Chapter 23: Lady Celestine Reiss
"Ano, masakit pa ba?" Hindi ko alam kung pang ilang tanong ko na kay Luke simula pa kanina.
"Dito, masakit." Tinuro niya ang labi.
"Your Grace!" Sinapak ko ang braso niya, na agad niyang sinagot ng pagtawa.
Itinaas niya ang yelong nakabalot sa puting tela sa itaas na bahagi ng kanang mukha. Kung di ba naman kasi ang likot ng kamay kanina dun sa garden, eh di sana di nasapak sa mukha. Ang daming tao sa paligid, kung ano ano ginagawa at sinasabi. Ang aga aga pa.
"D-Dito, mapula pa." Itinuro ko ang itaas na parte na hindi abot ng yelo.
"Mas masakit pa yung sapak mo, kesa sa atake ng isang halimaw." Seryoso niyang sabi.
Nang-iinis ba to?
"Dapat pala ikaw nalang yung pinadala sa Saar, wife. Baka natapos pa yung gera ng mas maaga." Ayaw pa din nitong tumigil sa pang-aasar, at nakangisi pa.
"Kulang pa ba yung sapak? Pantayin natin." Sagot ko.
Agad siyang umiling, pero hindi inaalis yung nang-aasar niyang ngiti.
Maya maya pa ay inilapag niya ang puting tela sa center table na nasa harap namin.
"Do you have anything planned for today?" He asked.
"Nothing." Sagot ko, while checking if his right cheek is still red.
"I'm going to the palace today, to meet with the King. I heard there will be a tea party among the ladies in the afternoon. Are you not coming?" Tanong niya.
Meeting with the King? Ano kayang pinag-uusapan nila? Wala naman siyang sinasabi sa akin.
"I'm not." Agad kong sagot. If it's a tea party in the palace, then it means the host is Lady Niveah. Mas maigi kung iiwasan ko na ito, lalo pa ngayong nakabalik na ang Reyna, at mas maayos na ang relasyon namin ni Luke. Isa pa, ayokong pumunta sa palasyo dahil baka magkita kami ni Sygmund. Sabi ni Sir Ross ay iwasan ko rin ito habang hindi pa namin nalalaman ang nilalaman ng potion.
"The Head Butler told me that you didn't attend any social gatherings before the winter started, and even after it ended. You like tea parties, right?"
"I do, but-" I also wanted to avoid the social circle, baka anong klaseng mga kwento nanaman masagap ko. Pero teka... "Should I visit the Queen?" Halatang nagulat si Luke sa sinabi ko. Ni minsan ay hindi ako kusang bumisita sa Reyna. "I'll bring Zephy with me. Matagal din silang hindi nagkita." Pagkatapos naming bisitahin ang Reyna ay babalik kami agad sa mansion para hindi ako makita ang mga taong dapat iwasan.
Nagulat ako ng hawakan ni Luke ang kamay ko. He kissed it gently. "Thank you, wife."
Agad na nag-init ang mga pisngi ko sa ginawa niya. Kung ano ano na ang mga ginawa namin, pero bumibilis pa din ang tibok ng puso ko kapag ginagawa nya to. "T-Then excuse me, Your Grace." Agad akong tumayo at lumabas ng study.
I instructed Ferr to cancel any lessons Zephy had this afternoon, dahil isasama ko ito sa palasyo para bisitahin ang Reyna.
I went to the kitchen after. I decided to bake something for the Queen, I know I've irked her for favoring Lady Niveah, so I hope mabawasan iyon pagnatikman nya ang gawa ko. Tulad ng sa main mansion, gulat na gulat din ang reaksyon ng mga cooks and maids sa kusina. Nanginginig pa ang kamay ng dalawang maids na tumulong sa akin, at para bang nagpipigil ng hininga at takot na magkamali. Iniisip siguro ng mga ito na masasaktan at mapapalayas sila kapag nagkamali sila sa presensya ko. Most of the faces inside the kitchen are familiar, and a lot of them had suffer from my temper on my previous life. Para makabawi kahit konti, I made sure na may sobra ang ginawa kong sweets, so they can share it later.
I made some mini fruit tarts, and rose macarons. Dahil hindi ko alam kung ano ba ang mga gustong pagkain ng Reyna, let's keep it simple, and not too sweet. And this treats goes well with almost any kind of tea.
