CHAPTER 15 (Will You Still Love Me Tomorrow)
Sa halip na mamalengke si Astrid ay hindi niya na lang siya nagpatuloy sa loob. Puno ng katanungan ang kanyang isipan. Hindi niya malaman ang kanyang gagawin. Para siyang mangiyak-ngiyak sa gilid ng daan habang naglalakad.
Punong-puno ang kanyang isipan ng mga katanungan kung itutuloy niya pa ba ang lahat o aalis na lamang sa buhay ng mga Razon. Ngunit kung aalis naman siya ay hindi na mismo madudugtungan ang buhay ng kanyang kapatid.
Masyadong napakalaking halaga ng operasyon na iyon ngunit kung tatanggapin naman niya ay para na ring dinurakan ang buo niyang pagkatao. Walang-wala na siya sa buhay at tanging mayroon na lamang siya ay ang kanyang dignidad.
Nagbabadya namang tumulo ang kanyang mga luha ngunit pinipigalan niya ito sa pamamagitan ng pagkurap-kurap ng kanyang mga nata.
Malayo pa ang kanyang tatahakin ngunit wala siyang pakialam kailangan niyang magpahangin. Hindi niya gugustuhing umiyak na makikita ng kanyang kapatid.
"Huwag mo ng isipin ang sarili mo, Astrid. Isipin mo ang kapatid mo please lang," bulong niya at pilit na pinapatatag ang kanyang sarili.
Tumigil siya sa paglalakad at tiningnan ang lugar kung nasaan na siya. Tatawid na sana siya nang may pumaradang pamilyar na sasakyan sa kanyang harapan.
Dahan-dahang bumaba ang salaming bintana ng sasakyan at nakita niya si Yvo na parang bang nag-aalala sa kanya.
Bumukas ang pinto at para bang tuod ang dalaga mula sa kanyang kinatatayuan. Tinatanong ang kanyang sarili kung papasok ba siya o hindi ngunit para bang nangungusap ang mga mata ng binata sa kanya.
Sa huli ay pumasok siya at napabuntong-hininga na lamang. Nakatutok lamang ang atensyon ng dalaga sa daan at ramdam niya rin ang mangilan-ngilang sulyan ni Yvo sa kanya na para bang may nais na sabihin ngunit hindi niya masabi-sabi.
"Kinausap ka ba ng aking ama?" Basag niya sa katahimikan at tumango naman ang dalaga.
Wala siyang balak na itanggi o magsinungaling dito dahil wala na siyang lakas upang makipagtalastasan.
"Kung ano man ang tumatakbo ngayon sa isipan mo please stop it. I'll talk to him. Ako na ang bahala rito at huwag ka ng gumawa ng kahit na ano pa mang mga aksyon. I'll handle this," ani nito at sinulyapan ang dalaga ngunit nakatuon lamang ang mga tingin nito sa kalsada.
Walang imik ang dalaga at para bang malalim ang iniisip nito.
Napabuga ng hininga ang binata at dahil na rin sa bilis ng kanilang andar ay medyo malapit na sila sa kanilang paroroonan.
Malayo kasi ang bahay na tinutuluyan nila at sa ngayon ay para silang nasa kabukiran at walang kabahay-bahay maliban sa mga punong nakahilera sa kalsada.
Ipinarada ng binata ang sasakyan sa gilid ng kalsada. Hindi maitago sa kanyang presensya ang galit na para bang ilang segundo na lanang ay sasabog na siya. Hindi niya mabasa kung ano man ang tumatakbo sa isipan ng dalaga kaya nakakaramdam siya ng galit.
Naikuyom niya ang kanyang mga palad at napagdesisyonang lumabas. Kailangan niyang lumanghap ng sariwang hangin.
Hindi mapigilang hindi maglabas ng sama ng loob si Yvo kaya napamura siya nang napamura sa likod ng isang puno kung saan malapit silang nakaparada. Buong buhay niya ay ibinigay niya sa kanyang pamilya at kahit oras niya para sa kanyang sarili kasama ang kanyang mga kaibigan ay hindi na niya maibigay at ngayon ay papakialaman ng kanyang ama ang kanyang mga desisyon.
Naiiintindihan naman ng binata kung bakit naging ganoon na lamang ang kanyang ama dahil na rin kay Celestine, ang kanyang naging unang nobya. Bakit nga ba siya nagiging ganito? Bakit parang may bumabagabag sa kanyang kalooban na para bang ayaw niyang mawala ang dalaga sa piling niya?
Hindi niya maintindihan o baka ayaw niya lang aminin sa kanyang sarili na nahuhulog na siya sa dalaga. Nahuhulog na nga ba siya o sadyang ayaw niya lang maiwang mag-isa?
"Nagkita kami ng iyong ama kanina at kinausap niya ako," wika ni Astrid na siyang ikinagulat ng binata dahil hindi niya man lang ito napansing bumaba ng sasakyan.
Napalingon naman si Yvo sa kanya at malamlam na tinitigan. "Kung ano man ang sinabi niya-" Hindi na niya naipagpatuloy pa ang kanyang sasabihin nang magsalita ulit ang dalaga.
"Kakayanin at kinakaya ko ang lahat na kahit dignidad ko ay kaya kong itaya hanggang sa maubos ako. Kinakaya at kakayanin kong mabuhay dahil may rason ako kung bakit at dahil iyon sa kapatid ko. Siya na lamang ang mayroon ako sa mundong ito at ang pagsulpot mo sa buhay namin ay isa nga milagro upang madugtungan ang kanyang buhay ngunit kung ang kapalit naman noon ay ang mawala ang lahat sa iyo at mailagay sa pagka-miserable ang aming buhay ay mas pipiliin ko na lamang na magpakalayo-layo," mahabang lintanya ni Astrid at sa mga bawag salitang binibitawan niya ay para bang tinutusok ang kanyang puso at parang may nakabara sa kanyang lalamunan.
Nagbabadya namang kumawala ang kanyang mga luha kaya hinayaan na lamang ito ng dalaga. Natigilan naman ang binata sa kanyang nasaksihan at nais niyang hagkan ang dalaga at sabihing magiging ayos ang lahat ngunit hindi niya magawa-gawa dahil baka umatras lamang ang dalaga sa kanya.
Nais niyang punasan ang mga luha nito at halikan ang mga labi upang manahimik.
"Noon pa man ay may pagtingin na ako sa 'yo. Kolehiyo pa lamang tayo ay gusto na kita ngunit hindi mo naman mapapansin ng isang tulad ko. Sino ba nama ako noon? Kaya noong gabing iyon na may nangyari sa atin ibinigay ko ang buong sarili ko sa iyo, Yvo. Umalis ako dahil natatakot ako na baka itrato mo ako bilang isang bayarang babae," dagdag pa niya at humagulgol na siya sa iyak.
Akma sanang lalapit si Yvo sa dalaga ngunit umatras ito at umiling-iling. "Nalilito na ako sa ating dalawa. Hindi ko alam kung bakit ngunit sa tuwing may nangyayari sa ating dalawa para bang mahal natin ang isa't-isa na para bang mayroong tayo pero wala naman talaga. Ang lahat ay nasa isang kontrata lang. Siguro nga dapat na akong lumayo sa 'yo," ani nito atsaka tumalikod.
"Will you still love me tomorrow?" wika ni Yvo at dahan-dahan namang napalingon ang dalaga sa kanyang direksyon kasabay nito ang pag-ulan.
"Yvo," bulong ng dalaga kasabay ng hangin at ulan.
"Astrid"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top