CHAPTER 25 (Green-Eyed-Monster Engagement)

Tahimik na nakauwi sina Yvo at Astrid at hindi sila mismo sa bahay nito kung nasaan si Ericka umuwi kundi sa isang rest house na mayroong kalayuan pa ng kaunti. Hindi na rin nagtaka si Astrid sa bagay na iyon at hindi na rin siya nag-aksaya ng kanyang enerhiya upang makipagtalo pa dahil sa huli't-huli ay wala pa rin naman siyang laban dito.

Ngayon lamang nakita at nahawakan ni Astrid si Yvo at masasabi niyang may nagbago rito sa kanya dahil tila namayat ito ng kaunti. Tila gugol na gugol ito sa trabaho o baka naman sa ibang mga bagay. Hindi mapigilang hindi mapaismid ni Astrid sa sulok sa naisip na iyon dahil baka si Celestine ang ikinakabahal nito nang mahigit sa isang buwan.

Lihim siyang nasasaktan habang iniisip ang bagay na iyon. Hindi niya alam kung ano nga ba siya sa buhay ni Yvo at kung may karapatan ba siya sa mga bagay-bagay tulad ngayon na nasasaktan siya at nagseselos.

Hindi niya alam na ngayon ang uwi ng binata at nagtataka rin siya kung papaano niya nalaman kung nasaan siya sa mga oras na iyon. Inaamin niyang nasisiyahan siyang makitang muli si Yvo ngunit hindi sa ganoong paraan. Napahiya si Angelo sa kanya at hindi niya iyon nagustuhan. Hindi nga niya pinapakialam ang tungkol sa kanila ni Celestine.

Napabuntong-hininga naman si Yvo dahil hindi umiimik si Astrid at tila ba galit na galit ito sa kanya. Isang buwan din kasing hindi siya nagparamdam dito kaya naiintindihan niya iyon ngunit ang makita siyang may kasamang iba ay ibang usapan na rin iyon. Hindi niya lubos maisip kung ilang araw na silang magkasama ng lalaking iyon. Kilala niya si Angelo Gonzales dahil naging kliyente niya na rin ito ngunit sa mga oras na iyon ay tingurian niyang hindi niya ito kilala.

Nang maglapat ang balat niya sa balat ng dalaga ay inaamin niyang sabik na sabik siya rito. Tama nga ang ama niya mahal na nga niya si Astrid at ngayon ay nag-iinit siya sa galit kapag iniisip niyang may ibang kasama ang dalaga lalo pa at lalaki ito.

"Since when did the two of you start hanging out?" basag niya sa katahimikan at hidni man lang nag-abala ang dalag na tapunan siya ng tingin.

Hindi ito umimik sa halip at naghalukipkip pa ito sa sulok walang balak na pansinin ito. Napabuga naman ng hangin ang binata dahil sa inis.

"Hindi mo ako maiiwasan mamaya Astrid, at kahit na anong iwas mo ay sasagot at sasagot ka pa rin sa akin," wika niya na ikiirap ni Astrid sabay harap dito.

"Isang buwan kang hindi nagparamdam at kahit sagot lang sa mga mensahe ko sa iyo ay hindi mo man lamang magawa. What do you expect me to do welcome you? I tried to contact you, but you made no attempt to contact me," wika niya at galit na galit ang ekspresyon nito na siyang ikinangiti lamang ni Yvo. "Anong nginingiti-ngiti mo riyan? Ikaw pa ang may ganang ngumiti? Nambabastos ka ba? Anong ginawa mo roon na hindi mo man lang magawa na sumagot sa mga text ko? Abala ka ba talaga sa trabaho o abala ka sa ibang mga bagay tulad ni Celestine?" dagdag pa niyang pasigaw at halatang inis na inis na siya.

Malapit na sila sa kanilang paroroonan kaya agad naman itong pinaharurot nang husto ni Yvo. Nagulat naman si Astrid dahil sa bilis nila kaya agad siyang napahawak sa braso ni Yvo dahil sa kaba.

"Magdahan-dahan ka Yvo at baka may masagasaan tayo," ani niya ngunit hindi iyon pinansin ng binata.

Wala ng mga sasakyan sa lugar na iyon dahil sa lugar na kung nasaan sila ngayon ay pagmamay-ari niya at isa itong pribadong lugar. Hindi pa lamang ito alam ni Astrid.

"I thought you like it faster," wika naman ni Yvo at napangisi ng pagkaloko-loko. Agad naman siyang hinampas ni Astrid sa kayang braso at doon ay dahan-dahan na ang pag-andar ng sasakyan.

Tanaw agad ng dalawa ang isang napakagandang bahay na isang resthouse lamang. Simple lamang ito na may dalawang palapag at may kombinasyon ng kulay kahoy at puti. Nagtataka si Astrid na napalingon sa binata. Hindi niya pa alam ang lugar na ito. Agad na lumabas sa sasakyan ang binata na may kaunting ngiti sa kanyang mga labi.

"Anong ginagawa natin dito?" tanong niya nang pagbuksan siya ni Yvo ng pinto.

"We are going to talk," tipid niyang sagot at agad na naglakad patungo sa loob.

Napalingon ang dalaga sa kanilang pinanggalingan at masyado na pala silang malayo sa kabihasnan. Halos hindi siya makapaniwala na ang lupang kinatatayuan niya ay pagmamay-ari nila.

Pagkapasok nang pagkapasok nila sa loob ay naroroon si Yvo at seryosong nakaupo. Itinuro niya ang isang upuan na sinasabing dapat din siyang maupo. Wala rin naman siyang magagawa kaagad din naman niyang tinugon ang utos nito sa kanya.

