know the ingredients of the potion." Ipinakita ko kay Sir Ross ang ginawang listahan ni Evans. Dapat ay matuwa ako, pero hindi pa niya sinasabi ang masamang balita, at ngayon ay gusto pa niyang sabihin kay Luke ang lahat.
"That's great! Makakagawa ka na ba ng lunas, My Lady?" Bakas ang pag-asa sa mga mata nito ng itanong iyon.
"Lunas?" Nagtatakang tanong ni Evans. Hawak pa din ni Sir Ross ang balikat niya upang mapigilan itong umalis.
"Evans, kaya kong gawan ng lunas ang sitwasyon ko ngayon. All you have to do is give me some time. Sasabihin ko rin naman kay Luke ang tungkol dito para mapagbayad yung mga taong gumawa sa akin nito. So please, wag mo munang sasabihin sa kanya. I'm begging you!"
"T-That- you- ah-" Nautal utal ito sa pagsasalita at inis na napakamot ng ulo. "You don't have to beg, My Lady." Naiilang niyang dugtong. Sandali itong napaisip bago ulit nagsalita. "W-Wait, what? Kaya mong gumawa ng lunas?" Nanlaki ang mga mata nito sa gulat. Saka lang binitiwan ni Sir Ross ang balikat ni Evans.
Tumango ako. "But first, you have to tell me the bad news." Kaagad kong dugtong.
"Well, the bad news is-" Nagpalipat lipat ang mga tingin niya sa amin ni Sir Ross, hindi pa rin nawawala ang inis sa boses niya, pero mukhang wala na itong balak na makausap si Luke. "Well you see, this potion-" Inilabas ni Evans yung bote ng potion na ibinigay ni Sir Ross sa kanya. "It contains fragments of magic na hindi ko alam kung ano. I'm sorry Your Grace, but my skills is lacking." Yumuko ito, at mukhang nadismaya sa sarili.
Kaagad kaming nagkatinginan nila Sir Ross at Drystan.
"I-It's okay, Evans. Napakalaking tulong na nito sa akin." Ipinakita ko sa kanya yung papel na ibinigay niya kanina.
Mukhang hindi pa din siya kumbinsido at malungkot pa din ang mukha nito. Pero totoo namang masaya na ako sa mga nalaman ko ngayon, halata namang pinagtuonan ng husto ni Evans ng pansin ang potion because of the dark circles around his eyes.
"Kung meron lang sana tayong matatanungan na mas mahusay na magician." Mahinang sabi nito.
'Iba pang magician?'
Saglit akong napaisip.
"May kakilala akong isa pa!" Pagtataas ko ng kamay.
Kaagad silang napatingin sa akin.
"Drystan, si Seven, isa siyang magician!" Kaagad kong sabi.
"Seven?" Halos sabay na tanong ni Sir Ross at Evans, at parehong nakakunot ang mga noo nito.
"Oooppss!" Napatakip ako ng bibig. Hindi ko pa nasasabi kay Sir Ross ang tungkol sa pakikipagtransaksyon ko sa Seventh Guild. Ang nasabi ko lang ay gumagawa ako ng mga pills, pero hindi ko nasabing binibenta ko ang mga ito.
Wala akong ibang nagawa kundi ang sabihin sa kanila ang tungkol sa pakikipagtransaksyon ko sa Seventh Guild. Ikinuwento ko na rin na sinasamahan ako ni Drystan sa tuwing pupunta sa guild.
"Ibig sabihin ikaw ang gumawa ng mga ipinapadalang healing and vitality chocolates sa digmaan?" Gulat na tanong ni Evans.
Tumango ako.
"At ibinebenta mo din ito sa Seventh Guild, and worst tumatakas ka para gawin yun?" Binigyan nito ng masamang tingin si Sir Ross.
The Knight also gave him an annoyed look.
"All that happened, and you didn't know anything!?" Mukhang nang-iinis si Evans.
