CHAPTER 22 (Angelo Gonzales)

Napabuntong-hininga na lamang si Astrid habang tinititigan ang kanyang mga mensahe kay Yvo na halos wala man lamang ni isang sagot. Nakailang padala na ba siya ng mensahe? Kung sana ay hind niya na lamang itinanong ang mga iyon sa kanya siguro ay okay sila ngayon. 

Bukod sa kanyang kapatid at mga magulang ni Yvo ay wala ng nakakaalam pa ng kailang relasyon. Dahil kung malalaman man ito ng publiko ay siguradong malaking iskandalo ito lalo pa at kilala sa industriya ang mga Razon. 

Ang alam lamang ng publiko naging karelasyon ng binata ay walang iba kung hindi si Celestine Ferrer at hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nilulubayan ni Celestine. 

Kaya naging usap-usapan din ang paglalapit ni Celestine at Yvo sa publiko lalo na at minsan ay nakikita sila magkasama dahil nga isa ng modelo si Celestine at siya naging mukha ng bagong proyekto ni Yvo. 

Noong una ay nasaktan si Astrif dahil sa kanyang nalaman na magkasama ang dalawa sa trabaho ngunit inisip na lamang niya na natural lamang iyon dahil parte ito ng kanilang proyekto ngunit kalaunan habang tumatagal ay lagi na silang nasa balita at magkasama. 

Kinausap niya rin sin Yvo ukol doon ngunit sinagot lamang siya nito na wala siyang dapat na ikabahala at naniwala naman siya roon dahil mahal niya ang binata. 

Ngunit ngayon ay hindi niya na alam kung patuloy pa ba siyang maniniwala.

Nasa shop siya ngayon at katatapos niya lamang mag-pack ng mga na-order na mga pabango sa kanya nang biglang may pumasok na customer.

Pansin ni Astrid ang katikisan nitong pangangatawan at mala-adonis nitong mukha ngunit tila mukha itong pamliyar para sa kanya. Nakangiti itong nakatingin sa kanya at bahagyang kumaway.

"Astrid, I'm so happy na nagkita na tayong muli after all those years," ani niya at napakunot noo naman ang dalaga dahil hindi niya matandaan ang lalaking nasa kanyang harapan ngayon. 

Bahagya namang natawa ito. "Ang bilis mo namang makalimot. Ako ito, si Angelo!" Pagpapakilala niya at doon naman nagulat nang husto si Astrid.

Tama nga siya pamilyar nga ito sa kanya. Si Angelo, ang kanyang naging kaibigan sa isang klase noong kolehiyo ngunit hindi niya aakalain na ang isang nerd na tulad niya noon ay magiging mala-artista ang mukha at pormahan ngayon. Ni hindi na niya nga ito nakilala kung hindi pa ito nagpakilala.

"Angelo!" Tawag niya at agad niya itong niyapos ng yakap.

Hinding-hindi niya malilimutan ang mga tulong nito sa kanya noon noong nag-aaral pa lamang siya. 

Bahagya namang nagulat si Angelo sa kanyang ginawa ngunit niyakap niya rin ito pabalik at napangiti. Noong tumigil sa pag-aaral si Astrid ay hinanap niya ito ngunit nabigo siya.

"There . . . there you remember me."

Ilang taon ang lumipas at nakita niya rin ang dalaga at ngayon ay may ari na ito ng kilalang pabango sa industriya. Nakita niya kasi ito sa isang magasin kaya agad siyang pumunta ngunit bigong makita si Astrid kaya simula noon ay araw-araw na itong pumupunta sa shope nito at araw-araw ding bumibili siya ng pabango para lamang makita ang dalaga. 

Lubos ang kanyang kagalakan nang makita na niya ngayon si Astrid. Hindi pa rin ito nagbabago likas pa rin itong maganda at kaakit-akit noon pa man at magpahanggang ngayon. 

