CHAPTER 3 (Till I Meet You)
Hindi makandaugaga sa kakamura si Yvo habang pababa siya ng hagdan ng kanyang opisina. Isang two-storey building ang kanyang tinutuluyang opisina dahil iyon ang gusto niya. Ayaw niyang makita ang mga taong nagtatrabaho sa kanyang kompanya sa hindi malamang kadahilan o ayaw niya lang mismong aminin sa sarili niya.
Nang tuluyan na siyang makalabas sa kanyang opisina ay agad na hinanap ng kanyang mga mata ang dalaga ngunit wala na ito kung saan niya huli itong nakita. Parang masasabunutan niya mismo ang kanyang sarili sa galit at pagkairita. Kung hindi ba naman siya tanga kanina na nag-aksaya siya ng ilang segundo sa itaas na parang timang siguro ay naabutan niya ito.
Ipinikit niya ang kanyang mga mata at marahang nagpakawala ng hininga. Iyon ang kanyang gawain kapag muhang sasabog na siya sa galit. Hindi niya alam kung pinaglalaruan siya ng tadhana ngunit isa lamang ang sigurado siya na hindi na mauulit.
Kapagka nakita niya ulit ang dalaga ay titiyain niyang hindi na niya ito papakawalan pa.
Muli siyang bumalik sa loob at saktong pagpasok niya ay ang siya namang pagtunog ng kanyang selpon hudyat na may tumatawag. Agad naman niyang tiningnan kung sino ito at hindi nga siya nagkamali dahil si Zyer ang tumatawag.
Sa ikalimang ring ay sinagot niya na ito. "Ba't ang tagal mong sagutin ang tawag ko?" salubong agad sa kanya.
Napahilot siya sa kanyang sentido at napapikit. "Anong kailangan mo?" tanong niya na hindi pinansin ang kanyang tanong.
Dinig naman niya ang kanyang pagbuntong-hininga marahil ay may hindi na namang maganda ang nangyari rito. "Naghahanap ako ng resort na pwede kong matambayan ng mga iilang araw. Kung maaari sana ay okupado ko lamang ito," sagot niya sa kabilang linya at napangiti naman siya sa kanyang itinugon.
Alam niyang sa mga nagdaang araw ay hindi na ito minsan makapag-isip ng maayos at kahit niya man alam ang dahilan ay kailangan na pa rin itong tulungan.
"I'll arrange it for you. Kailan mo ba gustong magbakasyon?" tanong niya habang papaakyat sa kanyang opisina.
Nang matapos ang kanilang usapan ni Zyer ay ibinilin niya sa kanyang sekretarya ang pag-aayos ng resort para kay Zyer.
"Mr. Razon anong oras po kayo aalis para sa program ng St. Elizabeth?" tanong ng kanyang sekretarya na siyang ikinakunot naman ng kanyang noo.
Muntik na niyang nasapo ang kanyang noo dahil muntik na niyang malimutan ang program na siya pa mismo ang special guest doon. Program ito ng mga nagda-dialysis sa nasabing hospital na siyang tutulungan niya sa pinansyal.
"I nearly forgot. I'm not late yet?" tanong iya habang abala na sa pagsulot ng kanyang coat hindi na siya mag-aabalang mag-ayos pa dahil ayaw na ayaw niyang nahuhuli sa kanyang mga lakad.
Naging okupado siya masyado sa mga bagay-bagay na wala naman siyang makukuha. Oras na rin siguro upang bumalik siya sa kanyang huwisyon.
"You still have time, Mr. Razon before the program starts," sagot naman ng kanyang sekretarya at agad naman niyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at tuluyan nang umalis.
NANG makarating siya mismo sa naturang programa ay hindi pa naman pala ito nagsisimula ngunit marami ang paroo't parito na mga tao halatang abala.
"Mr. Razon, magandang araw. Nakatutuwa na nandito na po kayo. Dito po tayo," wika ni Dr. Velasco and Medical Director ng hospital.
Tumango naman siya bilang tugon at nakita niya rin ang mga iilang mga dialysis patients. Tulong niya ito sa kanila dahil ika nga ng mga matatanda na kapag nakakaahon ka sa buhay at magaganda ang mga nangyayari sa iyo ay kailangan mo rin itong ipamahagi sa iba kahit sa mga iilang paraan, maliit man o malaki. Iyon naman ang turo ng kanyang ama.