Kapag ito natutukan nanaman ng espada sa leeg.
"T-That's because-" Agad akong pumagitan sa kanilang dalawa, bago pa man sila magkapikunan. "I'm using the Sweet shop as an excuse para makipagkita kay Seven." Depensa ko kay Sir Ross.
"So the person who introduced himself as a merchant and went to the Duchy, is the Leader of the Seventh Guild?" Ramdam ko ang pagkadismaya sa boses ni Sir Ross.
"I'm sorry if I lied." Pakiramdam ko ang dami kong kasalanan kay Sir Ross.
Bumuntong hininga ito. "This is no time to be sorry, My Lady." Pagpapasensya nanaman nito sa akin.
"My Lady, do you want me to bring that annoying guild leader here?" Tanong ni Drystan.
"What? Here? Are you guys out of your mind?" Kaagad na pagtutol ni Evans.
"That would be great." Pagsang-ayon naman ni Sir Ross.
"What? Dadagdagan mo pa ba ang bilang ng mga kasalanan mo? If the Duke finds out, it will be our heads on the line!" Paalaala nito sa Vice Commander.
"Evans, pangako ko huli na to. Please?" Pakiusap ko sa kanya. "Sandali lang si Seven dito. He can use a teleportation spell, sa oras na malaman niya kung anong uri ng magical fragments ang nasa potion, pwede na kaagad siyang umalis." Pangungumbinsi ko.
"He can use a teleportation spell?" Biglang naging interesado si Evans.
Tumango ako sa tanong niya.
Kaagad siyang napahawak sa dibdib na para bang pinakikiramdaman ang tibok ng puso niya. "I don't feel good about this, but fine! Pero sandali lang siya rito!" Kaagad na pagsang ayon nito.
"Thank you Evans!" Sa wakas pumayag din. Kaagad kong hinarap si Drystan. "Hindi ka ba hahanapin ni Celestine kapag nawala ka ng matagal?" It will took him half a day to reach the Southern Duchy by horse.
"Lady Celestine doesn't really like it if I go near her because of my scar. Kaya sa tingin ko ay hindi naman niya ako hahanapin." Napahawak si Drystan sa mukha niya.
Hindi ako nakasagot. Knowing Celestine na masyadong mapanglait, she must have insulted Drystan because of his scar.
"Susubukan kong makabalik ngayong gabi." Alangan siyang ngumiti.
"Mag-iingat ka." Tanging nasabi ko nalang.
"Yes, My Lady."
"Teka! Wag mong kakalimutang gamitan ng perfume na ibinigay ko ang magician na tinutukoy ninyo! Kundi lahat tayo nakasabit ang ulo sa gates bukas!" Paalaala ni Evans kay Drystan.
"I'll put that in mind." Drystan made a courtesy and left the wizard's tower.
"My Lady, you should head back to the mansion. It's not good if someone notice that the four of us has been meeting secretly here." Kaagad na sabi ni Sir Ross ng makaalis si Drystan. "I'll give you a word once he returned."
"I understand. Thank you, Sir Ross." Humarap ako kay Evans na mukha pa ring balisa. "Thank you, Evans. I owe you a lot."
"We're good if I'll be able to keep my head until tomorrow, Your Grace." Bahagya ko nalang tinawanan ang sinabing iyon ni Evans.
Matapos masigurong walang tao sa paligid, ay lumabas ako ng tower at kaagad na dumiretso sa kwarto ko. Makalipas ng ilang minuto ay sumunod naman si Adellei. Tinanong niya ako tungkol sa susuoting damit para sa dadaluhang pagtitipon bukas.
Tiyak na pag-uusapan nanaman ako ng mga bisitang dadalo roon dahil hindi ko kasama si Luke. Pero masyado ng huli para pa tumanggi.
"Adellei, I'll be spending the whole afternoon in my room. So don't come in until I call for you. I'll be having my lunch, and dinner here." Bilin ko.
