Chapter 18: Please believe me

I almost shriek when the curtain suddenly coiled around me.

"I wonder, what should I do to my eavesdropping wife?"

I screamed internally. I'm dead! May kasalanan pa ako kagabi, tapos ngayon nadagdagan pa.

"I'm sorry, Your Grace. But I'm not the Duchess." Iniba ko ang boses ko, in hopes to escape the current situation.

"Hahaha!" He burst out laughing. "Escaping, eavesdropping, and now lying. I should teach this wife of mine some lesson." He made an emphasize when he said the word lesson.

Naalala ko ang sinabi ni Sir Ross kagabi, na matalas ang pang-amoy at pangramdam ng mga Ravenstein.

I'm so stupid!

"And if you're not my wife, it would be my sword on your throat, and not my arms around your body right now." Dugtong niya.

I gulp dryly.

"I-I'm sorry, Your Grace!" Agad kong sabi.

Muli siyang tumawa. And his grip around my body tighten.

"Your Grace, please let me go." Pakiusap ko.

His other hand is on an awkward place.

"Tell me, why should I?"

'Because you're groping my breast!' Gusto ko sanang isigaw sa kanya.

"B-Because that's my..." Nag-init ang mga pisngi ko.

Why am I always in an awkward situation with this person?

"Your?" Kahit hindi ko nakikita ang mukha niya ay ramdam kong nakangisi siya.

Bakit ba ako parating tinutukso ng isa to?

"T-That's my breast, Your Grace." Pabulong kong sabi dahil sa sobrang hiya.

"Hm, kaya pala malambot." He chuckled.

"L-Let it go!" Halos pumiyok kong pakiusap.

Ibinaba niya ang kamay, at ngayon ay pareho ng nakayakap sa bewang ko.

Hindi siya nagsalita, o gumalaw man lang. Galit pa din kaya siya? Sir Ross said he was furious last night. Should I take this opportunity to apologize and explain what happened yesterday?

Pero pano ko ipapaliwanag na tinangay ako ni Seven, at sinundo ako ni Dystan? Ano kayang sinabi sa kanya ni Sir Ross?

"Your Grace, I wanted to apologize about what happened yesterday." Sinubukan kong humarap, at para lumabas mula sa pagkakatago sa likod ng kurtina.

"Don't move." He snarled.

I stilled.

"I don't think I can talk without getting mad, if I see your face right now. So let's talk like this." Ramdam ko sa boses ni Luke ang pagpigil niya sa namumuo niyang galit. Mas lalo tuloy akong kinabahan.

Mas maigi pa atang nagkulong nalang ako sa kwarto.

"I was fucking worried, wife." His voice cracked.

Nagulat ako sa mga katagang binitawan niya. Siya? Mag-aalala sa akin? Bakit? I bit my lower lip. Para kasing maiiyak ako sa sinabi niyang iyon.

"But I'm also mad as hell." Humigpit ang mga yakap niya, at nag-iba din ang timpla ng boses nito.

Never mind. Nawala na yung luha.

Hindi na ako nagsalita, at baka lalo ko lang siyang magalit, bagkus ay hinintay ko ang sunod niyang gagawin at sasabihin, pero sa halip na boses niya ang marinig ko, ay nakarinig ako ng mga nagtatawanang boses, at yapak ng mga paa. Napasinghap ako dahil mukhang may mga maids pang gising. Sa sobrang taranta na baka may makakita sa amin sa ganitong posisyon ay buong lakas kong iwinaksi ang mga kamay ni Luke na nakayakap sa akin. At hindi naman ako nabigo. Nang maalis ang mga kamay niya ay agad ko siyang hinila sa likod ng kurtina upang magtago.

He looked so surprised because of what I did. His blue eyes widened, and his lips parted.

"Ssshhhhhh!" Mahina kong sabi habang nasa mga labi ko ang aking hintuturo.