Bago umalis ay hinanap ko si Celestine, but the maid said she left early. Mukhang alam ko na kung saan ito pumunta.
Naunang umalis si Luke, riding the same black horse he used during the war. Zephy and I rode the carriage. Pagkarating sa palasyo ay iniwasan ko ang mga daan kung saan maraming mga tao, at maingat na pumunta sa throne room.
"I request for an audience with Her Majesty." I informed the Knight stationed outside the Queen's throne room.
He made a courtesy before calling the Lady-in-waiting.
"Do you still remember the Queen, Zephy?" I asked her.
"A little." Alangan nitong sagot.
"Don't worry. You'll surely remember Her Majesty once you see her." Mahigit dalawang taon nya ding hindi nakita ang Reyna.
Lumingon ako sa likuran kung san nakasunod sa amin si Sir Ross, at Adellei na bitbit ang mga binake kong sweets. I'm starting to think kung tama ba ang desisyon kong bisitahin ang Reyna na hindi kasama si Luke. Pano kung sermonan ako nito? Hindi ko na kasi mabawi ang sinabi ko nang makita ko ang masayang mukha ni Luke ng sabihin kong bibisitahin namin ni Zephy ang mahal na Reyna.
Makalipas ng ilang minuto ay lumapit sa amin ang isang Lady-in-waiting. "This way, Your Grace." And she led us to another room. Nagulat ako when she led us to the Queen's room. Pagkabukas ng pinto ay agad akong napahanga sa isang napakalaking living area sa gitna ng silid. At the corner right is the Queen's desk, and a mini library.
A door at the left opened, at agad lumabas mula dito ang Reyna. That must be her bed room. She walked towards us, at huminto sa harap namin.
Zephy gasped right away. "Your Majesty!" Masaya nitong sabi at tumakbo palapit dito.
I cleared my throat promptly, kaya agad na huminto si Zephy at bumalik sa tabi ko.
"Greetings to Her Majesty, the Queen." We greeted in unison and made a courtesy.
"What a pleasant surprise, Duchess of Ravenstein." Napakapormal na bati ng Reyna.
Agad na bumilis ang tibok ng puso ko, her voice was strict and cold.
Gusto ko ng umuwi!
"Oh my, Zephy! Look at you, you've grown!" Masayang bati nito sa anak ko.
Agad lumapit sa kanya si Zephy, na kaagad namang binuhat at niyakap ng mahigpit ng Reyna.
"Have you been well, Your Majesty?"
"Yes, thank you, Young Lady." Kumpara sa tono niya ng batiin ako kanina, puno ng lambing ang boses nito ng sagutin ang tanong ng bata.
Muling humarap sa akin ang Reyna.
"I-I brought some snacks for Her Majesty." Natataranta kong sabi.
Lumapit si Adellei at iniabot ang mga binake kong sweets, na agad namang tinanggap ng isa sa mga Lady-in-waiting.
"Thank you, Duchess!" Agad na sabi ng Reyna. "Prepare us some tea." She ordered one of her Ladies.
She invited me to sit on the living area, which I did. Pero hindi siya umupo, sa halip ay dinala niya si Zephy sa may balcony at masayang nag-usap ang dalawa. The sweets I brought was prepared on the table along with a newly brewed tea.
'It's okay. It's okay.' I kept telling myself, like a mantra.
I'm being ignored by the Queen, which is totally understandable, since I also ignored her in the past.
Hindi ko na alam kung san sila nagpunta ni Zephy. I just quietly sipped my tea, and waited for them.
"I'm sorry if I've kept you waiting, Duchess." Napaupo ako ng maayos ng biglang bumalik ang Reyna. Sumakit na kasi yung likuran ko kakahintay, kaya isinandal ko ang likod sa settee.
"Nothing to worry about, Your Majesty." Nakangiti kong sagot.
Deserve ko paghintayin ng dalawang oras at kalahati.
The Lady-in-waiting immediately poured a cup for the Queen.
"Zephy, and my Ladies are on the garden." Ani ng Reyna.
Tumango lang ako at ngumiti.
Bumaba ang tingin ng Reyna sa dinala kong mga sweets.
"I heard the Duchess has opened a Sweet shop at the South."
"Yes, Your Majesty."
"I also heard you avoided social gatherings these past months."
Ngumiti lang ako sa sinabi nito.
Did the Queen had me investigated?
"I always thought you like the parties held by that wench." My face stiffen when I heard what she said.
