Kinaumagahan nagising na lamang si Astrid na wala na si Yvo sa kanyang tabi at hindi na niya ito ikinagulat dahil tila naulit na naman ang kahapon para sa kanya. Hindi niya lubos maisip na nagpaubaya na naman siyang muli sa binata.
Napabuntong-hininga na lamang siya at inayos ang kanyang higaan. Nagpalit na rin siya ng kanyang damit. Muntik na rin niyang makalimutan ang kanyang kapatid kung kumain ba ito kinagabihan.
Sinilip niya kung anong oras na at magsasaktong alas-sais pa lang pala ng umaga. Dali-dali naman siyang lumabas dahil kailangan na niyang magluto ng knailang agahan dahil baka hindi pa nakakain ang kanyang kapatid mula kagabi.
Bago pa man siya makatungo sa kusina ay tila may naririnig siyang nag-uusap at sigurado siyang boses iyon ni Ericka. Nang makarating siya sa kusina ay tila nagulat siya sa kanyang nakita dahil naroroon si Yvo at tila nagluluto ng kung ano samantalang ang kanyang kapatid naman ay panay kwento habang sumusubo ng sinangag na kanin na nakahain sa kanyang harapan.
"You're awake," tugon ni Yvo na hindi man lang siya tinapunan ng tingin dahilan upang mapatingin sa kanya si Ericka.
"Ate, dali! Puro masasarap ang inihain ni Kuya Yvo para sa atin," wika niya na punong-pungo ng kagalakan sa tono ng kanyang boses.
Tiningnan naman ni Astrid ang kinakain ni Ericka. "Maalat ba 'yan?" tanong niya habang nakatingin sa kanyang sinusubo.
"Huwag kang mag-alala dahil walang asin ang inihain ko sa kanya. Iba ang sa kanya at iba rin ang para sa atin," wika naman ni Yvo dahilan upang mapatingin siya sa direksyon nito at lihim na napangiti.
"Akala ko ay umalis ka na," ani niya at bahagyang natawa naman si Yvo at umiling saka bumalik ang kanyang atensyon sa kanyang niluluto.
PAGKATAPOS nilang kumain ay nagpasya si Astrid na siya na ang maghuhugas ng kanilang pinagkainan. Nang matapos siya sa kanyang Gawain ay bumalik naman si Ericka sa kanyang kwarto upang mag-aral. Kahit papaano ay nag-aaral si Ericka ngunit sa online lamang. Lagi kasi siyang nahihimatay kaya napagdesisyunan ni Astrid na mag online class na lamang siya.
Magwawalis sana siya sa bakuran nang tawagin siya ni Yvo. Nasa labas din pala ito at matiwasay na nakaupo habang sumisipsip ng kanyang kape.
"Maupo ka," utos niya at humila nga ng bangko ang dalaga at sinunod ito.
May inilabas na kung ano ang binate mula sa kanyang bulsa at tila nagulat naman ang dalaga nang ilagay niya ito sa gitna ng maliit na marmol na lamesa. "Saan mo ito nakuha?"
Itinuro naman agad ng dalaga kung saan niya ito napulot. Wala naman talaga siyang balak na ilihim ito sa kanya at nawala na rin sa isipan niya ang tungkol sa singsing na dapat ay isasauli niya rito.
Tiningnan naman ni Yvo kung saang direksyon ang itinuturo ni Astrid. Alam niyang hindi nagsisinungaling ang dalaga.
Napasandig siya sa kanyang upuan at nakatingin sa malayo na para bang may inaalala.
Namayani ang katahimikan sa kanilang dalawa kaya imbes na magwalis si Astrid ay napagdesisyonan niyang mamahinga na lang muna at lasapin ang masarap na simoy ng hangin.
"This house was once our ideal home." Basag niya sa katahimikan dahilan upang mapatingin ang dalaga sa kanya.
Walang halos emosyon ang makikita sa mukha ng binata na para bang nagkukwento lamang siya ng parabulang istorya.
"Siya ang unang babaeng niligawan ko at siya rin ang unang babaeng naging kasintahan ko. Baka nga siguro dahil sa wala pa akong ka muwang-muwang kung ano nga ba talaga ang kahulugan ng pag-ibig ay wala pa kaming isang taon ay inaya ko na siyang magpakasal," dagdag pa niya at tahimik naman si Astrid na nakikinig sa kanya.
Batid ng dalaga na marami ng alam si Yvo sa kanya ngunit kahit siya ay walang ni katiting na alam sa pagkatao nito. Kaya kahit na tungkol ito sa kanyang naging nobya niya noon ay ayos lang dahil kahit doon man lang ay may malaman din siya kung anong klaseng tao ito.
"Siya rin ang unang babaeng nagparanas sa akin ng kabiguan but maybe everything happens for a reason. Dahil kung hindi iyon nangyari then maybe I am not who I am today and who I am with now," wika na saka tinapunan ng tingin ang dalaga at dali-dali namang nag-iwas ng tingin si Astrid ngunit bakas sa kanyang mga pisngi ang pamumula nito.
"I learn how to hate women na halos tulad niya. Ginamit niya lang pala ako noon upang makakuha ng limpak-limpak na pera. Noong una ay hinayaan ko lang dahil ng mahal ko siya well I guess love is indeed blind. Ngunit ipinakita ito sa akin ng aking ama kung anong uri siyang babae at pagkatapos nun ay naghiwalay kami," pagpapatuloy niya saka kinuha ang singsing at tiningnan ito.
"I thought she's the one," wika niya na walang bakas at halong emosyon sa kanyang boses.
"Tulad nga ng sabi mo kanina everything happens for a reason. Baka sinubok ka lamang ng panahon at binigyan ng leksyon o para mabuksan ang iyong mga pananaw. Lahat naman tayo dumadaan sa akala natin ganito at akala natin ganyan ngunit sa huli malalaman naman natin na lahat pala ay may rason. Bawat isa sa atin ay may kanya-kanyang pagsubok at hindi naman tayo binibigyan ng mga ganitong pagsubok kung hindi natin kakayanin," ani ni Astrid na inulit ang mga katagang binitawan kanina ng binata.
Napangiti naman si Yvo at tumango saka inilapag muli ang singsing sa mesa. "Titingnan natin mamaya ang value ng singsing na 'yan. Kung magkano man ang makukuha natin ay ibibigay agad natin sa bahay ampunan na malapit lang dito. Mag-ayos ka na at pupunta na tayo," wika niya saka tumayo agad sa kanyang kinauupuan at umalis.
Napangiti naman si Astrid at bahagyang namangha dahil kalimitan sa mga napapanood niya sa mga pelikula ay agad itong tinatapon ng mga mayayaman na para bang wala lang at iyon din ang akala niya kanina. Napaisip din ang dalaga na baka ang binata rin ang nagtapon nito noon ngunit tila umiba ang ihip ng panahon ngayon.
Iniisip pa lang ni Astrid na sobrang minahal niya pala ang unang babaeng naging kasintahan niya ay tila naiinggit siya. Gusto niya rin ng ganoong pagmamahal.
"Ano nga ba tayo, Yvo?"
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top