Bahagya akong sumilip upang makita kung sino ang mga nagtatawanang iyon. Hindi nga ako nagkamali, may gising pang mga katulong. Pababa ang mga ito sa grand staircase, marahil pabalik na sa maid's quarters.

'Bilis.' Paulit ulit kong sabi sa aking isipan.

Pero sa halip ay huminto ang mga ito sa harap ng hagdan at doon nagkwentuhan. Kulang nalang ay lumabas sa dibdib ko ang puso ko dahil sa sobrang lakas ng pagpintig nito dahil sa kaba. Buti nalang at hindi na ganun kaliwanag ang paligid, dahil nakapatay na halos ang mga ilaw, kung hindi ay baka mahalata kaming dalawa dito sa likod ng kurtina.

Ano bang pinag-uusapan ng mga to at hindi makapaghintay? Hindi ba pwedeng sa maid's quarters na sila magkwentuhan?

I jolted when suddenly the hands that I just manage to remove moments ago, found it's way around my waist again. Agad akong napaangat ng tingin kay Luke na nakayakap sa akin mula sa likuran.

"This is how you should silence me, wife." He whispered, bago yumuko at ilapat ang mga labi niya sa akin. And because my lips are already half parted from shock, he was able to pushed his tongue deep into my mouth, tasting every corners of it.

The wet sounds from the kiss is all that penetrated my ears. Dahil pigil akong walang ungol na lumabas mula sa mga labi ko ay mariin kong hinawakan ang mga kamay ni Luke, at lumubog ang mga kuko ko sa balat niya.

My eyes widen when I felt my chemise dress being pulled up. His hot hands deftly moved up in between my thighs, I hurriedly stopped him by grabbing his hand.

'Where the heck do you think you're touching?' If he goes a little more higher, he'll be touching my...

Agad na nag-init ang buo kong katawan. Are we even allowed to do this? We're married, but doing it here... our first time...

"Do you think the Duchess intentionally did that to Lady Grachell?" Pakiramdam ko ay binuhusan ako ng malamig na tubig ng marinig ang sinabi ng isa sa mga maids.

Agad akong napatingin kay Luke who upon hearing those words stopped kissing me, and parted his lips from mine. Agad akong napaiwas ng tingin.

'Bakit naman sa dami ng pwede nyong pag-usapan ay yan pa!' Gusto kong magwala, at ipagsigawan sa kanila na wala akong kinalaman sa nangyari kay Grachell! I was the one wronged here, hindi siya!

"Ssshh!" Narinig kong saway ng isang katulong. "Let's not talk about that here. Baka may makarinig sa atin." Dugtong niya.

'Too late! We already did!' Inis kong sambit sa aking isipan.

"Let's go back to our quarters." Narinig kong sabi ng isa. And suddenly, I heard foot steps na para bang tumakbo ang mga ito. Their voices also fade away.

Alangan akong lumingon kay Luke. "It's late, Your Grace. Let's head back to our rooms now." Hindi ko na hinintay pa ang isasagot niya at agad ng tumakbo palayo sa kanya.

I haven't even made it far, when suddenly my feet lifted in the air.

"Aaahh-" Putol kong sigaw dahil tinakpan ko ang aking bibig, nagulat ako ng buhatin ako ni Luke, at isinampa sa balikat niya.

Lumapit siya sa isang mahabang console table na nasa malapit at agad na hinawi ang lahat ng mga nakapatong dito, at saka ako inupo doon. Pigil ang hininga ko ng magpaikot ikot sa pinakagilid ng lamesa ang isang vase. Natawag ko na ata ang lahat ng diyos sa Rohheim sa aking isipan na huwag itong mahulog, at mabasag. I remember full well what the Head Butler told me, when he was guiding me around the mansion for the first time. That vase is a memorabilia past down from the first Master of the Ravenstein household. And that it could buy mountains, and more. Bakit naman kasi nakadisplay lang yan dito sa may hallway? Nakahinga ako ng maluwag ng tumigil ito sa pag-ikot, at hindi nahulog.

