t h i r t y


"1, 2, 3 cheese!" ilang shots pa ang nakuha ng camera bago kami lumabas ng photo booth.

matapos ang last class slash nakakapaihing surprise gift ni gilagid- este guanlin, pinagpaalam niya ako Kay mama na aalis kami saglit para mamasyal. or should I say, mag "date"?

"bagay 'to sayo, try mo, dali!" sabi ko sabay suot sakaniya ng hairband na may tenga ni hello kitty. ginagawa ko na siyang bakla pero ang gwapo niya parin! at imbis na tanggalin niya ito ay inayos niya pa ang pagkakalagay ng hairband at kumurap-kurap pa sa harapan ko na parang nagpapa-cute.

"wag ka ngang mag pa-cute, para kang ano"

"what?" hala! nagpose pa siya na parang flower pot! pigilan niyo ako!

"let's buy this,"

"eh? seryoso ka?!"

"yep," binayaran niya na sa counter yung hairband at hala si koya, suot niya yun habang naglalakad kami!

ang daming tuloy tumitingin samin hindi dahil nawi-weirduhan sila sa kasama ko o nababading kundi dahil naguguwapuhan sila at palihim silang kumukuha ng litrato!

"tsk, dumadami tuloy kaagaw ko," sabi ko at napatigil naman siya sa paglalakad at ganoon narin ako.

tinanggal niya ang hairband at isinuot ito sakin sabay ngiti at pisil sa ilong ko.

"aigoo, we're not yet in a relationship but you're already being so jealous. what more if you're already my girlfriend?"

hala, nag-iinit ang mukha ko!

"ewan ko sayo, puro ka kalokohan," sabi ko at pinaypayan ang sarili gamit ang kamay ko.

"hehe, let's go" pagkasabi niya nun ay hinawakan niya ang kamay ko (fingers locked) at naglakad na kami.

biruin mo? kada may magpapa-picture sakaniya, sabihin ba namang,

"wait, let me ask my soon-to-be-girlfriend first,"

Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top