Chapter 1
Sirius
Hindi ko na namalayan ang oras dahil sa pagkakatulala dahil sa nangyari, like sino ba kasing hindi malulutang jusko.
Sumasakit na ulo ko, lalo at may maingay na panay daldal sa tabi ko simula kanina pa.
"Sirius, teh! Para kang sinasapian diya'n, mapanis laway mo niyan." Pasigaw na may kasamang irap pa ang ibinigay niya sakin.
Hindi ko naman kasi siya kilala kung hindi ko nakita iyong name plate niya sa uniform, bestie siguro sila ni Sirius pero kasi paano ko ipapaliwanag sa kanya na hindi ako iyong bestie niya?!
"Ano nga ulit sinasabi mo?" Takhang tanong ko dito.
Umirap 'to, "Pe-pektusan kita eh, sabi ko, if ever na itutuloy mo sumali sa mga activities next week. May social week kasi 'diba? Nakaraang buwan mo pa iyon pinaghahandaan teh, don't me ha?"
"Uh, hindi ako sure." Nag-aalangan na umiwas ako ng tingin sa kanya.
Mukhang active person si Sirius ah, shala naman!
"Ha? Anong hindi ka sure? Nagpalista ka na nga last week eh? Na-amnesia ka teh?" Pinanlakihan pa ako nito ng mata.
Shet naman, Sirius!
"A-Ah oo, sasali pala ako. Lutang lang, saan nga ulit ako sasali?" Ayan kabobitahang taglay.
Pinanliitan ako nito ng mata, "Teh, feeling ko need mo ng ipa-albularyo. Ano ba nangyayari sa 'yo ate ko?" Hindi nito sinagot iyong tanong ko.
"Gaga ka, anong albularyo? Loka ka talaga, tara na nga." Tinawanan ko na lang siya at saka nagpatiuna ng lumabas.
May mga sinabi pa siya pero hindi ko na pinakinggan, malamang ay tungkol lang yon sa mga albu-albularyo thingy.
Pero teka lang, ano ba kasing hinihimutok ko? Bida na nga ako dito oh? Sa libro pa ng favorite author ko, bakit nag-iinarte pa ako?
Yes, perfect ang life ko sa real world but ano naman kung i-enjoy ko ang buhay ni Sirius?
Okay fine, from now on hindi na muna ako si Kim Aira Fabian. Si Sirius na muna ako, mapag-panggap ang ate mo ngayon, bukas, at magpakailanman. Si oa.
"Hoy, Sirius! Uuwi ka na?" Hinihingal na hinabol ako nitong bestie ni Sirius na bestie ko na rin.
Sino ba siya? Tungeks ka ate q, may id ang loka oh.
Astra Seren Reagan, ay shala ng pangalan. Pang miss universe ang atake ah.
Tinignan ko naman ito, "Oo teh, gusto mo mag-sleep over?" Para-paraan Sirius ah!
Well, hindi ko kasi alam saan ako nakatira.
"So sudden ha? Pero bet, since tapos na ang exams natin sa major at mga research papers na super dami. Desurb natin mag-unwind." Ngumiti ito at nauna pa sa akin pumunta ng parking lot.
Shala, may parking lot? Mayaman ata si Sirius ah. Pagkapunta namin duon, nakita ko na huminto si Seren sa tapat ng isang Raize na sasakyan.
"Manong, paki-hatid po kami sa bahay nila Sirius. Ime-message ko na lang po si Mommy na mag-sleep over ako sa kanila."
Tumango lang iyong driver at saka ini-start na ang sasakyan, so, si Seren pala ang mayaman.
Palaisipan ang buhay ni mareng Sirius, average girlalu lang ba or super hirap?
Hindi rin naman kasi branded ang gamit na dala-dala ko ngayon, panigurado ay hindi gaanong mayaman si Sirius. Magka-iba sila ni Seren, siya kasi iyong phone, iphone. And kung papansinin mo, halos lahat ng gamit niya may pangalan. Kahit nga payong, istetik.
Iyong phone ni Sirius, basag pa ang screen protector.
"Should we buy something muna? Like snacks?" Bumaling ito sa 'kin.
Patuloy pa rin na umaandar ang sasakyan at siyempre hindi ko alam kung saan patungo.
"Ay sige, para habang nagmo-movie marathon tayo may nginangata."
Tumango-tango naman ito at saka sinabi na sa driver nila.
Ilang minuto nga ang lumipas at nasa tapat na kami ng Dali Store, meron rin pala nito dito? Shala ni Sean ha. Ka-agad rin kaming pumasok dahil unti-unti na rin pumapatak ang ulan. May nakapag-sabi ba sa inyo na ayaw ko sa ulan? Like it brings chaos sa mga taong malapit sa mga ilog or any bodies of water kung sakaling lumakas at magtuloy-tuloy.
Habang nag-iikot-ikot kami para hanapin ang mga gustong pagkain ay bigla akong nilingon ni Seren.
"By the way, Teh. May pogi sa room, feeling ko bagay kayo." Humagikhik pa ito.
"Loka ka, pero sino do'n?" Natatawa kong sagot.
"Si Rigel Campbell, nerd ng major natin. The mighty Caelum Rigel Campbell, pero iyong friend niya...uh sino ba iyon?" sandali itong tumingala sa kisame ng naturang grocery store.