What the hell are we gonna tell your ancestors if we break that?!

"Look at me, wife."

"Y-Yes..." Salubong ang kilay ko siyang tiningnan.

"Did something happen while I was gone?" Tanong niya.

Wala rin namang silbi kung itatanggi ko dahil siguradong malalaman din niya ito. Mas mabuti ng sa akin manggaling para walang dagdag at walang bawas.

"There was just a misunderstanding. I made some snacks for Lady Grachell, without knowing she's allergic to nuts. And she got hives, and difficulty in breathing. I've called the Doctor, so everything is fine now." Paliwanag ko. Hindi ko na sinali na pinag-uusapan ako ng mga servants at Knights na sinadya ko iyon. "I'll apologize for my mistake later." Dugtong ko.

'Please believe me.' Gusto ko sanang idugtong.

Pinagmasdan ko ang ekspresyon ng mukha ni Luke. Kung magagalit ba siya dahil sa nagawa ko. Dati kasi kapag mayroon akong inaaway na noble lady ay nagagalit ito sa akin. Wala daw akong etiquette, at parang walang pinag-aralan kung umasta. And I would rebut him with hurtful words too, at mag-aaway kami hanggang sa mapagod sa isa't isa. Pero totoo naman talagang wala akong pinag-aralan dahil hindi naman ako binigyan ng parehong pagtrato tulad kay Celestine at Francis sa County.

"I see." He sigh. "Let's apologize together later then." Dugtong niya.

What?

Together?

Hindi naman nya kailangang sumama. Ako lang naman ang may pagkakamali dito eh. Gusto nya lang atang makita si Grachell.

"What?" He asked.

"W-what?" Tanong ko din.

"Pinagtataasan mo ako ng kilay." He answered. His forehead is now creasing.

"No I'm not." Sagot ko at ikinalma ang ekspresyon ng mukha.

"Better." Inilapit niya ang mukha sa akin.

"W-what?" Agad kong iniharang ang mga palad sa labi niya.

"Continuing where we left off."

"No, we won't." Kota ka na sakin Luke ha!

"Why not?" He asked.

Bumuntong hininga ako.

"Your Grace, linawin nga natin to. Why are you doing this to me?"

"Doing what?"

"This?! Hindi naman natin to ginagawa dati. Hindi mo naman ginagawa sa akin lahat to dati. Why did you changed?" I asked. "Mas matatanggap ko pa kung sa pagbabalik mo, ay tinrato mo pa din ako katulad ng dati, like I don't exist. Naguguluhan na ko kung bakit ka nagkakaganyan. All I can remember from you, is that you hate me."

"You also changed, My Duchess." He caressed my face.

"Not as much as you did." Sagot ko.

"Then what the hell do you want me to do?"

"Iwasan mo ko. Wag mo akong lalapitan. Wag mo kong kakausapin. Wag mo akong hahawakan. Wag mo kong halikan. Treat me like I don't exist. And I'll do the same to you." Since you don't want to divorce me.

"I can't do that. And I don't want you to ignore me." He fumed.

"Why not?" Inis ko ding tanong.

"Because every time I see you, I want to kiss you, touch you, lick you, bite you, and eat you up. Like this..." Bumaba ang mga labi niya, and he suddenly bit my clavicle. "And more." He added whispering it into my ears.

"S-Stop! S-Stop!" Ihinarap ko ang mukha niya sa akin. Kung san san ka na nangangagat eh. "You can't do this, Your Grace! Are my feelings invalid?"

Kumunot ang noo niya.

"Then how about my feelings? Kung ganon, pinaasa mo lang ba ako? Did you lie? Pinaglalaruan mo lang ba ako?" Seryoso niyang tanong.

"What?" Nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. "When did I?"

Parang mas lalo pa siyang nainis ng kwinestyon ko siya.

