Third Swipe


Third Swipe

Rocco: "Let me tell you something: Right now...I'm behind you."

Muntikan ko nang maibagsak ang phone ko nang mabasa ko ang message niya. My heart skipped a beat at hindi ko malaman kung lilingunin ko ba siya o magkukunyaring hindi nabasa ang message niya at dire-diretso na lang na aalis.

Pero bago pa ako makapag-decide, may tumapik sa braso ko.

Shit.

Dahil wala na naman akong choice, nilingon ko na yung tumapik sa akin and then I saw...him. I recognized him immediately dahil ilang beses kong tinignan ang mga photos niya.

The eyeglasses, the messy hair, that cute awkward smile. Plus, he's also wearing a Lord of the Rings shirt na pinatungan niya ng red na jacket.

"Hi..." nagaalangan niyang bati sa akin.

"R-Rocco?"

Tumango siya, "Liana?"

I nod.

"Oh...so you're really working here," sabi niya.

Tumango ulit ako. Feeling ko kasi umurong ang dila ko at parang hindi ako makapagsalita.

"I-I see," sabi niya at kita ko rin sa mukha niya na para bang pinagsisisihan niyang nakita ako. "Naka-check in kami ng family ko dito ngayon. Naalala ko kasi parang nabanggit mo one time na dito ka nagtatrabaho."

Gusto ko nang sapakin ang sarili ko kasi tanging tango lang ulit ang nasagot ko.

Ano ba, Liana! Tango ka nang tango. Mag salita ka nga huy!

"S-sige, yun lang. Binati lang kita," sabi ni Rocco. "Balik na 'ko."

Nag wave siya sa akin at tinalikuran na ako. Nakatitig lang ako sa likod niya habang naglalakad siya palayo at gusto ko talagang sapakin ang sarili ko. Ni hindi man lang ako nagsalita. Ni hindi ko nga ata siya nginitian. I just stared at him like I'm some kind of a freak.

Mamaya hindi na ako i-message ni Rocco. Mamaya na creep out na yun sa akin.

Sayang, gustong-gusto ko pa naman sana siyang kausap.

Napabuntong hininga ako at tumalikod na rin. Inis na inis ako sa sarili ko dahil sa inaksaya kong chance.

"Liana!"

Agad akong napalingon sa tumawag sa akin at nakita ko si Rocco na nagmamadaling maglakad pabalik dito sa kinatatayuan ko.

"Uhm, b-break time mo ba? Gusto mo bang mag dinner kasabay ko? Christmas eve naman. M-my treat! Kahit dito lang mismo sa hotel para kung uncomfortable ka lumabas kasama ko at least alam mong dito, safe ka. Pero kung gusto mo lang naman. Okay lang sa akin kung hindi at na-i-ilang ka---"

"Rocco," pagputol ko sa sinasabi niya at nginitian ko siya. "I only have an hour left bago matapos yung break ko. Order na tayo?"

Nakita ko ang paglaki ng ngiti sa labi ni Rocco, "Let's go?"

Tumango ako at sumunod sa kanya.

~*~

Hindi ko alam kung bakit parang lahat ng kadaldalan namin ni Rocco kapag magkausap kami through Tinder ay biglang naglaho ngayon. Alam ko ang dami-dami naming napagkukwentuhang dalawa. Hindi kami nauubusan ng topic.

Samantalang ngayon...

Napatingin ako kay Rocco. Katulad ko, nakapako na lang din ang tingin niya sa phone niya. Mukha atang sumuko na rin siya sa pakikipagusap sa akin. Pareho kaming walang imikang dalawa at ramdam ang awkwardness sa isa't-isa.

Mali ata na pumayag akong sumabay ng dinner sa kanya.

"So...until what time ang duty mo?" tanong niya.

"Until morning na," sagot ko.

"Ah, talaga nga na dito ka na mag Christmas eve."

"Oo nga eh."