Pumitik ito sa ere, "Si Caspian Arche Spinster, pogi teh. Makalaglag panty, well parehas naman sila ni Rigel. Pogi na, parehas pang batak sa Acads. Ano pa ba aasahan mo sa mag-bestfriend?" tumawa ito at saka ipinagpatuloy ang pag-kuha ng isang balot ng Clover.
Oh sure, Seren. To avoid conflicts siguro sa buhay ni Sirius, iwas na muna sa love life, although I know naman na sila ang love team here sa fiction world 'no. Pero as fiction lover girly, I know rin na sa isang story hindi nawawalan ng kontrabida, most of them are in love sa male leads, so no.
"Puro ka kalokohan, Seren. Study first ako." Tinawan ko siya at saka pumila na sa counter pagkatapos makuha ang tsi-tsiryang gusto ko kainin para mamaya.
Ilang beses niya pa ako kinumbinsi na kesyo pogi at matalino ang dalawang lalaki na kanina niya pa binabanggit, ngunit nanatili akong matigas sa isipin na baka madeds ako here kapag hinayaan ko na mahulog ako isa man sa dalawa hanggang sa makarating na lang kami sa tapat ng isang simpleng bahay. Simple lang siya, iyong tipong iisipin mo talaga na pang-average family lang ang naturang bahay.
May gate naman ito at ang structures ng bahay ay minimalist lang, sa pag-iikot ko ng aking paningin sa kabuohan ng bahay ay sa mismong pinto nito ay may lumabas na isang ginang. Sa tingin ko ay mga nasa thirty plus na ito, nakapusod ang makapal nitong buhok, may singkit na mga mata at may maputing mga balat.
Marahil ay siya na ang ina ni Sirius, ngunit bakit iba ang pakiramdam ko? Parang walang excitement o kung ano pa man, ang tanging nararamdaman ko ay sakit at pag-kailang. Feelings kaya ito ni Sirius para sa mama niya? Pero bakit?
"Hija, andito ka na pala. May bisita ka palang dala, halika at pumasok na kayo sa loob," tumingin ito kay Seren at pagkatapos ay inilipat sa akin ang tingin.
Pagkatapos magmano at ng makaupo na si Seren sa kusina ay sinenyasan ako ng ginang na sumunod sa kanya patungo sa isang silid, pagkapasok na pagkapasok pa lang ay hinarap na ako nito agad habang nakakunot ang noo.
"Alcyone, ano na naman ba iyon? 'Diba sabi ko sa 'yo ay huwag kang magdadala ng bisita dahil magagalit ang Papa mo? Antigas talaga ng ulo mo na bata ka." Galit nitong tinuran habang nakatingin na parang anlaking kasalanan ang nagawa ko sa pagdala kay Seren.
Napaka-interesting naman ng buhay ni Sirius, typical na cinderella type ang atake.
"Bakit naman po magagalit si Papa?" Takhang tanong ko rito.
Umismid naman 'to.
"Alam mo na ayaw niyang may ibang tao na pumupunta rito sa bahay. Hindi mo ba 'yon maintindihan?"
Ay so ang atake ni mareng Sirius sa bahay nila ay puppet? At walang karapatan maging masaya dahil nga ayaw ng Papa niya, ganuon ba? Cinderella ba si Sirius? Jusko ha.
"Pasensya na po, gagawa lang naman po kami ng isang assignment sa major. Hindi naman po kami mag-iingay or what." Mahinahong paliwanag ko rito ngunit muli lang ako nitong inismiran bago muling magsalita.
"Siguraduhin mo lang, Alcyone. Ano palang balita sa paghahanap mo ng trabaho?"
Trabaho? Bakit maghahanap ng trabaho? Hindi naman sila mukhang hirap na hirap ah?
"Po?" Tanging naisagot ko rito dahil sa pagtataka.
"Ang sabi ko kako, kung nakahanap ka na ng trabaho para naman ay kahit papaano may maitulong ka sa amin sa mga gastusin dito sa bahay. At saka alam mo naman na marami kaming utang gawa ng iginastos namin sa tuition ng Kuya mo, kung wala ka pa rin nahahanap ay mapipilitan ka talagang huminto." Diretsahan nitong isinagot at saka tinalikuran na ako.
Narinig ko pa na kinausap niya si Seren pero wala duon ang naging tuon ng isipan ko. Hindi normal na 'Cinderella' story ang buhay ni Sirius, upgraded version pala.
And it was all Sean Leo's fault! Siya writer nito eh, talaga naman.
Bumaba ang tingin ko sa aking suot na I.D at pinagmasdan ang nakangiting mukha ni Sirius sa 2x2 picture niya na nakadikit duon, Phoebe Sirius Alcyone Arden aba ay kaygandang pangalan para lang makaranas ng inequality sa pamilya niya. Wala namang taong deserved maranasan ang kung anong masasakit na bagay, we all deserve to breath, to be freed from pain and griefs or sorrows...Sirius, doesn't deserve this. Her name supposed to burning or glowing, wherever she go.
Sirius was meant to glow like the most brighter star in the universe.
Pero ang tanong, keri ko ba maging siya?
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top