Well, in all honesty, I did enjoy Lady Niveah's tea parties. In my previous life, I didn't missed out a single gatherings she hosted, sobrang bongga naman kasi nito kung magdaos ng mga pagtitipon. Sobra pa ata sa isang Reyna kung gumastos si Lady Niveah. But in my defense, the Queen stopped hosting tea parties and any social gathering even before I became a Duchess. Mas lalo pa itong naging mailap sa publiko ng mamatay ang anak niya.
Ilang minuto pa ang itinagal ng usapan namin bago nagpaalam ang Reyna na gusto na niyang magpahinga. Kaya agad na kaming nagpaalam ni Zephy para umalis. Pero mukhang hindi ito ang huling beses na magkikita kami ng Reyna ng sarilinan dahil kabilin bilinan nitong dalasan ang pagbisita ni Zephy sa kanya.
"Are you okay, Mother?" Agad niyang tanong ng makalabas na kami.
Paano ay napasandal ako sa pinto pagkalabas na pagkalabas namin. Para akong nakahinga ng maluwag ng mawala na ang presensya ng Reyna. Nawala rin ang kaba ko dahil hindi niya nabanggit ang usapin tungkol sa tagapagmana tulad noong nakaraan naming pagkikita.
"L-Let's go home." Pag-aya ko nalang.
Gusto ko nang magpahinga.
When we arrived at the area where Nobles can freely explore the palace, napakarami na ng tao. Karamihan ay mga kababaihan.
"Did you just arrive, Duchess Morrigan?" Napahinto ako ng biglang may nagtanong, pamilyar din ang boses nito.
Bumuntong hininga ako bago humarap. "Greetings, Lady Niveah." I made a courtesy.
"The party started hours ago." Aniya.
Marahil ay nagpalit ito ng suot na damit kaya umalis sa pinag-dadausan ng tea party. Every time she held a gathering, dalawa hanggang tatlong beses ito kung magpalit ng suot na damit.
"Let's go?" Pagyaya niya, at bahagya pang tumaas ang kilay nito.
At dahil hindi kaagad ako nakaisip ng palusot, ay wala akong ibang nagawa kundi ang sumunod at sumama sa kanya. Ayoko ring sabihin na binisita ko ang Reyna, para hindi na din ako maipit sa alitan ng dalawa.
"Yes, My Lady." Alangan akong sumunod dito, while holding Zephy's hand.
The tea party was held in the palace conservatory. Bago kami pumasok sa loob ay nilingon ko muna si Sir Ross.
"Tell the Duke that we're here." Agad namang sinunod ni Sir Ross ang sinabi ko.
Nilibot ko ng tingin ang buong paligid. A tea party usually consist of 5-10 ladies, pero mukhang nandito sa loob ang kalahati ng mga kababaihang Nobles sa sobrang dami ng tao. May ilan ding kalalakihan.
May nakita akong ilang mga bata na naglalaro sa di kalayuan.
"Zephy, go and play with the other kids." Now that I think about it, walang ibang kalaro ang anak ko sa mansion at parati lang pag-aaral ang ginagawa nito.
"Y-Yes?" Alangang sagot nito.
"Don't be shy, and make friends around your age." I encouraged her. "Adellei, samahan mo si Zephy sa mga batang iyon. I'll be with the other ladies." Iniabot ko sa kanya ang kamay nito.
Agad naman siyang inalalayan ni Adellei papunta dun sa mga bata, at lumapit naman ako sa round table kung nasaan si Lady Niveah. Hindi pa man ako tuluyang nakakalapit ay kapansin pansin kaagad ang masamang tingin mula sa mga kababaihang nakapaligid sa mesa. Some of them are familiar faces, na masaya pang bumati sa akin noong gabi ng pagsisimula ng selebrasyon para sa tagumpay ng nagdaang digmaan. Nang tuluyang makalapit, agad kong nakita si Celestine na nakaupo sa tabi ni Lady Niveah, kasama ang ilang matataas na Nobles katulad nila Duchess Norah Wesleinster, Countess Emilia, Countess Isabelia, at iba pa. The etiquette of sitting arrangement during tea parties is, the highest nobles will sit next to the host. Nakaupo sa kanan si Duchess Norah, kaya dapat ako ang uupo sa kaliwa kung san nakaupo si Celestine. But if the host personally invite her to sit next to her, then my sit would be next to Celestine. Doon ako lumapit dahil bakante naman.