"I want you to listen to me first and please shut your mouth. Huwag mo akong pangunahan sa lahat. Makinig ka muna sa mga sasabihin ko kung bakit hindi ako nagparamdam ng halos isang buwan," mahabang lintanya niya at halatang seryoso ito.

Tumango naman si Astrid dahil wala naman silang patutunguhan kapagka naglaban pa siya at gusto niya ring malaman ang dahilan kung bakit hindi nga ito nagparamdam man lang. Lilisan lamang siya sa lugar na iyon kapag hindi siya komporme sa magiging dahilan ng binata.

Namayani ang katahimikan sa pagitan nilang dalawa bago nagsalita si Yvo.

"Alam kong mali ako sa bagay na iyon . . . ang hindi magparamdam ng mahabang panahon at humihingi ako ng kapatawaran mo. Inaamin kong naging duwag ako sa aking nararamdaman para sa 'yo. Hindi ko sinunod ang sinisigaw ng puso ko I know it really sounds cringy but that is the truth. Mas sinunod ko ang utak ko at doon ako nagsisisi at dahil doon ay parang naaagaw ka na sa akin," wika niya habang titig na titig sa mga mata ng dalaga.

"Kaibigan ko na noon pa man si Angelo at-" agad siyang natigilan nang putulin ito agad ni Yvo.

"I said listen to me first. Save your energy you'll need it later," ani niya at agad namang napalunok ang dalaga at parang napatango-tango na lamang siya. "Ang dahilan kung bakit hindi ako nagparamdam ay dahil sa hinanap ko na muna ang sarili ko. Noong araw na nagpakita si Celestine ay tila ba bumalik ang lahat ng aking naging nakaraan at agad kitang nakita. Naduwag at natakot ako sa aking nararamdaman kaya itinuon ko na lamang ang aking buong atensyon sa trabaho and trust me walang may nangyayari sa amin ni Celestine. Hindi ko ginusto na magkasama kami sa isang proyekto dahil kung ako lang ang masusunod ay hindi ko talaga siya kukunin. Kahilingan iyon ng kliyente namin kaya iyon ang maing sinunod. Naging duwag ako sa aking nararamdaman. Takot akong sumugal na baka maulit ang lahat ng mga nangyari sa akin ngunit alam ko namang iba ka sa kanya. Ibang-iba ka Astrid, ako lamang itong tanga," ani niya na parang nangungusap ang kanyang mga mata.

"Mahal na mahal kita, Astrid," wika niya at dahan-dahang tumayo ito mula sa kanyang pagkakaupo at naglakad patungo sa direksyon ng dalaga habang may kinukuha ito sa kanyang bulsa.

Para namang nahipnotismo ang dalaga dagil sa mga tingin ng binata sa kanya. Hindi niya halos maipaliwanag ang kanyang nararamdaman nang marinig niya iyon kay Yvo. Kumakabog nang husto ang kanyang dibdib dahil ganoon din siya sa binata. Mahal na mahal niya ito higit pa sa kanyang inaakala.

Napasinghap naman ang dalaga sa gulat nang lumuhod si Yvo sa kanyang harapan na may hawak-hawak na maliit na itim na kahon sa kanyang palad. Dahan-dahan niya itong binuksan at napaawang ang kanyang bibig nang malamang isa itong singsing, isang napakagandang singsing.

Isa itong rare ring na minsan lamang kung ipagawa, ito ay ang Alexandrites ring stones na nagiging kulay emerald sa araw at ruby ​​sa gabi. Ang mga alexandrite mula sa berde o asul na berde sa ilalim ng liwanag ng araw ay nagiging pula o purplish na pula sa ilalim ng maliwanag na maliwanag na ilaw. Bihira lamang ito at ito agad ang pinili ng binata bilang engagement ring niya sa dalaga.

"If you accept my love, this will be our engagement ring; I chose this ring because your beauty shines radiantly at any time of day or night. Ang pagmamahal ko sa iyo noong una pa lang ay iba na. Minahal na yata kita noon pa noong unang kita ko pa lang sa iyo noong kolehiyo pa lamang tayo. Hinanap kita kahit saan at kung hindi mo alam ako ung laging nang-iiwan ng tip sa kung saan ka waitress hanggang sa umalis ako ng Pilipinas para mag-aral sa ibang bansa. I never thought na magkikita pa tayo noong gabing iyon at kinabukasan ay walang humpay akong hinanap ka. I was afraid I was going to lose you again, but then I found you," mahabang lintanya niya at hindi na namalayan ng dalaga na lumuluha na pala siya dahil sa mga binatawang kataga ng binata.

Napangiti naman si Yvo at bahagyang pinunasan ang mga luha ng dalaga gamit ang likod ng kanyang kamay. "Will you marry me?" tanong niya at agad naman siyang sinunggaban ng dalaga ng yakap at siniil ng halik.

"Hindi ko aakalain na mamahalin ako ng isang tulad mo. Mahal na mahal din kita, Yvo at oo papakasalan kita," sagot naman ni Astrid at walang ano-ano ay agad siyang binuhat ni Yvo na para banag bagong kasal at hinalikan.

"Ako na ang pinakamaswerteng lalaki sa buong mundo dahil nakatagpo ako ng isang tulad mo and I hope you have a lot of stamina now."

Isang buong gabi nilang pinagsaluhan ang isa't-isa bago nila ipinarating ang magandang balita ng kanilang kasal.








Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top