Fourth Swipe

Let Me Tell You Something

(A Tinder Story)

written by Aly Almario (Alyloony)

Fourth Swipe

Masyadong gwapo. Masyadong vain. Masyadong maraming sinasabi sa sarili. Ito namang isang 'to walang matinong selfie. Puro yung abs ang ipinapakita. Alam kong nakakapang-akit ng babae ang abs. Pero minsan mas okay na ang taong walang abs basta masaya kausap, hindi yung puro abs lang ang laman ng utak.

Halos maibato ko ang phone ko dahil sa sobrang frustration ko.

Kanina pa ako tumitingin sa Tinder pero wala akong makita na type ko. Lahat naka left swipe sa akin. Lahat hindi interesting. Walang nakaka-catch ng attention ko.

Napabuntong hininga ako.

Sa totoo lang, marami naman akong nakitang matinong profile kanina. Pero ewan ko ba, para bang hinahanapan ko sila ng mali. Naghahanap ako ng dahilan para i-left swipe ko sila.

O naghahanap ako ng dahilan para ihalintulad ko sila kay Rocco.

"Baka si Rocco ang hinahanap mo," sabi ni Jane na nag-la-laptop sa tabi ko.

Naki-overnight na naman siya rito sa bahay namin. Feeling ko nga natatakot lang siyang iwan ako mag-isa kasi down na down ako lately. Hindi ko alam kung tingin ba sa akin ng kaibigan kong 'to ay suicidal ako.

"Hindi ko na hinahanap si Rocco. Ba't ko hahanapin eh ayaw na ngang mag-reply sa'kin?"

"Pero tignan mo naman, kung choosy ka dati, mas naging choosy ka pa ngayon. Ni wala kang mapili sa kanila. Ganyan talaga kapag nahanap mo na ang perfect match mo. Ayaw mo nang tumingin sa iba."

"Gaga. Maka-perfect match ka naman. Sadyang gusto ko lang nakakausap si Rocco. Yun lang. Nagkakasundo kami sa mga bagay bagay. Wag mong gawan nang meaning. Alam mo naman..." I trailed off.

"Na ano? Si Richard pa rin ang type mo?"

Hindi ako umimik.

"Minsan hindi ko maintindihan kung anong meron kay Richard at hindi mo siya makalimutan. O baka naman ipinipilit mo na lang na mahal mo pa siya para lang mapagtakpan yung pinaka latest mong disappointment?"

"Sino naman? Si Rocco? Bakit naman ako ma-di-disappoint eh hindi ko naman talaga siya totally kilala. Kumbaga, na-expect ko nang mangyayari 'to."

Biglang humiga sa tabi ko si Jane at nginitian ako.

"But you can't deny na namimiss mo siya," ngiting-ngiting sabi ni Jane.

Napailing na lang ako habang nakangiti, "Oo na. Namimiss ko na. Alam ko namang hindi mo 'ko titigilan hangga't hindi mo naririnig ang gusto mong marinig."

Natawa si Jane, "Ikaw kasi, ba't hindi mo hiningi ang number?"

"Eh ba't ako ang unang manghihingi ng number niya? Tsaka kahit naman may number na niya ako, kung ayaw naman niyang mag-reply sa akin, hindi pa rin yun mag-re-reply."

"E 'di hanap na lang tayo ng ibang pogi. Mas marami pa diyang mas pogi at mas masaya kausap, maniwala ka."

Kinuha ni Jane ang phone ko at siya ang nag browse ng mga profiles doon. Siya na rin ang nag decide kung right swipe ba or left swipe. Pero hinayaan ko na lang siya.

Tama naman siya.

Wala akong ibang pipiliin kung hindi si Rocco lang.

Pero katulad nang kay Richard, bakit ko nga ba laging ipinagpipilitan ang sarili ko sa taong ayaw naman sa akin?

~*~

"Tinder ka nang tinder. Right swipe ka nang right swipe. Kapag naman may naka-match ka, dinededma mo naman. Para ka ring timang 'no?" inis na sabi sa akin ni Jane.

"Hindi ko sila type eh."

"Pero nag right swipe ka sa kanila."

"Na turn off ako sa unang message nila sa akin."

"Wow! Eh itong si Dino, hi lang ang sinabi sa'yo, na turn off ka doon? Ibang klase ka."

Hindi ako umimik at sumimangot lang ako.

"I-message mo ulit si Rocco," sabi ni Jane.

"Ayoko nga!"

"Dali na. Wala namang mawawala."

"Ayoko nga, Jane. Ayokong mangulit sa kanya. Kung gusto akong kausap nun, matagal nang nag reply sa akin yun. Kaso hindi. Hayaan na natin siya."

