HATE • TWENTY-TWO
Ellaine
BUTI nakatakas ako sa hospital.
Ayos na naman ang kalagayan ko at sabi ng doctor ko puwede na raw akong lumabas ng pang third day. Gusto ko talagang tumulong sa mga kaibigan ko, saka ano pa bang sense ng pagsali ko kung hindi naman ako makaka-attend?
Buti na lang at pinayagan na ako ng doctor ko, pero huwag lang ako raw ako magpapagod. Okay na naman ako, kaya nga lang hindi pa alam ni Kuya na tumakas ako sa hospital at mapapatay talaga ako noon kapag nakita ako.
Saka kasabwat ko naman sina Alexia. Si Jamie naman ang nagdala ng uniform at bag ko with a help of Kian at si Sharmaine naman ang nagtitingin kung may tao noong natakas kami.
Napagkasunduan ng lahat na ako raw ang cashier at sila na lang ang magbebenta, kaya okay sa akin iyon. Pagdating ko nga rito sa school, pinaupo ako kaagad ako sa aming tent. Nakasuot kami ngayon ng pang maid dress, pakana naman iyon ni Alexia.
Si Sharmaine ang nagdala ng mga gamot ko, samantalang si Jamie naman ang nagdala ng bag ko. Kinukuha ko 'yon sa kaniya pero 'di niya binibigay. Samantalang si Alexia naman, naka-ready na siya para sa bentahan mamaya, with mtching mataas na heels pa.
Nakakahiya nga ako kasi wala akong ginagawa.
"Guys, after nito, anong gagawin natin?" tanong ni Jamie.
"Magpasalon na lang tayo, these coming Sunday," sabi ni Alexia.
"Oo nga, para naman ma-relax tayo! Nakaka-stress kasi, lalo na si Ellaine," sabi ni Jamie kaya napatingin ako rito.
"Bakit ako nadamay?" tanong ko rito.
"Oh eh totoo namang nakaka-stress ka ah!" sabi ni Jamie saka matalim na tumingin sa akin. "We are really worried about you that's why we are really stressed! Imagine, hindi kami makapunta sa 'yo sa hospital dahil class hours namin, hays! Magkakasakit ka na nga lang, sa araw pa nang may pasok kami!"
"Yes, we are really worried about you," sabi ni Alexia.
"Besides, don't mind Jamie, nag-aalala lang iyan talaga! Saka nakakapanibago nga kasi walang maingay, parang kulang kami kapag wala ka," sabi naman ni Sharm. "Kaya huwag ka ng magkakasakit ah? Take care yourself always!"
Feeling ko parang maiiyak ako dahil sa mga sinabi nila. "Payakap nga!" pagkasabi ko niyon, niyakap nila akong tatlo. Pagkatapos noon, nagsibalikan na sila sa kani-kanilang ginagawa.
Habang ako naman ay nakaupo, napatingin ako sa kabilang tent.
Nakita ko si Zander na nagluluto. Hindi ko alam na marunong pala siyang magluto.
"Hoy! Bakit ka narito huh?"
Patay! Iniiwasan ko ngang hindi makita nitong bakulaw na ito, nakita pa ako. Sa bagay nasa Zage ako, malamang na magkikita talaga kami rito.
"Base riyan sa tinginan mong iyan, tinatawag mo na akong bakulaw!" sabi ni Kuya with matching iling pa. "Oo nga pala, dapat nasa hospital ka! Hindi ka puwede rito ah? At sino ang may permiso na pumunta ka rito?"
"Sabi kaya ni Doc puwede na, huwag lang daw magpagod! Bleeh!"
"Dahil diyan sa katigasan ng tuktok mo kaya ka napapahamak. Dakila ka talaga sa katigasan ng ulo ano?" pangsesermon ni Kuya.
"Protective ka lang Kuya!" sabi ko rito.
"Well, that's me! The one and only standing handsome in this universe."
"Homo erectus baka mo," sabat ni Vhan. Isa pa 'to. "At saka sinong nagsabing ikaw ang pinakang gwapo? Sa ating apat, ako lang naman ang pinakagwapo."
"Mas mukha ka ngang australopithecus eh! Sa liit ba naman niyon na katulad mo! Wala sa standard ng pagiging gwapo ang kamukha ni Lucy."
"At paano naman napunta sa height ang pagwapuhan ha?"