"Yes, Your Grace." Kahit nagtataka ay sumang-ayon ito, at lumabas ng silid ng matapos na niyang asikasuhin ang lahat ng mga kakailanganin ko.
Muli kong binasa ang maliit na papel na ibinigay ni Evans kanina. Lahat ng mga libro tungkol sa halamang gamot ay naiwan sa Southern Duchy. Sa oras na makarating si Seven dito ay uumpisahan ko ng aralin ang mga ito.
'You have your gifts, and all the right people are with you.' Naalala ko ang sinabi ni Reru kahapon. Muli kong tiningnan ang black magic circle na nasa palapulsuhan ko.
"Kung ganon, para san ba to?" I tried scratching it again, pero hindi talaga ito nawawala.
Hindi bale. Sa oras na makagawa ako ng lunas, itong nasa pulso ko naman ang aasikasuhin ko.
At katulad nga ng plano ko, buong maghapon akong hindi lumabas ng silid. Pumasok lang si Adellei para magdala ng pagkain, at muli nanaman itong umalis. Hindi na ako mapakali ng sumapit ang gabi. Hinihintay kong pumunta si Sir Ross para ibalita kung nakabalik na ba si Drystan.
Napatingin ako sa orasan na nasa loob ng silid ko. It's almost 11pm. Isa pang iniisip ko ay si Luke, ang sabi ni Adellei ay hindi naman ito umalis ngayong araw. Akala ko ay pupunta siya sa silid ko upang dito matulog. Pero dahil siguro sa nangyari kaninang umaga ay hindi niya ako pupuntahan.
Hinubad ko ang suot kong robe at kaagad na humiga sa kama. Pagod na pagod na ako sa sobrang pag-iisip.
Buong akala ko kay makakapagpahinga na ako, pero hindi pa umabot ng isang minuto ang pagkakahiga ko sa kama ng biglang nagliwanag ang paligid, and a magic circle appeared.
Nang mawala ang liwanag ay kaagad akong napanganga sa gulat sa tumambad sa harapan ko.
"What the heck!" Kaagad akong napabangon at muling sinuot ang hinubad kong robe.
May apat na lalaki ang nasa loob ng silid ko!
"You bastard!" Kaagad na sabi ni Sir Ross, grabbing Seven's collar.
"Wait! I can explain!" He panicked.
"Gusto nyo ba talagang maputulan ng ulo ha!" Natatarantang sabi ni Evans.
"Hindi ba't ikaw ang nagsabi na gusto mong maranasan ang teleportation spell!?" Sagot ni Seven kahit nahihirapan na dahil hindi pa din binibitiwan ni Sir Ross ang kwelyo niya.
Isang buntong hininga naman ang inilabas ni Drystan na para bang punong puno na sa mga kasama niya.
Naalala ko ulit ang sinabi ni Reru.
'And all the right people are with you.' Panong naging right people ang mga pasaway na to? Sa dami ng pupuntahan ay ang silid ko pa! Pano kung nandito si Luke? Eh di lahat sila mawawalan ng ulo!
"My Lady, this- I can explain this." Kaagad na sabi ni Sir Ross ng humarap sa akin. Pero kaagad din itong yumuko ng makitang nakasuot lamang ako ng robe.
"Ssshhhh! Please hinaan nyo ang mga boses ninyo! Magkalapit lang kami ng silid ni Luke!" Saway ko sa kanila.
Pinaupo ko silang apat sa settee, at kaagad naman akong nagbihis ng damit. Pagkatapos ay lumapit ako sa may pinto, and locked it.
"What are you guys doing here?" Kaagad kong tanong sa kanila.
Hindi makasagot ang tatlo.