~*~

Liana: "Let me tell you something: you're a jerk! And you're not exactly what I was expecting you to be. Maybe I'm also not the girl you're expecting me to be pero sana na-inform mo ako kung bakit ayaw mong mag reply sa akin. Ayos lang yun. At least I know you're okay. And I...miss you."

I deleted everything at hindi ko sinend sa kanya yun kahit sobrang na-te-tempt na ako.

Para saan pa?

Pero nakakainis kasi sa kabila ng hindi niya pag re-reply sa akin, nakuha ko pa ring mag-alala sa kanya.

"Liana! Lumabas ka na diyan sa kwarto mo! Aba'y mag bagong taon na, nagmumukmok ka pa rin diyan!" sigaw ni mommy.

Napatingin ako sa orasan. Thirty minutes na lang, bagong taon na. At hindi ko pa rin siya nakakausap.

Lumabas ako ng kwarto at sumama sa salu-salo naming pamilya. Pagpatak ng alas-dose, lahat kami nasa labas na at sinalubong ang bagong taon.

Habang lahat sila ay busy sa panunuod ng mga fireworks display, pa-simple kong inilabas ang phone ko mula sa aking bulsa at nag-message kay Rocco.

Liana: "Happy New Year."

Wala pa rin akong nakuhang reply.

~*~

It's been a week ever since we celebrated New Year. Dalawa't kalahating linggo ever since nung huli naming conversation ni Rocco. Nawalan na talaga ako ng pag-asa.

Sa loob ng dalawang linggo na yun, wala akong ibang ginawa maya't maya kung hindi tumingin sa phone ko kung nag message na ba siya o hindi. Medyo nakakapagod na rin. Medyo nakakainip na. At ewan ko ba kung bakit asa pa ako nang asa. At dahil hindi na nga ito maganda, naisipan ko nang burahin ang Tinder app ko.

Kaso malakas mantrip ang tadhana. Kasi kung kelan decided na ako, bigla na lang may pumasok na message sa phone ko.

And it's from Rocco.

Rocco: "Let me tell you something: I was out of town in the last couple of days. My phone got snatched that's why I wasn't able to message you. Kabibili ko lang ng bagong phone ngayon at sorry talaga hindi kita na-reply-an nung nag message ka tungkol doon sa lalaking nanakit sa'yo. I'm really sorry. I hope you're okay now. Hindi ko masasabing wag mo nang pansinin yung lalaking yun kasi alam ko na hindi ganoon kadali yun. Pero siguro ganito na lang ang isipin mo. Siguro kaya nakita mo siya ulit ay dahil kailangan mong ma-realize na wala na talaga. Na kailangan mo na nga talaga mag-move on. Sorry ah? Mukhang ewan akong mag-advice. Sa totoo lang, hindi ko forte ang pagbibigay ng love advice sa mga tao. Pero sana kahit papaano nakatulong ako sa'yo."

Rocco: "At yung about sa pagkikita nating dalawa. It was my fault. Alam kong nabigla ka. I'm really sorry for being so awkward. I should have talked to you more. I want to let you know that I still want to see you again."

Ilang beses akong kumurap habang tinititigan ko ang phone ko at nakita ko ang message ni Rocco sa akin. Hindi pa rin ako makapaniwala sa nababasa ko. Ilang beses ko itong pinaulit-ulit kasi feeling ko niloloko ako ng mga mata ko.

Nag-message si Rocco. Si Rocco ba talaga 'to? Siya ba talaga 'tong nag-message sa akin?

Totoo ba 'to?

Am I just hallucinating?

Liana: "Let me tell you something: I'm really glad that you messaged me again. Akala ko ayaw mo nang makipagusap sa akin after our awkward encounter. And sorry din ha? Hindi ako makapagsalita. Pinangunahan ako ng hiya. About your love advice...it was probably the most comforting advice I've ever heard. At least someone knew it wasn't easy."

Rocco: "Of course I know it's not easy. Kasi kung madali, naka-move on na rin ako sa kanya."

Napangiti ako nang bahagya. Masama man pakinggan, pero ang comforting malaman na hindi lang ako nag-iisa sa nararamdaman ko. May isa ring taong nararanasan ang nararanasan ko at naiintindihan niya ako.

I love Jane and I love how supporting she is to me. But when it comes to falling in love, feeling ko hindi pa niya ako maiintindihan. Pakiramdam ko kasi hindi pa na-i-inlove ng sobra ang best friend ko na yan to the point na hirap na hirap siyang mag-move on.

Liana: "Let me tell you something: Next time, fall in love with a girl who loves dogs."