Pero sa halip na sagutin ang mga tanong ko ay muli niya akong binuhat, pero sa pagkakataong ito ay binuhat niya ako na parang isang prinsesa.

"Your Grace!" Paulit ulit kong itinapik ang balikat niya upang ibaba ako, pero mukhang wala itong naririnig at patuloy lang sa paglalakad.

Nanlaki ang mga mata ko ng lampasan ni Luke ang Charoite room, at sa halip ay sa Sapphire room ito nagpunta. Mas lalo akong nagpumiglas ng isara niya ang pinto ng silid niya. Agad siyang dumiretso sa kama, at walang ingat akong ibinaba doon. Buti nalang malambot ang higaan. Pagkatapos ay lumapit siya sa drawer at may kinuha. Pagkatapos ay may iniabot na mga envelops sa akin. Those envelops looks familiar. Agad ko itong kinuha at tiningnan. It's the letters Zephy gave Luke.

Kinuha ko ang isa at tiningnan ang laman.

Normal na sulat lang naman ito. Pangangamusta, at kung ano ano pa. May mga cute na drawings, at may mga mali maling spelling din. My eyes widen upon reading the end of the letter.

'The Duchess loves you a lot, and she misses you so much.' Halos malaglag ang panga ko sa nabasa.

Muli akong kumuha ng isa pang sulat at binasa ang laman nito. Nilampasan ko na ang ibang mga nakasulat at dumiretso sa pinakaibaba.

'The Duchess and I misses you a lot, Your Grace.'

Binuksan ko ang lahat ng sulat at binasa ang mga laman.

'Her Grace is sad, because you didn't write her back. She really misses you. I think she cries everyday.'

'I hope the His Grace and Her Grace would not fight anymore. Her Grace misses you a lot.'

'She truly loves and misses you a lot.'

'She wanted to see you so much. She likes you so much.'

'The Duchess is sick, Lady Ferr said it's because Her Grace has a broken heart.'

Napahilot ako ng sentido dahil sa nabasa.

'Ikalma mo ang sarili mo Morrigan! Anak mo yan!' Paalala ko sa sarili.

May isa pang sulat na natira. Katulad sa ibang sulat ay binasa ko din ito. Hindi na ito galing kay Zephy, kundi galing kay Sir Ross. Ah, eto ata yung sulat na nabanggit niya sa akin, na ipinadala niya nung nagkasakit ako.

Mukha lang naman itong normal na sulat, nakasaad kung ano ang mga supplies na ipapadala. May konting balita tungkol sa pagbabago sa Duchy. Pinuri din ako ni Sir Ross sa sulat, na nagpangiti sa akin. Pero nawala ang ngiti ko ng mabasa ang pagtatapos ng sulat.

'I don't want to interfere, but if His Grace would allow, I'd like to say a few more things. Currently, the Duchess is sick. The Doctor said it's just a cold. But I think, the Duchess is sick because of broken heart. I implore his Grace, to please fulfil his duty, as a man, and as a husband who had sworn loyalty, and love to his wife, in front of the gods.'

Nag-init ang mukha ko sa nabasa. Gusto kong sumigaw!

It's all a misunderstanding! Hindi ako brokenhearted! Well, konti, oo! Pero nagkasakit ako nun dahil sa Seven na yun!

Gusto kong pag-umpugin ang ulo ni Zephy at Sir Ross! Dapat pala ay binasa ko ang mga sulat ni Zephy dati, hindi yung ipinadala ko iyon, unchecked. Kaya pala kung ano anong pinag-iiisip ni Luke ngayon!

"Your Grace, this..." Kailangan kong magpaliwanag. Pero natigilan ako dahil ng muli ko siyang tingnan ay nagbibihis siya. Wala itong suot pang itaas.

Oh my gosh!

Dali dali akong inipon ang mga sulat at inilagay sa bedside table, saka agad na bumaba ng kama.

"I-I'll take my leave first." Nagmamadali kong sabi at tumakbo sa may pinto. Pero bago ko pa man ito mabuksan, ay agad nanamang pumulupot ang mga braso niya sa akin.

