t h i r t y - n i n e


"Cheers!" sigaw ni seonho saka kami nag cheers-- ng juice.

"Akalain mo yun, nanalo ka?" sabi ni jihoon kay seonho

"Iba talaga pag gwapo," sagot ng sisiw sabay hawak pa sa jawline niya, tss.

"Since it's your day, we'll let that pass. Haha" ngayon ko nalang ulit nakitang tumawa si guanlin.. sa totoo lang, miss na miss ko na siya..

"Jia, baka naman matunaw si guanlin sa tingin mong 'yan?" agad akong napaiwas ng tingin nang sabihin yun ni seonho, napaka talaga!

"It's okay, I've been missing that look for a long time.."

There's a sadness in his voice and it breaks my heart hearing that from him..

"Ehem! Kain na tayo!" sigaw ni jihoon at tumayo na para pumasok sa loob at kumuha ng pagkain, sumunod naman si guanlin.

"Tara na seon--"

"Jia, usap tayo."

Bilang mo lang ang pagkakataong seryoso si seonho, palagi kasi siyang maingay at magulo pero ngayon, seryoso siyang nakipag-usap sakin sa terrace nila.

"Masaya akong nanalo ako sa SC, pero gaya ng sinabi ko dati, it'll be better if you guys get back together. I mean, magbati."

"Hindi naman kami magka-away ni guanlin,"

"Yun na nga eh, hindi naman kayo magka-away pero hindi kayo nagpapansinan. Jia, jihoon told me."

"Ano? Sabi ko sakaniya--"

"Pinilit ko siyang sabihin sakin, ang bad niyo kasi kayo lang ang nakakaalam! Chika squad porebs nga diba!" bahagya naman akong napatawa sa sinabi niya.

Saglit na nabalot ng katahimikan ang pagitan naming dalawa. Binasag niya ang katahimikang ito,

"Hindi ko alam kung talaga bang hindi mo napapansin o ano. Pero alam ko kung bakit gusto ng magulang ni Niel na ipakasal ka sa anak nila,"

"Sa tingin mo?"

"They want your parent's share in the company. Makukuha lang nila yun kung may connection sila sa pamilya niyo, and the only way is to marry the daughter of the owner."

"Share.."

"Jia, alam kong kaya mo tinalikuran ang buhay mo bilang jianne dahil masyadong masakit para sayo ang nangyari sa magulang mo. Pinalaki ng maayos ng kapatid ng Mama ko at masaya akong nakilala kita,"

"Drama mo,"

"Seryoso kasi"

"Oh.."

"If you turned your back from your old self, maybe you can turn your back again, and leave everything behind except the love you have for your family.."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Hindi ko hahayaang matapos ang storyang ito na hindi kayo masaya ni guanlin. Bilang isang gwapo, listen to my advice."

"At anong advice naman yan?"

"Forget the wedding. Sign the share transfer contract to Kang family. Live a happy life with us, especially with guanlin. Minsan lang ako magseryoso, at seryoso ako sa sinasabi ko ngayon."

"At nga pala, before I forgot, malapit nang umalis si guanlin. Ganon narin kami ni Jihoon hyung."

"Teka, ano?!"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top