CHAPTER 20 (Unsure)
Gabi na ngunit hindi pa rin makatulog ng maayos si Astrid dahil sa mga kung ano-anong tumatakbo sa kanyang isipan patungkol kay Celestine. Nang bitawan niya ang mga katagang dapat na umano siyang umalis sa poder ni Yvo sa lalong madaling panahon ay para bang may ibang ibig sabihin iyon para sa kanya.
Hindi niya man halos alam ang lahat ng dahilan ng kanilang paghihiwalay ay para bang may parte sa kanya na dapat siyang magbigay distansya sa binata. Ilang beses na ring may nangyari sa kanilang dalawa at inaamin niyang umiibig na nga siya sa binata ngunit napansin niyang tila napakabilis ng lahat ng mga pangyayari.
Para niyang masasabunutan ang kanyang buhok dahil nililito at pinapahirapan niya lamang ang kanyang sarili. Hindi niya pa naman din naririnig sa binata na ang salitang 'mahal kita' kaya hindi rin siya sigurado kung ano na nga ba talaga silang dalawa.
"Ano ba itong mga naiisip ko?" bulong niya sa kanyang sarili at napahilamos ng kanyang mukha.
Para siyang punong-puno ng pagkamababang kumpyansa niya sa kanyang sarili.
Tama iyon nga ang nararamdaman niya ngayon. Nai-insecure siya sa kanyang sarili dahil mababa nga siyang tao na pwedeng apak-apakan ng mga nakatataas sa kanya.
Para siya mangiyak-ngiyak nang biglang bumukas ang pinto nang hindi niya namamalayan. Napasinghap siya sa gulat nang may pumulupot na mga bisig sa kanyang baywang at nagtanim ng maliliit at maiinit na mga halik sa likod ng kanyang leeg.
"Alam kong hindi ka makatulog ngayong gabi dahil sa mga nangyari. Sabihin mo sa akin kung ano ang bumabagabag sa 'yo. Kahit hindi mo sabihin ay ramdam kong may kakaiba sa iyo," wika niya at mahigpit ulit itong niyakap.
Tumulo naman ang luha ni Astrid habang nakatalikod siya kay Yvo. Hindi naman agad ito napansin ng binata ngunit ramdam niyang may mali kaya agad niyang sinulyapan si Astrid.
Tila nagulat naman siya sa kanyang nakita agad naman niya itong pinunasan gamit ang likod ng kanyang kamay.
"Tell me what's wrong please. It hurts me to see you like this," ani niya sa malamyos niyang boses saka hinawi ang buhok at inipid ito sa kanyang tainga.
Napasinghap naman si Astrid at nang magsimula na siyang magsalita ay agad naman siyang pumiyok. Naiinis naman siya sa kanyang sarili dahil iyon ang ugali niya na hinding-hindi niya gusto.
Humarap naman siya sa binata at agad naman na nagtama ang kanilang mga mata. "Nawawalan ako ng kumpyansa sa aking sarili dahil sa mga sinabi niya sa akin. Alam ko naman ang totoo at tanggap ko naman kung ano ako ngunit ang marinig iyon sa kanya at patungkol sa iyo para akong nanliliit." Pag-aamin niya habang titig na titig ito sa kanyang mga mata.
Bahagya namang hinaplos ng binata ang pisngi ng dalaga at marahang ngumiti. "Huwag mong isipin ang mga sinabi niya please forget it. Iba ka sa kanya. Ibang-iba ka Astrid, huwag mong hayaan na pumasok siya sa isipan mo. Nang malaman ko na bumalik siya rito pagkatapos ang ilang taon ang una kong naisip ay ikaw kaya agad akong kumaripas dahil alam ko kung ano ang takbo ng kanyang utak," mahabang lintanya niya na para bang gusto niya na lang na alisin agad iyon sa isipan ni Astrid.
Inis na inis siya sa kanyang sarili kung bakit nauna pang nalaman iyon ni Xenon kaysa sa kanya. Kung sabagay alam naman lahat ni Xenon kung ano-ano ang mga nangyayari sa kanyang paligid lalong-lalo na sa kanilang tatlo nina Warn at Zyer. Kumbaga lagi itong updated sa lahat dahil bukod sa pagiging hacker ay eksperto talaga ito sa iba pang mga bagay na tiyak na magugulat ka na lang.
Hindi alam ng dalaga kung maniniwala siya kay Yvo ngunit mahal niya ang binata kaya pipiliin niyang sumugal. Sugal naman talagang matatawag ang pag-ibig dahil itataya mo ang lahat-lahat sa iyo pati kaluluwa't katawan mo.
Naitaya naman niya ang kanyang katawan at wala na siyang kontrol kung pati kaluluwa ay isusugal na niya.
"Mahal kita, Yvo," ani niya at tila natigilan naman ang binata.
Ngumiti lamang ito ang ginantilan ng halik sa kanyang mga labi.
"Magpahinga na tayo at matulog," ani niya at tumango naman si Astrid na nakayakap kay Yvo bago nito ipinikit ang mga mata.
Walang nakuhang sagot si Astrid kahit na gustong-gusto niyang marinig ang mga katagang iyon na galing mismo sa kanyang bibig ngunit nabigo siya.
Wala rin namang silbi kung iiyak siya dahil magmumukha lang itong napilitan o naawa sakaling sabihin niya ang mga katagang iyon. Siguro ang maaari niya lamang gawin ay ang hintayin itong marinig sa kanya.
ALAS-SINGKO pa lamang ng umaga ay agad na nagising si Yvo. Hindi niya rin lubos alam kung nakatulog na siya ng maayos o hindi dahil na rin sa mga katagang binitawan ni Astrid sa kanya kagabi.
Bakit ba hindi niya na lang ito sinagot? Alam niyang malulungkot ang mga mata ng dalaga nang ipikit na nito ang kanyang mga mata.
Kahit siya ay hindi niya pa rin naman alam kung ano ba talaga ang nararamdaman niya sa dalaga. Oo at iba si Astrid sa ibang mga babaeng nakilala niya ngunit hindi pa siya gaanong kasigurado sa kanyang nararamdaman. Ang tiyak lamang ay ayaw niyang mawala ito sa piling niya.
"Ano bang ginagawa ko sa buhay ko. Lahat naman ng mga bagay-bagay sa buhay ay kaya kong iresolba. Why can't I even solve this?" bulong niya na punong-puno ng galit sa kanyang dibdib saka sinulyapan si Astrid na himbing na himbing sa pagtulog.
Parang bigla siyang kinonsensya sa kanyang hindi pagsagot sa dalaga kaya agad siyang nag-iwas ng tingin at dahan-dahang umalis na hindi nagigising ang dalaga.
Ano ba ang dapat niyang gawin ngayon? Kailangan niyang hanapin at kausapin si Celestine nang masinsinan dahil alam niya na sa mga susunod na araw ay babalik at babalik ito para kay Astrid.
Hindi niya alam ang gagawin sa babaeng iyon kapag nagkataon pang lumapit itong muli kay Astrid at saktan o pahiyain man ito.
Nang makalabas siya sa kwarto ng dalaga ay agad niyang kinuha ang susi ng kanyang sasakyan at hindi na nag-abalang magbihis dahil maaga pa naman ay wala namang makakakita sa kanya. Sa penthouse naman niya siya didiritso kaagad dahil parang hindi siya makahinga ng maayos kapagka nagtatama ang mga mata nila Astrid lalo na na ngayon.
"You're a shit, Yvo," bulong niya sa kanyang sarili saka humithit ng kanyang sigarilyo.
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top