"Fine, I'll do as you say, I won't touch you, or kiss you. But I can't promise I can do the same thing three days from now." He said, pressing his head on my shoulder.

Anong meron sa ikatlong araw?

"Ha?" Nagtataka kong tanong.

He chuckled. "It's room sharing day." He said and gave me a quick peck in the head bago bitawan.

Hindi na ako sumagot pa at agad lumabas ng silid niya at tumakbo sa Charoite room. Dali dali akong sumampa ng kama, at isinubsob ang mukha sa unan.

Paulit ulit na rumihistro sa utak ko ang sinabi niya.

'It's room sharing day.'

Dahilan para hindi nanaman ako makatulog.

Kung sa una kong buhay, ang dahilan ng kamatayan ko ay napugutan ng ulo, I think on my second life, the cause of death would be lack of sleep. Kung walang vitality pill, ewan ko nalang.

Lumiwanag na ang paligid dahil sa sikat ng araw, pero kahit katiting na tulog ay hindi ko nagawa.

"Your Grace, I brought your breakfast." Kumatok si Adellei sa pinto.

"Come in."

Agad naman itong pumasok sa kwarto ko upon permission.

"Are you okay?" Agad kong tanong.

Dati kasi kapag pumapasok ito ng silid ko ay nakangiti agad at sobrang sigla.

"I-I'm okay, My Lady." Sagot niya.

She doesn't sound convincing though. Don't tell me, tungkol pa din kahapon?

"Did you cry all night? I told you, it's okay." Saway ko sa kanya.

She smiled. A force one.

"And why are you wearing your winter uniform?" Agad kong puna. It's already hot, pero balot na balot ang suot niya.

"Because it's a little bit cold today, Your Grace." Sagot niya.

Natawa ako sa sinabi niyang yun. Samantalang nung nakaraang buwan lang ay naglalaro silang dalawa ni Zephy sa snow, at hindi daw malamig.

After my meal, I bathe, and now preparing to visit Lady Grachell. Wag nating patagalin pa, let's apologize dahil mukha namang sinasabi ng lahat na ako ang may kasalanan. Ayoko lang lumaki ang gulo. At ang isa pang dahilan kaya ngayong umaga ko ito gagawin, ay dahil ayokong sumabay si Luke sa akin. Baka tulog pa yun dahil pagod, at buong araw silang wala kahapon, tapos anong oras na siya nakapagpahinga kagabi.

Or so I thought, dahil pagbukas ko ng pinto palabas ng silid ko ay naghihintay na ito sa labas.

"Greetings, My Lady." Bati ko kay Grachell ng makarating kami sa loob ng silid niya.

Luke also greeted her, halatang mas masaya siya nang sagutin ang pagbati ni Luke kaysa sa pagbati ko.

Looking at her, mukha namang maayos na siya. She's out of her bed, and currently reading a book.

"I came here to apologize about what happened yesterday. It seems, there was a misunderstanding at my end." Pagpapaliwanag ko. I also made a small bow.

"It's okay, My Lady. I know you didn't do it on purpose." There was a hint of sarcasm in her voice. Pero hindi ko nalang pinansin, my judgement must be clouded, dahil medyo naiinis ako na sumama si Luke dito.

Ngumiti nalang ako.

"I won't take your precious time, I'll take my leave now, so you can rest." Agad kong sabi, and made a courtesy.

Sa tuwing nagkikita kami ay hindi ko talaga maiwasang tingnan ang suot niyang kwintas na parating nakatago sa loob ng damit niya ang pendant. If my memory was right, suot nya din ang kwintas na ito in my previous life. Noong nakayakap siya sa braso ni Luke, when he announced the divorce.

Lumabas na ako ng silid niya pagkatapos, at agad namang sumunod si Luke sa akin.

"I'll be in my study, wife." Paalam niya at hinalikan ang kamay ko.