"Isa rin 'yon sa mga standards ng pagiging gwapo. Tsk tsk, magpaturo ka sa akin at tiyak na . . ." Biglang nag gwapo sign. "Mas lalo kang ga-gwapo."
"Kamukha naman ng homo erectus!" bulyaw pa ng Vhan.
"Kapal mo! Mas kamukha mo si Lucy!" kontra naman ni Kuya.
"Aba! Bakit nandirito ang mga endangered species? 'Di ba, nasa national museum 'tong mga 'to?" sabat naman ni Ethan.
Goodness, halos matumba na ako sa kakatawa dahil nag aaway ang tatlong mga unggoy. "Mga unggoy!"
"Anong unggoy Ellaine?" inis na tugon ni Kuya. "'Kala mo kahit nakatalikod ako, hindi ko maririnig ang sinasabi mo!"
"How could Charles Darwin's theory of human evolution belong to your argument?"
Napatingin ako sa kabilang tent, hindi man siya nakatingin sa tatlong ito at naging mahina man ang pagkakasabi niya, napatigil ang tatlong 'to sa pagtatalo.
Para kasi silang mga batang tatlo eh.
"Go back to work."
"Yes Sir!" sunod ng tatlo.
Sa four words na iyon napasunod niya ang tatlo, iba ka Master. Puno talaga siya ng otoridad.
W-Wait, Master?
Sa bagay magandang ipangtawag sa kaniya iyon, kasi under pa ako ng kasunduan namin. After noon, hindi ko na siya tatawaging Master.
Pagkatapos kong tumitig sa tent nina Kuya, tumingin naman ako kina Alexia na busy-ing busy sa pag-aayos ng aming place. Sa totoo lang, gustuhin ko man na tumulong sa kanila ay hindi ko magawa dahil kahit anong kilos ko rito, sinasamaan ako ng tingin ni Jamie. Sino ba naman ang hindi matatakot sa babaeng ito? Huh?
"Don't you worry Ate Ell." Napatingin ako kay Alexia. "Ayaw ka namin na ma-binat. Alam kong gusto mong tumulong, pero mas ayos na magagaan na gawain ang sa 'yo, huwag mo kaming alalahanin."
"Tama si Alexia! Dapat nga nasa bahay ka ngayon, pero pinilit kami ni Jamie na isama ka dahil nga gusto mong makatulong!" dagdag pa ni Sharmaine. "Besides, we need your charm!" Bruha talaga itong si Sharm.
"Kaya magpasalamat ka sa akin, dahil kundi dahil sa akin wala ka rito ngayon," sabat ni Jamie.
"Oo na! Thank you Jamie." Sabay hawak ko sa kamay ni Jamie at gayon din kina Sharmaine at Alexia. "Sa inyo rin guys! Salamat kasi hindi ni'yo maiwasan na mag-alala sa akin at sobra akong nagpapasalamat kasi nakilala ko kayong tatlo."
"Para saan pa ba ang pagkakaibigan 'di ba? Kaya nga tayu-tayo lang ang magdadamayan!" sabi ni Alexia
Pagkatapos naming mag-drama bumalik na sila sa kani-kanilang ginagawa. Ako naman, wala akong magawa kundi ang maglaro ng otome game sa phone.
Nakakakilig kasi lalo na itong si Zeyan.
RECESS na at ito na ang pinakang inaantay namin. Nagsara na rin ang cafeteria para sa amin. Kung hindi man ang cafeteria ang dadagsain, 'yung Handsome Four ang pupuntahan nila.
Sana nga magamit ko ang charm ko para rito, kung mayroon man na charm.
Napatingin ako sa kabilang tent. Napalaki ang mata ko dahil sobrang dami na ng tao. Paano ba naman, inilantad nina Kuya at Vhan ang kanilang abs. Isa pa, para tuloy silang macho dancer kung magiistyle. Kaya maraming babae na nagtitilian at bumibili sa kanila.
Kailangan na namin kumilos dahil sa lahat ng ayaw ko iyon ay ang matalo.
Tumayo ako at pumuntang harap. Pagkapunta ko sa unahan, nakakita ako ng tatlong lalaki na dadaan sa aming tent. "Welcome to Girl Powers' Haven, Master!" Inalalayan ko ang tatlong guest patungo sa aming tent. "Buy anything you want, and I will serve you, Master." Sabay nagpaka-cute ako.