Katahimikan ulit. Natataranta ang utak ko na mag-isip ng ibang topic pa ulit. Nakaka-pressure. Hindi ko 'to gusto.

"Ikaw? Dito na kayo magpapasko?"

Tumango siya, "Oo. Tradition na sa'min yun. Yearly."

"Ah..."

Silence.

Pareho ulit kaming yumuko at tumingin sa phone. Nakakainis.

Alam ko talaga ang dami naming topic na napaguusapan, eh. Pero bakit ngayon wala akong maalala ni-isa? Alam ko ang dami kong gustong i-kwento sa kanya at tanungin sa kanya. Pero ngayon na nasa harap ko na siya, hindi ko magawa. Pinangungunahan ako ng hiya.

Siguro nga parehong-pareho kami ni Rocco.

Nabanggit niya sa akin before na socially awkward din siya tulad ko. Napagusapan pa nga namin na ang contradicting ng trabaho ko kasi dito sa work ko, I need to deal with people. But work is work. Pag outside work na, tahimik na tao lang talaga ako. Ayokong ayoko na naiiwan kasama ang isang tao na hindi ko naman gaano ka-close kasi pressured akong mag-isip ng topic na pwede naming pagusapan. Well, except kay Jane kasi ang tagal ko na siyang kaibigan at kilala na niya ako na tahimik. Sa aming dalawa, siya ang mas maraming kwento. At comfortable na siya na minsan talaga, hindi ako umiimik.

At sabi ni Rocco, ganun din siya. Kaya ayan, pareho kaming tahimik ngayon. At hindi ito yung klase ng katahimikan na comfortable. Ito yung klase ng katahimikan na gusto kong takasan at mas prefer ko pang mag-isa na lang. Halos hindi ko nga ma-digest ang kinakain ko ngayon dahil ilang na ilang ako.

Baka nga kami ni Rocco, kami yung klase ng mga taong mas na-o-open namin ang sarili namin kung hindi namin kaharap ang isa't-isa.

Nakakalungkot isipin, but I like him more nung nakakausap ko siya sa Tinder kesa ngayon na nasa harapan ko siya.

Napatingin ako sa orasan and I still have fifteen minutes bago mag-in pero gusto ko na talagang umalis.

"Uhmm... Rocco, n-nagtext kasi yung friend ko. Kailangan ko nang bumalik."

Napa-angat ang tingin niya at medyo nakonsensya ako nang makita kong biglang lumungkot ang expression sa mukha niya.

"G-ganun ba?"

"Oo eh."

"Sige..."

Kumuha ako ng pera sa wallet ko para pambayad sa kinain ko pero pinigilan niya ako.

"W-wag na, wag na. It's my treat."

"Pero---"

"Hindi. Okay na. I invited you. It's my treat."

"Thank you. Nice meeting you," sabi ko sa kanya.

Nginitian niya ako, "Nice meeting you too, Liana."

Tumayo na ako at nag-wave na ako sa kanya.

Nung naglalakad na ako paalis, bigla niya akong tinawag ulit.

"Liana!"

Nilingon ko siya.

"Merry Christmas."

I smiled at him, "Merry Christmas."

~*~

"Girl! You should have told me para sumama ako!" sabi ni Jane after kong i-kwento sa kanya ang nangyari sa unexpected dinner namin ni Rocco.

It's Christmas morning at nandito siya ngayon sa kwarto ko. Madalas na mag-celebrate si Jane dito sa amin kapag Christmas dahil nasa ibang bansa ang parents niya. Kapag New Year naman, nandoon siya sa bahay ng tita niya.

"Ano ka doon? Chaperone ko?"

"Hindi naman ako magpapakita! Nasa kabilang table ako at itetext ko sa'yo yung mga dapat mong sabihin! Grabe kayong dalawa, nagtitigan lang kayo habang kumakain?" hindi makapaniwalang sabi ni Jane.

"Hindi kami nagtitigan. I can't even look at him in the eye."