Hindi na ako sumagot at hinayaan lang siya.

That's right. Behave ka lang sa office mo.

I also went to my study, to do my duties. At dahil ako pa din ang Duchess, I have to manage the manor's budget, at iba pang bagay. Pero ilang minuto na akong nakaupo ay wala pa din akong natatapos kahit na isang dokyumento man lang, dahil lumilipad ang isip ko sa kwintas ni Grachell. Kumuha ako ng isang blankong papel at iginuhit ang pendant ayon sa pagkakaalala ko. Ilang oras din ata ang ginugol ko sa pagtitig sa iginuhit ko para lang maalala kung bakit sobrang pamilyar nito sa akin pero wala talagang pumapasok sa isip ko. Tumayo ako para lumipat sa sofa, dahil sumasakit na ang likod ko sa desk chair.

Pero ng malapit na ako sa sofa ay nabitawan ko ang papel nahawak ko. Akmang pupulutin ko na ito ng makita ko ito sa ibang anggulo. And a sudden flashback came to mind, nang meron akong hawak na libro at nahulog ito. Nang pinulot ko ito ay nakabukas ito sa isang pahina, kung saan ang kaparehong kwintas ay nakaguhit sa librong iyon. Agad akong tumakbo sa secret room at hinanap ang librong naalala.

My secret room is a total mess. May mga halaman pa pala akong hindi naliligpit doon at nalanta na. Only the books and documents are pilled accordingly, pero matagal pa din bago ko nakita ang hinahanap. Agad ko itong binuklat at hinanap ang pahina kung saan ko nakita ang kaparehong kwintas. Nang mahanap ay agad ko itong binasa. Nagulat ako sa nakasaad sa libro, at hindi makapaniwala. Upang makasiguro ay tiningnan ko rin ang ibang mga libro kung mayroon bang pagkakatulad sa mga nakasulat tungkol dito.

The necklace is a magic artifact.

Ayon sa libro, it's a rare magic artifact, made from the tears from Melusine. And who ever have it, can make someone fall deeply in love with them. And the effect last for a life time, and cannot be broken.

But it has one flaw.

Nanghina ang mga tuhod ko sa nabasa kaya agad akong napaupo sa sahig. Sigurado akong ito ang kwintas na suot ni Grachell. Niyakap ko ang sarili dahil nanginginig ang katawan ko. Hindi ko maintindihan ang nararamdaman. Natitiyak kong suot niya ang kwintas sa nakaraan kong buhay. Ibig bang sabihin nito ay ginamit niya iyon kay Luke noon? Pero panong... sa librong sinulat ni Reru... Love at first sight...

Napahilot ako ng sentido dahil sa sobrang pananakit ng ulo. Hindi ko mapigilan ang pagpatak ng luha dahil sa iba't ibang emosyong nadarama. Pero nangingibabaw ang galit. Hindi ko lang alam kung kanino ko dapat ibunton, kay Grachell ba na may-ari ng kwintas o kay Reru na nagsulat ng kwentong ito. Sobra naman atang kawalan ng hustisya ito, kung tama ang mga espekulasyon ko.

Wala akong ibang nagawa kundi ang iiyak ang sakit na nararamdaman.

At dahil siguro sa kakaiyak ay hindi ko namalayang nakatulog ako. Nang lumabas kasi ako ng study, ay tanghali na. Nanghihina at nanunuyo ang lalamunan ko, gawa ng kakaiyak. Buti nalang ng lumabas ako ng study ay naroon si Adellei. She's with a young maid, who is also wearing her winter uniform, at alalang alala ang mga mukha nila.

"Your Grace, are you alright?" Agad na tanong ni Adellei. She even fixed my disheveled hair, at ang mga buhok na dumikit sa mukha ko dahil sa pawis at luha. "Nag-alala kami dahil hindi ka sumasagot sa loob. You even skipped your lunch."