"Evans wanted to experience the teleportation spell, and Seven agreed. He said he will take us somewhere. Pero hindi namin alam na yung 'somewhere' na tinutukoy nya ay ang silid mo, My Lady." Si Drystan ang nagpaliwanag. At mukha rin itong naiinis dahil sa ginawa ni Seven.
"I can explain!" Kaagad kong sinamaan ng tingin si Seven pagkasabi niya nun. Knowing him, siguradong sinadya nya to. "They said you wanted to see me, so I brought us all here." Ngumisi ito. Sabi na eh.
Hindi ko alam kung magagawa mo pang ngumisi kung nagkataong nandito si Luke at nakita ka.
"Seven, hindi na ako magpapaligoy ligoy pa. I need your help." Kaagad kong sabi.
"You know you can count on me, if the price is right." Sagot nito.
Kaagad na sumama ang tingin ni Sir Ross kay Seven sa sinabi nyang yun.
"Wag mong gagalitin ang isang yan. Ipinaglihi yan sa sama ng loob." Bulong ni Evans sa katabi.
"I mean, there's a discount of course. Hahaha."
Pasaway talaga ang Seven na to.
"Pinaliwanag na nila ang sitwasyon sa akin kanina. Ang kailangan ko lang gawin ay alamin ang magic fragments na nasa potion, tama ba?" Sa wakas ay mukhang naging seryoso din ito.
I gave him a nod. "Kaya mo bang gawin yun?" Tanong ko.
"Give me until tomorrow night, at this same time at the tower, and we'll know." He gave me his usual grin.
"Thank you, Seven."
"Now let's all leave!" Kaagad na sabi ni Sir Ross matapos naming mag-usap.
"Yes please! Hindi na ako makahinga ng maayos." Agad na pagsang-ayon ni Evans, na halatang kinakabahan pa din.
Kaagad silang tumayo at pumunta sa gitna ng silid. Sinundan ko lang sila ng tingin.
"We'll take our leave, My Lady." Paalam ni Sir Ross. They all bowed in unison, and then Seven casted the teleportation spell, and in an instant they vanished inside my room. Napahawak ako sa dibdib ko at nakahinga ng maluwag ng makaalis na silang apat.
Bumalik ako sa kama at humiga. Pero dahil sa nangyari, hindi ako nakatulog ng maayos. I swear once this mess is over, I'll make sleeping pills at matutulog ako ng isang linggo.
.
.
.
.
.
Muli nanaman akong humikab.
"Hindi ka ba nakatulog ng maayos, Duchess?" Tanong ni Adellei.
"Medyo." Tipid kong sagot.
Kasalukuyan niya akong inaayusan ng buhok katulong ang isa pang maid para sa pupuntahang pagtitipon.
Good thing the party will start before lunch. Kahit inaantok ay nakapagpahinga pa rin ako ng maayos.
"You're all set, My Lady." Deklara nito.
Kaagad kong tiningnan ang sarili sa salamin. As always, adellei did a good job with my hair.
"Thank you. Is my daughter ready?" Tanong ko.
"Yes, My Lady."
Tumayo ako at tiningnan ang kabuoan ng sarili sa salamin, bago lumabas ng silid. Tiningnan ko ang pinto ng silid ni Luke.
Talaga bang hindi siya sasama?
Fine. Hindi kita pipilitin!
Umalis kami ng hindi nagpapaalam. Hindi ko na din tinanong ang Head Butler kung umalis nanaman ba si Luke o kung nasa study ba siya at nagtatrabaho.
"Welcome, Duchess Morrigan!" Kaagad kaming sinalubong ni Viscountess Olivia.
"Thank you for inviting me, Viscountess."
"Duchess, this is my daughter. Baroness Solen." Pagpapakilala niya sa babaeng nasa tabi niya.
"It's nice to see meet you, Baroness Solen."
"Thank you so much for gracing this humble occasion, Duchess." Masayang bati nito.
"Umm, I apologize that the Duke won't be able to make it today." Kaagad kong sabi.