Rocco: "Let me tell you something: I will---someday."

~*~

It's my off today. Buong araw akong nakahilata sa kama ko habang nakikipagusap kay Rocco. Parang balik sa dati kung saan naging daily routine ko na ang pakikipagusap sa kanya.

Rocco: "Favorite movie genre?"

Liana: "Depende sa mood, eh. Right now, mas gusto ko ang horror, psychological thriller, at crime movies."

Rocco: "Umiiwas sa romance?"

Liana: "Medyo. Hahaha."

Rocco: "Sige. I'll watch a movie with that kind of genre. Can you suggest any?"

Napaisip ako bigla. Ano kayang maganda?

Ah, alam ko na!

Liana: "Napanood mo na ba ang Old Boy? If not, ayun ang panuorin mo :) May dalawang version yan. Yung American and Korean. Kung gusto mo nang mas nakakabaliw, I suggest you watch the Korean version."

Rocco: "Hindi pa! Sige, Old Boy it is!"

Liana: "Message mo ako after mo manood ah?"

Rocco: "Of course :)"

Ibinalik ko ang atensyon ko sa pelikulang pinanonood ko. It's a suspense thriller pero ngiting-ngiti ako na parang sira dito.

Nakakainis. Bakit ba ganito? Ang saya ko kapag kausap si Rocco. Ang komportable ko sa kanya. Para bang lahat ng nasa isip ko, nasasabi ko sa kanya. Hindi naman ako ganun in person.

Naalala ko tuloy bigla yung unang beses na nagkita kami. Ang awkward, ang uncomfortable, halos hindi kami naguusap.

Then naalala ko yung message niya—he still wants to see me again. Hindi niya sinabi kung kailan pero kasi kinakabahan ako. Baka mamaya kapag nagkita ulit kami, ganun ulit ang mangyari. Walang imikan, masyado kaming mahihiya sa isa't-isa.

Parang mas okay na ata yung ganito? Yung hindi kami nagkikita?

After a few hours, nakatanggap ulit ako ng message kay Rocco.

Rocco: "LIANA!!! LIANAAAAAAA!!!"

Liana: "What? Why?"

Rocco: "YUNG OLD BOY!!"

Napatawa ako nang bahagya dahil alam ko kung bakit ganyan na lang reaksyon niya.

Liana: "Ang ganda, 'di ba? Hahahaha."

Rocco: "I was--blown away. Ang twisted! Ang twisted talaga!"

Liana: "Same reaction nung napanuod ko yan. My mind has never been blown so hard until I watched that movie!"

Rocco: "Same here! But you know what? I can tell you something mind blowing. Mas mind blowing pa sa twist ng Old Boy."

Liana: "Sige nga. Ano yun?"

Rocco: "Okay, let me tell you something, Liana. I was actually...thinking of inviting you to come with me to the Cupid's Ball tomorrow night."

At tuluyan kong nabitawan ang phone ko.

~*~

"I'm freaking out! Hindi ko alam ang i-re-reply ko. Ano ba? Go ba? Hindi ba? Wag na lang kaya? Mamaya matulad na naman sa nangyari dati. Naloloka ako. Hindi ko na alam kung paano!" sabi ko kay Jane mula sa kabilang linya.

"Friend, relax okay? Relax. Niyaya ka niya sa Cupid's Ball?"

"Oo."

"Go na!"

"Pero kasi---!"

"Walang pero pero. 'Di ba ang tagal mo nang inantay 'to? Excited na excited ka sa Cupid's Ball na na-hopia dahil kay Richard? O eto na ang pagkakataon mo."
"Pero nga kasi---!"

"Wag mo nang isipin yung nangyari sa first meeting niyo. Pareho kayong nabigla noon, 'di ba?"

Natahimik ako. May pagaalangan pa rin sa akin.

"I know you're scared na hindi siya katulad ng taong nakakausap mo. Pero paano mo malalaman kung hindi ka makikipagkita ulit sa kanya? 'Tsaka nandoon din naman ako sa Cupid's Ball, bakla. Naka duty ako. Malapit na akong maging Employee of the Year!"

Medyo natawa ako sa sinabi ni Jane.

"Grab the chance na. Sayang, eh," pag-encourage pa niya.

Napabuntong hininga ako.

Alam ko naman na gusto ko ring makipagkita sa kanya. Pinangungunahan lang talaga ako ng takot.

"Tingin mo...okay lang?"

"Oo naman! Gora na!"

Napangiti ako.

"Okay... okay... sige. Mag-re-reply na 'ko sa kanya."