Angelo Gonzales, isa mga kilalang business man sa industriya. May-ari siya ng mga iilang mga buildings ng mga condominiums at may ari rin ng kilalang coffee shop na Espresso na may mga iilang franchise na sa buong Pilipinas. Noon pa man ay mahilig na ang binata sa negosyo dahil nakuha niya ito sa kanyang mga magulang. 

Wal rin siyang planong pumasok sa isang relasyon o mag-asawa dahil sa abala siyang hanapin ang babaeng noon pa man ay tinamaan na siya at iyon nga ay si Astrid. 

"Kumusta ka na? Halika maupo tayo rito." Pag-aakay niya kay Angelo saka kumuha ng pagkain at malamig na inumin para sa kanilang dalawa.

"Heto, maayos naman. Ikaw ang kumusta? Hindi ka man lang nagpaalam sa akin noon," malungkot niyang wika daholan upang hawakan ni Astrid ang mga kamay nito. 

"Maraming nangyari noon at punong-puno ako ng problema kaya hindi ko na rin naisip ang makapagpaalam. Pasensya ka na," wika niya atsaka umupo. 

Masaya silang nag-uusap nang biglang tumunog ang selpon ni Angelo nagpapahayag na may tumatawag dito.

"Answer it, it might be important," wika niya at nakangiti namang tumango si Angelo at sinagot niya naman ito mismo sa kanyang harapan na medyo ikinagulat niya. 

Sa tuwing may tumatawag kasi kay Yvo ay lagi itong lumalayo sa kanya bago sagutin ang tawag ngunit iba si Angelo. 

Gusto niyang samplain ang kanyang sarili dahil tila kinukumpara niya si Yvo kay Angelo na hindi naman dapat. 

"Astrid," tawag ni Angelo at agad namang bumalik sa kanyang huwisyo ang dalaga dahil sa kanyang mga iniisip. "Uhm, kailangan ko nang umalis dahil nalimutan kong may meeting nga pala ako ngayon. Nandito ka pa ba bukas? Can I have your number?" Sunod-sunod niyang tanong na ikinangiti naman ng dalaga. 

Tumango naman ang dalaga. "Yes, I'm here wala kasing tatao rito sa shop dahil naka-leave ang dalawang empleyado ko," ani niya at inilahad ang kanyang palad na ikinakunot naman ng noo ng binata. 

"Akin na ang selpon mo at ititipa ko ang numero ko," natatawang wika ni Astrid at natawa naman si Angelo sabay abot ng kanyang selpon.

Agad namang itinipa ni Astrid ang kanyang numero at tinawagan ito upang mailagay niya rin sa kanyang kontaks ang numero ni Angelo. 

Nang ibalik na niya ito sa binata at agad naman itong nagpaalam halatang nagmamadali.

"Babalik ako rito bukas and please make it sure na nandito ka bukas dahil marami pa tayong pag-uusapan and it's my treat, okay?" wika niya habang papalakad palabas ng shop at natatawang tumango naman ang dalaga sa kanya dahil iyon na iyon talaga ang ugali ni Angelo noon pa man. 

Aligaga ito kapag may importanteng ganap ngunit bagonniya man iwan ang isang bagay o tao ay gusto niyang maayos ang lahat at sigurado. 

"Oo na, sige na umalis ka na baka kailangan ka na roon," natatawang wika niya at kumaway naman ang binata bago ito pumasok sa kanyang sasakyan. 

Nang mag-isa na lamang siya ay medyo nakalimutan niya ang lumbay kay Yvo at siguro ay maganda iyon na pangitain para sa kanya dahil siguro kahit si Yvo ay ganoon din ang ginagawa. Mag-iisang buwan na rin kasi silang walang koneksyon sa isa't-isa. Sinusubukan niyang abutin ang binata ngunit wala siyang nakukuha. 

"Siguro ay kailangan ko ring libangin ang sarili ko."

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top