"I'm fine." Halos walang lakas kong sabi. I just want to go to my room. Pero ng muli akong humakbang ay nawalan ng lakas ang tuhod ko na para bang isang gulay, kaya napakapit ako sa braso ni Adellei. Agad naman niya akong inalalayan pero...

"Ack-" She let out a whimper.

"What's wrong?" Agad kong tanong.

"N-Nothing, Your Grace." Sagot niya. But she was biting her lower lip, as if enduring something.

Nakahawak pa din ako sa braso niya, kaya mas diniinan ko ang pagkakahawak dito. Walang kahit na anong lumabas sa bibig niya, but her face was distorted for a moment, bago niya sinubukang pakalmahin ang ekspresyon ng mukha. Agad kong itinaas ang manggas ng suot niyang uniporme, at tumambad sa akin ang mga galos sa kanyang braso at mga pasa.

"What is this?" Tanong ko.

"N-Nothing, My Lady. I just fell from the stairs." She faked a smile.

Agad akong lumapit sa isa pang katulong at itinaas din ang manggas niya. Pasa at galos din ang nasa mga kamay niya.

"Magsabi kayo ng totoo kung ayaw ninyong ihulog ko kayong dalawa sa hagdan!" I warned them.

"It's really nothing-" Hindi natapos ni Adellei ang sasabihin dahil lumuhod ang kasama niya sa harap ko.

"T-The maids from-" Nag-alangan pa itong magsalita. "L-Lady Grachell's maid did this, Y-Your Grace." Pagpapatuloy niya, at umiyak. Agad ding lumuhod si Adellei sa harap ko at hindi napigil ang mga luha.

What? Anong karapatan nilang saktan ang mga maids ko?

"Where are they?" Tanong ko.

"Your Grace, it's okay. It's our fault-" Hindi ko na tinapos pa ang sasabihin ni Adellei.

They are probably at the guess room with Grachell dahil mukha namang hindi nila nilulubayan ang amo nila.

Paakyat na sana ako ng hagdan ng makita ko silang tatlo na pababa. Agad na uminit ang ulo ko ng makita si Grachell, pero may iba akong dapat pagbayarin sa mga oras na ito.

"Good afternoon, Your Grace." Agad na bati ni Grachell ng makita ako. Pero hindi ko siya pinansin at nilampasan lang.

Napasinghap ang lahat ng nasa paligid namin ng bigla kong sampalin ang isa sa mga katulong ni Grachell.

"Your grace!" Gulat na gulat siya sa ginawa ko sa katulong niya.

Nang muling humarap ang katulong, at makabawi sa gulat ay sinampal ko naman ang kabilang pisngi nito.

"Your Grace, please!" Tumakbo si Adellei at ang kasama nito palapit sa akin.

Hinarap ko ang isa pang katulong at sinampal din ito. Katulad sa naunang katulong ay sinampal ko din ang kabila nitong pisngi.

Hindi ko titigilan ang mga to hanggat hindi dumudugo ang mga pisngi nila!

Mas lalong dumami ang mga tao sa great hall.

"Your Grace, why are you doing this to my maids." Her voice sounded like she's crying, pero wala namang mga luha.

Kasabay ng pagsabi niya ng mga katagang iyon ay ang pagdating ni Sir Marcus, at ni Sir Ross.

Isang sampal din ang ibinigay ko kay Grachell, na mas lalong nagpagulat sa lahat.

"Your Grace!" Agad na pumagitan si Sir Marcus, shielding Grachell against me.

"Move!" Binigyan ko siya ng masamang tingin.

"Your Grace, please calm down." Pumagitan na din si Sir Ross.

"Move!" Muli kong utos, giving the two commanders cold looks.

Nagkatinginan ang dalawa, at sabay na tumabi.

"What did I do wrong, Your Grace?" Agad na sabi ni Grachell habang umiiyak.

"You should teach your maids to know their place, Grachell." Sagot ko.