Narinig kong nagtititili si Jane mula sa kabilang linya. Halata mong mas excited pa siya sa akin. Natatawa-tawa akong nagpaalam sa kanya then ni-reply-an ko na si Rocco.

Liana: "Rocco, may gusto akong sabihin sa'yo na mas mind blowing sa sinabi mo---I will go to the Cupid's Ball with you :)"

~*~

"Ayan! Perfect dress, perfect make up, perfect hair. Ang ganda mo, bakla! Ikaw na!" sabi ni Jane nang puntahan ko siya sa lobby ng hotel.

Maaga akong pumunta rito dahil ang best friend ko, nagpumilit na siya ang mag-aayos sa akin.

"O yung phone mo dala mo ha?" tanong ni Jane.

Inilabas ko sa pouch ko ang phone ko at ipinakita ko sa kanya.

"Good. Basta, lagi mo dapat hawak yan. Pag may emergency, just text me, okay? Wag kang aalis ng hotel. Cutie man si papa Rocco, pero hindi pa rin natin siya ganun kakilala. It's better to be safe than sorry. Wag iinom ng alak, madali kang malasing. At kung feeling mo masyado nang awkward at gusto mo siyang takasan, just text me okay? Pupuntahan kita at itatakas sa kanya."

Napangiti ako kay Jane dahil kita ko ang grabe niyang pagka-concern sa akin.

"Salamat, ah?"

"Ay naku! 'Tsaka ka na mag thank you kapag naging successful itong gabi mo! Sige na girl, gora na! Back to duty na ako!"

Naglakad ako papuntang event's hall at nakita kong medyo marami na ring tao.

Kinuha ko ulit ang phone ko to text Rocco at para tanungin kung nandito na ba siya nang marinig kong may tumawag sa pangalan ko.

"Liana?"

Napaangat ang tingin ko and my heart sank nang makita ko siya.

"Sunshine?"

Yung girlfriend ni Richard. Ibig sabihin....nandito sila?

"You're here!" ngiting-ngiting sabi sa akin ni Sunshine.

"I-ikaw rin..." tumingin ako sa likod niya. "Kasama mo si Richard?"

Tumango si Sunshine, "Of course. He's my boyfriend so it's natural na kasama ko siya."

Napayuko ako. Shit. Paano ko ba i-e-excuse ang sarili ko? Ayokong makita ako ni Richard.

"Liana, nakwento ka sa akin ni Richard."

Bigla ulit napaangat ang tingin ko kay Sunshine.

"T-talaga? Anong sabi niya?"

"Sabi niya, you have feelings for him. I don't know what you're doing here, pero sana wag ka nang umasa sa kanya. He loves me."

Nagulat ako sa sinabi ni Sunshine. Hindi ako makaimik.

So Richard knew my feelings towards him. So hindi pala siya manhid. Aware naman pala siya.

At kahit aware siya, harap-harapan niya akong sinasaktan.

Hindi siya manhid--he's cruel and heartless.

At itong babaeng nasa harapan ko, kaparehong-kapareho niya.

Huminga ako nang malalim while trying my best to calm myself. Feeling ko kasi any minute maiiyak ako.

Bakit ang babaw ng luha ko? Bwisit!!

"H-hindi dahil sa kanya kaya ako pumunta rito. I'm with---someone."

She smirked at me, "Oh really? Sino?"

"Sunshine?"

Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ko ang boses ni Rocco. At katulad ko, gulat na gulat din siyang nakatingin sa akin at kay Sunshine.

"R-Rocco...?" sabi ni Sunshine.

Hindi ko na kailangang tanungin kay Rocco kung bakit kilala niya si Sunshine. His expression says it all.

Siya yung babaeng nanakit sa kanya.

"Liana?"

Wow. Wow talaga.

Napatingin ako sa harapan at nakita ko naman si Richard na takang-taka na nakatingin sa akin.

"Richard..."

Lumapit si Richard kay Sunshine at inakbayan niya ito. Si Rocco naman, pumunta sa tabi ko.

"You're here," sabi ni Richard sa akin.

"Magkakilala kayo?" tanong ni Sunshine kay Rocco.

Pareho kaming hindi umimik ni Rocco.

Gusto ko nang umalis. Gusto kong iwan sila. Gusto ko nang mag-walk out.

Nagulat ako nang biglang hawakan ni Rocco ang kamay ko. Napatingin ako sa kanya and he is smiling at me.

"Sorry I'm late," sabi niya sa akin.

"N-no. You're just right in time."

"Let's go?"

Tumango lang ako and I let him lead me palayo sa dalawang taong nanakit sa amin.