"Para kayong shunga! Moment niyo na yun, eh. Ni hindi man lang kayo nagusap?"

Umiling ako. "Eh hindi ko naman alam ang sasabihin ko."

"Dapat kinausap mo siya about dogs, o yung librong pareho niyong gusto. O yung tungkol sa favorite band niyo. Kung nagagawa niyo yun nang hindi kayo magkaharapan, kaya niyo rin gawin yun in person."

Mas lalo tuloy akong nainis sa sarili ko dahil sa sinabi sa akin ni Jane. Oo nga naman. Dapat tinanong ko siya about dogs. Dapat kinausap ko siya about Lord of the Rings. Damn! I noticed his shirt. Sana sinabi ko sa kanya yun.

Nakakainis.

Bakit pagdating kay Jane ang dali lang ng mga bagay na yun? Pero pag ako na, lagi akong hirap na hirap.

Sometimes, I envy her self-confidence. Lalo na yung ability niya na kayang-kaya niyang makipagusap sa mga tao na akala mo longtime friend na niya kahit kaka-meet pa lang nila.

"Di bale friend," sabi ni Jane. "Next time, babawi tayo."

Nginitian ko lang si Jane.

Sana nga may next time pa.

~*~

It's been two days since nung magkita kami ni Rocco. After that, hindi na siya nag-message sa akin.

Iniisip ko, siguro kasi holiday. Busy sa family. Busy mag-celebrate.

But then dumating ang December 26 kaso wala pa rin. At ngayon, December 27 na, wala pa rin siyang message sa akin.

Nag send ako...isang simpleng 'hi' pero walang reply.

Mas lalo tuloy akong nalungkot. Ewan. Kahit hindi maayos ang pagkikita namin, gusto ko pa rin naman siya makausap.

Siguro na-turn off na yun sa akin kaya ayaw niya nang makipagusap sa akin. Kung sabagay, for sure naman doon sa nangyari nung Christmas Eve, iisa lang ang nasa isip namin---never na naming gugustuhin na makita ang isa't-isa. At ano pang use ng paguusap namin kung wala na naman kaming balak makita ang isa't-isa.

Siguro nga yun yung pinaka madaling gawin. Yung basta na lang siya mawawala at hindi mag-re-reply sa akin.

Yung parang ginawa lang sa akin ni Richard. Yung after kong mahulog sa kanya, after kong umasa nang sobra na gusto niya rin ako, bigla kong malalaman na may iba na siyang nililigawan. Tapos nagbago na rin ang pakikitungo niya sa akin. Halos hindi na siya namamansin unlike dati na sobra ang pagka-caring niya. Tapos ngayon, parang bigla na lang siyang umalis sa buhay ko.

Bwiset. Parehong-pareho sila.

"Liana!"

Napatingin ako sa mama ko na nakakunot na ang noo sa harapan ko.

"Sabi ko, anong kulay ang mas okay? Yung blue o red?" tanong niya habang hawak-hawak ang dalawang magkaparehong blouse pero magkaiba ang kulay at ipinapakita ito sa akin.

Nasa mall kami ni mama ngayon at sinasamahan ko siyang mamili ng bagong damit.

"Kahit ano ma. Isukat mo na lang pareho."

"Text ka kasi nang text, eh. Sino ba yang kausap mo?"

"Wala ma. Si Jane lang."

"O sige, isusukat ko muna 'to. Wag kang cellphone nang cellphone diyan. Mamili ka na rin ng damit."

"Opo."

Pumasok na si mama sa dressing room at ako, tinignan ko ulit yung Tinder app ko.

Burahin ko na kaya 'to para hindi na ako ma-distract? Para hindi maya't-maya, aantayin ko kung may message ba sa akin si Rocco.

I was about to delete the app nang biglang may bumangga sa akin kaya naman nabitiwan ko ang phone ko.

"Ay shit!"

"Sorry! Sorry!"

Pinulot nung nakabangga sa akin yung phone ko at inabot niya sa akin.