"Greetings, Ladies." Agad kong bati sa kanila.
Wala man lang kahit na isang sumagot. Even the lower rank Noble ladies did not respond. Napataas tuloy ako ng kilay.
"S-Sister, Y-you're here...." Agad na tumayo si Celestine. Nagtataka ako kung bakit umaarte ito na parang takot na takot siya na makita ako. "I d-didn't mean to take your seat." Agad nitong dugtong at inalok sa akin ang inuupuan niyang pwesto.
"No, I don't mi-" Hindi ko natapos ang gustong sabihin dahil agad akong pinutol ni Lady Niveah.
"It's okay, Lady Celestine. You can sit there." Agad na nagkaron ng bulong bulungan sa paligid. "I reserved that sit especially for you. The Duchess can sit over there." Dugtong pa nito.
Agad na nagtama ang tingin namin ni Celestine, she smirked bago muling nagsalita. "T-Thank you Lady Niveah." Sagot niya dito. "I-I hope you don't mind sister." Muli niyang baling sa akin.
Isang ngiti lang din ang isinagot ko at umupo sa tabi niya.
Well, it's not hard to think what's going on here. They are ignoring me. Even the servant's giving snacks and tea didn't pour me a cup.
Ganitong ganito din ang ginagawa sa akin noon ng mga Noble ladies noong bago palang ako bilang Duchess of Ravenstein. Hindi naman kasi lingid sa kanila na hindi ako anak ng Countess of Reiss, idagdag mo pang hindi ako pinapansin ng sarili kong asawa, kaya kung pahiyain at maliitin nila ako ay sobra sobra.
Nagsimulang magkwentuhan sila Lady Niveah at ang ibang higher Noble ladies kasama si Celestine. Tungkol sa mga damit, alahas, at kung ano ano pang niregalo daw ng Mahal na Hari sa kanya.
"Oh my, if I were her, aalis nalang ako." I heard a whisper.
Kaagad akong napatingin sa katabing binibini ng nasa harap ko.
Lady Esther Cortez. Of course, siya lang naman ang pasimuno ng mga pang iinsulto at pamamahiya sa akin sa nakaraan kong buhay. Ilang taon din kasi ang binilang bago ako nakapag-adjust bilang Duchess. She'll surely make a scene, because for sure, she's still mad that she didn't get the chance to be the Fairy Queen on my hunting contest.
"D-Duchess Morrigan, you arrived late." Parang napilitan pang makipagkwentuhan sa akin ang Noble na nasa tabi ko.
I gave Lady Niveah a side look.
The humiliation you gave me, I'll pay it back tenfold.
"I didn't arrived late. I was here almost 3 hours ago. I was having a tea with the Queen, in her room." Sagot ko. Agad na natigil ang pagkwekwentuhan nila Lady Niveah, at may ilan pang napasinghap sa mga nakatayong Nobles sa paligid namin. Lahat sila ay gulat na gulat ang ekspresyon ng mga mukha. The Queen almost never recieved guests in her room, kaya talagang nagulat sila sa sinabi ko. Though what happened earlier isn't something to be proud of, dahil mahigit dalawang oras din akong hindi pinansin dun.
No matter what the situation is between the Royal Couple, the Queen is Queen, and the Mistress is just a Mistress. Let's side with the person who holds the power.
"With Her Majesty? In her room?" Esther asked, sounding sarcastic.
"What's so surprising? The Queen stood as the Duke's mother on our wedding. Her Majesty is basically my mother-in-law." Taas noo kong sabi, bago hinarap si Lady Niveah at ngumiti dito.
Hindi maipinta ang mukha nito, ngunit pinilit pa din nitong ngumiti. Ipinagpatuloy niya ang pagkukwento na para bang walang narinig. Pero ang kamay niyang nakahawak sa tasa ng tsaa ay nanginginig sa galit. Maging si Celestine ay nagulat din.
Hindi na ako nagsalita pa at hinayaan ang nasa paligid namin na nakarinig ng sinabi ko sa kani kanilang mga kuro-kuro. Nilibot ko nalang ng tingin ang paligid, upang makita kung sino sino pa ang dumalo sa tea party. Nang magtama ang mga mata namin ni Viscountess Olivia, ay hindi ko maintindihan ang ekspresyon ng mukha nito. She looked disappointed over something, kaya agad akong tumayo sa kinauupuan ko at lumapit dito. Hindi na ako nagpaalam pa, screw etiquette, tutal nauna naman silang bastusin ako.
