Chapter 2: gifts from god of life.
"Hmm... Bibigyan sana kita ng pagkakataong makabalik, pero mukhang ayaw mo ata."
"Makabalik?" Namilog ang mata ni Morrigan sa narinig.
"Ibabalik kita para mabigyan ng pagkakataon na baguhin ang kapalaran mo." The god added.
"T-talaga?" Nabuhayan siya ng loob.
Tumango si Reru sa kanya.
"At para makabawi sa kapalarang binigay ko sayo ay bibigyan kita ng regalo."
"Regalo?"
"Bibigyan kita ng espesyal na kakayahan. Pumili ka ng isa sa tatlo."
"Dalawa! Bigyan mo ko ng dalawa!"
"Masyado ka naman atang abusada." Medyo kumunot ang noo ni Reru.
"Kung talagang nagsisisi ka sa pagpapahirap mo sa akin mula pagkabata, hanggang sa mamatay ako, bigyan mo ako ng dalawa sa sinasabi mong kakayahan! Ikaw ang pinakamakapangyarihang diyos, kaya mong gawin ang lahat!" Lakas loob niyang sabi dito.
"Hmmm... Deal!" Matapos mag-isip ay sumang-ayon din ito sa gustong mangyari ni Morrigan.
Bukod sa nahamon ang kakayahan niya ay sa isip ni Reru, mas magiging interesado ang mga bagay bagay kung papayag siya. Gusto niyang malaman kung anong pagbabago ang gagawin ni Morrigan sa ikalawang pagkakataon ng buhay niya.
"So, anong mga kakayahan ba yon?" Masayang tanong niya ng sumang-ayon si Reru sa kanya.
"Hhhmmm..." Bahagyang nag-isip ang diyos na nasa harap niya.
Itinaas nito ang isang daliri.
"Una. Bibigyan kita ng husay sa pakikipaglaban."
Muli itong nagtaas ng isa pang daliri.
"Pangalawa. Kakayahan katulad ng mga healers." Namilog ang mata ni Morrigan sa narinig.
"Pangatlo. Husay sa pagluluto." Napakunot ng kilay si Morrigan sa ikatlong binanggit ni Reru sa kanya.
'Aanhin ko naman ang husay sa pagluluto?'
Wala siyang hilig dito, at ayaw niyang manatili sa kusina dahil mainit, makalat, at nakakairitang amoy ng mga sangkap.
"Kung kailangan mo ng oras para mag-isip, bibigyan kita. Kakayahan upang ipagtanggol ang sarili? Kakayahan upang tumulong sa iba? O kakayahan para sa pansariling libangan?"
"Hindi ko kailangang mag-isip pa. Obvious naman kung ano ang gusto ko sa tatlo." Sagot niya.
"Kung ganon, sabihin mo."
"Una, gusto kong..."
.
.
.
.
.
.
.
.
"Y-your Grace? Umm D-duchess?"
Inis na hinarap ni Morrigan ang taong paulit ulit na tumawag sa kanya.
"What?!" Inis niyang sagot dito. Naputol tuloy ang pag-iisip niya.
"N-napasobra na p-po ata ang paghahalo n-ninyo." Nanginginig ang boses ng katulong na nasa tabi niya.
"Ha?" Tiningnan niya ang ginagawa. Nagkalat na ang batter ng cake na ginagawa niya dahil sa sobrang paghalo.
Napatingin siya sa paligid niya.
All the cook and kitchen maids are looking at her. Pinatabi niya ang mga ito sa gilid upang hindi siya maistorbo sa ginagawa. Kapansin pansin ang masamang tingin sa kanya ng mga tagapagluto.
Morrigan knew that the cooks hates her. She's a picky eater, and would get mad if the food doesn't look appetizing. She would make them do it again even without tasting the food they served her.
Bukod sa masamang tingin ay kapansin pansin din ang pagkagulat sa mga mukha nila. Ito ang unang beses na pumasok si Morrigan sa kusina, akala ng lahat ay pagagalitan sila nito, ngunit pumunta siya at mahinahong sinabi na hihiramin niya ang kusina dahil may gusto siyang gawin. Natatarantang iniayos at kinuha ng mga kasambahay ang mga sangkap na hiningi niya.
"Ugh! Kainis!" Iritadong sambit niya at itinigil ang paghahalo. Hindi na niya ito mapapakinabangan dahil halos wala ng natira sa hinahalo niya.
"Ihanda mo na ang una kong niluto kanina." Utos niya sa katabing katulong.
Nagmamadali itong sinunod ang sinabi niya.
Muling napaisip si Morrigan.
Kahangahanga ang kakayahang ibinigay ni Reru sa kanya. Iniisip palang niya ang pagkain ay alam na kaagad niya ang gagawin at mga sangkap na kakailanganin niya. At nang pumunta siya sa kusina kanina ay halos natural lang na kumilos ang katawan niya, samantalang kahit isang putahe ay wala naman siyang alam.
Matapos ihanda ang niluto niya kanina ay dumiretso na sila sa silid ni Zephyra.
Pero bago tuluyang pumasok ay huminto siya.
"Pangalan?" Lumingon siya sa katulong.
"P-po?"