"He must be very busy, considering the circumstances at the palace right now." Sagot ni Viscountess Olivia.
Tumango lang ako sa sinabing iyon ng biskondesa.
"By the way, please accept my humble gift." Iniabot ko ang dala kong regalo.
"Thank you so much, Duchess." Kaagad naman itong tinanggap ng Baroness. "Let's get inside, Your Grace." Paanyaya nito.
Sumunod kami sa kanya. Surprisingly, napakaraming tao sa loob. Karamihan ay mga mag-asawa ring Nobles. Katulad ng inaasahan ko ay kaagad nagkaroon ng bulung bulungan dahil dumating ako na hindi kasama si Luke.
We went to the table prepared for us, and was immediately served tea, and snacks.
Pareho kaming umupo ni Zephy, at kaagad kong nilibot ng tingin ang paligid upang makita kung sino sino ba ang mga Nobles na imbitado.
Nang mabaling ang tingin ko kay Zephy ay nakita ko itong may tinititigan ng masama. Her pouting face was surprising, and at the same time cute. I didn't know that my daughter can pull out such expression. Sinundan ko ng tingin kung sino ba ang tinitingnan niya. I was surprised to see the kid from the tea party na sinapak nito ng sapatos. If I remember it right, he called Lady Esther his sister. What is that kid doing here? Don't tell me nandito rin si Esther?
Seconds later, the kid ran off somewhere. Gusto ko pa man din sanang makipaglaro si Zephy sa ibang bata na nakikita ko ngayon. But I think it would be safe to just let her stay here with me until the party is over.
I drank the cup of tea poured for me, habang patuloy pa din sa pagmamasid sa paligid. Most of the Nobles are congratulating the Baron and his wife. Mamaya na ako pupunta dun para batiin sila at para na din makita ang anak nila.
"Excuse me, My Lady." I heard a small voice, kaya agad akong napalingon. Nagulat ako ng makita ang kapatid ni Esther at nasa harapan na namin ito ngayon.
"Y-Yes, Young lord?" Nagtataka kong sagot.
"I would like to apologize to the Duchess for my rude behavior at the tea party." Saad nung bata.
"Ah, yes. That-" Oh my, the kid is apologizing!
"Good day, Young Lady." Hinarap naman ng bata si Zephy. "I am Jared from House Cortez. I would like to apologize for my rudeness the other day." Matapos sabihin iyon ay naglabas ito ng isang bulaklak na nakatago sa likuran niya and hand it to my daughter.
Oh my gosh! Wait! Kalma ka lang Morrigan. Agad kong tiningnan ang ekspresyon ni Zephy. My daughter's cheeks was bright red. Pero hindi nito tinanggap ang bulaklak, na mukhang bagong pitas lang.
Buti pa yung anak ko may pabulaklak at five. Samantalang nung limang taong gulang ako ay tignakaw lang ako ng tirang tinapay sa mansion ng mga Reiss. Kapag nahuli pa ay kulong sa kwadra ang abot.
"Umm, Zephy, child-" Teka, bakit ako ang mahihiya sa eksenang to? "W-What would you like to say to lord Jared?" Malambing kong tanong dito.
"Do you forgive him, Mother?" She asked.
"W-What? Um... that- Of course! The Young lord is apologizing sincerely so..."
Sandaling nag-isip si Zephy. "Then I will forgive him too." She pouted again, at mukhang napilitan lang patawarin si Jared dahil sa sinabi ko. "Thank you, lord Jared." Saka lang nito kinuha ang bulaklak na ibinigay ng batang lalaki.
They're so cute!
"Would you like to play with us?" Itinuro ni Jared ang ibang mga bata na naglalaro sa di kalayuan.
Kaagad na tumingin sa akin si Zephy.
"Go ahead." Pagpayag ko.
"Then excuse us, Mother." Sagot nito.
Both of them gave their courtesy before leaving.
