t w e n t y - n i n e
"tanghaling tapat nakasimangot ka dyan?" tanong ko kay seonho na laglag ang balikat ngayon
"nawawalan na ako ng pag-asa," sagot nito at nag-pout pa
"saan? sa nililigawan mo?" tanong naman ni jihoon
"parang ganon na nga, pero ibig sabihin ko, sa eleksyon ng SC" pakiramdam ko tuloy gusto niya talagang manalo hindi lang para dun sa nililigawan niya
"seonho, if you're going to be the president of SC, what project would you want to pursue?" out from nowhere naging pageant ang eksena dahil sa tanong ni guanlin
"ipagbabawal ko ang panget sa school! pati magsyo-syota, papatalsikin!" sabi niya, may makarinig lang talaga sakaniya lagot 'tong sisiw na 'to
"seryoso kami, yoo seonho," seryosong sabi ni jihoon na sinang-ayunan ni guanlin
"pag naging president ako ng SC, uunahin ko yung mga CCTV cameras. napansin ko kasing ilang lang ang gumagana dito sa campus. tapos, dagdag seguridad at inspection sa gamit ng mga estudyante. bawal ang mga sigarilyo at ano pang unnecessary things inside the campus unless needed ito as project o ano. gusto ko din sanang magpasa ng request for campus savings, kung san masesecure ang perang ihuhulog ng mga estudyante under their name for future use related to their educational needs."
nagmistulang presidential speech ang eksena dahil sa kasagutan no seonho. nqkailang kurap pa kaming tatlo bago ma-absorbed ng utak namin ang naging sagot niya.
wow, si seonho ba talaga ito?
"oh? bat ganyan reaksyon niyo?"
bago pa man namin masagot ang tanong niya ay naunahan ng kami ng isang hindi gaanong pamilyar na boses.
"that was a very good propaganda, yoo seonho. you have our full support," sabi ni Jonghyun, ang kasalukuyang president ng Student Council at tinapik ang balikat ni Seonho bago ito tuluyang naglakad papunta sa table nila ng mga kasama niya-- ang mga officials ng SC.
"hala, suportado nila ako!" sabi ni seonho na napatakip pa ang kamay sa bibig. nagpataas nalang kaming tatlo, sana talaga manalo siya.
**
last class na namin sa araw na ito, next week exam na! haaay. nagpaalam saglit si guanlin kanina na may kailangan daw niyang pumunta sa office saglit, pero wala parin siya hanggang ngayon, lagot siya sa terror teacher namin!
"eyes on the board!" hayan na nga at nagiging dragon nanaman siya!
nagpatuloy lang siya sa discussion at nagsulat pa ng pointers to review sa board, ito raw yung mga lessons na hindi na namin nadiscuss pa so kailangan naming basahin.
sa kalagitnaan ng tahimik na pagsusulat ay nabulabog kami ng pumasok si guanlin sa loob ng room kasama ang principal namin.
"good morning--" hindi pa man natatapos ang pagbati namin ay pinaupo na kami ng principal. mukhang hindi maganda ang aura ah..
"mr. lai lost one of his belongings inside this classroom, we are here for close inspection," anunsyo ng principal at napakunot naman ang noo ko
"open your bags!" utos ng terror teacher namin at ganun naman nga ang ginawa namin. tumayo rin kaming lahat at nilagay ang dalawang kamay sa likod ng ulo.
ano naman kayang nawala niya? tsk tsk, hindi kasi nag-iingat eh!
parehong chineck nila mam principal at terror teacher ang mga bag namin. hindi ko alam kung anong hinahanap nila pero pagdating nila sa pwesto ko, napatigil nalang sila.
"b-bakit po?" kinakabahang tanong ko
"confirmed, ms. lim has it, jia lim stole it, Mr. Lai," anunsyo ng principal at nagsimula na ang bulungan
"p-po? ano pong ninakaw ko? teka, guanlin, anong ibig sabihin nito?" lumapit samin si guanlin nang hindi man lang ngumingiti
"you'll face punishment for stealing one of my belongings, jia" sabi niya
"ano? ano bang sinasabi mo? anong ninakaw ko?"
"jia lim," may kinuha siya isang pirasong papel mula sa bulsa niya at pinakita ito sakin
HAPPY BIRTHDAY, JIA KO.
"you stole my heart.."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top