~*~

Nandito kami sa may garden ng event's place, magkatapatan kami sa table near the pool at parehong walang imikan. Katulad ng una naming pagkikita. At parang umuurong na naman ang dila ko. Hindi ko alam ang sasabihin ko.

Ito na nga ba ang ikinakatakot ko.

Hawak-hawak ko ang phone ko at titig na titig ako dito. Nagdadalawang isip na ako kung ite-text ko ba si Jane o hindi.

Wala pa kaming isang oras na magkasama.

Biglang nag vibrate ang phone ko at nagulat ako nang makita kong nag-message si Rocco sa akin.

Rocco: "You ok?"

Napangiti ako nang bahagya at napatingin sa kanya. He's smiling at me.

That cute awkward smile.

I replied to him.

Liana: "I'm fine. You?"

Rocco: "I'm okay. So...ayun ang lalaking nanakit sa'yo?"

Mag-re-reply na sana ako sa kanya pero nagulat ako nang hawakan niya ang wrist ko kaya napatingin ako sa kanya.

"W-wait... don't answer my question."

"H-ha?"

Kinuha niya ang phone ko at inilapag niya ito sa gitna ng table. Ganun din ang ginawa niya sa phone niya.

"Let's talk."

Umayos ako nang upo at huminga nang malalim.

"O-okay, l-let's talk," sabi ko.

"Liana, let me tell you something," he breathed deeply. "That girl over there, siya yung babaeng nabanggit ko sa 'yo dati. She's the reason why I was hurt. Siya yung dahilan kung bakit biglang napa-install ang pinsan kong babae ng Tinder sa phone ko at pinilit akong i-try ang app na 'to."

Tumango ako.

"Let me tell you something," sabi ko sa kanya. "Y-yung lalaki na kasama ng babaeng love mo, siya yung lalaking nanakit sa akin. Siya yung reason kung bakit nilagay ng best friend ko ang Tinder app sa phone ko at pinilit niya akong i-try ang app na 'to."

Biglang lumawak ang ngiti ni Rocco. Nagkatinginan kami, at pareho kaming natawang dalawa.

"Para tayong sira," sabi niya sa akin.

Mas natawa ako, "Sobra! Para tayong sira."

"So...si Sunshine at Richard pala ang dapat natin pasalamatan kasi sila ang dahilan bakit natin nakilala ang isa't-isa?"

"Isama mo na sa pasasalamatan mo ang pinsan mo at best friend ko."

Natawa ulit kaming dalawa. Parang biglang nawala yung awkwardness na bumabalot kanina sa amin. Mas naging at ease ako kay Rocco.

"Yung shirt mo pala nung first time tayong nagkita, ang ganda," sabi ko sa kanya.

Napangiti siya sa akin, "Thank you. Nagdalawang isip ako kung tatawagin kita that time but, I really wanted to talk to you. Wrong move. Masyadong maaga."

"Okay lang yun. Kinakabahan din ako nun."

"Alam ko naman na mukha akong kidnapper."

Napatawa ako sa sinabi niya, "Hindi! Sira! Hindi dahil doon. Hindi ko lang alam ang sasabihin ko."

"Me too. Nakakatawa ang dami nating pinaguusapan pero nung nagkita tayo nun, wala tayong masabi sa isa't-isa."

"Yun nga, eh. Para tayong sira."

Biglang may nag-play na music at pareho kaming napatingin ni Rocco sa loob. Nagsimula na ang party.

Tumayo siya then he offered his hand, "Let's go inside?"

I took his hand at tumayo na rin ako.

Rocco and I enjoyed the night. And I just realized, kung totoo man ang pamahiin about parties and balls, Rocco will be with me for the rest of my life. Maybe as a friend? Ayoko munang isipin na as a lover. But I'm happy na nakilala ko siya. I'm happy na sa dinami-rami nang makaka-match ko sa Tinder, siya ang naka-match ko.

That night, before kami umuwi, may sinabi sa akin si Rocco.

"Liana, let me tell you something.."

"What is it?"

He smiled at me, "I want to meet you again."

Napangiti rin ako.

"Let me tell you something---me too."

END

Aly's note:

YES. BITIN. Hahahaha. Kahit ako rin medyo nabitin sa pagsusulat nito. Hopefully maduktungan balang araw pero sa ngayon, hahayaan ko muna sa mga imaginations niyo kung saan nahantong ang "friendship" ni Liana and Rocco. <3

Maraming maraming salamat po sa pag suporta sa story na 'to. Nakakatuwa na yung iba nakumbinsi ko mag sign up sa Tinder. Wahahaha. Sana makahanap din po kayo ng real friend sa app na yun. <3

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top