Nakangiti kong sinundan ng tingin ang dalawang papalayong bata.
Buti nalang at hindi katulad ni Esther ang kapatid nya.
When I noticed that there are only few Nobles around the Baron and the Baroness, I got up from my seat so I could greet them.
Natigilan ako ng biglang nagkagulo ang ilang mga Nobles malapit sa entrada ng banquet hall. May ilang kababaihan din akong naririnig na tumitili, at mukhang tuwang tuwa.
Kaagad na namilog ang mga mata ko ng bigla nalang lumabas si Luke mula sa mga nagkukumpulan at nagkakagulong Nobles. The Ravenstein Knights are making way for him. Nakasunod sa kanya ang dalawang Ravenstein Commanders.
"Your Grace?"
"Wife." He looks irritated.
"What are you doing here?" Kaagad kong tanong. "You said you can't come."
"I did. Pero hindi ko naman sinabing hindi ko gagawan ng paraan." Sagot niya. "And I don't like it when you're mad at me." Dugtong niya.
"I-I'm not mad!" Sagot ko.
"Then hold my hand." Inilahad niya ang kamay.
Hindi ko ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad, to greet the hosts.
"Wife..." Sumunod siya sa akin.
"What?" Sagot ko without looking back.
"Let's hold hands." Muli niyang ulit.
Matapos mo akong tanggihan at sungitan? Gusto mong makipagholding hands?
Hindi ko pa rin siya pinansin. Nagpatuloy ako sa paglalakad, but he suddenly grabbed my arm, and pulled me to face him. Pagkaharap ay agad niyang dinampian ng halik ang pisngi ko.
Kaagad na nagakaroon ng iba't ibang reaksyon mula sa mga taong nasa paligid namin.
"Y-Your Grace, w-what are you doing in front of everyone?!" Kaagad kong saway sa kanya.
"Please don't ignore me." Bulong niya.
"I am not!" Inis kong sagot.
Ngumisi siya at hinawakan ang kamay ko. "Let's go." Lumapit kami sa kinaroroonan nila Baroness Solen.
"Such an honor, to be grace with your presence, Duke, and Duchess of Ravenstein." Kaagad na bati ni Baron Arlo.
"Thank you for coming to our humble home, Duke, and Duchess of Ravenstein." Bati naman ng Baroness, nasa tabi nito si Viscountess Olivia, who also bowed as courtesy.
"Thank you for inviting us. I apologize that I arrived late." Sagot ni Luke.
"This is such an honor, Your Grace." Ani ulit ng Baron.
"I heard that the Baroness gave birth to a daughter." Napatingin si Luke sa sanggol na karga karga ng Baroness. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa kamay ko. "Please accept my humble gift. Congratulations." Lumapit ang isang Knight na may dalang regalo, at inabot iyon sa mag-asawa.
"Oh, my! Thank you so much, Your Grace." Kaagad na sabi ng mag-asawa ng tanggapin ang regalo.
"Then please excuse us, you must be busy." Ani ni Luke.
We made a courtesy, went back to our table. Hawak pa din ni Luke ang kamay ko.
"Bakit ka pumunta sa ganitong uri ng okasyon?" Narinig kong bulong niya.
"What?"
Hindi niya ako sinagot. Katunayan, hanggang sa natapos ang pagtitipon ay hindi na ulit siya nagsalita. Tahimik lang siyang nakaupo sa tabi ko at hawak hawak lang ang kamay ko.
Sumabay siya sa amin sa karwahe ng pauwi na kami. Pero nang makarating sa mansion ay kaagad na siyang pumasok sa loob without saying a word.
Matapos ihatid si Zephy sa silid niya, ay dumiretso na rin ako sa silid ko at kaagad na nagpahinga.
Napatingin ako sa orasan at kakaalasais palang ng gabi.
Ang sabi ni Seven ay magkita kami sa tower mamayang alas onse.