Pero ako, napatulala na lang.

Ano 'to, joke time? May nanti-trip ba sa akin ngayon? May galit ba ang tadhana sa'kin?

"Richard..."

"Uy! Liana! It's you!" masigla niyang sabi. Ngiting-ngiti siya na parang ang saya niyang makita ako. Na para bang hindi niya ako nasaktan at napaasa.

Kung sabagay, mukhang clueless nga talaga siya. Mukhang ako lang nag assume na gusto niya ako noon.

Pero punyemas naman, bakit kailangan ko pa ulit siyang makita kung kelan nag-move on na 'ko?

"'Musta ka na?" nakangiting tanong niya.

Gago, eto broken dahil sa'yo. Leche ka.

Nginitian ko rin siya, "Okay lang naman. Ikaw?"

"Ayos lang din," sabi niya nang hindi nakatingin sa akin, instead para siyang may hinahanap. "Ay wait!"

Bigla siyang umalis sa harapan ko at may nilapitang isang babae.

Napapikit ako.

This isn't happening.

Bumalik si Richard sa harapan ko kasama yung babaeng nilapitan niya.

"Liana, si Sunshine pala, girlfriend ko. Sunshine, this is Liana, my friend."

Shit shit shit. Manhid kang hayop ka! Napakamanhid mo! Ikaw na ang pinaka manhid na taong nakilala ko. Grabe ka! Grabe ka talaga! Ang sarap mong sampalin para makaramdam ka naman!

Ngumiti ako kay Sunshine at nakipag kamay, "Nice meeting you."

"Hi Liana!" masigla niya namang sabi.

Agad akong tumingin sa phone ko at nagkunyaring may nag-text.

"Ah wait, I have to go," sabi ko sa kanila at bago pa sila makasagot, dali-dali akong lumayo sa kanila.

I texted my mom na nagpunta lang ako ng restroom at magkita na lang kami doon sa kakainan namin.

Agad naman akong dumiretso sa CR ng girls dahil naiiyak na ako.

Nakakainis naman. Akala ko okay na ako, eh. Akala ko ayos na. Akala ko nung mga panahong nakakausap ko si Rocco, nakakalimutan ko na talaga si Richard.

Pero ngayon, na-realize ko na ang sakit pa rin pala talaga. Sobrang sakit pa rin.

Kinuha ko ang phone ko at nag message ako kay Rocco.

Liana: "Let me tell you something: Nakita ko yung lalaking nanakit sa akin. I thought I've moved on pero ang sakit pa rin pala. Pinakilala pa niya sa akin yung girlfriend niya. Grabe ang sakit. Sobrang sakit."

Liana: "And also...namimiss na kitang kausap. I'm sorry kung hindi maganda yung una nating pagkikita at hindi ako katulad nung babaeng nakakausap mo rito. Iba ako sa personal :("

After I sent my messages, naghilamos ako at pilit kong pinakalma ang sarili ko para wag mahalata ni mama na umiyak ako.

Hindi naman nakahalata si mama. After namin kumain, nag libot-libot ulit kami. Maya't-maya akong tumitingin sa phone ko kung nag message si Rocco pero wala.

Nakauwi na ako't lahat pero wala pa rin siyang message.

Natapos na ang araw, hindi pa rin siya nag-re-reply sa akin.

Dumating ang kinabukasan, pero wala pa rin.

And that's the time na nag-give up na ako.

Alam kong hinding-hindi na nga talaga siya mag-re-reply.

To be continued...

AN:

Last chapter na ang next chapter!! Ngayon pa lang, salamat po sa lahat ng mga nagbabasa! I'll post the last chapter next week kaya abangan niyo po :)

Question of the day: naranasan niyo na rin ba yung naranasan ni Liana? Yung may kaibigan kayong sobrang niyong ka-close the all of a sudden, bigla na lang kayong hindi nagusap?

-- sad fact: ilang beses ko nang naranasan yun :'(

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top