"You're so cute!" puna sa akin ng customer saka sila bumili. "Can I buy you?"
"Of course, not Master, but I will give you free hug if you want," sabi ko sabay kumindat.
"Pu-Puwede?"
"But first, you need to buy muna, Master," sabi ko. Kaya naman bumili sila at pagkatapos niyon, niyakap ko sila.
Si Alexia naman ay ganoon din ang ginawa dahil sinabi ko sa kaniya na mas effective kapag siya rin ang mapapa-cute sa aming customers. Siya kasi ang magaling dito kaya mas effective iyon. Si Jamie at Sharmaine naman ang nagbebenta kasi mas gusto raw nila iyon. Siyempre may sarili rin silang strategy na siyang ika-kikilig ng aming customers.
Simula noon, dumami na ang customer.
"Hoy Ellaine, bawal magpa-cute! At bawal magpa-binat!" inis na bulyaw ni Kuya na nasa kabilang tent lang. Pero imbes na patulan ko ito, ni-bhelat-an ko na lang siya kaya lalong siyang naasar.
Hindi naman ako masiyadong gumagalaw dahil nga baka ma-binat ako.
Bigla kaming napatigil nang may tumugtog sa kabilang tent. Nasa unahan na si Zander na may hawak na microphone.
Huwag mong sabihin na kakanta siya?
"I ain't saying nothing on purpose
I quietly stay by your sideAnd silently admiringWatching your secret stubbornnessI realize we're both the same."
Pagkabigkas niya ng mga iyon, bigla itong tumingin sa aking matalim kaya umiwas ako ng tingin. Hindi ko alam kung kikilig ba ako o maiinis dahil dumarami na ang taong nagpupuntahan sa kanila.
"Going with you way back home,
And the wind blows against your cheek,
I saw your smile that embraces me." Hindi ko maiwasan na tumingin muli rito. "I want to grow old together with you, that's why I won't let you go."
Pagkatapos niyang kumanta, ibinigay niya ang microphone kay Kuya saka bumalik sa pagluluto. Bago pa man siya magluto, tumingin ito sa direksyon ko saka bahagyang ngumisi.
Nakakaasar.
Tumingin ako kay Alexia na nakatingin din sa akin. Pagkatapos niyon, pumunta kaming kina Sharm.
"Anong gagawin natin? Tingnan n'yo ang kalaban natin may alas, tayo naman wala!" problemadong tugon ni Jamie.
Napaisip naman ako ng paraan sabay may biglang sumagi sa isipan ko. "Ganito . . ." Nagkumpulan kaming apat at nag-plano.
Ako ang nakaisip ng ideya at tiyak na gagana 'to, humanda kayo boys.
"Ayaw ko ng ganiyan! Baliw ka na ba Ellaine?" kontra ni Jamie.
"Tama si Jamie, nakakahiya!" sabi ni Alexia.
"I think it is the best way para makakuha ng mga bibili sa atin," sabi naman ni Sharmaine.
Napa-isip naman si Alexia. "Sige na nga! Manalo na ang iba huwag lang 'yang mga iyan. Let's go for it Jamie, we have only thirty minutes para manalo."
"Nako! Ikaw talaga Ellaine! Pahamak ka talaga! Kapag 'to hindi gumana, hahalikan mo si Zander!"
Inis na pinukulan ko si Jamie at sina Sharm at Alexia naman ay tumawa. "Oo nga Ate Ell! Kapag hindi ito gumana, hahalikan mo si Kuya Z. Bawal sumira ng usapan ah?" Kumindat muna si Alexia saka sila umalis.
Bigla akong kinabahan sa sinabi nila.
"Mukha yatang napagkaisahan ka ng dalawa," sabi ni Sharmaine saka tumawa. Ako naman ay napanguso dahil pati siya mukhang aprubado sa kasunduan. "Besides, good idea 'yon, Ellaine! Malaki ang chance natin na manalo!"
"Sana nga, kasi kung hindi naging successful iyon, alam mo na ang magiging consequence," kinakabahan kong sagot.
ALL are settled.
Speaker, check.
'Yung dalawa, check na check.
Samantalang ako, kabado na dahil kapag pumalpak ito, mayayari ako. Pero kahit na ganito, the show must go on in three, two, and one.