Nagsimula ang programa at ipinakilala siya. Isa-isa niya ring kinamayan ang mg pasyenteng tuwang-tuwa sa kanyang tulong at bago magtapos ang programa ay muli siyang pinasalamatan."Nais naming ipahayag ang aming taos-pusong pasasalamat kay G. Razon para sa kanyang bukas-palad na tulong pinansyal sa bawat isa sa aming mga medikal na pangangailangan. Ang suportang ito ay gagawa ng napakalaking pagbabago sa pagbibigay-daan sa ating lahat na ma-access ang kinakailangan at nagliligtas-buhay na pangangalaga. Lubos naming hinahangaan ang kanyang kabaitan, pakikiramay, at pagiging maalalahanin, na sumasalamin sa napakaraming indibidwal sa komunidad na hindi kayang bayaran ang kanilang sariling mga gastos sa paggamot. Salamat muli mula sa lahat dito!" mahabang lintanya ni Dr. Velasco at nagsipalakpakan naman ang lahat ngunit bago matapos ang programa at handa na siyang umalis ay may biglang nakakuha sa kanya ng atensyon.
Agad namang tumakbo ang mga nakaantabay na mga nars at napako ang kanyang atensyon sa isang babaeng pasyente. Maputla ito at payat halatang bagong pasyente dahil hindi pa ito umiitim gaya ng iba. Bata pa at bakas ang kanyang kagandahan lingid sa pisikal niya ngayon.
Nahabag ang damdamin ni Yvo nang makita niya inaasikaso ng mga nars at isang doktor. Kaya tama lamang ang kanyang desisyon na tumulong siya rito. Aalis na sana siya nang may biglang bumukas ng pinto na may kalakasan at agad na tumakbo kung saan naroroon ang babaeng tila hirap sa paghinga.
"Anong nangyari sa kapatid ko?" mangiyak-ngiyak na saad ng dalaga ngunit hindi nito makita ang mukha dahil nakatalikod ito.
Biglang bumilis ang kabog ng kanyang dibdib dahil pamilyar ang boses na iyon sa kanya. Hindi siya mapakali at tiningnan niya ito ng husto kahit nakatalikod. Mulo ulo hanggang paa at iginiya siya ng kanyang mga paa patungo sa kanilang direksyon.
Habang papalapit siya nang papalapit ay mas lalong kumakabog ng husto ang kanyang dibdib. Ayaw niya munang tumalon sa konklusyon na sinasabi ng kanyang isipan ngunit malakas ang kanyang kutob na ang nasa harapan niya ngayon ay ang dalagang hindi niya maialis sa kanyang isipan.
Mismong tadhana na ang gumagawa ng paraan upang magkita at mapalapit sila sa isa't-isa at hindi iyon sasayangin ni Yvo.
Papalapit nang papalapit na siya sa kanilang direksyon at nasa pangit man silang sitwasyon ngayon ay wala siyang pakialam. Kabisadong-kabisado niya ang buhok ng dalaga, buhok na siyang hinila-hila niya noong gabing iyon.
"Miss Sandoval, pumunta po muna kayo ngayon sa admitting section kailangan nating i-admit ang iyong kapatid ngayon. Kami na ang bahala rito. Ipahanda mo na rin ang kanyang kwarto at kailangan ay nasa pribado siyang kwarto na malapit sa nurse station kung maaari dahil monitoring siya ngayon sa kanyang lagay. Huwag ka na munang mag-alala sa mga gastusin, dali na," mahabang lintaya sa kanya ng nars na nag-aasikaso sa umanong kanyang kapatid.
Umatras si Yvo at binigyang daan ang pagharap ng dalaga na agad namang nagmamadaling lumakad patungo umano sa admitting section.
Kitang-kita niya ang mga luhang umaagos sa kanyang mga mata. Alam na rin niya kung saan siya hahanapin mamaya.
PUBLISHED UNDER UKIYOTO PUBLISHING
You can now order the book po maaaring mag-comment lang po rito o pumunta sa aking facebook page @Heitcleff upang malaman kung papaano umorder 💜 Maraming salamat po sa suporta! May freebies giveaway po tayo 💜💜💜
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top