"Viscountess Olivia." I gave her a courtesy.
"D-Duchess Morrigan." She also bowed.
"What's wrong?" Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at agad nang nagtanong.
Hindi niya ako sinagot, at para bang pinakikiramdaman lang ako.
"Viscountess?" Tanong ko ulit.
Bumuntong hininga ito bago nagsalita. "Duchess, I don't want to be rude, but I want to confirm it before I believe on what Lady Celestine said." Agad na akong kinabahan ng banggitin nito ang pangalan ni Celestine.
"What did she say?" Napakunot ako ng noo.
"Is it true that you are hurting your sister?" Tanong nito. "In the past, I know that Her Grace has a temper. But we haven't seen each other for a long time. And when you invited us for a tea party days ago, it seems the Duchess has changed, and became more kinder, and patient." Pag-amin nito.
Napahilot ako ng sentido sa sinabing iyon ng Biskondesa.
'Celestine ano nanamang kalokohan to?'
"I don't, Viscountess." Agad kong paglilinaw. "I didn't hurt her. Why would I do that?"
"I heard the Young Lady is currently staying at your estate, at pinagseselosan mo raw ito dahil sa pagiging malapit sa Duke. You are hurting her even when you are still in your Father's estate."
"What?" Nagulat ako sa narinig. Kakarating palang niya kahapon, at may ganito na kaagad siyang pinapakalat? And what? Sinasaktan ko siya kahit noon pa? Samantalang ako nga ang parating binubugbog sa tahanan ng mga Reiss. "Viscountess Olivia, I swear upon the Ravenstein name, nothing like that has ever happened." Inis kong nilingon si Celestine na abala pa rin sa pakikipagkwentuhan. "Please excuse me, Viscountess."
Sa sobrang inis ay agad akong lumapit kay Celestine. "Excuse us for a while, Lady Niveah. I need to speak with my sister." Hinawakan ko ang kamay nito at hinila siya palayo. Hindi ko na pinansin pa ang mga pagsinghap at bulong bulungan sa paligid namin.
"Eww, let go of me!" Agad itong nagpumiglas ng makalayo kami, at wala ng masyadong tao sa paligid.
"Celestine, what the heck did you tell everyone? Anong sinasaktan kita? Are you out of your mind?"
"Wag mo kong pinagtataasan ng boses! Who the hell do you think you are!?"
"I'm the Duchess, Celestine!"
"Baka nakakalimutan mo, that position is supposed to be mine! Masyado mo na atang inaangkin!" She crossed her arms.
I rolled my eyes.
"And why are you over reacting?" Tanong niya. "Sa tingin mo ba may makakaalala pa sayo, kapag ako na ang Duchess of Ravenstein?"
"Celestine, baka nakakalimutan mo ang sinabi ni Count Frederick, ako ang syang magpapakilala sayo sa social circle! Hindi mo ako kailangang sirain sa harap ng iba para gawin yun!" Hindi ko pa nga naaayos ang imahe ko sa ibang mga Nobles, tapos dadagdagan mo pa.
"And so? Father didn't say anything that I can't do what I want." Pinagtaasan niya ako ng kilay.
"Kahit na-" Hindi ko natapos ang sasabihin dahil biglang dumating si Adellei at natataranta.
"Y-Your Grace!" Hapo itong lumapit.
"What's wrong? Where's my daughter?"
"That- The Young Lady, she..." Hindi niya tinapos ang sasabihin, sa halip ay itinuro niya ang mga nagkukumpulang mga tao sa di kalayuan.
Iyon ay ang lugar kung saan naglalaro ang mga bata kanina.
Nagmamadali akong pumunta sa nagkukumpulang mga tao.
Habang papalapit ay nagdarasal ako na sana ay walang nangyaring masama kay Zephy, pero nang marating ko ang gitna ng pinagkakaguluhan ng mga tao, isang batang lalaki ang nakaupo sa sahig at umiiyak, namumula rin ang pisngi nito. And my daughter is standing in front of him, at hawak hawak ang isang pares ng suot nitong sapatos.
"Oh my gosh, Kent! What happened?!" Isang natatarantang babae ang lumapit sa umiiyak na batang lalaki.