Nakasuot sila ng medyo revealing maid dress at saka naka-mataas na sapatos. Kitang kita kung gaano sila kaganda at halos lahat ng kalalakihan ay nabighani sa kanila. Kung sa charm ba naman ang labanan, tatapatan talaga namin 'yan! Laban kung laban.
Gaya ng sinabi ko, they will attract the customers by dancing cute korean pop songs. Sa totoo lang, magaling ang dalawang iyan sa pagsasayaw kaya sila ang napagkasunduan namin ni Sharm.
Napatingin ako sa mga boys na kalaban namin at hayun sina Kuya at Vhan, tulala at halos mapasukan na ng langaw ang kanilang bibig samantalang 'yung dalawa may sariling mundo.
Bleeh! Buti nga sa inyo.
Dahil sa aming paandar dinagsa kami ng customers, lalo na ang korean pop fans.
Maya-maya, walang anu-ano'y bigla na lang ako kinilig nang ipatugtog ang kanta ng mga idol ko.
"Ikain mo na lang iyan Ellaine," bulong ni Sharm sa akin kaya naman napatawa ako.
Kaya naman dumampot ako ng fries at pagkaubos ng kinakain ko, kumuha ulit ako. Sa totoo niyan, kinakabahan na talaga ako.
FINALLY, tapos na ang aming pagbebenta. Malaki ang aming kinita kaya sana manalo kami dahil kung hindi, kabahan na talaga ako at gagawin ko talaga 'yung naging deal ng dalawa.
"Tara na sa gym. Mag-aannounce na ng mga nanalo." Kaya naman sumunod kami kay Jamie. Kalmado lamang ito samantalang ako ay namamawis na kamay sa kaba.
Noong pagdating namin, umupo na kami sa mga monoblock chair. Pagkaupo namin, nagsimula na ang announcement.
"A pleasant afternoon everyone." Napatingin ako sa may unahan. "I'm Mrs. Ziamara Kang, a student council adviser, who is responsible with this event." Nagpalakpakan kaming lahat sabay ang iba naman ay humiyaw pa. "Excited na ba kayo malaman ang mga nanalo?" tanong ni Mam Ziamara sa amin.
Ang ganda niya talaga, sobra!
"YES!"
"Oh, really?" Sabay tingin nya sa hawak niyang card. "Oh my gosh! Amazing!" sabi niya pa at lalong lumaki ang ngiti ni Mam Ziamara. "For the third place, Team . . . bago ko sabihin ang mga nanalo, congratulations sa mga group na nag-participate sa event na ito. You guys did a great job!"
Bigla akong kinabahan dahil dito na magkakaalaman kung mananalo ba kami o hindi.
"Again, for the third place goes to Team Sawi." Nagpalakpakan kaming lahat. Team Sawi? Mga brokenhearted pa ata ang mananalo rito. "For the second place goes to Team Rare." Pumunta naman ang grupo ng Rare sa unahan at kinuha ang plaque nila.
"Humanda ka talaga sa amin Ellaine kapag hindi talaga tayo nanalo," sabi ni Jamie at ngumisi. Kaya naman lalong dumoble ang kaba sa aking dibdib.
"For the first place . . ." Tiningnan ni Mam ang card at ngumiti. Kahit first place lang ayos na. "Handsome four."
Nabalot ng ingay ang buong gym. Maraming nainis dahil hindi sila ang nag-champion. Akala ko nga sila ang mananalo. Panigurado, ibang grupo na ang mananalo.
Pakiramdam ko, matatalo kami.
"Ayan kasi Ellaine! Akala ko ba effective 'yung ginawa natin na paandar!" bulyaw ni Jamie sa akin, sabay ngumisi. "Ibig sabihin lang niyon, gagawin mo ang deal namin."
"Jamie may champion pa," sabi ni Sharmaine with full of confidence. Sana nga Sharm, manalo tayo.
"Paano kung iba ang manalo at hindi tayo?" tanong ni Jamie. "Ang akala mo ba Ellaine, hindi ko kita ang paglantak mo ng fries kanina? Nako, ikaw talaga takaw-takaw na naman! Kaya ka nagkakasakit diyan eh!"
"E-Eh, napasarap akong kumain eh!" pagdadahilan ko sa kaniya. Sa totoo nito, kinakabahan ako kanina kaya kumain na lang ako.