Hindi sumagot si Morrigan. Ayaw niyang pinapaulit siya.
"A-Adellie p-po." Sagot ng katulong.
She remembers her. Adellie is a new maid, and of course didn't escape Morrigan's temper. She'll be fired in a month for accidentally spilling tea on her dress. And before she leaves the Duchy, Morrigan threw a boiling tea on her face leaving a permanent scar on the young maid's face.
She was terrified remembering the past.
Ikinalma niya ang sarili at pumasok na sa loob kwarto ni Zephyra.
Ferr, Zephyra's nanny, was obviously shocked to see her. Agad ding bumangon si Zephyra nang makita si Morrigan. Kumapit ito ng mahigpit sa saya ni Ferr, at halatang takot na takot.
"Zephy-" Hindi pa natatapos ni Morrigan ang sasabihin ay nanginginig na sa takot ang bata sa kanya.
"Is there something you need, your Grace?" Ferr asked, shielding the child against her.
Ferr, an old lady in her 60's is Luke's Nanny, and also help oversees the mansion along with the head Butler. Luke entrusted Zephyra to her when he leaves for the war.
If I want to survive this second life, all I have to do is treat Zephyra nice. She'll be my ticket to survival. If I treat her good, Luke might forgive my other crimes, and just peacefully divorce me without having to face trials for crimes the Count made me do. Tapos magpapakalayo ako at hindi na babalik pa. Maybe the North would be a good new home, even though monsters lure the place. Tama! Sunod niyang paplanuhin kung san siya pupunta pagkatapos ng diborsyo.
"Zephyra, come child." Inilahad niya ang kamay at maingat na umupo sa gilid ng kama ng bata, malambing din niyang tinawag ang pangalan nito. Pero sa takot ay hindi niya inabot ang kamay ni Morrigan.
'Stay calm. Syempre hindi lalapit sayo ang bata dahil sa kagagahang pinaggagagawa mo.'
Hindi na niya hinintay pa ang reaksyon ng bata at marahang inabot ang kamay nito.
"I'm sorry." Kalmado niyang sabi habang hawak ang nanginginig na kamay ni Zephyra. Namilog ang mga mata ni Morrigan ng makita ang mga pagaling palang na mga pasa sa kamay ng bata gawa ng madalas niya itong kurutin kapag naiinis siya.
'I'm the worst.' She swallowed hard.
Kung iisiping mabuti, hindi naman talaga siya galit kay Zephyra. Wala nga siyang pakialam dito dati, and she even thought that she's a cute and lovely child. It all started when her father, Count Frederick, knew that Luke wanted to register Zephyra to the family registry as their daughter. Mahahati ang mana, especially if the Ducal couple have their biological children. Kaya hindi dapat matuloy ang balak ni Luke. Iyon ang mahigpit na utos sa kanya ng kanyang ama.
Dahil lang sa pagiging makasarili ng kanyang ama, naging biktima pa tuloy ang walang kalaban labang bata. Dahil sa pagsunod ni Morrigan sa mga utos ni Frederick ay lalong nasira ang pagsasama nilang mag-asawa. Ganun ba talaga siya kahibang at desperadang matanggap at mahalin ng ama at ng pamilya nito?
Bumuntong hininga siya.
"I'm sorry." Ulit niyang sabi. "Sobrang init lang talaga ng ulo ko kahapon dahil sa mga problema sa Duchy. Sumabay pang naapakan mo ang damit ko." Pagpapalusot niya.
Kumirot ang puso niya ng maalala ang nangyari kahapon. Para sa ganun kaliit na bagay ay halos mapatay niya sa palo ang bata? Tinitigan niya ang pangangatawan nito. Napakaliit niya para sa isang limang taong gulang na bata. Napatingin din siya sa mga paa nito, kahit pa bagong palit ang mga benda sa paa nito ay namumula na agad ito dahil sa dugo. Lalo siyang nanlumo.
Sumenyas siya kay Adellie, at agad naman itong lumapit dala ang niluto niya kanina.
"I made you some soup." She held the bowl herself, at sinubukang subuan ang hindi pa din kumikibong bata.
"Y-your Grace..."
Pero bago pa man matapos ni Ferr ang sasabihin ay isang makahulugang tingin ang ibinigay niya dito. Alam niya ang iniisip nito. May inilagay siyang hindi maganda sa pagkain.
But surprisingly, Zephyra ate it. Dahil siguro sa takot sa kanya.
Morrigan stirred the bowl, and gave her another spoonful of soup. Pero bago pa man makain ni Zephyra ang pangalawang subo ng sopas ay marahas na bumukas ang pinto ng silid nito at...
"What do you think you're doing?!" Galit na sabi ng bagong pasok na babae sa silid ni Zephyra.
Agad na napatayo si Morrigan.
"Countess Eva?"
___________CHAPTER 2____________
Busy busyhan ang drama kaya ilang buwan na hindi naka update.
But here is Chap2 of LET'S DIVORCE THE DUKE TODAY!
Thanks for reading everyone. Ang tahimik nyo haha.
Thanks for reading! Keep safe!
VOTE. COMMENTS. RL.
are highly appreciated.
(灬º‿º灬)♡
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top