"I-I don't know what you're talking about, Your Grace." Patuloy pa din ito sa pag-iyak.

Tiningnan ko si Adellei at ang kasama niya. Mukhang naintindihan naman nila ang ibig kong sabihin, at sabay nilang itinaas ang manggas.

Napasinghap ang lahat sa nakitang mga pasa at sugat sa braso ng dalawa.

"I don't know what your talking about, Duchess Morrigan." Hikbi nito.

"So my maids are lying?" Sarkastiko kong tanong.

"I heard, her Grace is hurting the servants, and even the young Lady Zephyra. So who knows."

Nagpanting ang tenga ko sa narinig.

Sinasabi ba nya sa harap ng lahat na ako ang gumawa nyan kanila Adellei, at pinapasa ang sisi sa kanya? The audacity!

"My Lady, please tell me what happened." Sir Ross asked.

"Her maids did that!" Itinuro ko ang sugatang braso ng dalawa. "Her maids hurt my people! Hindi ako papayag na may mananakit sa nasasakupan ko!" I sounded like a different person, pero totoo ang sinasabi kong hindi ako papayag na may manakit sa kanila.

"I understand. Please calm down, My Lady." Sagot nito.

"No!" Mariin kong sagot kay Sir Ross.

Muli kong hinarap si Grachell.

"Get out!" Itinuro ko ang pinto palabas. "Pack your things, and get out!" Sigaw ko rito.

"What is happening here?" Sabay sabay kaming napatingin sa taong nagsabi nito.

Si Luke na nasa itaas, at nakasilip sa aming lahat na nasa ibaba.

"Your Grace!" Agad na tawag ni Grachell dito, na para bang nagpapaawa.

I clicked my tongue. Iniinis talaga ako ng babaeng to!

"Her Grace is accusing Lady Grachell's maids of hurting the servants, Your Grace." Maiksing paliwanag ni Sir Marcus kay Luke.

Accusing? Parang gusto ko ding sampalin si Sir Marcus. Bakit parang pinapanigan pa niya si Grachell? Kahit gano pa siya kaboto dito, o naiinis sa akin, hindi ba't dapat ay pumanig siya sa kung ano at sino ang nagsasabi ng totoo?

"I'm not accusing her, Duke. I'm telling the truth." Sagot ko naman.

"Please don't be like this, My Lady. What did I ever do to you, to deserve this?" Hinawakan pa niya ang pisngi, habang umiiyak.

Sa inis ay parang gusto kong hilahin ang espadang nasa bewang ni Sir Ross at itutok iyon sa lalamunan ni Grachell.

Pero sa halip na gawin ang iniisip na iyon ay lumapit ako kay Grachell saka hinablot ang suot niyang kwintas, at itinapon iyon sa sahig.

"Y-Your Grace!" Natataranta niya itong pinulot.

"Alam mo ba kung bakit hindi tumatalab kay Luke ang magic artifact na yan?"

Nanlaki ang mga mata ni Grachell sa sinabi ko.

The tears of Melusine has only one flaw.

Agad akong tumingin kay Luke.

"Do you like me, Your Grace?" Napakuyom ako ng mga palad.

Hindi ito tatalab kung may iba nang mahal ang lalaking paggagamitan mo nito. Hindi kailangang mahal mo ang taong iyon, even a small interest will null the effect of the artifact.

Hindi siya sumagot.

Nagkaroon ng bulong bulungan sa paligid namin.

Alam ng lahat na walang kahit na katiting na pagmamahal si Luke sa akin.

"Do you like me, Luke?" Ulit kong tanong.

_____CHAPTER 18_______

Charot, drama yarn? Haha

Chapter 18 is out. Thanks for all the votes, comments, and rl ninyo.

By the way, wanna ask something. Ano ang 🚩🚩🚩 para sa inyo sa isang ml? Maliban sa cheating?

VOTE. RL. COMMENTS.
are highly appreciated
╮(. ❛ ᴗ ❛.)╭







Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top