#3 - Our Second Encounter
Nasa kusina ako ngayon habang nakahalumbaba at nakatingin sakanilang dalawa.
Bigla nalang dumating si uncle kaya hindi ko naalis yung cap noong lalaki.
Kapag tumitingin saakin si uncle ay umiiwas ako at alam ko na masama ang tingin niya saakin dahil sa nangyari sa bisita niya.
Aba malay ko ba na may bisita siya hindi manlang siya nagsabi saakin. At isa pa ngayon lang ata siya nagdala ng bisita dito kapag kasi may bisita siya sa labas or sa office niya sila naguusap.
Anong oras na ba.
Napatingin ako sa orasan at mag 5 pm na kaylangan ko nang pumunta sa 2nd part time job ko.
Agad akong nagpaalam kay uncle at saka nagmadaling umalis.
Nako! Patay ako neto lalo't ang boss ko eh masyadong masungit. Bat naman kasi umuwi ka pa eh dat dumeretsyo ka nalang sa 2nd part time job mo. Pagrereklamo ni Haneul sa kanyang sarili, habang tumatakbo.
----------
Muntikan na akong malate ngayon dahil sa kakaisip kagabi ng life span na nakikita ko sa mga tao. Kahit sa mga kaklase ko nakikita ko din yung kanila.
Sinubukan kong tignan yung akin mula sa salamin ngunit wala. Ano pa ba nga maasahan ko, eh unlimited ang buhay na meron ako.
Well ang aga ko magsabi ng "Muntik na akong malate" kahit wala pa ako sa classroom at nasa hallway na natakbo papunta sa classroom ko. Masama ang pakiramdam ko na naguumpisa na ang klase, dahil wala na akong makitang kahit sinong estudyante dito sa labas, ng biglang-
Wow ha grabe san ba galing tong dalawang to dito pa nga sa unahan ko nagkabangaan. Buti nalang at napapreno kaagad ako sa pagtakbo ko kung hindi ako ay madasamay sa kanila. Nilagpasan ko nalang sila at muling tumakbo.
Huminga muna ako at pinakalma ang aking sarili dahil sa pagtakbo ko. Bubuksan ko na ang pinto ng may humawak saaking balikat kaya napalingon ako.
"Patay" bulong ko dahil nasa likod ko lamang naman ay si miss.
"Go-good morning miss" bati ko.
"Halatang tumakbo ka ah" sambit niya at saka niya inalis ang pagkahawak niya saaking balikat. Siya muna ang pumasok at saka ako, agad akong pumunta saaking upuan. Habang mga kaklase ko ay nagsibalikan na sa kanilang tunay na pwesto.
"GOOD MORNING CLASS!" Masiglang bati niya. Ganon din ang pagbati namin sa kanya. Sa sampong teacher na meron kami or mga twenty hindi ko sure, basta siya yung pinakang mabibong teacher. Ni hindi ata yan napapagod sa ginagawa niya araw araw.
"I HAVE GOOD NEWS!" Nakangiting sabi niya.
"WALANG PASOK?!" Hirit ng isa naming kaklase.
"NO! WE HAVE A NEW TRANSFERED STUDENT. PLS COME INSIDE!" All our attention was in the door. Waiting for that person to enter, but no one enter. Nagtaka na si ma'am so she check if the student is still outside and sudenly someone enter at the backdoor.
Nagkatinginan kami, but I'm the first one to avoid. Nagsitinginan ang mga kaklase ko sa likod dahil sa ingay na ginawa niya.
"I'm the new student. Akala ko eto yung front door. Mali pala" he said. Nagkagulo ang mga kaklase kong babae, dahil may itsura ang bagong kaklase namin.
---------
Mabilis natapos ang klase ngunit may meeting pa kami para sa festival na magaganap. Hindi ko sure kung kaylan pero kaylangan ko nang makatakas.
Dahil pinapapunta ako ng maaga ni boss sa 7/11 kaylangan daw kasi umuwi ng maaga ni may, eh saktong maaga ang awas namin ngayon kaya kaylangan ko magala ninja.
Pasimple akong naglakad habang nasa likod ko ang aking bag. Dahan dahan para hindi sila makaramdam. Nasa unahan man yung president namin at nagpapaliwanag, pero busy naman siya kaya hindi niya ako napapansin.
Pabukas na ako ng pinto dito sa back door, ng may humigit ng bag ko. Napalingon kaagad ako, laking gulat ko at yung bagong lipat kanina ang nasa likod ko at hawak hawak ang aking bag.
"Bitawan mo" bulong ko sa kanya. Habang siya naman ay sumesenyas na hindi niya marinig.
"Pupunta akong clinic ma-masakit yung ulo ko" pagdadahilan ko sa kanya. Nakahinga naman ako ng maluwag ng bitawan na niya ang aking bag. Ngunit sa kasamaang palad, nagsalita siya ng malakas dahilan para mapatingin saamin ang mga kaklase namin saamin.
"Pres! Samahan ko lang siya masakit daw yung ulo. Kaya kaylangan niya pumuntang clinic!" Sigaw niya kay pres. Hindi naman alam ni pres kung anong gagawin niya napabaling nalang ang atensyon niya saaming dalawa at napatango nalang siya.
Kaya lumabas na kami.
Problema kaya ng isang to at umepal. Hindi ko naman siya inaano eh. Baka gusto lang din niyang tumakas. Naglakad nalang ako papalabas ng school ng bigla siyang magsalita.
"Oh akala ko sa clinic ka pupunta?" Napalingon naman ako sa kanya.
"Hindi ba halata na tatakas lang ako. Eh ikaw nga eh nakisabit ka lang naman saakin pagtakas" sambit ko habang nginunguso yung bag na nasa likod niya at saka ako naglakad ulit.
Hindi ko alam kung nananadya ba siya dahil kanina pa niya ako sinusunda kahit dito sa 7/11 nakaupo siya ngayon at taimtim na kumakain sa kanyang pwesto.
Hindi ko nalang pinansin baka may hinihintay siya. Pero ng matapos ang part time hob ko ay nanduon parin siya.
Nagpaalam na ako kay Rey at saka lumabas ng store. Naulan nanaman, at wala nanaman akong payong.
"Do you now remember me" muntikan nang tumalon yung kaluluwa ko sa aking katawan dahil sa biglang sulpot niya sa tabi ko, ni hindi ko manlang naramdaman.
-----------
To be Continue......
July 14 2021
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top