Hindi na ako makapaghintay pa.
Pinilit kong matulog upang makabawi ng lakas, pero kahit anong gawin ko ay hindi ako makatulog at nagpalakad lakad lang sa loob ng silid at hinihintay na lumipas ang oras.
Nang malapit ng sumapit ang alas onse ng gabi ay hinanda ko na ang sarili. Sumilip ako sa labas ng silid ko upang matiyak na walang tao sa pasilyo. Dahan dahan din akong lumabas dahil magkalapit lang kami ng silid ni Luke.
May nakasalubong akong ilang mga maids, at may mga Knights ding nagprisentang samahan ako sa paglalakad.
Buti nalang at hindi si Sir Marcus ang nakasalubong ko, kundi hindi nito tatanggapin ang palusot ko na gusto ko lang maglakad lakad.
Nang wala ng nakatingin ay kaagad akong tumakbo papunta sa wizard's tower.
Pero ng pumasok ako sa loob ay walang tao. Only a lit fire place was inside the tower. Umupo ako sa upuan malapit dito at inilahad ang palad ko dahil medyo malamig sa labas.
"Nasan na sila?" Don't tell me hanggang ngayon ay pinagkakatuwaan pa din nila ang teleportation spell ni Seven?
Nang halos tatlumpung minuto na akong naghihintay ay tumayo ako at sumilip sa bintana.
Walang kahit na isa sa kanila ang dumating. Pinaglololoko nanaman ba ako ni Seven? Wala talagang ginagawang maayos ang isang yun.
Lumabas ako ng wizard's tower at bumalik ng mansion. Kapag mayroon ng resulta ay tiyak namang tatawagin ako ni Sir Ross.
Nakakapagtaka na walang kahit na isang tao sa labas ng mansion, na kanina lang ay napakaraming Knights na nag-iikot. Kaagad akong pumasok sa loob ng nakadama ng kaba. Pero ng makapasok ay mas lalong bumilis ang tibok ng puso ko sa tumambad sa harapan ko.
"Sir Marcus, what's the meaning of this!?" Kaagad kong tanong ng makita ito sa may great hall, at ang espada niya ay nakatutok sa leeg ni Sir Ross.
Hindi lang si Sir Ross ang nakaluhod sa may great hall, kundi kasama nito si Evans, Drystan, at Seven. Ang dalawang commanders na nakatoka sa mansyong ito ay kasama ni Sir Marcus at nakatutok ang mga espada nila sa leeg nila Evans.
"Put your swords down! Now!" Utos ko.
Walang kahit na isa sa kanila ang sumunod sa akin.
"I said put your swords down!" Ulit ko.
Hindi pa din nila sinunod ang utos ko.
"How dare you!" Singhal ko sa kanila. "I am the Duchess!"
"Your Grace, please calm down." Pakiusap ni Sir Ross. Kahit bakas sa mukha ni Evans ang takot ay yun din ang pinakiusap niya sa akin. Ang kumalma.
How could I calm down?
Kung ayaw nilang sumunod, pwes ako ang gagawa.
Lalapit sana ako kay Sir Ross upang patayuin ito, pero bago pa man ako makalapit sa kanya ay agad na nagliyab ang paligid nila.
A raging fire surrounded the four of them.
"Sir Ross! Evans!" Napasigaw ako sa sobrang gulat.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid, hanggang sa napatingin ako sa itaas ng grand staircase kung saan may nakatayo sa pinakagitna.
"Y-Your G-Grace-?!" Si Luke ang nakatayo sa may hagdan.
His eyes was directed at me.
At bakas sa mukha nito ang galit.
________CHAPTER 26________
Plano ko sana hatiin yung chapter kasi napahaba, pero bala na.
Hehehe ಠ◡ಠ
Luke nyo galit nanaman.
VOTE. COMMENTS. RL
are highly appreciated.
(。ŏ﹏ŏ) 🤍
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top