"S-Sister... she-" Itinuro ng bata si Zephy. "She hit me with her shoe." Iyak nito.
My jaw dropped, when I heard what the kid said. My daughter is a timid kid, halos hindi nga nagsasalita kung hindi rin kakausapin. Tapos sasabihin nyang sinaktan siya ni Zephy.
"What?!" Inis itong humarap kay Zephyra. "Who the hell do you think you are, para gawin yan sa kapatid ko? Sino bang magulang mo at hindi ka tinuruan ng manners!?"
"Lady Esther." Agad na akong pumagitan.
"M-Mother, I-" Zephy panicked.
"She's your daughter? Kaya naman pala."
I squinted my eyes on her. Here we go again. She'll surely use this to her advantage.
"Zephy, what happened here?" Tanong ko dito.
"Didn't you hear what my brother said, Duchess?" Halos pasigaw nitong sabi, na para bang nagtatawag pa lalo ng atensyon ng mga tao. "That kid, hit my brother. Hindi mo ba tinuturuan ng manners ang anak mo?"
"Zephy, what happened here?" Ulit kong tanong, ignoring Esther.
"H-He insulted y-you, Mother." Itinuro ni Zephy ang batang lalaki. "S-So I told him to apologize, b-but he did not." Nanginginig ang boses nito ng magpaliwanag. "Inulit pa niya ang sinabi, kaya naisampal ko sa kanya yung sapatos ko." Dugtong nito. "I'm sorry, Mother." Humarap si Zephy sa akin.
Nagulat ako ng si Zephy na mismo ang nagsabi na isinampal niya ang sapatos sa mukha ng batang lalaki. Hindi pumasok sa isip ko na kaya niyang gawin ang ganoon. Pero lihim din akong natuwa, because this small timid child did it for my sake.
"You have nothing to apologize, child. You did the right thing." Sagot ko dito.
"Did the right thing?" Agad na pagtutol ni Esther sa sinabi ko.
"Your brother insulted me. It's the child's rights to protect the name of their family." Sagot ko.
"And you think nagsasabi ng totoo ang batang yan? Hindi na nakapagtataka kung magsinungaling ito, at walang manners. We all know the poor upbringing of the Duchess, herself." She crossed her arms.
Mas lalo pa tuloy lumakas ang bulong bulungan sa paligid, at may ilan pang tumawa ng marinig ang sinabi ni Esther.
"Lady Esther, I hope you know what you're saying." I crossed my arms.
At that exact moment, an arm wrap around my waist.
"An insult to me, is an insult to the Ravenstein Ducal family."
"An insult to my wife, is an insult to the Ravenstein Ducal family." Halos sabay naming sabi ng bagong dating na si Luke, na ngayon ay nasa tabi ko.
Agad na nagtama ang mga tingin namin, he smiled at me bago niya hinarap si Lady Esther.
"I hope who ever is backing up the Cortez Viscounty, could handle the full wrath of the Ravenstein Dukedom. As I will not let it slide, that you insulted my wife, and my daughter in front of everyone." Ang kanina na maingay at nagtatawanang mga tao sa paligid namin ay agad na natahimik.
"Y-Your G-Grace, that, I-" Agad na lumuhod si Esther sa harap namin.
"Oh my, Your Grace." Agad na pumagitan si Lady Niveah. "I apologize for the commotion that happened here." She said in a sweet tone, na animoy hindi makabasag pinggan.
"I hope the Lady knows, that the guests mirrors it's host." Ani ni Luke.
"Your Grace! I hope you know who you're talking to!" Tumaas ang kilay ni Lady Niveah sa sinabi ni Luke.
"A mistress, threatening the Kingdom's next King. That's interesting." Napasinghap ang lahat sa sinabi ni Luke. Kahit pa ba naisip ko na ito nung nakaraan, ay nagulat pa din ako ng kay Luke na ito mismo nanggaling.
_______CHAPTER 23________
LAHAT BA PINILIT BUKSAN YUNG 'SCAM CHAPTER' DAW?
😅😅😅
sornah mga besss, di ko napigilan humabol sa April fools. Huhu naguilty tuloy ako. Pero natuwa na ewan kasi pati mga silent readers biglang napacomment at message eh.
I'm back. After lagnatin.
😷🤒🤧
VOTE. COMMENTS. RL
are highly appreciated.
(。ŏ﹏ŏ) 💔
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top