CHAPTER 16 (Invitation)
Hinihintay ni Imelda, ina ni Yvo ang pag-uwi ng kanyang asawa. Nasa bakuran niya ito tinatanaw ang kanyang mag tinanim na mga orchids habang iniinom ang kanyang ginawang tsaa. Alam niyang pauwi na rin ito dahil may tracker siya ng kanyang asawa na hindi nito alam. Napasulyap siya sa kanyang selpon at hindi nga siya nagkakamali.
Pinasundan niya kasi ang kanyang asawa at hindi nga siya nagkamali dahil pinunntahan nito ang nasabing dalaga at alam niya rin kung ano ang kanilang pinag-usapan. Isa sa mga pinagkakatiwalaan niya ang drayber nito kaya naipasa agad sa kanya ang record ng kanilang pinag-usapan. Hindi siya makapaniwala sa kanyang mga narining nang i-play niya ang naipasang record sa kanya.
Hindi iyon ugali ng kanyanga sawa at alam niyang hindi niya naman ito kayang gawin ngunit nag-aalala siya sa batang iyong dahil bakas sa tono ng boses nito ang takot ngunit matapang pa rin ang pagsagot niya. Pinahanga siya ng dalaga dahil sa kanyang mga sagot.
Hindi sila kailanman naliit ng mga kapwa nila kaya laking gulat na lang niya at ganoon na lang ang mga salita ng kanyang asawa kay Astrid. Alam niya naman kung saan at kanino ang puno't-dulo nito at iyon ay si Celistine ang unang naging nobya ng kanilang anak.
Noon pa man ay tutol na ito sa kanilang pagsasama dahil unang kita niya pa lang kay Celistine ay hindi na niya ito gusto para sa anak ngunit sa huli ay wala na rin naman siyang nagawa nang inalok niya itong magpakasal. Ganoon na alng din ang pasasalamat niya nang hindi ito natuloy at nagising sa katotohanan si Yvo.
Narinig niya ang huni ng sasakyan ng kanyang asawa na ipinaparada ito. Hindi na siya nag-abala pang salubungin ito na lagi niyang ginagawa. Kapag ganoon ay alam agad ni Sebastian kung saan siya lulugar at mag-iisip agad kung anong ginawa niyang kamalian.
Hindi nga ito nagkamali at agad na pumunta ito sa bakuran at agad siyang hinanap.
"Darling, what's wrong?" tanong ni Sebastian sa kanyang asawa na hindi man lang nag-abalang tapunan siya nito ng tingin.
Humila siya ng bangko at umupo saka napabuntong-hininga. Mukhang may alam na siya sa mga nangyayari.
"Don't ask me what's wrong, Sebastian, because you already know. I didn't expect you to be this way. Sebastian, you are not like that," ani niya at napahilamos naman ang kanyang asawa gamit ang kanyang mga palad.
Hindi nga siya nagkamali pinasundan nga talaga siya ng kanyang asawa ngunit hindi niya ito nahalata kanina.
"Huwag mo ng isipin kung papaano ko nalaman dahil hindi na iyon mahalaga. Harapin mo nga ako Sebastian, bakit ka ba ganyan sa anak mo?" dagdag pa niya saka dahan-dahan namang humarap ang kanyang asawa na para bang pinagalitang bata na takot na takot sa ina.
Napabuga naman ito ng paghinga bago nagsalita. "Hindi mo naman siguro ako masisisi dahil na rin sa nangyari noon sa anak natin dahil kay Celistine. He became depressed after discovering that Celestine was only taking advantage of him.I don't want him to go through that again. As a consequence, I would protect him at all costs," wika nito at naiintindihan naman iyon ng kanyang asawa.
Maganda naman ang hangarin ng kanyang asawa ngunit tila hindi naman makatao para sa taong hindi mo pa masyadong kilala ang panliitan at akusahan ito agad. He had overstepped his bounds.
"Yvo was in his twenties at the time and had no idea what love was. Kumbaga iyon ang unang naging leksyon sa kanya ngunit tingnan mo naman kung ano na ngayon ang anak natin. He can do everything he wanted to do. He can handle things easily since he has matured into a fine young man as a result of how we have cared for him," ani niya at napatingin sa kanyang asawa na kasalukuyang nakatingin ito sa kanyang mga palad na para bang sinasalamin ang mga nagawang kamalian niya kanina.
Hindi naman masama ang kanyang asawa nagiging sobra lang ang pagprotekta niya sa kanilang anak. Balak pa nga niyang kasuhan si Celestine noon ngunit pinigilan agad ito ni Imelda dahil wala namang patutunguhan ang lahat at magsasayang na naman ulit sila ng oras. Hinayaan nilang makalayo-layo ang babae ngunit lahat naman ng nilimas nitong pera ay agad naman din nilang nakuha kaya wala na rin itong mukhang maihahara
"Yvo is now in his thirties, and I suppose it's time for him to let go; he can handle things on his own, Darling. Alam na niya kung ano ang mali sa tama at kung anong tama sa mali. Minsan ko ng nakita ang dalagang iyon at alam kong isa siyang mabuting bata. Alam ko ring naramdaman mo ito natakpan lamang ito kaagad ng nakaraan. Parehas nating mahal ang anak natin. Bakit hindi natin imbitahin ang batang iyon dito?" wika niya at daglian namang napatingin ang asawa niya sa kanya na para bang nahihiya.
"Kailan?" tanong nito at bahagyang natawa naman si Imelda.
Lumagok muna siya sa kanya tsaa bago nagsalita. "Bukas ng gabi. Yvo, will invite her for dinner," wika naman niya na siyang ikinagulat ng kanyang asawa ngunit agad naman itong binawian ng kanyang pagtango.
"Naging unfair nga ako sa anak natin. Alam ko ring galit na galit ngayon si Yvo sa akin and I don't know how to make this things right," wika niya saka naman tumawa si Imelda.
"Ano pa ba't naging asawa mo ako. I can even make mistakes right," ani nito na nakapagpagawa ng kuwestiyonableng ekspresyon ni Sebastian habang pinapanood ang kanyang asawa na tila tumitipa sa kanyang telepono at inilagay ito sa kanyang tainga.
Minsan ay takot si Sebastian sa kanyang asawa dahil nga sa mga ugali niyang ganito ngunit doon naman siya nabihag nito.
"Anak, where are you?" ani nito na ngayon ay kausap ang kanilang anak sa telepono. Tumango-tango naman si Imelda sa kanilang pinag-uusapan at hindi rin mapigilan ni Sebastian ang mapatayo mula sa kanyang kinauupuan at lumapit sa kanyang asawa upang makinig sa kanilang pinag-uusapan.
Hindi naman mapigilang hindi mapangiti ni Imelda dahil sa ginagawa ng kanyang asawa. "Okay, I was just thinking iho, if you could invite Astrid here in our house for dinner. Your father insisted me to do it. Nakausap ko na siya ngayon lang and in fact he is listening to our conversation right now. Mag-usap na lang tayo rito anak ha. I'll be preparing the food myself as well as your favorites, so please let me know what she prefers, okay? So I can get it ready."
Nang tuluyan na silang magpaalam ay agad namang tinitigan ni Imelda ang kanyang asawa. "Better ready yourself, darling."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top