"And the overall winner, congratulations . . . Girl Power!"
Totoo ba 'to? Ibig sabihin ba nito, ligtas doon sa hahalikan ko si Zander?
Pinaghahampas ko si Jamie dahil sa tuwa. "Yes! Hindi ko na hahalikan si Zander!"
Napatigil ako ng saglit noong na-realize kong maraming tao ang nakarinig sa aking sinabi. Napatakip tuloy ako ng mukha dahil sa hiya.
"Oh? Anong tinitingin-tingin n'yo riyan? Deal naman iyon kay Ellaine, kaya huwag kayong issue riyan!" bulyaw ni Jamie. "Tara na guys sa stage!"
Habang naglalakad kami papuntang stage, nakatakip pa rin ang aking mukha dahil sa hiya. Si Sharm naman, hawak-hawak ang kamay ko para hindi ako madapa, muntikan na kasi akong mapatid dahil hindi ako nakatingin sa daan.
"Bakit sila ang nanalo?"
"Bakit ganoon ang naging resulta? Hindi puwede!"
Hinayaan na lamang namin sila. Syempre mas gusto nilang manalo ang kanilang H4 kaya gano'n ang reaction nila.
"Thank you sa ibang participants na sumali and congratulations!" sabi ni Mam Ziamara.
Nagkaroon ng picture taking saka naman nagsialisan na ang mga tao.
"Kasalanan mo 'to Vhan eh!?" rinig kong paninisi ni Kuya kay Vhan. "Huwag kang tumanggi! Kitang kita kong nilalantakan ang mga pagkain, ikaw ha!"
"Sorry na! Hindi ko mapigilan kumain eh! Sobra kasing sarap nang niluto nina Zander," sabi ni Vhan sbay nag-peace sign pa siya.
Maya-maya napansin kong lumapit sa amin sina Kuya. Ngumisi si Kuya sa akin. "Hahalikan pala si Zander kapag natalo huh," sabi nito kaya namula ang mukha ko.
"Aba! Sina Jamie ang may pakana ng deal na 'yon! Ka-Kahit naman hindi kami nanalo, hindi ko naman iyon gagawin!
"Why?" A familiar cold presence comes towards me and goes near to my ears. "Even though your group won, you are allowed to kiss me."
"H-Huh? Hibang ka ba Zander!" bigla kong tanong saka napahawak ako sa aking bibig. Pagkatapos niyon, nakarinig ako ng shutter ng camera.
Kinuhanan kami ni Jamie!
"Burahin mo iyan bruha!" bulyaw ko rito at pakiramdam ko ay sobrang pula na ng mukha ko.
"Ayaw ko nga!" sabi nito saka niya itinago ang kaniyang phone sa kaniyang bulsa.
"Congratulations." Pakikipagkamay sa akin ni Zander, kaya naman nakipagkamay rin ako rito para hindi ako magmukhang rude sa kaniya.
"Sa inyo rin, congratulations!"
Pagkasabi ko niyon, dumating si MJ kaya naman tumingin ako rito. "Sorry Ellaine, sa eskandalong nangyari sa bahay n'yo."
Ngumiti na lamang ako rito. "Okay lang 'yon, tapos na iyon."
"By the way, congrats!"
"Thank you MJ," sabi ko rito.
Haharap na sana ako kay Zander nang bigla niya akong hinigit pabalik. "S-Saka . . ." Sabay kumamot muna siya sa batok at tumingin sa akin. "Saka, aayain sana kitang manood ng practice namin sa Monday kung pwede."
"Let's see," I mumbled. "Kung free ako, ayos lang."
"Ellaine is not coming. She's already decided to watch our practice so better look for another one," singit ni Zander dahilan para samaan ko ito ng tingin.
"Pshh." Napatingin naman ako kay MJ. Kanina ay masaya ito ngunit ngayon naman ay makikita mo kung gaano ito naiinis.
Para bang may kung anong kidlat na namamagitan sa dalawang 'to.
Ano bang mga problema ng mga 'to?
Habang nagtititigan sila, bigla kong naalala 'yung naging deal namin ni Zander. Naalala kong one week lamang pala iyon kaya naman napangisi ako ng malawak.
"I know what you think, dummy," kaagad na bulong nito sa akin. "The deal is not yet over, so all I want is for you to still follow."
Bạn đang đọc truyện trên: AzTruyen.Top